Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 9: Green Eyes

354 21 1
By AyhenPey

Chapter 9


I hugged her tight hanggang sa naramdaman ko ang masakit na pagtama ng vase sa ulo ko. The feeling is unexplainable until my body cannot hold it anymore. Narinig ko pa ang sigaw nila...


"Ikaw na bahala sa kapatid mo"

"O-opo" pilit kong di pa kitang naiiyak ako dahil iiwan na niya kami. Hinagkan niya kami sa huling pagkakataon. Si Lynlyn humagulgol na. Pilit ko siyang hinigit kay Mama dahil aalis na siya. Pupunta na siyang Qatar. Si Papa hindi man lang kami sinamahan dito. Lasing pa rin siya mula kagabi.


"Mama!!!"

"Lynlyn magpapakabait ka ha? Aalis na ako. Pagkadating ko doon tatawagan ko kayo agad." 


Tinanguhan lang ako ni Mama bago siya pumasok. 


Niyakap ko na lang ang kapatid ko. Hindi na ako umaasang babalik pa siya. Kita mo wala syang sinabi na babalik pa siya.



"CALOY!!"


Kanina ko pa nararamdaman na may pumipisa pisa ng kamay at braso ko at rinig ko ang ingay sa paligid ko. Nung una di ko pa pinapansin. Dahil masakit pa din ang ulo ko at may konting kirot pa na parang hinahati ito kapag gumagalaw ako ng kaunti.


"Masamang damo yan. Gigising din yan" boses ni Louie

"Ilang araw na syang tulog. Sa palagay mo mapapalagay pa din ako?" boses ng kapatid ko yun ah. 

"Caloy!!!" nakakarindi na ha? Siya lang yung bukod tangi kong naririnig na sumisigaw ng mabaho kong pangalan. 

"Tang ina pare, kanina ka pa talak ng talak dyan. Di pa naman mamamatay yan." sabi ni Isaiah mukhang nainis na.


Dahil naiinis na ako sa kanila minulat ko na ang mata ko.


"Ang iingay niyo..."

"Caloy!!"

"Kuya!!"


Mabilis pa sa alas kwatro na niyakap ako ni Miguel at Lynlyn nagtulakan pa ang dalawa dahil sa pag-uunahan.

"Ako muna! Kapatid ako!"

"Ako! Ako ang nagbinyag dyan!" 

"Pwede ba tumigil muna kayo? Sumasakit ulo ko sa inyo!!" tinulak ko sila palayo sa akin pero natutuwa ako sa kalooblooban ko na nag-aalala sila sa akin. Nasa hospital pala ako. Ano ba nangyari sa akin? Ah.. Yung vase. Nakita ko siya sa sulok nakatingin sa akin na may tingin na nag-aalala. Inirapan ko na lang siya. Kasalanan niya to eh.


Kung hindi lang siya nagwala nung isang gabi. Teka,


"Ilang araw na ako dito?"


"2 days po." sagot ni Lynlyn "-tumawag si Mother, nag-aalala sila sayo. May photoshoot pala ikaw kahapon. Sabi ko na hospital ka. Ayan nagpadala sila sayo.." tapos tinuro niya yung nasa lamesa. Halos masuka ako dahil puro bulaklak ang nandoon. At iisang balot lang yung sa prutas. Am I a girl?!


"Napagkamalan ka atang kalahi nila" sabi ni Miguel. I swear kung kaya ko lang bumangon dito sa kama binugbog ko na yan.

"Pauwin nyo na yan!!!" turo ko kay Miguel. 

"Grabe ka naman pare. Siya nga ang nagbabantay sayo kasi may pasok itong kapatid mo" -Patrick


"Naku nag volunteer lang yan gawa nung isa pang kasama natin dito. Nakakachansing." sabi ni Isaiah na nakanguso. 


Sinamaan ko ng tingin si Miguel sabay kay Fyglia. 


"Siya, aalis na ako. CL este Caloy na pala, pagaling ka. Gimik tayo pagkalayang pagkalaya mo dito" sabi ni Louie na lalabas na ng pinto.

