The Prince Who Bit The Poison...

By VentreCanard

9.2M 473K 129K

In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted ap... More

--
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 23

131K 6.6K 3.5K
By VentreCanard

Chapter 23

Flavor

"It's always your apple, Autumn Stassi Olbes." Hinawakan na ni Wayto ang dalawa kong kamay.

His eyes were filled of mixture of frustrations, annoyance but he's been trying to hide it with his pretentious tender smile.

Alam kong sa relasyong mayroon kaming dalawa ni Wayto, kapwa na kami natutong umarte sa isa't-isa. He's like a caring boyfriend right now, pero sa totoo, gusto na ako nitong tirisin sa inis dahil sa pag-iinarte ko sa kanya.

But in the end, kahit gaano katindi ang pagkainis niya sa akin dahil sa mga kaartehan ko, ako pa rin ang nananalo.

Because, I am pretty and jowable. And of course, Dwight Alcerous Arellano loves me very much.

"Are you sure, Wayto?" I asked him with my tears and exaggerated hurting voice.

"Yes." Maiksing sagot niya sa akin.

"Am I pretty than her?"

"Of course! Sobrang ganda! Sobrang arte pa!"

"Even with my fake curls?" napahilamos na sa kanyang sarili si Wayto. Tumayo na ito sa aking harapan, namaywang, ilang beses halos sabunutan ang sarili, huminga nang malalim at paulit-ulit na sumulyap sa akin.

"Kung hindi lang kita mahal, Autumn!"

"But I love you too... that's why I'm jealous. Pinagtataasan mo na naman ako ng boses, Wayto. Ikaw rude na naman sa akin..."

Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa akin.

"Don't worry, sa susunod na may mabangga akong babae, hahayaan ko na. Huwag ka lang magselos nang ganyan sa akin. And I'm not being rude! God! I've been controlling myself! Mabuti sana kung nagagalit ako sa mga kaartehan mo!"

"H-Hindi ba? But you keep pretending... ikaw galit na sa akin Wayto." Pinagdaop ko ang mga kamay ko at sinimulan paglaruin ang mga daliri ko.

That signature Autumn finger playing innocence style. My favorite stunt during my feud with Wayto, para mas mukha akong jowable na aping-api.

Saglit akong sumulyap kay Wayto bago ako ulit nagtungo ng aking ulo. Gigil na siya sa akin.

Napapikit ako nang biglang humampas sa couch ang dalawang kamay nito, dahilan kung bakit ako nakulong sa pagitan ng kanyang mga bisig at titig.

"OLBES. Iba ang ginagalit mo..."

Mabilis nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Wayto. Balak ko pa sanang tingnan at kumpirmahin ang bagay na nagagalit sa ibaba nang sabay kaming maabala ni Wayto sa malakas na sipol na may iisang tono.

Kapwa kami lumingon sa pinanggalingan nito. Limang ngising nakakaloko ang sumalubong sa amin, kapwa nakakrus ang mga braso ng mga ito at mukhang nawiwili ang mga ito sa kanilang nasasaksihan.

"Lalabas na lang muna siguro kami? Nagagalit ka pa yata." Natatawang sabi ni Nero.

Wayto waved his hand. "No, we're fine. Naglalambingan lang kami ng girlfriend ko."

Mabilis umupo si Wayto sa tabi ko at agad siyang umakbay sa akin. Pinagkrus niya ang kanyang mga hita at inilahad niya ang kanyang libreng kamay para anyayahan ang mga Ferell umupo sa harapan namin.

Nauna si Nero na sinundan ng kanyang mga pinsan.

"Tell me, bakit kasama pa sila?" walang pakundangang tanong ni Wayto kay Nero.

"We asked him the same question." Sagot ni Tristan.

Hindi na naging mahirap sa akin ang makilala ang mga Ferell sa kanilang mga pangalan, dahil bukod nga sa sikat sila, maraming beses na silang naging epal sa amin ni Wayto.

"Because you will need them, hindi ako magaling magpaliwanag." His cousins nodded.

"Nasaan si Don Ferell? Alam mong siya ang gusto kong kausapin."

Tumawag na ng waiter si Troy at nang nagsimula na ang mga itong mag-order, napatanong na lang ako sa sarili ko kung bibitayin ba ang mga ito kinabukasan.

