Part 8

62 27 7
                                    

NAPANGITI si Rhian habang pinagmamasdan niya si Lucas na mahimbing na mahimbing ang tulog.

Nasa kuwarto niya ang binata at sa sahig ito nakahiga dahil nagpumilit itong samahan siya sa pagtulog para mabantayan siya at siguraduhing ligtas siya habang natutulog.

Ilang oras lang yata ang lumipas ng makauwi sila ni Lucas galing ng hospital dahil kahit anong kontra niya ay ipinagpilitan pa rin ni Lucas na pumunta sila ng hospital para ipa-check ang sarili niya kung may natamo ba siyang injury o fracture sa katawan.

Pero pinauwi agad sila ng doktor dahil okay naman ang findings ng doktor sa kanya maliban na lang sa iilang sugat at galos sa katawan dulot ng mahigpit na paghawak ng rapist sa kanya nang nagdaang gabi na nalapatan naman agad ng first aid.

Tumawag agad ng pulis si Lucas para dakpin ang walang malay na lalaking nagtangkang mangahasa sa kanya at malamang ay nakakulong na ito kaya panatag na si Rhian na ligtas na siya.

Pero kahit anong kumbinsi niya sa binata na ayos lang siya at hindi naman siya nitong kailangang samahan ay nagpumilit pa rin ito. Gusto daw nitong makasiguro na ligtas siya at makakatulog siya ng maayos kaya sinamahan siya nito sa kuwarto niya.

And she was touched. Kahit naman pala ang isang bully at mapang-asar na kagaya ni Lucas ay marunong naman pala mag-alala at napakamaalalahanin pala nito. She was surprised to know the other side of Lucas. Pakiramdam niya nga ay nalusaw na parang bula ang pagkaasar at inis niya sa binata.

Iniligtas siya ni Lucas at she can't thank him enough. Pagkatapos niya itong itaboy-taboy at pakitaan ng masama ay iniligtas pa rin siya ng binata. She owe him bigtime. And with that, Rhian decided to be friends with Lucas. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maging magkaibigan sila.

Biglang napa-pokus ang tingin ni Rhian sa mukha ni Lucas na naka-expose dahil nakatihaya ito habang natutulog. Kahit tulog ito ay hindi pa rin nabawasan ang taglay nitong kaguwapuhan. Lucas face was close to perfection. From his wavy hair na sobrang silky and shiny at mukhang mabango na parang kay sarap amuy-amuyin. Mas maganda pa nga ang buhok ng binata kaysa sa buhok niyang dry niya at maraming split ends. ‘Buti nalang at pinaiklilian niya iyon kaya kahit papaano ay umayos na at hindi na dry. 

Malalago ang mga kilay ni Lucas na bumagay sa mahaba nitong mga pilik-mata. At ang ilong nitong napakatangos at hindi niya napigilan ang sariling pindutin iyon.

Dumako ang paningin niya sa mga labi nitong bahagya pang nakaawang dahil ang sarap ng tulog nito.

Mapupula ang mga labi ng binata at tila ba napaka-lambot niyon. Bigla siyang napa-isip kung ilang babae na kaya ang nabaliw sa mga labing iyon ng halikan ng mga ito ang mga labi ni Lucas.

Tila nahihipnotismo naman na iniangat ni Rhian ang daliri para damhin ang mga labi ni Lucas. Idamdampi niya lang naman saglit ang daliri niya sa mga labi nito.

Curious lang kasi siya kung anong feeling. Para kasing ang lambot-lambot ng mga labi nitong kay sarap hawakan.
Pero nabitin ang daliri niya sa ere nang makita niyang iminumulat na ng binata ang mga mata nito.

Bigla siyang napahiga ulit sa kama at pumikit na mariin para magtulug-tulugan habang pinapakiramdaman niya si Lucas na bumangon na at tumayo. Narinig niyang bumukas-sarado ang pinto at nakahinga siya ng maluwag ng malamang lumabas na si Lucas ng kuwarto niya. Muntikan na siyang mahuli nito sa ‘kapalastanganang’ ginagawa.

Napangiti naman siya ng pilya. Siguro naman may ibang oras pa para damhin niya ang mga labi nito. Dahil naku-curious talaga siya kung anong pakiramdam ng madampian ang mga labi nito kahit sa mga daliri niya lang.

He-he!



<<<<<<<>>>>>>>>>>



“GOOD MORNING!”

Nakangiting bati ni Rhian nang makita niya si Lucas paglabas niya ng kuwarto niya.

Daig pa ni Lucas ang natuklaw ng ahas dahil hindi ito makapagsalita at bahagya pang umawang ang bibig.

“What?” nagtatakang saad niya sa reaksiyon nito.

“Totoo ba ang narinig kong binati mo ako ng good morning?” Hindi makapaniwalang sambit nito.

“Yeah why? Bawal ka bang batiin ng good morning?”

“Hindi. Pero binati mo ‘ko ng nakangiti kaya ako nasurpresa. It's the first time you smiled at me.”

Napangiti ulit si Rhian. “Well, I decided to be nice to you since niligtas mo ‘ko sa maniac na nagtangkang pagsamantalahan ako kagabi. Muntikan na akong magahasa kagabi or worse mabiktima pa ako ng rape slay kung hindi ka pa dumating. I can't thank you enough, Lucas. I owe you one.” Sinserong saad ni Rhian.

Hindi tumugon ang binata. Bagkus ay nanatili lang itong nakamasid sa kanya with an amused smile on his face.

“Lucas?” untag niya sa binata.
Doon lang ito tila natauhan at humalukipkip ito. “Well, this is what I'm talking about. Kaya kita gustong umuwi na sa inyo, a girl like you is not safe at a place like this living alone, to think na gabi-gabi ka pang naglalakad sa madilim na eskinitang iyon pauwi. Papaano kung hindi ako dumating kagabi? Papaano kung na-late ako ng dating at napagsamantalahan ka ng ng rapist na iyon? Your not safe here, your safer at home together with your family. You—”

Itinaas ni Rhian ang mga palad sa harap nito para patigilin ito sa pagsasalita. “Please don't bring this up this early morning, Lucas. Despite nang nangyari kagabi. Hindi pa rin ako uuwi sa'min.”

Kinuha na ni Rhian ang cardigan niyang nakapatong sa sofa at susi ng bahay at naglakad patungo sa pinto.

“Where are you going?” Sita ni Lucas sa kanya.

Nilingon niya ang binata. “Grocery. I just noticed na wala ng laman ang mini-fridge ko.”

“I’m going with you.” It's sounded as an order not a statement.

“Okay.” Nakangiting sang-ayon na lang ni Rhian.

Dahil pakiramdam niya ay kahit nakakulong na ang lalaking muntikan ng manggahasa sa kanya nang nagdaang gabi ay anumang oras babalik ito para pagtangkaan ulit siya ng masama kaya mas safe siya kapag nasa tabi niya si Lucas.

“Okay? Ang bilis mo namang sumang-ayon.” Amused na asaad ni Lucas.

“I’m trying to be nice to you, kaya hindi na ako makikipagtalo sa'yo simula ngayon. You should get used to it. And besides I think I need a bodyguard.”

“I’m not your bodyguard.”

Ngumiti siya. “Then you are now.”

Gumanti din ito ng ngiti at hindi na tumugon pa. Ewan ba niya pero biglang sumikdo ang puso niya sa simpleng ngiti lang nito.




RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)Where stories live. Discover now