Epilogue

87 28 12
                                    


“AYAN NA, magsisimula na ang concert!”

Excited na saad ni Ella. Kasama niya itong manuod ng concert pati rin si Marie. May mga ka-holding hands na ang mga bruha. May mga love life na.

Si Marie ay naging jowa nito ang minsang nakaaway nito na customer ng Rendezvous na si Ken Santillan na anak pala ng may-ari ng restaurant na pinagta-trabahuan nila.

Habang si Ella naman ay ang ka-holding hands nito ay si Noah na napakayaman pala pero nag-apply bilang chef ng Rendezvous dahil iyon ang hilig ng lalaki. Ang pagluluto.

Naikuwento niya na rin sa mga kaibigan niya ang buo niyang pagkatao at ang tunay na dahilan kung bakit siya napadpad sa Rendezvous. At naiintindihan siya ng mga kaibigan kung bakit niya itinago iyon.

Hindi niya naman kiniingitan ang mga kaibigan dahil masaya at makulay rin naman ang lovelife niya. One year ng going steady ang relasyon nila ni Lucas na ngayon ay sumisikat na sa music industry kasama ang mga ka-banda nito. At may pangalan na ang banda ng mga ito ang— ‘Bandang pogi'.

Noong nakaraang buwan lang na-discover ang banda ni Lucas dahil may producer na nagawi sa bar na tinutugtugan ng mga ito at nagustuhan ang tugtugan ng banda.

At sa kaparehong buwan ay nakapag-release agad ng self titled album ang Bandang Pogi.

At ngayong gabi nga dahil sa consistent public demand ay magaganap ang first ever major concert ng Bandang Pogi.
Kahit bago lang ang mga ito sa industriya ng musika.

Sa dami kasi ng fans ng banda ay hindi nakapagtataka na hiniling ng mga ito na mag-concert na ang Bandang Pogi.

At hindi na rin siya nagtataka kung bakit mabilis na dumami ang fans ng banda dahil pawang naga-guwapuhan ang miyembro ng mga iyon at isa na doon ang Lucas niya.

Masaya siya para kay Lucas bilang girlfriend nito.  At todo support naman siya sa binata dahil alam niyang hilig talaga nito ang pagkanta at ngayon nga ay matagumpay na ito sa karerang tinatahak.

Huwag lang talagang may fan na babaeng malandi at subukang landiin ang lucas niya dahil makakatikim talaga ang mga ito ng sabunot ng nagseselos na jowa.

Na-meet niya na rin ang mga magulang ni Lucas, mabait naman ang mga ito at civil ang pakikitungo sa kanya. Lalo na ang daddy nitong puro negosyo ang bukambibig pero kwela din naman.
Suportado na rin ng mga ito ang pagkanta ni Lucas at ang banda nito. Sinusubukan na nitong maging in good terms sa mga magulang nito. Kahit pahinay-hinay lang.

“Ayan na! Ang popogi talaga nila!”  patiling saad ni Ella.

“Oo nga. Lalo na ‘yong long hair na may hawak ng gitara.” Nakangiti rin na segunda ni Marie.

“Mas pogi kami diyan!”

Halos magkasabayan pang saad ng mga jowa ni Marie at Ella na sina Ken at Noah na mukhang nagseselos na.

Napangiti na lang si Ella at Marie. Habang siya ay napailing-iling na lang at sinenyasan ang mga kaibigan na mag-behave na baka hindi pa makatiis si Noah at Ken at biglang hilain pauwi ang mga kaibigan niyang kilig na kilig sa Bandang Pogi.

Girl, you give me light in this dark world. You give me hope to carry on and you are my comfort in this weary world. You made me fall in love with you even more...

Your beauty shines in the night. Giving me strength to hold on for another day. You give me inspiration not to give up this fight and with that, you made me love you even more……...

Napangiti si Rhian dahil iyon ang kantang isinulat ni Lucas para sa kanya.

Kung alam lang ng twenty-four thousand fan audience na nanunuod ng concert ng gabing  iyon na para sa kanya talaga ang kantang kinakanta ni Lucas.

RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)Where stories live. Discover now