Just the Girl

By AyoshiFyumi

22.8K 868 200

Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang lang... More

BUOD
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Author's Face Reveal
KABANATA 41
KABANATA 42
Author's Note
KABANATA 43

KABANATA 33

246 8 3
By AyoshiFyumi

KABANATA 33


"I'm sorry but I really have to go there. Baka magalit si Mama..."

Napabuntong hininga na lamang si Red sa isang bahagi ng kinauupuan niyang sofa sa bahay nina Miah.

"Wala naman akong magagawa if you really have to go there. It's your parents' order. Mamimiss lang kasi kita nang sobra. Imagine, two months ka doon. Two months tayong hindi magkikita. Pakiramdam ko'y mababaliw ako."

Lumapit si Miah sa kinauupuan niya at niyakap siya. Yakap pa lamang nito ay nawala na halos ang pagtatampo niya simula nang ianunsyo nitong kaylangan nitong pumunta sa Laiya, Batangas sa tiyahin nito sa side ng ama nito.

Ano nga bang sadya doon ni Miah? Nagpaalam sina Ian at Michaela sa mga magulang ng mga ito na hindi muna sila uuwi sa probinsya ngayong school vacation. Patungo umano ang magkasintahan sa Thailand upang magbakasyon daw. At dahil nga hindi makakauwi si Michaela ay walang makakasama si Miah sa bahay ngayong bakasyon. Kaya nag desisyon ang magulang nito na doon muna si Miah mag stay sa Auntie nito na taga Laiya, Batangas. May sariling resort doon ang nasabing Tiyahin at tumulong daw muna sa resort para kahit papaano ay may income si Miah.

"Just take care there. Dapat active lagi ang phone mo. Huwag mong hahayaan na ma-low-batt because I'm going to call you time to time to check on you."

Tumango si Miah at binigyan siya ng ngiting nangangako. "Hindi ganoon kadami ang dala ko. Pero kaylangan ko nga palang dalhin ang volky ko kasi isasama ko si Barky doon. Hihiramin din daw nina Uncle ang sasakyan."

Ngumuso si Red. "Gusto sana kitang ihatid doon. Basta drive safely. I will miss you." Saka niya hinalikan sa noo si Miah.

"I'm gonna miss you too. See you after two months."

Tumango si Red. "'Di na ako sanay na hindi kita kasama. Nasanay na ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ikaw ang kasama ko."

Tumawa si Miah. "Pinapahirapan mo talaga akong umalis."

"Hoping to change your mind." Tumawa na rin si Red.

"Sa gusto ko't sa hindi kaylangan kong umalis. Naku, takot ko lang na itigil na nina Mama ang pagbibigay sakin ng allowance, 'no."

"Eh, 'di akong bahala sa 'yo. Ako magpapa-aral sa 'yo." Ani Red sa seryosong tono.

Humagalpak ng tawa si Miah. "Tigilan mo nga ako." Binuksan ni Miah ang sasakyan nito at ipinasok doon si Barky.

Si Red naman ay seryoso lang na nakatayo at nakapamulsa. Napansin ni Miah ang pagkaseryoso ng mukha niya kaya napakunot ang noo nito. Pero binago rin niya ang expression ng mukha niya.

Huminga ng malalim si Red at ngumiti. "I'm just being paranoid." Binuhat na niya ang mga gamit ni Miah at inilagay iyon sa sasakyan.

Nang masigurong maayos na ang lahat ay hinapit niya ang bewang ni Miah at binigyan niya ito ng matamis na halik. "I will miss you. Ngayon pa lang parang mamamatay na ako sa pagka miss ko sa 'yo. Mag-ingat ka roon."

"I will miss you too and I'll be fine."

Pumasok na si Miah sa loob ng kotse at in-start iyon.

"Barky, mag-ingat kayo ng mahal ko, ha?" sa sorpresa niya at tumahol si Barky. "Good boy!"

"We're going. Bye!"

"Bye, I love you!"

"I love you, too."

Hinatid na lang ng tingin ni Red ang palayong sasakyan ni Miah.


"WE'RE HERE." Ani Miah nang makita ang main gate ng resort ng kanyang Auntie. "Blue Coral Resort."

"Magpahinga ka muna." Ani Red sa kabilang linya.

"Yes, after ko makausap sina Auntie." Lumingon siya kay Barky. "Are you tired, buddy?" mabait naman ang aso niya sa byahe at na-enjoy nito ang paligid.

Bumukas na ang gate at ipinasok na niya ang sasakyan. Nang makababa siya sa sasakyan ay agad niyang nakita ang kanyang Auntie kasama ang asawa nito.

"Auntie Joy! Uncle John!" niyakap siya ng mag-asawa.

"Glad to see you, hija. Kumusta ang byahe?" ani ng Auntie niya at ang Uncle naman niya ay tumawag ng boy para tulungan siya sa dala niyang gamit.

"Maluwag naman po ang daan ngayon dahil inagahan ko mag byahe." Aniya pero napagod siya dahil muntik na siyang maligaw. Unang beses niyang pumunta dito mag-isa at siya pa ang nag maneho.

