Part 18

73 21 5
                                    




“ARE YOU OKAY?”

Nag-aalalang tanong ni Lucas sa kanya ng umibis sila mula sa motorsiklo nito.

Nasa open space sila ng football field na iyon sa QC. Doon siya dinala ng binata matapos niyang mag-run away bride kanina sa simbahan.

Sunod-sunod na tumango si Rhian. “Oo, okay lang.” Aniya at sunod-sunod na napabuntong-hininga.

Hindi naman siya nagsisisi na sumama siya kay Lucas. Hindi niya lang maiwasang isipin ang kahihinatnan ng dad niya ngayong hindi niya itinuloy ang kasal.

“What was that for?” nakakunot-noong tanong ni Lucas.

“Hindi ko lang maiwasang isipin si dad baka tuluyan na siyang ipakulong ng daddy ni Kyle dahil hindi ako tumapad sa naging kasunduan ng pamilya.”

Napakunot-noo ito. “Who’s Kyle?” anito ng salubong ang mga kilay na tila nagseselos na.

“Ah…. Si Kyle Acosta siya ‘yong lalaking dapat ipapakasal sa akin. 'Yong lalaking nasa harap ng altar kanina. Siya ang anak ng kaibigan ni daddy na si Emil Acosta. Huwag ka ng magselos sa kanya. Wala naman na akong balak na magpakasal sa kanya. Sumama na nga ako sa'yo ‘di ba?”

Ngumiti ito. “Good. And about your dad. Don't worry about it. Baka isa sa mga staffs ng kaibigan ko sa international detective agency ay kinokontak na ang Emil Acosta na iyon para i-transfer sa bank account ang pera niya.”

“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhang saad niya.

“Kaya pala natagalan bago ako bumalik dahil pumunta ako sa kaibigan ko sa Amerika na head officer ng isang international detective agency na naka-base sa Amerika at nagpatulong akong hanapin ang mga taong namuno sa likod ng scam na investment company na nambiktima sa dad mo. Inabot ng halos isang buwan ang pag-track niya sa kinaroroonan ng mga ito kaya ngayon lang ako nakabalik sa Pilipinas. Kahapon nga lang napasakamay nila ang mga taong nasa likod ng investment scam at napiga nila ang mga ito na ibalik ang pera kung gusto ng mga itong hindi mabulok sa kulungan. Kaya expected na maibabalik sa account ng mga nabiktima ng ivestment scam ang pera ng mga ito. At kasali na ang pera ng dad mo at ng kaibigan ng daddy mo. So you don't have to worry. Wala ng kailangang bayaran na utang ang daddy mo. Malaya na siya. Malaya ka na rin. You don't even have to marry that Kyle Acosta. Ni wala nga ‘yon lalaking ‘yon sa kalingkingan ko.”

“Talaga?” Tuwang-tuwa na saad ni Rhian sa natuklasan. Kung ganoon ay wala naman pala siyang dapat ipag-alala. Malaya na siya. Hindi niya na rin dapat alalahanin ang dad niya.

“Yeah. And I’m sorry kung hindi agad kita nabawi sa Kyle na iyon noong nakaraang araw na nagkita tayo at itinulak mo ako palayo. Wala pa kasi akong hawak na alas sa pamilya Acosta para makuha ka mula sa kanila. At para matulungan kayo ng daddy mo. Pero ngayong hawak na ng detective agency ng kaibigan ko ang mga taong nagpapatakbo ng scam investment company ay puwedeng-puwede na kitang bawiin sa mga Acosta at malaya na nating mahalin ang isa’t-isa— and Hey! why are you crying?” saad ni Lucas habang hindi na magkandaugaga sa pagpunas ng mga luha niya.

“Ikaw kasi, eh! Akala ko hindi mo pipigilan ang kasal, akala ko talaga hahayaan mo lang akong maikasal sa lalaking hindi ko mahal.” Lumuluha pa rin na saad niya pero nakangiti na. It was tears of joy.

Tumigil ito sa pagpunas ng mga luha niya at mahigpit siyang niyakap. “Puwede ba ‘yon? Of course I will stop you from marrying that man. Ni hindi ko nga ka-level ng kaguwapuhan ang Kyle Acosta na iyon. And besides you belong with me. Mahal kita, Rhian. Kaya ako ang lalaking dapat mong pakasalan. Okay?”

Sunod-sunod siyang napatango habang hindi pa rin mapigilan ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya.

“I love you, Rhian.”

“I love you too, Lucas.”

She was happy. ‘Cause now she's finally home. In the arms of the man she truly love.


RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)Where stories live. Discover now