"Sama na din kami sa'yo! Gising na ang kupal! Akala ko mamamatay na eh..." sabi ni Patrick

"Walang hiya kayo!" sigaw ko tapos nagtawanan na lang sila bago umalis. Nakita ko si Miguel na nasa tabi ko pa din habang katabi niya si Lynlyn. Nakaakbay pa siya doon.


"I'm so proud of you Caloy." 

"HA?!"

"You made it! Nalabanan mo ang sakit mo." napahawak na lang ako sa noo ko. Ano na naman ba ang trip nitong ungas na ito? "Pakiss nga!" akmang lalapit siya sa akin ng pinigilan siya ng kapatid kong natatawa.


"Hephep Kuya Miguel. May bata dito." 


Bigla kong naalala si Kaylee ewan ko ba.


"Ayy oo nga. Sige sa kanya na lang" tapos tumalikod siya at lumapit kay Fyglia na tahimik pa din. Tinignan lang niya sa Miguel at di ata aware sa binabalak ng kaibigan kong ungas. Bago pa niya maabot ang kamay niya sa mukha nito. Sumigaw ako,


"Nagugutom ako! Miguel libre mo naman kami ng Jollibee dyan" napakamot na lang siya ng ulo nang humarap siya sa akin. 


"Pare, aalis na pala ako. May work pa ako eh" at walang sabi sabi na umalis na ang loko. Pssh, umiiwas lang sa libre. Hahahah. 


"Kailan daw ako makakalabas?" tanong ko sa kapatid ko

"Sa makalawa" biglang nag salita si Fyglia. Hindi ko siya pinansin. Ewan ko. Hindi naman sa masama ang loob ko sa kanya. Ginusto ko din naman iyon. Paano kaya kung siya ang natamaan? Ah basta. Tapos na yun. 


Humiga na lang ulit ako at pinikit ang mata. Sumasakit pa din ang ulo ko. 


Napamulat ako ng may nagflash. Nang lalaki ang mata ko ng makita si Lynlyn na kinukuhanan ako ng picture. 

"Lynlyn!"

"Ang gwapo mo kasi kuya kahit nakabalot ng ewan-ko-ang-tawag-dyan" hinayaan ko na lang. Tsaka ko na lang siya tatanungin sa mga nangyari sa akin kapag nakalabas na ako. 



"Ang english sa Kumusta ka ay How are you? Sabihin mo nga"

"How are you?" 

"Magaling! Tapos kapag babati ka ng Magandang Umaga—"

"Good Morning" sagot ni Fylia

"Kapag gabi?"

"Good Evening"

"Magaling! A very fast learner!" 


Hindi ko napigilang di tumawa sa dalawang ito. Hahahaha. Naalala ko lang ang childhood memories ko nung nag aaral din palang ako ng english. Tumingin sa akin silang dalawa. Si Lynlyn inismiran lang ako.


"Ano nagugutom ka na? Sama ng ugali mo. Ganito ka din naman noon! Di mo nga alam english sa 'Inaantok na ako' sabi mo noon I'm sleeping. Pssh.." 

"He!" 


Nakita ko si Fyglia na nakangiti habang tinitignan kaming dalawa na nag-aaway. Nakita ko din nagpalit ng kulay ang mata nya from black into dark green. 


- - -

Parang sa aming magkapatid si Lynlyn ang matanda. Bago ba naman pumasok sa school binungangaan na ako. 


"Wag ka munang magpipicture. Dito ka lang sa bahay. Nakahanda naman ang pagkain mo. Nandito din si Ate Pig aalagan ka.  Wag ka din muna magcocomputer lalo na yang DOTA. Ate Pig naintindihan mo ako? Gamitin mo powers mo kapag di sumunod sayo yan!" 


Nakalabas na ako ng hospital kagabi lang. Wag muna daw akong mag gagalaw. Magpahinga muna daw ako. Though wala namang internal hemorrhage na nangyari na sobrang thankful ako eh dami pa din sa aking di pinapagawa tulad ng wag muna mag computer.  Hayss, anong gagawin ko dito?


