"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 24: Hospital Confrontations

1.7K 61 45
By sacchariferousdreams

Chapter 24: Hospital Confrontations

 

 

“Hindi nyo ba ako sasagutin? Ha Kuya Dustin? Kuya Evo? Kuya Ivan? Virgo?” namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko at tuluyan na akong naiyak. Sa tindi ng sama ng loob na nararamdaman ko, kusa na lang akong napapaiyak.

“Magpahinga ka na muna. Makakasama sa’yo kapag na—”

 

“Kuya Dustin! Tama na pwede? Gusto ko ng malaman ang totoo. Ang lahat ng katotohanan kung bakit kailangan magkaganito.” Bumangon ako ng bahagya sa pagkakahiga. Medyo nahirapan pa ako nu’ng una dahil sa dextrose na nakakabit sa braso ko.

“Mahal..” lumapit sa akin si Virgo at sinubukan nya akong alalayan, pero hinawi ko lang ang kamay nya.

 

“Bitawan mo ko! ‘Wag mo akong hawakan! Ikaw! Bakit mo ko niloko? Bakit ka nagpanggap? Sabi mo mahal mo ako, pero ‘yun ba ang totoo o pagpapanggap lang din? Sinaktan mo lang ako!” napahikbi ako habang pinupunas ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Hindi ko na kaya ‘yung sakit ng nararamdaman ko.

“Let her know the story, Brad.” Si Kuya Ivan.

Napatingin ako sa kanya habang walang tigil na umiiyak. Napakaseryoso ng mukha nya, talaga ngang may alam si Kuya Ivan tungkol sa mga nangyari. Siguro alam nya kung bakit nagpanggap si Virgo.

Humakbang papalapit sa akin si Kuya Dustin. Malungkot ang mukha nya at halatang nagaalala na sa kalagayan ko. Pero sa mga nangyayari ngayon, hindi ko na alam kung talaga nga kayang nagaalala pa sa akin ang nakatatanda kong kapatid. Pati kasi sya kapansin-pansin na may tinatago sa akin. May alam din sya sa ginawa ni Virgong pagpapanggap.

Habang si Virgo naman ay namutla bigla ng mapatingin ito kay Kuya Ivan. Hindi na ako magtataka kung bakit.

“Ano? Sabihin mo na kasi Virgillio, kung bakit mo ginamit ang username ni Evo.” Talagang pinipilit ni Kuya Ivan na magsalita na si Virgo. Sa kanilang apat, sya lang talaga ang may ganitong kakayahan. Ang udyukin ang kaibigan na gawin ang isang bagay kahit na hindi ito komportable.

 

“Fine! Sige, aaminin ko na. Oo Margarette, kasalanan ko dahil nagpanggap ako na si Ironic_Volvo.” Lahat kami napatingin kay Virgo.

Ito na naman ang puso ko, kumabog na naman ng malakas. Pakiramdam ko anumang oras hihimatayin na naman ako sa kaba. Pakiramdam ko anumang oras maiiyak na naman ako ng sobra. Aasahan ko na ang isang bagay na lalong ikasasama ng loob ko. Ang katotohanan sa likod ng pagpapanggap ni Virgo.

“Nagpanggap lang naman ako dahil.. Dahil mahal kita Margarette, mahal na mahal kita..” nagsimula ng maiyak si Virgo sa pagpapatuloy nya.

May kung anong sumundot sa utak ko para konsensyahin ako sa nangyaring pagiyak nya. Hindi ko rin inaasahan na ang isang Virgo, iiyak na lang bigla.

“That’s not enough Virgo, alam mo ‘yan. Sinabi ko ‘yan sa’yo dati pa.” naguluhan ako bigla. Anong ibig sabihin ni Kuya Dustin na may sinabi sya kay Virgo dati? Teka, ang gulo!

“Ano Kuya Dustin? May alam ka?” gulat kong sabi.

 

“Oo, may alam ako. Sorry Margarette, sorry kung naglihim ang Kuya sa’yo.” Napayuko sa kahihiyan si Kuya Dustin.