Pinili ko munang hindi mag-inarte kay Wayto, dahil mas naging seryoso na ito nang dumating ang mga Ferell. Pwede naman siguro mamaya.

"Galing kayong party?" tanong ni Nero sa amin nang magpabalik-balik ang tingin nito sa amin ni Wayto.

I waved my hand. "No, kumuha lang kami ng sedula."

Sabay-sabay umawang ang bibig ng mga Ferell sa sagot ko.

"Wow. My required attire sa Enamel para kumuha ng sedula?" tanong ni Troy.

"No. I just blend with Wayto's new smuggled car." Kumunot ang noo sa akin ni Wayto, habang natawa naman ang mga Ferell.

"Kidding aside, matatagalan ba si Don Ferell? Nagmamadali kasi kami ni Wayto, bibili pa kasi kami ng glitters. Right, babe?"

"Glitters?" nagtatakang tanong ni Wayto sa akin.

"My back..." madramang sabi ko.

"Ah, yeah. Glitters." Halos lumabas sa ilong niya ang kanyang sinabi.

Ngumisi ako bago muling humarap sa Ferell. Humilig ako kay Wayto habang nasa dibdib niya ang isa kong kamay, nakangiwi na ang magpipinsan habang nakatitig sa amin.

"So? Ilang oras pa ang hihintayin namin?" Wayto asked.

"Just few more minutes." Sagot ni Nero.

Dahil mukhang hindi nagugustuhan ng mga Ferell ang kaunting pag-arte ko kay Wayto na wala naman ibang magawa kundi hayaan ako sa ginagawa ko, mas binigyan pansin ng magpipinsan ang pag-order ng pagkain.

Hindi na matanggal ang ngiwi ko habang pinagmamasdan si Troy, Owen at Aldus na parang may sarili nang mundo . Ngayon ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng interes kay Aldus. Kumakain ba ang mga ito sa kanila?

"Hindi ka na ba galit sa akin, Wayto?" tanong ko sa kanya habang gumagawa ng iba't-ibang hugis sa dibdib niya.

"Hindi na, ibibili pa nga kita ng glitters. Gandang babae... sobrang arte..." he whispered.

I giggled before kissing his cheeks. Nagkanda ubo-ubo na ang mga Ferell sa amin ni Wayto.

"Pinagtataasan na ako ng balahibo rito." Kumento ni Troy.

"They're funny." Sabi ni Aldus.

"Kumuha na rin kaya tayo ng sedula, Nero?" tanong ni Tristan kay Nero.

"Gagaya kayo sa mga taga Enamel na mga pabebe?" tanong ni Owen.

"You're just bitter. Right, babe?" malambing kong tanong kay Wayto.

Tumawa lang si Wayto sa sinabi ko. "Nasaan na ba ang mga girlfriend n'yo?"

Sabay-sabay umiling ang mga ito.

"Hopeless idiots." Naramdaman kong humalik sa ibabaw ng ulo ko si Wayto.

Bigla na lang akong natahimik at hinayaan ang sariling kalmahin ang aking sistema sa ginawang 'yon ni Wayto. It was simple yet too warm for me. I just want to kiss him and melt in his arms.

"He will tell us everything, right?" tanong ni Wayto.

"That's the problem, really." Sabat ni Troy matapos punasan ng tissue ang kanyang labi.

"Of course, that's a problem." Segunda ni Owen.

"Paanong magiging problema? Hindi ba at sinabi mo na sa kanyang may kailangang kumausap sa kanya?" baling ni Wayto kay Nero.

"But talk and help is different. Pwede ka niyang kausapin, pero hindi namin masisigurong matutulungan ka niya at sasabihin niya ang lahat ng kanyang nalalaman." Sabi ni Tristan.

"W-Wayto... I thought he'll help us?"

Hindi sumagot sa akin si Wayto, nanatili siyang nakatitig sa mga Ferell.

"Tell me, anong pwede kong gawin para kausapin ako ni Don Ferell at sagutin niya ang gusto kong malaman?"

"Easy!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.

"How?" Wayto and I asked in unison.

"You should make yourself a very good example of honorable gentleman." Taas noong sagot ni Troy.

"W-What?" tanong ni Wayto.

"Honorable gentleman! Yung katulad namin na marunong maghintay ng babae sa altar! We value wedding night. Something like that..."

