Part 9

61 28 7
                                    


“BAKIT ANG dami mo naman yatang pinamili?”

Nagtatakang saad ni Lucas habang tulak-tulak ang grocery cart na nag-uumapaw sa laman.

“Para maraming stock na pagkain sa apartment. Para hindi ka magutom, nakakahiya naman sa'yo. Nagbago na rin isip ko, you can stay at my place as long as you want to. Hindi na kita papalayasin.” Nakangiting saad niya na walang halong pagiging sarkastiko.

Sa totoo niyan ay nagbago na ang isip niya at ayaw niya ng paalisin si Lucas sa apartment niya dahil pagkatapos ng nangyari sa kanya ay mas gusto na niyang may kasa-kasama siyang lalaki sa apartment niya para ipagtanggol siya mula sa kapahamakan.

“Do you mean it?” Nakakunot-noong saad ni Lucas.

“Do I sound sarcastic?”ganting tanong niya.

“Hindi naman. It's just that alam mo naman na titira ako sa apartment mo hangga't hindi ka umuuwi sa inyo ‘di ba? You'll fine with it?”

Tumango siya. “ Yep! Fine with me.”

Nginitian niya ito. “Pakiaabot naman ng sanitary napkin diyan sa gawing kanan mo, ‘yong with wings.” Nakangiting utos niya sa binata.

Tumalima naman ito. He still looks very manly habang iniisa-isa nitong basahin ang label ng mga sanitary napkins na naka-display sa rack.

Hindi rin niya maitatatwa ang kaguwapuhan ni Lucas at ang umaapaw nitong sex appeal kahit nakasuot lang ito ng maong na shorts at puting t-shirt.

Sa katunuyan ay karamihan sa mga babaeng naggo-grocery roon ay napapa-double look kapag napapatingin ang mga ito kay Lucas at hindi mapigilang titigan ng matagal ang binata.

Kulang nalang ay pandilatan niya ang mga babaeng iyon para itaboy kung hindi niya lang pinipigilan ang sarili.

“What's the difference between the non-wing and with wings sanitary napkin?” Nagtatakang tanong nito habang iniaabot sa kanya ang pinapakuha niyang sanitary napkin rito.

Nagkibit-balikat siya. “I don't know. Depende naman ‘yon sa ibang babae. Mas komportable kasi ako sa sanitary napkins with wings, so that's what I'm using.” Ishi-noot niya sa grocery cart ang sanitary napkin at nakangising bumaling kay Lucas. “Why do you ask? May period ka ba?” pagbibiro niya at nilangkapan niya pa iyon ng mahinang tawa.

“Yeah, very funny.” Sarkastikong saad nito.“You know what we should do this more often.”

“Do what?”

“Buying groceries together. We look like a couple buying grocery stocks. A cute couple to be exact.” Nakangiting saad ni Lucas habang itinuturo ang malaking full length mirror sa gitna ng grocery store na iyon.

At napatingin nga siya sa repleksiyon nilang dalawa ni Lucas roon habang tulak-tulak ang grocery cart.

And she could only agree. Mukha nga silang mag-jowa ni Lucas na nago-grocery. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng mumunting-kilig sa isiping iyon.

Pagbaling niya kay Lucas ay binigyan siya nito ng ‘I told you so' look at napangiti pa.

“Tara na nga sa counter, gutom ka na yata. Kung anu-ano ng pinagsasabi mo!” saad niya at nagpatiuna ng maglakad sa counter.

Baka mahalata pa ni Lucas na namumula ang mga pisngi niya ng mga sandaling iyon.

Habang binubunot ni Rhian ang pera sa wallet niya sa harap ng counter para magbayad ay naunahan na siya ni Lucas na mag-abot ng pera sa cashier at ito na ang nagbayad ng pinamili nila kahit anong kontra niya.

Ang mga grocery bags na lang ang binalingan ni Rhian at siya na lang ang magbibitbit ng mga iyon para kahit paapaano ay makabawi siya kay Lucas dahil ito ang nagbayad ng mga pinamili nila.

Nakakahiya dahil karamihan pa naman sa mga iyon ay para sa kanya lalo na ang mga toiletress at mga skin care niya.

Bubuhatin niya na sana ang mga grocery bags pero maagap naman siyang pinigilan ni Lucas.

“Hep! a gentleman shouldn't let a woman carry heavy stuff like that.” Nakangiting saad ni Lucas. “Let me.”

“Ang sweet naman po ng boyfriend ninyo, maam. Ang pogi pa. Bagay po kayong dalawa.” hindi na mapigilang sambit ng cashier na halatang kilig na kilig sa kanilang dalawa ni Lucas.

Nginitian lang ni Lucas ang cashier at nauna na itong lumabas ng grocery store habang bitbit-bitbit ang pinamili nila.

Wala na rin siyang pagkakataon na itama ang pag-aakala ng cashier na mag-jowa sila ni Lucas dahil mahaba na ang pila ng counter at naiinip na ang iba pang nagbabayad kaya naiilang na sinundan na lang niya si Lucas at umagapay siya sa paglalakad nito.

“I told you we could make a great couple.” Saad ni Lucas nang makaagapay siya ng paglalakad rito.

Hindi na lang tumugon si Rhian at nagbibingi-bingihan. Sumikdo kasi ang dibdib niya sa sinabi ng binata.

Bakit pakiramdam niya ay sang-ayon si Lucas na maging couple sila?

Gusto rin kaya nito ang ideyang iyon? O assuming lang siya.

RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)Where stories live. Discover now