“Tama ka du’n Dustin at nagsisisi ako sa pagkakamaling nagawa ko. Please Brad, ibigay mo na sa akin itong pagkakataon na ito. Ako na ang magpapaliwanag ng lahat nang nangyari sa kapatid mo.” Nagpunas ng luha si Virgo at matapang na hinarap ang kuya ko.

“Sabihin mo na.” mahina kong sabi dito.

“Ang lahat ng ito ay nagsimula nu’ng malaman ko na ikaw ‘yung madalas na kalaban ni Evo. Ikaw si Just_Chals_96 na halos gabi-gabing kaclash ni Ironic_Volvo. Kung paano ko nalaman? It happened one time na sinundan ka naming tatlo sa computer shop, remember nu’ng nakasilip kaming tatlo sa monitor ng computer mo? Agad kang nagminimize ng screen, pero hindi ‘yun ganun kabilis para hindi ko makita ang username mo. Before, naghihiraman kami ng account nila Evo. But that was a long time ago. Pero simula nu’ng nalaman ko ang tungkol sa paglalaro mo ng TLC at kung sino ka sa mundo nito, sinubukan ko ulit na hiramin ang account ni Evo.” Napaatras si Virgo sa kinatatayuan nya. Nang maramdaman nya na may upuan sa likuran nya, napaupo sya rito.

“Tumanggi si Evo, pero pinilit mo pa rin sya.” Biglang pagsingit ni Kuya Ivan.

“Ivan, tama na. Ipapaliwanag naman lahat ni Virgo.” Tumingin ng ilang segundo si Kuya Evo kay Virgo, pero madali rin nya itong binawi.

“Ivan’s right. Tumanggi si Evo pero pinilit ko pa rin sya. Hanggang sa napapayag ko syang ipahiram sa akin ang account nya. Ang saya-saya ko nu’n, Margarette. Sa tuwing nagkakaclash tayo, tapos binibigay ko sa’yo ang laban. Ang sarap sa pakiramdam na napapasaya mo ‘yung mahal mo, iba ‘yung feeling na nakakausap mo ako at napapansin. Kahit na ang kapalit nu’n ay ang pagbaba ng level ni Evo at ang madagdagan pa ang araw na naglilihim ako ng totoo sa’yo. Kahit na napapansin mo lang ako sa pamamagitan ng username na ginagamit ko. Kaya kung napansin mo rin siguro may pagkakataon na mabait ang Ironic_Volvo na nakakausap mo, ako kasi ang may gamit ng account nu’n. Pero kapag bumalik sa dati si Ironic_Volvo, ang may gamit ng account nu’n ay si Evo.” Nakatingin sa mga mata ko si Virgo habang nagpapaliwanag sya, nababasa ko sa mga tingin nya ang pagsisisi.

Pero hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat. Hindi ko pa kayang maintindihan ang dahilan nya. Na dahil sa mahal nya ako at gusto nyang mapansin ko sya, nagpanggap na sya sa pagkatao ng iba? Hindi ko kayang tanggapin ang ganu'ng rason.

“Alam mo rin ba ito Kuya Dustin?” tila nabuhusan ng malamig na tubig si Kuya Dustin ng banggitin ko ang pangalan nya.

Napapikit sya at saka biglang napasapo sa noo nya. Makikita ang kabiguan sa hitsura nya.

“Sorry Margarette, pero oo alam ko ang lahat ng ito. Pinaalam sa akin ni Virgo ang lahat pero huli na. Sinagot mo na sya nu’ng nalaman ko ang ginawa nya. Gustuhin ko man na paghiwalayin kayo, pero hindi ko na ginawa. Alam kong mas masasaktan ka lang. Naalala mo nu’ng minsan kitang pinaalalahan tungkol sa mga taong dapat mong pagkatiwalaan? Sinabi ko sa’yo ‘yun dahil alam ko na ang kalokohang ginagawa ni Virgo. Prinotektahan kita Margarette, kahit na simula pa lang hindi na sana ako payag na pumasok ka sa relasyon. Pero lahat nang iyon isinantabi ko, dahil nakikita kong masaya ka. Natakot ako na mawala ‘yung saya mo sa tuwing hinahatid ka ni Virgo pauwi sa bahay at sa tuwing naipapasyal ka nya. Ang tanging mali ko lang, nakalimutan kong mas masasaktan ka dahil sa katotohanan na hindi mo nalaman.” Sa pagkakataong ito, si Kuya Dustin naman ang nagpaliwanag.