"Tang ina! Ako ba pinagloloko n'yong mga gago kayong mga Ferell kayo?! This is a serious matter!" iritadong sabi ni Wayto.

"Sa tingin mo we'll go all the way here just to play a joke for you? Nagsasabi kami ng totoo." Sagot ni Aldus.

"Honorable gentleman! Anong kinalaman sa mga itatanong ko?!"

"Because LG's never liked someone with bad image." Sagot ni Owen.

Suminghap ako sa sinabi nito, hindi maganda ang repustasyon ni Wayto sa loob at labas ng Enamel. He's being hated by all. Paano pa kami tutulungan ni Don Ferell?

"But Wayto-" hindi ako pinatapos ni Nero magsalita.

"But he's my friend, hindi maniniwala si LG sa anumang maririnig niya tungkol kay White mula sa Enamel. He'll just trust his grandson's judgement, kaya nga siya pumayag na makipagkita sa inyo hindi ba? I told him that White is my friend, but there's always a limitation for my grandfather's helping hand." Sabay-sabay tumango ang mga Ferell sa mahabang paliwanag ni Nero.

"And what is that?" tanong ko.

"He never likes impatient man." Sagot ni Tristan.

Kumunot lalo ang noo ni Wayto. "Anong connect?"

"What we're trying to explain, kapag kaharap n'yo na si LG try to act less clingy. Dapat ipakita mo agad sa kanya, na katulad ka namin. Na halos hindi namin mahawakan kahit ang dulo ng daliri ang babae." Halos himatayin ako sa narinig mula kay Troy Ferell.

From all the people, these Ferells! Hindi makahawak kahit dulo ng daliri ng babae?

"Ako ba, pinagloloko n'yong lima?! Kayo nga itong sunggab nang sunggab sa babae!" naglalabasan na ang ugat sa noo ni Wayto.

"Pero sa mata ni LG, kaming lima ang magandang halimbawa ng mga lalaking marunong maghintay sa altar para sa babaeng well... mahal?"

"You've been fooling your grandfather! Y-You fuckers!" sigaw ni Wayto.

Ngumisi sa amin ang mga Ferell na may kasamang pagkibit-balikat.

"So, that's it. Kaya ko isinama ang apat na ito, they have the ability to orient you on how to face our grandfather. It's better, kung hindi mo kasama si Autumn, pero ngayong kasama mo siya. You should act better." Paliwanag ni Nero.

"What the hell!"

"Kung ayaw mo, umuwi na kayong dalawa. Walang patutunguhan ang pakikipag-usap n'yo kay LG." Seryosong sabi ni Troy.

"Shit! Alright! Now tell me! Bago pa dumating ang lolo n'yo!"

Lumapit sa amin si Aldus, Owen at Troy. Si Nero at Tristan ay nagsimula na rin kumain.

Pinaghiwalay kaming dalawa ng mga Ferell. Tumabi si Owen, Aldus at Troy kay Wayto at nagsimula na ang mga itong mag-usap na halos hindi ko na marinig.

Bigla na akong kinabahan. Lumapit sa akin si Tristan at binigyan niya ako ng slice ng cake.

"Just let them be, they're expert."

"Expert liars."

"Agree. Lahat naman nagsisinungaling." Nagkibit-balikat ako sa kanya.

Bumalik na siya sa pwesto niya at nagsimula silang mag-usap ni Nero. Napapasulyap na lang ako sa kumpulan ni Wayto at ng tatlong Ferell dahil sa mura ni Wayto.

Kalahating oras yata silang nag-usap bago humiwalay ang tatlo. They gave me thumbs up, umirap ako sa kanila.

Nang marinig ko ang boses ng waiter na mukhang may kausap, agad na akong kinabahan. Nagsimula nang tumayo ang mga Ferell nang unti-unting nabuksan ang pintuan, ganito rin si Wayto at ako. At nang sandaling nagtama ang mga mata namin ng kilalang Don, bigla na lang nangatal ang mga tuhod ko.

Shit! He's damn intimidating!

"Maupo kayo."

Nahati sa dalawa ang magpipinsan at sa gitna naupo ang matanda.

"Don Ferell..." inilahad ni Wayto ang kanyang kamay.

"I'm Dwight Alcerous Arellano and here's my girlfriend... Autumn Olbes..."