"Good. And oh, I have a place for Barky. Sana makasundo din niya ang mga dogs ko."

Pumasok na sila sa pinaka hall ng resort. Mas gumanda ngayon ang resort ng Auntie niya at maraming tao. Mukha naman siyang hindi mabo-bored dito at aabalahin na lamang niya ang sarili na tumulong dito.

"This is your room. Pinalinis ko na kina Manang kanina. Feel at home. Punta ka na lang sa kitchen kapag nagutom ka, okay?" bilin ng Auntie niya. Mukhang abala ito dahil sa dami ng tao.

"Thank you, Aunt. Tomorrow sisimulan ko pong tumulong dito." Aniya.

Ngumiti ang Aunt niya. "No, you are here to have a vacation. We're alright. Mag enjoy ka lang dito. I'll go down stairs, may kaylangan pa akong kausapin sa telepono. Feel at home, okay?"

Tumango siya at naiwan na lamang siya mag-isa sa kwarto. Nahiga siya sa kama at pakiramdam niya any moment ay makakatulog siya.

Sinipat niya ang oras sa relo. Alas singko na ng hapon. Asikasuhin niya muna si Barky sa kennel ng Aunt niya bago siya magpahinga.

"Nakikipaglaro ka na kaagad, ha." Aniya kay Barky nang makarating siya sa kennel. Mahilig sa aso ang mag-asawa. May anim na aso sa kennel at lahat magkakasundo. Maigi naman kahit na malaki si Barky sa kapwa aso nito ay mabait ito.

"Come here, Barky!" nilinisan niya ng paa si Barky, pinakain at pinainom. Nang maayos na ang halimaw ay nagdesisyon na siyang bumalik.

Namumungay na halos ang mata ni Miah habang papuntang rest house kung saan siya mag i-stay. Madami siyang nakikitang mga naglalangoy pa sa dagat at enjoy na enjoy. Mahangin ang paligid at maganda ang panahon pati na rin ang alon ng dagat. This is the best place sa mga taong gustong mag unwind. Buti na lang at may sariling resort ang Auntie niya.

Sa pag mumuni-muni ay namalayan na lamang ni Miah ang sarili na nakahandusay na sa white sand.

"What the fuck just happened?!" saka kinapa ang ulong nasaktan. Napaungol siya. Nahihilo na nga siya sa antok tapos natamaan pa sila ng bola ng mga nag vo-volley ball.

"Oh my god!" narinig niya ang isang takot na boses ng isang lalaki. Palapit ito sa kanya at naka topless ito. "I know you're not alright but I'm sorry!" hahawakan sana siya nito upang tulungan tumayo pero binantaan niya ito na huwag siyang hawakan nito.

"Don't you dare!" Asik niya at binigyan ito ng matalas na tingin.

Napaatras ang lalaki at itinaas ng kalahati ang dalawang kamay assurance na hindi siya hahawakan nito. "Okay, okay."

"Mga tukmol. Hindi ba kayo marunong mag laro?" singhal niya.

Ngumiti ang lalaki at nakita niya ang pantay at maputing ngipin nito. Mukhang taga Maynila ito at halata na ang sun burn nito sa katawan... and she noticed his abs. Mukhang modelo ito. Jaw dropping ang hitsura nito kung sa ibang babae pero mas nananaig ang iyamot niya dito. Mukhang tanga, eh.

"Ang ganda mo pero ang taray mo." Anito sa kanya.

"Pakialam ko sa opinion mo?" pagtataray niya. Inirapan niya ang lalaki at saka siya nag martsa paalis.

Nang makapasok siya sa kwarto ay agad siyang sumalampak sa kama at nakatulog din kaagad.


NANG makapag almusal si Miah ay agad din siyang bumaba para magtungo sa kaniyang Tiyahin para alamin ang mga bagay na gagawin niya sa Resort. Wala pa din siyang idea kung saan siya nito i-a-assign pero sa palagay niya'y magiging all around ang magiging trabaho niya dito.

"Extra income na rin." Tumango-tango siya at sinipat nang huling sandali ang sarili sa salamin. She's wearing a brown short and a white polo shirt. May name tag din siya kung saan nakasulat doon ang pangalan niya. Nakaponytail ang humahaba na niyang buhok. Baka mamaya na lang siya magsuot ng sombrero kapag mabibilad siya sa araw.

"Wow, you look good sa uniform mo. Ilang taon ka na nga hija?" ani ng Aunt niya nang makita siya nito sa lobby.

"Eighteen, Aunt." Sagot niya.

"Dalagang-dalaga ka na talaga." Giliw na giliw sa kanya ang kanyang tiyahin nang makita niya ang anak nitong si Jenny.

"Mama, can I go with my friends? Pupunta lang kami sa Tagaytay." Mukhang nakagayak na ito at consent na lamang ng magulang ang kulang para gumala. Lumingon ito sa kanya. "Hi, Ate Miah."

Bumati naman siya pabalik.

"Anak, ang layo naman. Ask your father first."

"Mom, Papa already said 'yes'." Nakapag paalam na pala sa ama.

