The Prince Who Bit The Poison...

By VentreCanard

9.2M 474K 130K

In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted ap... More

--
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 24

122K 7.5K 2.1K
By VentreCanard

Chapter 24

Decision

"Apple flavor, hijo?"

Nakailang ulit umikot sa isipan ko ang boses ni Don Ferell at natulala na ako sa harapan nilang pito.

Sinubukan kong magsalita at mangatwiran, pero nang sandaling buksan ko ang aking bibig bigla na lang nablangko ang utak ko. Ano nga ba ang pwede kong sabihin sa kanila na hindi ako magmumukhang sinungaling?

Iisa lang ang gamit ng condom, hindi ito gamit para magtitigan lang...

Oh my gosh, Wayto babe... I'm really sorry...

Sinalubong ko ang mga mata ni Wayto, it was filled with mixture of emotions. Gulat, pagtataka, inis, pagkadismaya at marami pang iba.

Gusto sanang lumapit sa kanya, kumalong at mag-inarte na alam kong paraan na magliligtas sa akin mula sa galit niya. But Don Ferell is here, as well as his grandsons.

I just damn sabotaged our plans!

Kung gaano kaputla ang mukha ni Wayto, ganito rin ang hitsura ng mga Ferell. Nagpapabalik-balik sa akin at sa condom ang mata ni Wayto.

I could even read the question inside his mind, "Where the fuck did you get that, Autumn Stassi Olbes?"

Kung wala ako sa harapan nila ay napapadyak na ako sa sobrang pagkadismaya. Hindi lang sila! Of course, naiinis din ako sa sarili ko. Malapit na kami, nahulog pa ang condom.

Pinanlalakihan na ako ng chinitong mata ni Wayto, tumungo ako at pinagsalikop ang mga kamay ko. Anong gusto niyang gawin ko?

Sasagutin ko ba siya sa tanong niya? Kung saan ko nakuha?

Or should I tell lies? Hindi ba at ito naman ang ginagawa namin ngayon kay Don Ferell?

"Promo lang po ang condom nang kumuha kami ng sedula."

Napapikit ako sa naiisip ko. Seriously?

Nanatili akong nakatayo sa harapan nilang lahat, walang lumabas na salita mula sa akin, hindi makagalaw ang mga paa ko at walang tigil sa malakas na pagpintig ang puso ko.

We're caught. Sa hindi ko pag-iingat, nawalang bigla ang pinaghirapan ni Wayto. It was a good performance! Malapit na...

Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na kaming nabalot ng nakapanghihinang katahimikan. Ramdam ko na ang pawis sa noo ko, habang tumatagal ay mas bumibigat ang tensyon sa pagitan namin.

Ako na yata ang pinakamagandang jowable na pawisan. Oh gosh, I feel so hopeless.

Hindi ba tutulong ang mga Ferell na ito? Hindi ba at sila ang may pakana ng pagsisinungaling na ito? They should have prepared a back-up plan! These idiots! Bakit nga ba ako pumayag na maniwala kami sa kanila?

"D-Don Ferell... nagkakamali k-kayo..." pawisan na rin si Wayto, hindi na ito magkaintindihan kung kay Don Ferell titingin, sa akin o sa condom na nasa sahig.

Nakita ko kung paano napahilamos sa kanyang mukha si Troy, napahampas sa kanyang noo si Nero, umiiling si Tristan, nakatingin na si Aldus sa pintuan na parang gusto nang tumakbo palabas at si Owen na parang bumubulong-bulong na.

What is wrong with them?

They should help Wayto explain! Sila itong magagaling magsinungaling, siguradong marami pa silang nakatagong kasinungalingan.

Sa mga oras na ito, alam kong pareho na kami ng iniisip ni Wayto, dahil napapasulyap na rin siya sa magpipinsan.

