Part 15

61 24 1
                                    


GISING NA si Rhian pero ayaw mag-function ng katawan niya. Nang nagdaang gabi pagkataps nilang magkaaminan ng tunay na nararamdaman ni Lucas ay nagpaalam ang binata na aalis muna ng ilang araw para maghanap ng paraan para matulungan siya sa problema niya, pero hindi niya maiwasang ma-missed ang binata.

Alam niyang umalis lang ito para matulungan siya pero ang puso niya ay napuno ng pangungulila para sa binata.

Tatlong araw daw itong mawawala at hindi niya alam kung paano siya magpa-function ng normal sa loob ng tatlong araw na wala si Lucas sa tabi niya. Ni ayaw niya na ngang pumasok sa Rendezvous at gusto lang niyang humilata habang kayakap ang unan ni Lucas dahil dumikit pa doon ang mabangong amoy ng binata.

Tinamaan nga siguro si Rhian ng love sickness.

Ilang oras pa lang silang naghiwalay ay missed na missed niya na ito. Paano pa kaya ang tatlong araw? Baka nasiraan na siya ng bait sa sobrang pagka-miss niya rito.

Nasa ganoon siyang kalagayan ng may narinig siyang mahihinang katok sa labas ng pinto ng apartment niya.

Awtomatikong napakunot-noo si Rhian dahil hindi niya alam kung sino ang nasa labas ng pinto gayong wala naman siyang ine-expect na bisita ng mga araw na iyon.

Nang maisip niyang baka si Lucas ang nasa labas ng pinto at naisipan nitong bumalik ay dali-dali niyang tinungo iyon para pagbuksan ng pinto ang binata.

Nagulat siya ng hindi si Lucas ang napagbuksan niya ng pinto kundi ang kapatid niyang si Stacy na lumuluha at mukhang tuliro.

“Stacy, ano'ng ginagawa mo dito? Ano'ng nangyari sa'yo?” nag-aalalang tanong niya sa kapatid.

“Si daddy and mommy……”

“Bakit anong nangyari sa kanila?”  mas lalo pang nag-aalalang saad niya habang pilit na kinakalma ang kapatid.

“Kasi ate…… tapos na ang palugit ng kaibigan ni daddy para makapagbayad at tuluyan na siyang ipapakulong nito. Nasa hospital si mommy dahil hindi niya nakayanan ang mga pangyayari. You need to come home, ate. We need you. I need you. I don’t onow what to do.”

Nahahabag na niyakap niya ang kapatid at inalo si Stacy. Stacy was too young to carry such a heavy burden.

At alam ni Rhian na kailangan niya ng umakto bilang responsableng kapatid at kailangan niya ng umuwi sa kanila ng mga sandaling iyon para harapin ang matagal niya ng tinatakbuhan.


<<<<<<<<<<<<<<<<<<<


MOMMY…”

Maluha-luha si Rhian habang papalapit siya sa hospital bed ng ina at nakita niyang kalunos-lunos ang hitsura nito at may nakakabit pang iba't-ibang mga aparato sa katawan ng mommy Denisse niya.

Hindi niya na naabutan ang daddy niya para makausap dahil nadampot na ito ng mga kapulisan bago pa man siya sunduin ni Stacy sa apartment niya.

“Mommy nandito na po ako, I'm home.” Masuyong saad niya ng makalapit siya sa ina at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.

Unti-unti namang nagdilat ang mga mata ang mommy Denisse niya at napangiti nang makita siya.

“Rhian, anak!” tuwang-tuwa na saad nito at napahagulhol na. Hinihimas-himas niya naman agad ang likod ng ina para kumalma ito at tumahan na.

“Mommy, pasensiya na po. Andito na po ako. Hindi na po ako aalis pa.” Nakangiting saad niya ng magbitiw sila ng yakap ng ina.

“Kumusta ka na anak? Bakit bigla kang umalis ng bahay ng hindi nagpapaalam sa amin?”

Napabuntong-hininga si Rhian. “Kasi narinig ko po kayong nag-uusap ni daddy na ipapakasal niyo po ako sa anak ng kaibigan ni dad at ayaw ko po na mangyari iyon kaya naglayas po ako.” nahihiyang pag-amin niya.

Ang ina niya naman ang napabuntong-hininga. “I'm sorry anak, narinig mo pala ang pag-uusap namin ng daddy mo. Pasensiya ka na, iyon lang kasi ang naisip namin na paraan para hindi makulong ang daddy mo.” Pumatak ulit ang mga luha nito. “Pero ang daddy mo pala anak. Dinampot siya ng mga kapulisan kanina sa bahay. Tapos na ang palugit na ibinigay ng kaibigan ng daddy mo para makapagbayad. Kaya hindi ko nakayanan kanina at nag-break down ako. Hindi ko kayang makitang nabubulok sa kulungan ang daddy mo, Rhian....... Hindi ko kaya.” Lumuluhang sambit nito at napahagulhol na.

“Shhh… tahan na, ‘my. Sinabi na po sa'kin ni Stacy ang nangyari kay dad. At nandito po ako para tumulong.” Aniya at sinubukang pakalmahin ang ina.

“Anong ibig mong sabihin anak?” saad ng mommy Denisse niya ng medyo kumalma na ito.

“Payag na po ako.”

Napamulagat ang ina.“Payag ka na, anak? Magpapakasal ka na sa anak ng kaibigan ng daddy mo?”

Sunod-sunod na tumango si Rhian.

Niyakap naman siya ng ina. “Sorry, anak. Kung kinakailangang isakripisyo ang kalayaan mo. Kung may iba lang sanang paraan.”

Nangilid ang luha sa mga mata ni Rhian. Sana—sana nga may ibang paraan. Pero isa lang ang solusyon para matapos ang problema nilang iyon. At iyon ay ang kailangan niya ng magpakasal sa ayaw at sa gusto niya.

RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)Where stories live. Discover now