Second Best 「 Choi Soobin 」✓

By -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

29

537 34 35
By -chypher

Soobin;

I sighed deeply. This day is so tiring. Naalala ko yung encounter namin ni Suri kanina. She cried again. But unlike before, I wasn't able to dry her tears.

Narinig ko ang tatlong katok mula sa pinto.

"Come in."

The door knob clicked at pumasok si Seulbin hyung. Kaka discharge lang niya kagabi.

"Hyung, what are you doing here? You should rest."

He sat on my bed and smiled.

"Resting is so boring. Pakiramdam ko boredom ang makakapatay sakin at hindi ang sakit ko."

Ani niya. I smiled. Napangiti rin siya.

"Are you really going to do this? You know what, you can stay out of this mess and be with Suri."

Hyung said. Suri... Hearing her name never fails to make my heart beat faster.

"I want to be part of it hyung. Tsaka, you always do everything you can to protect me from Lia and her dad, so why not return the favor? I mean, ikaw naman ang poprotektahan ko mula sa kanila. You are ill, marami silang pwedeng gawin sayo."

Lumapit si hyung sakin. He tapped my shoulder.

"You really became a man. I owe Suri a lot for making you a better version of yourself."

Napangiti ako. And I owe her a lot for making me feel that a second best like me can be someone's world.

"Ano ng balak mo ngayong nagkabalikan na kayo ni Lia?"

"I will make her believe that I already own the shares and the money. She is clinging on me now, knowing that I am the heir of the company. Little did she know, inilipat natin yung yaman natin kay ate Eun Bin. I already have the contract, it is stated in here na we are going to curtail our partnership with their company. Nalulugi na rin naman yung kompanya nila. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay mapapirma siya dito ng hindi niya namamalayan yung content."

"Eh si Suri? Diba sinaktan mo siya para layuan ka niya. Para hindi na siya madamay sa gulo. Babalikan mo ba siya?"

"Yes. Babalikan ko siya pag tapos na ang lahat. I have something to say to her. Well, it was just a reply to what she said to me nung lasing siya."

Kumunot yung noo ni hyung sa sinabi ko.

"Reply? What reply?"

I smiled at him.

"That I love her too."

-----–-------------------------------------------------------------

I'm doing overnight works. Ang dami kong kailangan gawin para sa event ng kompanya next week. Hinubad ko ang glasses ko and rested my head for a bit. I closed my eyes. Then I saw Suri's face. She is smiling.

"Damn! I miss her already."

Nakita ko siya kaninang umaga. I knew that it was her. Nakita ko siyang pumasok sa subdivision while I was jogging and luckily hindi niya ako napansin. I followed her and hide in the neighborhood. Nakita ko yung ginawa niya.

When she was about to go home nagkunwari akong nagjajogging pauwi. She even hide herself using her hand tapos bigla siyang umupo at hinayaan yung buhok niya na matakpan yung pagmumukha niya. She's so cute. I miss her so much.

I want to hug her tight. I want to be in her embrace again. I want to see her smile. I want to stare at her. I want to kiss her. I want her to be with me. But now is not the right time. Someday, we will be together again.

Naalala ko na naman yung nangyari sa ospital. Nag-uusap sila ni Lia sa labas. I decided not to interrupt them kasi mukhang seryoso yung pag uusap nila. I was eavesdropping at their conversation at doon ko nalaman ang lahat. Di ko kinaya ang mga narinig ko kaya bumalik ako sa sofa at doon napaupo.

Suri is protecting me. Kahit na alam na niya ang totoo mas pinili niya yung itago sakin para di ako masaktan. Nung pumasok siya kwarto with her face na namumula at may daplis, I already had an idea kung anong nangyari. Lia slapped her at mukhang kinalmot pa siya nito sa mukha.

I felt sorry for her kaya naman niyakap ko siya. Kung hindi dahil sakin siguro hindi siya nahihirapan ng ganito. Tapos nalaman ko na lang na si hyung pala ang nagsabi kay Suri tungkol kay Lia. He begged Suri to make me stay away from Lia. He is also protecting me. That's why I talked to him and told him about my plan. Nagdalawang isip siya nung una pero pumayag rin siya. Eun Bin noona, helped us too.