Naiwan kami ni Fyglia dito sa bahay. At grabe ang awkward ngayon lang ito nangyari ata. Nasa sarili ko ng pamamahay ako, nahihiya pa akong kumilos. 


Nanunuod na lang ako ng tv. Habang siya nakaupo lang doon sa may kusina. Di ba siya nababagot?


Katatapos lang nyang magwalis ewan ko ba pero di ko ata napansin na naglinis siya dito sa harapan ko. Sabihin ko kaya? Ano ba CL?! Bakit ka ba nahihiya?


"Oy.." sabi ko pero alam ko sa sarili ko ang hina ng pagkasabi ko noon. Bigla siyang lumapit sa akin. I mean nasa likuran siya ng sofa.

"Bakit? May kailangan ka? May masakit ba?" 

"Ah wala..." 

"Sige sabihin mo lang kapag nakaramdam ka ng kakaiba" 


Nakaramdam ng kakaiba? Oo may nararamdaman akong kakaiba! Naaawkwardan ako sa loob ng pamamahay ko! Pero grabe ha ang hina lang talaga ng pagkatawag ko ng 'Oy' narinig pa niya yun? 


Nilingon ko siya at mabuti nasa iba nakagawi ang mata niya. Hindi naman mahaba ang tenga niya ngayon eh. 


Hayss, boring.


"Caloy..." bigla niya akong tinawag.

"Ano?"

"Pwede ba akong lumabas saglit? Gusto ko lang ng nectar" 

"Sasama ako" bigla kong sabi. Naboboring ako dito eh.


"Pero—-" tumayo na ako at pinatay ang tv bago ako lumabas ng bahay. Hayss.. Nag-inat inat pa ako. 


Naglakad lakad kami. Nasa unahan niya ako habang siya ay nasa likuran ko. Di ko alam kung saan kami pupunta.


"Ah, saan tayo pupunta?" ako pa ang nagtanong

"Di ko din alam eh."  


Ano ba yan. Tutal sinusundan lang niya ako eh pumunta na kami sa malapit na park. Tumungo ako sa bench na nakapwesto sa ilalim ng puno. May kasama nga pala ako. Pero di siya umupo sa tabi ko. Nakatayo lang siya sa gilid nung upuan. Anong trip nito?


Biglang kumirot ng konti ang ulo ko. Kaya napahawak ako doon. 

"Ako na" nagulat na lang ako nung hinawakan niya ang ulo ko. Wala namang bushing bushing na nangyari at walang sparks na nangyari pero pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko. Napansin kong kulay green ang mata niya ngayon.


Pagkaalis niya ng kamay niya sa ulo ko umupo siya sa tabi ko. Para siyang nanglutaytay. 


"Matagal ko ng gustong gawin yan. Pero baka magtaka sila kung bakit gumaling ka kaagad. Bukas mo na lang tanggilin ang saplot mo sa ulo kahit di na masakit. Baka magtaka mga kaibigan mo." 


Napapikit siya at napayakap sa sarili niya. Anong nangyayari?


Dahil naguilty ako pakiramdam ko alam ko na ang nangyayari pero di ko lang maamin. Tinanong ko na lang siya.


"Anong nangyayari sayo, Fyglia?"

"Wala to.."

"Dito ka lang" umalis ako doon sa park at nagtanong tanong sa mga batang nakikita ko sa daan kung saan may bahay na may garden. Mabuti na lang may isang street na puro may garden kaya di ako nahirapang humanap ng kailangan ko. 


Pagkabalik ko sa lugar kung nasaan si Fyglia nagulat na lang ako na may tatlong paro paro na nakadapo sa balikat at ulo ni Fyglia. Pagkalapit ko sa kanya nagliparan ito. 


Inabot ko sa kanya yung sandamakmak na santan. Di na ako nagpaalam sa may-ari na kukuha ako noon. Tumalikod sa akin si Fyglia at sinipsip iyon. Mabuti na lang konti ang tao dito dahil mapapaisip na naman sila sa inaasta ng kasama ko.