Nang unang tumayo si Nero, agad akong napahinga nang maluwag. He's Wayto's best friend afterall, alam kong hindi niya pababayaan ang kaibigan niya. Hindi rin nagtagal ay tumayo na rin ang natitirang apat.

Muntik na akong mapaluha, buong akala ko ay wala talagang kaibigan itong si Wayto. But here they are, the Ferells. They're willing to cover him.

I suddenly admired them.

Ah, friends. Through thick or thin. I'm so touched and happy for my babe. Sa kabila nang pagiging smuggler niya, mayabang at mas gwapo sa mga Ferell, naging kaibigan niya pa rin ang mga ito.

Patuloy pa sana akong hahanga sa mga kaibigan ni Wayto pero nang marinig ko ang sinabi ni Nero Ferell, pinagsisihan ko lahat ng pinagsasabi ko sa kanila.

"Y-You deceived me, Dwight. Buong akala ko ay pareho tayo ng prinsipyo..." Nero said with his voice full of disappointment.

Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko. What the fuck?!

"You told me that he's like us, Nero! We even introduced him to LG! You know how we valued woman's—" hindi itinuloy ni Tristan ang sasabihin nito na parang nahihirapan siya.

Kung kanina ay natulala na sa akin si Wayto, ngayon parang kaunti na lang ay mawawalan na ito ng malay.

"Waiting is everything..." sunod ni Aldus.

"H-How could you lie to us? I thought we're friends, Dwight. Malaki ang tiwala namin sa'yo. Just her fingertips... it's enough, kaunti na lang tayo... kami... you disappointed us." Umiiling na sabi ni Owen.

"Condom is a sin... if you truly love her—you should--" nanghihinang din ang boses ni Troy.

Kumuyom na ang mga kamao ko. Mga walang hiya! Nilalaglag nila si Wayto! I hate them! Mga wala silang kwenta, nilaglag nila kami ng babe ko.

I was about to ruin their performance, when we were abrupted by the heavy thud on the table. Buong akala ko ay mahuhulog maging ang mga tasa at plato.

Malakas na humampas sa lamesa si Don Ferell at naniningkit ang mga mata nito kay Wayto.

Putlang-putla pa rin si Wayto.

"Young man! Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa'yo sa sandaling malaman ito ng mga Olbes? They will kill you!"

"They will, definitely." Sabat ni Nero.

Lalong kumulo ang dugo ko sa limang magpipinsan, pinanlisik ko ang mga mata ko sa kanila. But they answered me with their expression like this, "It's your fault."

"LG-" Troy was cut off.

"Silencio, Alvisio!" napaupo pabalik si Troy sa sofa.

At nasundan ito ng apat pang natitirang Ferell. Halos hindi nila masalubong ang mga mata ni Don Ferell, kapwa na ang mga ito nakatungo na parang mga tuta na napapagalitan ng kanilang inahin.

"Akala n'yo ba ay maloloko n'yo ako? Nagsisimula pa lang kayo, pabalik na ako! At naghanap pa kayong lima ng kapareho n'yo! Isa pang Arellano!" mas lalong yumuko ang mga Ferell nang humkbang papalapit sa kanila si Don Ferell.

What is really happening?

Kasalukuyan nang nagda-dial sa kanyang telepono si Don Ferell, habang sa kanyang likuran ay nagsisihan ang kanyang mga apo. I silently raised my dirty finger in front of them without being noticed by Don Ferell.

"Athena, I need you here."

"Si Ate? Bakit?" tanong ni Aldus.

Nang sulyapan siya ni Don Ferell ay nanahimik ito bigla. Matapos ang tawag ay naupo ulit si Don Ferell, nag-aalangan akong umupo sa tabi ni Wayto, hindi man lang ako nito pinansin.

"LG, we can explain-" sinubukan ulit ni Nero pero nang muling humampas sa lamesa ang matanda ay mas lalong natahimik ang magpipinsan.

Kalahating oras ang lumipas bago dumating si Athena na siyang kapatid ni Aldus.