Hindi pinalad na magka-anak ang Aunt Joy at Uncle John niya. Adopted child nila si Jenny. Sahod lampin. At ngayon ay dalagita na si Jenny. Matanda lamang siya ng tatlong taon dito.

"Okay, just take care. Update us always." Paalala ng ina.

"Sure, Mama." Humalik ito sa pisngi ng ina at saka nagmadaling tumakbo papuntang gate kung saan nasa labas nap ala ang mga kaibigan.

"Oh, kids. Nauuna muna gumayak bago magpa-alam." Kusa iyon lumabas sa bibig ni Miah na agad niyang pinagsisihan.

Narinig niyang tumawa ang Tiyahin niya.

"I don't want to be a strict mother here. Ayoko nang makita na nadedepress siya after she found out that she's adopted. Alam kong tanggap na niya but I can still feel her sadness. That's why pumapayag lang kami sa mga gusto niya as long as na hindi kalokohan. She's a nice kid, Miah. Like you." Hinawakan nito ang balikat niya.

"Thank you, Aunt. And I know you're a good mother too." Aniya.

"Anyway, I can't give you the specific area kung saan ka ma-a-assign kasi super lacking ako sa helpers dito. Basta if you think there's something to fix here or need magpa-assist ng mga tao then go ka lang. I'll be busy today kasi ang daming inquiries. From companies, foreign tourist, etc. Just, feel at home here, Miah. And enjoy. Okay? If there's something you need nasa office lang ako."

"Sure, Aunt." Ngumiti siya.

"And, oh..." nag dial ito sa phone nito at ilang sandali lang ay may tinawagan. "Nikko, where are you? Kanina pa kitang—."

"I'm already here, Aunt."

Sabay sila ng Aunt niya lumingon sa nagsalita. Napakunot ang noo ni Miah nang makita niya ang lalaking bumato sa kanya ng bola kahapon.

"You." Aniya.

"Me?" anito sabay turo pa sa sarili. He is wearing the same uniform like her.

"Magkakilala na kayo?" takang tanong ng Aunt niya.

"No, Aunt. Nakita ko lang siya dito kahapon."

And wait, she heard him na tinawag din nitong Aunt ang Aunt niya.

Ngumisi ang lalaki. Ano nga ba ulit ang pangalan nito? Hinahagilap ni Miah sa isip iyon pero nakalimutan na niya. Anyway, hindi naman importante.

"Okay. By the way," lumingon sa kanya ang Aunt niya. "Miah, this is Nikko. Pamangkin ng Uncle John mo. And Nikko, this is Miah, my niece."

"Hello." Anito sa kanya. Hindi ito nag abalang ilahad ang kamay nito dahil baka aware ito na hindi niya tatanggapin iyon.

Nakatingin lamang siya kay Nikko. Actually, gwapo ito. Maganda ang ngipin. Kaya siguro palangiti ang kumag.

Well, mas paborito pa rin niya ang ngiti ng kasintahan niya. He misses him a lot kahit na magkatext sila oras-oras.

"Bale may isa pa kayong kasama. Apat sana kayo kaso kulang ako sa tao. Kayo muna ang mag tulong-tulong sa buong hotel and resorts. Yung ibang staffs naka-assign na sa kanilang designation." Tumingin ang Aunt niya kay Nikko. "Kilala mo na naman si Badith. Kayong tatlo ang mag grupo muna." Instruct ng kaniyang Tiyahin.

Parang gusto na ni Miah umuwi. Bakit naman siya napasama pa sa tukmol na ito. Pero wala pa naman itong ginagawa sa kaniya bukod sa katangahan nito kahapon. She'll give him a chance.

"Maiwan ko na kayo, ha? 'Wag kayong masyadong magpapagod. Just enjoy the whole day, okay?"

"Sure, Aunt." Ani Nikko.

"Opo." Aniya.

Nang mag martsa na palayo ang Aunt niya ay nauna na rin siyang umalis. He left Nikko at narinig niya itong tinatawag siya.

"Miah! Saan ka pupunta?" naka kunot noo ito.

"Magtatrabaho?" Sarkastikong sagot niya.

"We're suppose to find Badith first." Anito.

"Eh, 'di hanapin mo siya mag-isa." Aniya. Kaylan kaya ito mapipikon sa kanya?

"We are a group." Giit nito.

"But it doesn't mean na lagi tayong magkakadikit sa isa't isa." Pagtataray niya. "I have to clean iyong part na iyon." Tinuro niya ang makalat na dahon sa may bandang puno malapit sa beach. "Bahala na kayo ni Badith kung gusto niyo ako tulungan."

Nag martsa na siya palayo.

Hindi pa niya kilala iyong Badith. Whatever. Magpapakabusy na lamang siya maglinis sa buong hotel and resort.


Please do comment and vote. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 122K 115
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...
9.5K 234 15
First installment of the series L'île Bachelorette WATTY AWARDS 2018 WINNER, THE BREAKTHROUGHS Copyright © 2018 OhMyGelou | All Rights Reserved (Star...
313K 5.6K 42
When people cross paths, it's never just an accident. [TheWattys 2018 - Longlist]