Kaso maging si Kuya Dustin ata hindi ko rin kayang paniwalaan o intindihin ang paliwanag nya. Mahihirapan akong tanggapin na alam nila ang lahat ng ito at itinago nila sa akin ang isang bagay na hindi nararapat.

“Kuya Dustin.. Bakit..” yumuko ako saka umiyak ng malakas, hindi ko na kayang pigilin pa ang bigat ng dibdib na nararamdaman ko dahil sa sobrang pagkadismaya. Hindi ko akalain na pati ang Kuya Dustin ko, kaya akong saktan ng ganito.

“Huwag mong sisihin ang Kuya mo Margarette, hindi ginusto ni Dustin ang nangyari.” Depensa ni Kuya Ivan sa kapatid ko.

 

“And who? Sinong may gusto nito Ivan? Alam ko naman kasalanan ko e, pero pwede ba? Pinapaliwanag ko lahat.” Sumabat si Virgo. Mataman ang tingin nya kaibigan.

“Aba dapat lang Virgo, dapat lang malaman ni Margarette kung ano ang buong katotohanan.” Umiling-iling si Kuya Ivan. Sarkastiko ang pagngiti nya.

“Oo naman Ivan. Ikwekwento ko rin kung paano ka nagwalang kibo nu’ng nalaman mo ang naging usapan namin ni Evo.”

Natigilan si Kuya Ivan, nakita ko ang paggalaw ng lalamunan nya dahil sa paglunok ng laway. Kapansin-pansin ang biglaan nyang pagkamulta.

“Kuya Ivan..” mahina kong sabi.

 

“Days after, nalaman ni Ivan ang lahat. Pinakiusapan ko sya na ‘wag na lang munang ipaalam sa’yo dahil nga gusto ko munang mapalapit sa’yo Margarette. Kahit tayo na nu’n, hindi pa rin ako tumigil sa panghihiram ng account ni Evo. Laking pasasalamat ko nu’n kay Ivan dahil nanatili syang tahimik at sinikreto nya sa aming apat ang nalaman nya, kapalit ang isa kong weapon na matagal ko ng tinatabi sa character case ko.” dagdag na kwento ni Virgo.

Mas lalo akong nainis, mas lalong napuno ng galit ang puso ko. Para lang sa isang weapon, nagawang ipagpalit ni Kuya Ivan ang tiwala ko? Para lang sa isang weapon sa larong TLC nagawa akong saktan ni Kuya Ivan? Sinayang nya ang pagturing ko sa kanya na kapatid para lang sa walang kwentang bagay? ‘Yun lang ba ang katapat ko sa kanya, isang virtual weapon na kahit kailan hindi naman nya mahahawakan?

 

“Ayoko na sa’yo Kuya Ivan! Ang daya-daya mo! Sinira mo ‘yung tiwala ko sa’yo!” malakas kong sabi.

“Sorry, sorry Margarette. Hindi ko talaga inaasahan na aabot sa ganito ang lahat, kala ko naman kasi magsasabi rin sa’yo si Virgo kaya hinayaan ko na ang deal namin. Kapatid na rin ang turing ko sa’yo Margarette. Ayoko lang din kasing makialam sa desisyon ni Virgo. Sorry..” agad na lumapit sa akin si Kuya Ivan at niyakap ako. Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya, tinulak ko sya para mapalayo sya sa akin.

Hindi naman nagpumilit si Kuya Ivan, agad din syang kumalas sa pagkakayakap sa akin at saka napahilamos sa mukha nya. May namuong mga luha sa mga mata nya, ilang saglit pa tumulo na ang mga luhang ito sa kanyang pisngi.