"What happened, LG?"

"Ihatid mo ang batang ito sa Enamel." Itinuro ako ni Don Ferell.

"W-What? Sabay po kami ni Wayto."

"He will stay." Matigas na sagot ni Don Ferell na walang makatitibag. "Oh, mas mabuting mauna na kami."

"Let's go." Nang tumayo si Don Ferell, mabilis pa sa alas-kwarto ang pagtayo ng lima, ang ilan sa kanila ay kumakamot na ang ulo.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa n'yo, Aldus?" tanong ng Ate niya.

Hindi na makasagot ang mga Ferell.

"Young man, follow us!"

Sa unang pagkakataon, ngayon ko mas nakita ang takot sa mukha ni Wayto. Agad din itong tumayo at sumunod sa mga Ferell.

"Wayto..." I tried to call him.

Natigil ito sa paglalakad, kaya natigil din si Tristan at Nero na gusot na rin ang mga mukha. Kasalanan nila ito, nagsinungaling pa sila! Mga gago! Dulo ng daliri? Seriously!

"Dwight, tayo na." Tawag sa kanya ni Nero.

Nanatili pa rin nakatigil si Wayto at sobrang diin ng titig nito sa akin. Hindi ko na alam kung galit ba siya sa akin o ano.

Pero bago siya tumalikod, I saw how the movement of his lips.

"Ka-gat ka sa a-kin ma-ma-ya."

Narinig kong suminghap ang kapatid ni Aldus. Of course! Who would damn appreciate Wayto's words? It's always bold and rude!

Tumalikod na si Wayto at lumabas ang ngisi ko.

"Gago!" I shouted.

"What a foul mouth." Kumento ng kapatid ni Aldus.

"Yeah, he's always like that."

Tulad nga ng pinag-utos ni Don Ferell, si Athena na ang maghahatid sa akin pabalik ng Enamel. Siya ang nagmamaneho habag wala siyang tigil sa pagtatanong sa akin.

"So you're asking LG's help."

"Yes, but after that incident. Siguradong hindi na siya tutulong sa amin. We lied to him." Muling natawa si Athena nang mapaalala ko na naman sa kanya ang pagkalaglag ng condom.

"Nah, madali lang kausap si LG. You know those idiots are his favorite, minsan nga naiinggit na kaming iba niyang apo, dahil halos ibigay niya ang lahat ng gusto ng lima. LG valued his grandson's friends. Hindi ihaharap ni Nero ang boyfriend mo kay LG kung hindi siya gano'n pinahahalagahan ni Nero." Totoo ba?

Nilaglag niya lang kanina si Wayto.

"And it's rare to discover that Nero has a friend. Sa kanilang lima siya ang hindi masyadong nakikipagkaibigan."

"Sinabi lang sa akin ni Wayto na magkaklase sila ni Nero noon."

"Kaklase noong nasa Enamel pa sila? Wow, then they were friends since childhood."

"No, ngayon daw college."

"College? Sa Leviathan napasok si Arellano?"

"Ah, no. Nagsummer daw sa Enamel si Nero, pareho silang bagsak ni Wayto." Narinig kong muling tumawa si Athena.

"Ah, so the flower of friendship that blooms from failure." Umiiling na sabi nito.

"Indeed."

Pumangalumbaba ako sa harap ng bintana. "What will happen to them?"

"I don't know, may sarili silang mundo."

Hindi na nasundan ang pag-uusap namin ni Athena, pinili kong sa bahay ni Antonia dumiretso. Gulat na gulat pa ang mga ito nang bumalik ako mag-isa.

"Nasaan si White?" tanong ni Tanya.

"Kumukuha ng sedula. I need to hide, literal siyang galit sa akin ngayon. Shit."

"Why what happened?"

And then I burst out. "Nahulog ang condom! You bitch! Nahulog ang condom! Nakita ni Don Ferell!"