I'll make sure na wala ng kawala si Lia at ang tatay niya. Pababagsakin namin sila bago pa man nila kami mapabagsak. It's an end game for them.

Suri;

Nakahiga lang ako sa kwarto habang nakatingin sa kisame. Maghahatinggabi na pero di pa rin ako makatulog. Naalala ko naman yung mukha ni Soobin kanina. Mahina kong sinampal yung kaliwa kong pisngi.

"Nababaliw na ata ako."

Sabi ko sa sarili. Isinubsob ko yung mukha ko sa unan. Pipilitin kong matulog. Ipinikit ko ang mata ko.

3

2

1

0....

"Aish jinja!"

Bumangon ako sabay gulo ng sariling buhok.

"Bakit ba sa tuwing pumipikit ako siya yung nakikita ko? Lord naman, nagmomove on na nga yung tao ginaganyan niyo pa."

I said sabay tingin sa taas. Tumayo ako at kumuha ng jacket sa cabinet. Magpapahangin ako sa labas. Lumabas ako ng kwarto. Isinuot ko yung tsinelas ko at lumabas ng bahay.

"Ang lamig."

Sambit ko at kinikiskis yung dalawang palad at idinampi sa magkabilang pisngi ko. Naglakad ako papunta sa children's playground malapit sa'min. Umupo ako sa isang bench dun.

"Gagu ka Soobin. Kasalanan mo tong lahat."

Bulong ko at nagpakawala ng isang buntong hininga. Di ko namalayan na umiiyak na naman ako.

"Miss na miss na kitang tukmol ka."

Ani ko sabay pahid ng aking luha. Ang sakit pa rin talaga. Kahit anong pilit ko siya pa rin yung hinahanap ng puso ko. Hayuf! Sarap bugbugin ng lalaking yun.

"Kahit kailan talaga ang panget mong umiyak."

Lumingon ako sa likod ko. Nagulat ako nung nakita ko si Soobin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?

Lumapit siya sa'kin at huminto sa harap ko. Pinahid niya yung luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Umiiyak ka ba dahil sakin?"

Nag-iwas ako ng tingin. Siya pa talaga ang nagtanong niyan ha.

"Hindi. Umiiyak ako kasi namatay yung aso namin."

Pagsisinungaling ko. Kumunot naman yung noo niya.

"Nung namalagi ako sa bahay niyo dati, wala naman akong nakitang aso."

"Dalawang taon na ang nakalipas matapos niyang mamatay okay? Death anniversary niya ngayon."

Nagkibit balikat lang siya at umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bumili ako ng coffee jan sa tabi. Balak ko sanang magpahangin dito sandali tapos nakita kita."

Ani niya. Tumingin ako sa kanya. Wala naman siyang dalang kape.

"Bakit wala kang dalang kape?"

Tanong ko.

"Inubos ko na."

Sagot niya. Nagkibit balikat na lang ako. We looked at the stars above. Ang daming bituin sa langit.

"Suri?"

"Hmm?"

"I miss you."

Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mata namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit niya sinasabi yan sakin? Pinapaasa na naman ba ako nito?

"Stop saying those things to me. You're giving me false hope."

Ani ko.

"Then hope for it. Wala namang pumipigil sayo."

Napatawa ako ng mapakla. Tumingin ako sa kanya.

"Para ano? Para masaktan na naman?"

Yumuko siya. Nag-iwas ako ng tingin. Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Sige, uuwi na ako."

Paalam ko. Hinawakan niya yung wrist ko.

"I'll take you home."

"I don't want to. Kaya ko ng umuwi mag-isa. Saka malapit lang din naman yung bahay namin. Umuwi ka na rin. Lumalalim na ang gabi."

Sabi ko. Binitawan niya naman yung wrist ko. Naglakad na ako papalayo. Kailangan kong lumayo sa kanya kasi the more na malapit siya sa'kin, the more na nahuhulog ako sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
132K 8.9K 34
"e0W. güd ev3n1N9 pH03z bH0xcZ m4p49MaH47. $W49." -Yoongi -- bangtangina series # 3 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. m...
52.2K 3K 129
[COMPLETED] "in scale of zero to soobin, gaano ka kafocus sa studies mo?" whereas choi soobin a college student becomes more focus on his studies aft...