"Arellano... Olbes..."

Saglit lang kaming tinitigan ng matanda bago ito bumuntong hininga.

"Naalala ko sa inyo ang aming kabataan. Are you aware of your family's feud?"

"H-Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, nito ko lang po nalaman na may koneksyon po kayo sa aking lolo, Don Arellano at isang surpresa rin na malaman na magkakaibigan kayo noon ni Don Olbes. We're here to know the truth... dahil naiipit na po kaming dalawa ni Autumn. Maybe after knowing the reason why, we could come up for the solution..."

"May relasyon kayo ng dalagitang ito." Tumango kami ni Wayto.

Inaasahan ko nang hahawakan ni Wayto ang kamay ko, nang akma na itong hahawak sa akin, nagkaroon siya ng pag-aalinlangan at hindi rin nagtagal ay itinabi niya na lamang ang kamay niya.

What the hell is that?

Nang sulyapan ko ang mga Ferell, kapwa na ang mga ito nakangisi na parang proud sa paandar nitong si Wayto.

Hindi makahawak kahit sa dulo ng daliri ng babae. Wow.

"Niligawan ko po siya ng halos dalawang taon, and when she said yes. I was the happiest. I want to hug her tightly that day, but too afraid that she'll break. She's the Olbes Princess, afterall."

S-Saan nanggaling ang dalawang taon!? Sa pagkakaalala ko ay namantal ang labi ko nang pumayag na akong maging girlfriend niya sa kotse! Anong she'll break?

Biglang nag-flashback sa akin ang lahat iba't-ibang klase ng halikan namin ni Wayto sa iba't-ibang lugar.

Hindi naman ako nabasag.

"I'm so proud of you, man." Nero said with great sympathy.

"Kakaunti na lang tayong ganyan..." suporta ni Tristan.

"You should help them, LG." Sabi ni Troy.

"K-Kung sakaling maayos na ang gusot sa pagitan ng pamilya namin. Siguro matitigil na namin ang sekretong pagkikita sa isa't-isa, I'm afraid about the people might judge Autumn sa sandaling pumutok na ang balita na may sekreto kaming relasyon. They would think the worst about us... at ayokong dumating ang punto na huhusgahan nila si Autumn. She's a very good lady, kind-hearted and too pure for me... hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na pinasagot ko siya..."

Wayto looked at me lovingly. Mas lalong tumaas ang mga noo ng mga Ferell, proud na proud kay Wayto. Habang si Don Ferell ay mukhang nakukumbinsi na sa mga kalokohang sinasabi ni Wayto.

Too pure? Nagflash back sa akin ang ilang beses niyang pagsabi sa akin na kagat, sobrang arte, beddable at marami pang iba.

"At ayokong mangyari 'yon. This secret relationship might ruin her image, baka isipin nilang m-may m-may-" nangangatal ang boses ni Wayto. Malapit na akong maniwala.

Pansin ko na parang naluluha na si Nero at Tristan. Sobrang proud sa kalokohan ni Wayto, habang si Owen, Troy at Aldus ay nagpipigil ng tawa.

"But all I could just do is touch her fingertips... dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sandaling humigit dito. I'm so in love with her and I will respect her... wait for her even for years... but this relationship but ruin her... that's why we're asking your help."

"Wayto..." madramang sabi ko.

"What a gentleman!" Don Ferell patted Wayto's head.

Nakahinga nang maluwag ang mga Ferell. Damn success!

"I will help-" biglang tumunog ang telepono ko.

"I'm sorry, phone call po."

Sa pagmamadali ko sa pagkuha ng phone sa bag, bigla ko na itong nabitawan. Dahilan kung bakit naagaw ang atensyon nila at nagtungo sa akin.

At halos manlamig ang buong katawan ko nang lumitaw ang bagay na hindi dapat makita ng matandang Ferell.

Nawalan na ng kulay ang mukha ni Wayto nang makilala ang pumatak sa sahig. Tulala ang limang magpipinsang Ferell.

Lumingon ang matanda kay Wayto at madiin itong nagsalita.

"Apple flavor, hijo?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
9.8M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
728K 30.9K 168
More than your atypical whirlwind romance. * Tweet me: #MHBSaid @kimjvillanueva
226K 17.1K 26
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...