“Ano pa? Ano pang dapat kong malaman? Akala ko mababait kayo, akala ko pa naman katulad kayo ng Kuya Dustin ko dahil mga kaibigan nya kayo. ‘Yun pala sasaktan nyo lang ako, pati ikaw Kuya Dustin. Sasaktan mo rin pala ako.” Hindi sila natinag sa mga posisyon nila. Pati si Kuya Dustin hindi nagawang magbigay ng reaksyon nya. Alam nya sa sarili nya na tama ako, nasaktan nya ako dahil sa paglilihim nya ng alam nyang totoo.

 

Parang ayaw maubos ng mga luha ko dahil sa patuloy kong pagiyak. Ganito ba karami ang tubig sa katawan ko kaya ganito rin karami ang kaya kong iiyak? Parang hindi rin ako napapagod sa pagluha, ang totoo nyan gusto ko pang umiyak ng matagal. Baka sakaling matanggal lahat ng bigat na nararamdam ko sa loob ko. Kahit pa ramdam ko na ang pagmaga ng mga mata ko dahil sa walang tigil na paglalabas ng luha.

Natahimik ang paligid ng ilang sandali, tanging paghikbi at pagsinghot lang ang tunog na mayroon sa kwarto kong iyon sa ospital. Nagpunas ako ng mukha ko dahil may naalala ako na isa pang bagay na gumugulo sa isipan ko. Kung bakit si Virgo ang nagpakilalang Ironic_Volvo nu’ng annual meet up ng TLC.

 

“Sabihin mo sa akin Virgo, bakit ikaw ang nagpakilala sa maraming tao na si Ironic_Volvo nu’ng annual meet up? Atsaka nasaan kayo nu’n Kuya Ivan? Kuya Evo at Kuya Dustin? Hindi ko kayo nahagilap sa isang napakahalagang araw ng TLC.”

 

Humarap sa akin si Virgo at saka derestong tumingin sa akin. Namumula na ang mga mata nya dahil sa pagiyak. Ang tamlay na ang hitsura nya. Naawa ako sa kanya bigla, pero mas kailangan kong isipin na ako ang kinawawa nila.

 

“Yeah, nu’ng annual meet up. Isa ‘yun sa mga hiningi ko kay Evo. Na ako na lang ang haharap na sya. Pinag-awayan naming dalawa ‘yun, pero ang ending mas nanaig ang pagiging mabuting kaibigan ni Evo. Hinayaan nya akong ako ang humarap bilang sya. And it sounds very rude, I was so selfish that time dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang paniwalain ka sa kasinungalingan. Kaysa sa pagkakaibigan namin at sa mararamdaman mo kapag nalaman mo ang totoo. Alam ko na pupunta ka nu’n Margarette, alam ko na pupunta ka kaya ako ang nagpanggap na si Ironic_Volvo. Gusto kong marealize mo na ang taong kinaiinisan mo sa mundo ng TLC, ang syang taong mahal mo sa tunay na buhay. Pakiramdam ko nu’n dagdag pogi points sa’yo kung magiging ako si Ironic_Volvo.” Parang may kung ano na sumaksak sa puso ko dahil sa sinabi ni Virgo.

Lahat na lang ata ng sinabi nya ngayon ay hindi maganda. Lahat na lang ata ng sinabi nyang katotohanan ay puro lang pasakit sa akin. Wala na ba akong maririnig na iba? Puro ba panlilinlang ang alam nya?

 

"Hindi na kami humarap nu'n sa annual meet up dahil alam namin na malaking gulo pa. Sinamahan na lang namin si Evo, sinubukan namin syang kumbinsihin ni Dustin na ipaglaban kay Virgo ang username nya. Pero wala e, nagparaya na si Evo. Kaya nagsawalang kibo na lang din kami." paliwanag ni Kuya Ivan.

Natuon ang mga tingin ko sa lalaking katabi ni Kuya Ivan matapos nyang magsalita. Nakatalikod sya sa akin, nakalapat ang noo sa kanyang mga braso na sya namang nakadikit sa pader.

