Second Best 「 Choi Soobin 」✓

By -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... More

00
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

08

595 41 32
By -chypher

Soobin;

Nakita ko si Suri at si Yeonjun na magkahawak kamay habang naglalakad palabas ng campus. Napangiti ako. Siguro ang saya saya ni Suri ngayon. Panahon na para ako naman ang sumaya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

"Yobosaeyo?"

Napangiti ako ng malapad nung marinig ko yung boses niya.

"Hey babe, I miss you."

Sabi ko sa kabilang linya. Naging tahimik naman ito ng ilang segundo.

"I-I miss you too..."

Sagot ni Lia. Base pa lang sa tono ng boses niya, I can sense that there is something wrong.

"Is there something wrong baby?"

Nag-aalalang tanong ko. Okay naman siya kahapon habang nagdidate kami. She even keep on smiling while we are together. Or am I just the only one thinking that we are happy?

"Something came up, I need to go. I call you later, bye."

She said and hanged up the phone. Ibinaba ko na yung phone ko and put it back in my pocket. Bigla akong kinabahan. Is there something bothering her?

Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse. Pupuntahan ko si Lia. Pinaandar ko na ang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa condo niya.

Nung nakarating na ako sa building kung nasaan ang condo niya eh agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang 3rd floor. I was walking in the hallway towards her room nung nakita ko yung kuya ko na papalabas ng condo niya. Agad akong nagtago sa may fire exit na nasa left side ko.

Sumilip ako mula sa pinto and there I saw them. Both of them. Lia is smiling at him, the kind of smile she once gave me. I can see that they were both happy. It broke my heart. I know that this would happen but still, nasasaktan pa rin ako.

My older brother told her something which I wasn't able to hear due to the distance. Lia nodded as a response. Then the next thing I saw, they kissed. Not just a normal kiss but a passionate one. The same kiss we once shared the other night.

I can't take this anymore. Dumaan ako sa staircase ng fire exit pababa ng third floor. My heart keeps on aching. Di ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Napaupo ako sa hagdan. Bakit? Bakit di pwedeng maging akin na lang siya ng buong buo? Bakit kailangan ko pang makihati?

I sobbed.. then the next thing I knew I am crying.. my heart is crying all out.. Napahagulhol ako sa sakit. I love Lia, I love her so much.. But I don't own her.. for real. She's not totally mine.

Minutes passed and I'm still here. I wiped my tears at inayos ang sarili ko. I walked downstairs at lumabas ng building. Sumakay ako ng kotse. I was about to start the engine nung biglang nagring ang phone ko. It is my brother, calling. Sinagot ko ang tawag.

"Yobosaeyo?"

I said on the other line with respect. Even though we love the same girl, I still respect him. We are rivals when it comes to Lia, but it doesn't mean na kakalimutan ko na yung pagiging magkapatid namin. We share the same blood. And ako yung may kasalanan sa kanya in the first place.

"Come home early tonight okay? We will have a dinner with Lia."

He said. So I'll be seeing another scene of him with Lia doing sweet stuffs on each other. I know to myself that I can't endure that. Even their simple kiss can break me in a minute.

"Sorry hyung but I'll pass for now. I have  so much project to work on today. I promised Suri that I'll come to her house to help her. Kung matatagalan kami, there is a possibility that I won't be home tonight."

Palusot ko.

"I am looking forward about this since Lia just came home from States but It's okay. May next time pa naman eh. Take care my little brother."

After that we bid our goodbyes. I took a deep breath and calm myself. I don't want to go home for now. Pinaandar ko na ang sasakyan at tinahak ang direksyon sa bahay nila Suri.

It takes 10 minutes for me to arrive on her house. Their house is not that big but it's not that small either. Pumwesto ako sa harap ng gate nila.

"Tao po?"

I half shouted but no one came out. I called again but now it's a bit louder. Lumabas naman ang isang binata na medyo kulot ang buhok. I think he is 2 years younger than me. He has the same eyes with Suri.

"Nuguya (Sino ka) ?"

Tanong niya. I smiled at him slightly.

"Ako si Soobin, nandito ba si Suri?"

I asked him. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Ma!! Andito yung boyfriend ni ate!"

Sigaw niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. I was about to correct him nung biglang lumabas yung nanay niya sa bahay nila. Nanlaki naman yung mata ng nanay niya.