Mga ilang sandali mukhang bumubuti na ang kalagayan niya. Di ko alam sa sarili ko at parang gusto kong magkwentuhan muna kami dito. Ayaw ko munang umuwi sa bahay. 


"Fyglia, bakit ka ba nandito?" nagulat siya sa bigla kong pagtatanong. Tumikhim muna siya sandali bago sumagot.


"Misyon."

"Gusto mo na  bang bumalik sa inyo?"

"Oo baka nag-aalala na si Ama sa akin."

"Di ba niya alam na nandidito ka?"

"Siguro ngayon alam na niya pero di kasi ako nagpaalam na dadako ako dito. Alam ko kasing di siya papayag kaya tumakas ako nung kabilugan ng buwan."

"Ah, sino si Warren?" bigla kong naalala na sinisigaw niya yan nung isang gabi. Bigla siyang napatungo. Nagulat na lang ako na marinig siyang humihikbi. Hala? Anong gagawin ko? May mga iilan ilan na dumadaan. Baka anong isipin nila... Nahihiya man akong gawin ito. Tinap ko ang balikat niya. 



"Matalik ko siyang kaibigan. Kasama ko siya sa kaharian na nagtatrabaho. Nalaman ko na lang nung isang araw na pinapatay siya. Mabuti naman siyang diwata. Hindi ko maintindihan bakit ginawa sa kanya iyon. Kaya gusto kong bumalik sa Faylinn." 

"Paano ka ba makakabalik?" umiling siya. Ha? 

"Di ka na makakabalik?"

"Hindi ko maaring ipagsabi kahit kanino ang misyon ko." 

"Akala ko ba may kailangan akong pagbayaran? Pag ba nabayaran ko na makakabalik ka na?" umiling ulit siya sabay ang mahina niyang pag-iyak. 


"Namimiss ko na si Ama..." 


Nagulat naman ako doon. For sure tinuro ni Lynlyn yan. Hinayaan ko na lang siya. Di ko alam ang nangyayari sa kanya at di ko din alam kung paano ako makakatulong. Kawawang diwata. 


Sana pinadala siya dito para sa kabutihan. 


Pero nagtataka ako bakit sa akin siya nakadikit? Alam ko sa akin umiikot ang misyon niya nagkataon lang na bawal niyang sabihin. Paano ako makakatulong kung di niya sasabihin? Balang araw malalaman ko din yan. 


Mabait si Fyglia kaya naniniwala ako na para sa mabuti din ang misyon. Kaya sana kung malalaman ko iyon walang mangyayaring masama sa kanya.



"Alam mo Fyglia mas lalo akong nainis pagkagising ko." hindi siya umimik pero alam kong pinapakinggan niya ko. Ewan ko bakit trip kong mag open-up ngayon. "-kasi bago ako magising panaginip ko yung lintek kong nanay"


Napatingin siya sa akin


"Nasaan na magulang niyo ngayon?" 

"Yung nanay ko nasa Qatar yung tatay ko nasa ka—"


Biglang nag ring ang phone ko. Unknown number calling... May dala pala ako nito? Sinagot ko kahit di ko kilala. Madalas kasi mga katrabaho ko lang ang tumatawag sa akin. Nagulat na lang ako kung sino ang sumagot.


"Kuya! Ano nag cocomputer ka na naman ba?" aba nakitawag pa ang kapatid ko. 

"Hoy anong oras na? Wala ka bang klase? Kung makasigaw ka sa akin para kang matanda kesa sa akin." 


Natahimik ang kapatid ko. 


"Nasa park kami ngayon ni Fyglia, mag-aral ka na dyan." tapos pinatay ko na ang phone ko. 


Napalundag ako nang biglang pinisil ni Fyglia ang pisngi ko. Anong trip nito??


"Uy nagtatampo.." tinampal ko ang kamay niya sa mukha ko.

"Umuwi na tayo." nag open up lang siya at ako ng konti naging FC na. Sus. 



Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.8M 179K 203
Online Game# 2: MILAN X DION