Ang mabuting kaibigan sa kwento na ito, si Kuya Evo.

“Kuya Evo..” nasambit ko ng mahina ang pangalan nya.

Humarap ng dahan-dahan si Kuya Evo at matamang tumingin sa akin. Pati ang mga mata nya ay namumula na rin, may mga luhang namumuo sa gilid nito. Tanda na ano mang sandali ay maaari na syang umiyak. Bagsak ang mga labi nya at walang senyales ng kahit anong kapositibuhan dito, parang ako lang. Sa tinginan naming dalawa, ramdam ko na nagsisisi sya. Ramdam ko na naaawa sya sa sinapit ko dahil sa naging kontsabahan nila ng kaibigan nya.

Alam ko naman na hindi ginusto ni Kuya Evo ang nangyari. Hindi naman sya ang nakaisip ng kalokohan na magpalitan sila ni Virgo sa paggamit ng account nya. Pero may namumuo pa ring inis sa puso ko para sa kanya. Maging sya naging duwag na ipaalam sa akin ang naging plano ng kaibigan nya. Sabi nya gusto nya ako, pero wala syang pinagkaiba sa mga kaibigan nya. Isa rin syang nagpabaya sa maaari kong maramdaman.

Pero kung tutuusin hindi naman ako obligasyon ni Kuya Evo. Mas matimbang pa rin siyempre ang samahan nila ng mga kaibigan nya. Sino ba naman ako para isipin pa nya? Alam ko naman na mas matimbang ang pagkakaibigan nila ni Virgo. E hamak na kapatid lang naman ako ng Kuya Dustin.

“Margarette, mahal ko.. Patawarin mo ko..” nagmakaawang lumapit si Virgo sa akin. Hinawakan nya ang isa kong kamay, hinalikan nya iyon habang nakatingin sa akin. Ganun din ako sa kanya, nakatingin lang ako sa mga mata nya habang patuloy pa rin sa pagluha.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Masama pa rin ang loob ko sa kanya kahit na nagpaliwanag na sya at humingi na ng tawad. Habang magkatitigan kami, naaalala ko lang lalo ang sakit na ginawa nya. Maging ang mga araw na pinaniwala nya ako sa isang kasinungalingan, maging ang mga araw na nabuhay ako sa pagaakalang hindi nya ako magagawang saktan. Sa ngayon, mahihirapan akong maibalik ang dati kong paghanga sa kanya.

“Umalis na kayo.. Gusto ko ng magpahinga.” Inalis ko ang kamay ko kay Virgo at agad na humiga. Nagtaklob ako ng kumot sa aking mga mukha. Du’n ako ulit umiyak.

“Pero mahal ko..” narinig kong sabi ni Virgo.

“Tama na. Gusto ng magpahinga ng kapatid ko. Sinabi mo na ang gusto mong sabihin, nalaman na nya ang lahat ng dapat nyang malaman. Kaya please? Tama na Virgo. Nagtimpi ako nu’n dahil binigyan kita ng pagkakataon na patunayan ang sarili mo sa kapatid ko. Sana pala talaga naniwala na lang ako sa pagkakakilala ko sa’yo. Sana hindi ko na lang hinayaan na saktan mo ang kapatid ko. Kaya Brad kung maaari lang, umalis ka na bago pa kita masaktan.” Agad na prumotekta si Kuya Dustin sa akin.

Mas lalo akong naiyak ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Dustin. Wala na silang magagawa, nangyari na ang lahat. Nasaktan na ako at patuloy pa ring nasasaktan.

Halos sipunin na ako sa kakaiyak, mapupudpod na rin ata ang mga pisngi ko dahil sa walang patid na pagpunas ng luha dito. Kaso nakakainis dahil ayaw matigil ng mata ko sa pagiyak. Ganito pala kapag nasasaktan ng sobra, mismong emosyon mo hindi mo makakayang makontrol. Tulad na lang kapag nagmamahal ka.

Naramdaman ko na may naglagay sa gilid ng kama ko. Kasunod nu’n ang ilang yabag na papaalis.