"Boyfriend ka ng anak ko? Naku jusko salamat! Halika pasok ka."

Pinagbuksan niya ako ng gate. Pumasok naman ako. I was about to tell her na hindi ako boyfriend ni Suri nung nagsimula na siyang dumaldal.

"Si Suri talaga masyadong mahilig sa mga surpresa. Hindi man lang sinabihan na darating dito yung boyfriend niya. Akala ko talaga magiging matandang dalaga na siya."

Sabi ng nanay ni Suri at pinagbuksan ako ng pinto. She took off her outdoor slipper at inilagay yun sa shoe rock sa may gilid.

"Hali ka, pasok ka. Pagpasensyahan mo na tong bahay namin ha. Hindi ito malaki pero malinis to."

Ngumiti na lang ako sa kanya at hinubad yung sapatos ko. May ibinigay naman siyang walk in pair of slippers.

"Isuot mo yan para di malamigan yung paa mo."

Isinuot ko naman yung tsinelas. Tuluyan na akong pumasok sa bahay nila. Ipinaupo naman ako ng nanay niya sa sofa. Tumabi naman sakin yung lalaki kanina. Tingin ko kapatid to ni Suri.

"Ipagtitimpla muna kita ng juice."

Sabi ng nanay ni Suri at pumunta ng kusina. Napansin ko naman na todo titig sakin yung kapatid ni Suri na para bang sinusuri niya ako. Tinignan ko rin siya.

"Soobin tama?"

I nodded as an answer to his question.

"Ang kinis ng mukha mo."

Ani niya sabay haplos sa cheeks ko tapos bigla siyang lumapit at inamoy ako.

"Tapos yung pabango mo, amoy mamahalin." dagdag niya.

"May itsura ka rin tsaka masasabi kong anak mayaman ka."

He then went closer towards me.

"Yung totoo, anong ginawa sayo ng ate ko para maging boyfriend ka niya? Ginayuma ka ba niya?"

Bulong niya sakin. I was about to answer him nung biglang dumating yung nanay niya.

"Hoi Sura, ano na namang kabalbalan yang sinasabi mo sa jowa ng ate mo. Pagpasensyahan mo na hijo ha, medyo sira lang talaga yang batang yan."

"Ma!"

"Wae? Totoo naman ha. Kung hindi barkada puro kagaguhan lang ang alam mo."

Bulyaw ng nanay ni Suri kay Sura. Nagpout lang siya. Napangiti ako sa away nilang mag ina.

"Actually, tinanong lang po niya ako if Suri used a love potion to have me as her boyfriend."

I said. Napabuntong hininga na lang ang nanay niya at inilapag ang inihanda niyang juice sa mini table sa gitna. She sat on the sofa with us.

"Si Suri, ang tanga tanga ng batang yun pagdating sa pag-ibig. Ilang beses na umuwi dito na umiiyak dahil sa jowa. Pero kahit na ganun, never siyang na discourage at patuloy pa rin siyang lumalaban sa buhay."

Tahimik lang akong nakinig sa nanay ni Suri. I can see na she do love her so much. I hope my mom do the same with us too. Pero maybe that love is for my kuya only. Si kuya lang ang palaging nakikita niya. Not me, not anyone else but my brother. Humarap sakin ang nanay ni Suri at hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong hindi masyadong maganda yung anak ko. Hindi rin siya mayaman at napakagaga pa minsan. Pero nakikiusap ako, wag mong saktan ang anak ko. Mahalin mo siya ng totoo. Gawin mo siyang pinakamasayang babae sa mundo."

Sabi ng nanay ni Suri at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya.

"I will."

I said and assured her with a smile. After a couple of seconds, we heard someone coughed. Napatingin kami kay Sura.

"Ang drama niyo."

Napatawa na lang kami ng nanay niya. Somehow, I see Suri on Sura lalo na pag nagsusungit ito. How I wish I have a family like this.

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 533 36
Tayo pa rin ba sa susunod? Always ↬txt x itzy [↬]finished [ ]on-going [ ]hiatus
29.9K 1.2K 43
【COMPLETED 】 ⇒ ❝ i think i'm starting to like you❞ ✎Written in Taglish ✎Choi Yeonjun 최연준 epistolary ✎ (Not yet edited) ✎ All rights reserved ...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...