"I ruined everything!"

Sabay tumawa si Tanya at August nang magkwento ako sa kanila.

"Of course, he'll get mad. Ang ganda na pala ng performance nila, may participation pa ng mga ugok na Ferell. Siguradong piniprito na sila ni Don Ferell ngayon."

"I really need to hide, siguro mas mabuting magpakita na lang ako sa kanya matapos ang ilang araw. He'll kagat me raw later..."

Ngumiwi ang dalawa kong kaibigan.

"White and his hellshit words." Umiiling na sabi ni Tanya.

"Gamitin n'yo na ang nahulog." Tipid na sagot ni August.

"But he's harsh today, I want it gentle." I waved my hand. "At tsaka wala nang glitters ang back ko, medyo wala na rin ang curls ng buhok ko. No way."

Tanya and August checked my hairs and back, they both nodded.

"And besides, look at my nails. I should paint it red, and also, I want to drink... ano ba 'yon? Ginger, yes ginger juice. When I moan, my voice will be great."

Nakangiwi na sa akin si Tanya at August.

"And the bed sheets, the flowers and room freshener... I want curtains too around the bed... you know, para kita ang shadows namin ni Wayto while we do it. So I'll see my own jowable figure, oh my gosh so romantic..."

"The word kagat is not even romantic! You idiot woman!" sigaw sa akin ni August.

"Ang dami niyang arte. Ano ba ang aasahan natin, siya ang pinakamaarte sa Enamel." Sagot ni Tanya.

"Listen to me, I should prepare more. So not now, kaya kapag hinanap ako rito ni Wayto, just lie."

"Okay."

Isang oras lang ang lumipas narinig ko na ang sasakyan ni Wayto. Kahit nakatago na ako sa kwarto, rinig ko ang malakas na boses nito.

"Nasaan ang maarteng babae?! Olbes!"

"She's not here. Umuwi na siya."

"Alam kong nandito siya, Olbes!" sigaw ulit ni Wayto.

Nanatili akong hindi kumikibo at hinintay siyang magsalita ulit. "Mga brad, kayo na bahala sa kanila."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Hanggang sa marinig kong tinawag ni Tanya at August ang boyfriend nila.

May boyfriend na ulit si August? I thought she's flirting with my kuya.

Halos mapatalon ako nang kumalampag ang pinto.

"Olbes! Ikaw na babae ka! Open the door!"

"I won't! Ang init ng ulo mo!"

"Talagang mainit! Saan nanggaling ang condom?! Talagang nagdala ka pa! What were you thinking? Dadaan tayo sa hotel? I-Ikaw! Buksan mo 'to! Sisirain ko ito!"

"But you'll kagat me..."

"Open the door!"

"But you're galit na naman, Wayto..."

"Open the door, Autumn."

Huminga ako nang malalim at nangangatal kong binukan ang pintuan. I was expecting a ravishing kiss from him, o kaya mabilis niya akong bubuhatin at ihahagis sa kama habang nagmamadali siyang maghubad.

Tapos biglang tutunog ang theme song namin ni Wayto. Dahan-dahan by Maja Salvador, habang humahalik siya sa balikat ko. Mga tipo ng bed scene sa mga romance movie na mag-aaway muna saglit pagkatapos maglalasunan na sa kama. 

But I was wrong.

Wayto held my hands lovingly, at halos malusaw ang mga tuhod ko nang halikan niya ang dulo ng mga daliri ko. It was sincere...

Bakit sa ilang saglit parang naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"Kasal muna... I love you, Autumn..."

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 636 6
She forgets. He remembers.
112K 2.2K 8
Ikaw ba ay isang dakilang maldita? Isang pala-away? Mala-armalite ang bibig kapag bumanat ng maldita lines? Nako! Kung isa ka sa mga nabanggit...
341K 25.3K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
579K 58.8K 33
There's a lot of always in my life, but being trapped with you is my favorite...