 

“Sorry Margarette.. Sorry talaga, babawi ako kapag pwede na. Promise ‘yan ni Kuya Ivan, patatawanin kita ulit.” Narinig ko ang na nagsalita si Kuya Ivan pero medyo malayo na ang pinanggalingan ng boses nya. Malamang nasa may pintuan na sya.

“Tara na Ivan, ihahatid ko na kayo sa labas. May sasabihin ako sa inyo.” Matigas na sabi ni Kuya Dustin.

Ayoko na silang tingnan. Kaya nga ako nagtaklob ng kumot dahil ayoko na silang makita pa. Ni isa sa kanila ayoko na munang makahalubilo. Kaya kahit ang tingnan sila paalis, hindi ko na ginawa.

Akala ko wala na sila, tatanggalin ko na sana ang nakataklob na kumot sa akin pero bigla na lang may nagsalita.

 

“Sorry Margarette. Sorry kung hinayaan ko lang si Virgo na gawin ang gusto nya. Masyado ka nyang mahal, masyado syang nahulog sa’yo kaya kahit na kasalanan ang magpanggap ginawa pa rin nya. Kaibigan ko sya kaya kahit labag sa kalooban ko, pinagbigyan ko na. Tutal sabi naman nya isang beses lang, kaso naulit lang ng naulit dahil du’n nya lang naramdaman na napapansin mo sya. At ‘yun ay kahit na sa ibang pagkatao ang gamit nya. Ang bobo ko dahil hinayaan ko syang mapalapit sa’yo gamit ang account ko. Du’n ko lang narealize na ang tanga-tanga ko dahil unti-unti na kitang nagugustuhan. At kung kailan naman gusto na kita, du’n pa kayo mas lalong naging malapit ng kaibigan ko hanggang sa sagutin mo na sya. Kung sana hindi ko na lang hinayaan na hiramin nya ang account ko, e di sana tayo lang palagi ang magkalaban at magkachat sa TLC. Pero sabagay, hindi ko naman kasi akalain na magkakagusto ako sa’yo. Sa batang kapatid ng kaibigan ko. Nakakakonsyensya, pero wala na akong magagawa. Sorry Margarette. Itatago ko na lang muna ang special feelings ko para sa’yo. Para kapag dumating ang araw na handa ka na ulit humarap at makipagusap sa amin, nandito pa rin ako para sa’yo.” Nakatingin lang ako sa telang nakaharang sa mukha ko habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya Evo.

 

Katulad ni Virgo, Kuya Dustin at Kuya Ivan sinubukan nya ring ipaliwanag ni Kuya Evo ang sarili nya sa akin. Pero hindi pa rin ako napanatag, pakiramdam ko dumagdag ang sakit na naramdaman ko.

Maya-maya isang mahinang pagsara ng pintuan ang narinig ko. Marahan ko namang ibinaba ang kumot na nakaharang sa aking mukha. Wala na sila, ako na lang magisa ang nandito sa loob ng apat na sulok na kwarto ng ospital.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga habang patuloy pa ring umiiyak. Putragis naman na mga mata ‘to, ayaw magpaawat. Nakakaramdam na ako ng pagod sa paghikbi, pagluha at pagsinghot. Last na ito, hindi na talaga ako iiyak ulit. Hindi na ako magpapaloko. Hindi na rin ako magtitiwala. O mas mabuting hindi na lang ulit ako magmamahal ng sobra.

Napasulyap ako sa isang bagay na naiwan sa gilid ng aking kama. Ito ‘yung kaninang naramdaman ko na inilapag sa tabi ko. Kinuha ko ‘yun at masuring tiningnan.

Isang kahon na kasinglapad ng tipikal na size ng ruler, isang dangkal ang haba nito. Wala akong ideya sa laman ng kahon hanggang sa ito ay aking buksan.

Naglalaman iyon ng isang bracelet na may tatlong hugis pusong pendant ang nakasabit. May nakatuping maliit na papel sa loob nito na agad ko namang binuklat.

Happy first monthsary, Mahal kong Margarette.

I love you so much.

 

Love,

Virgo

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...