Second Best 「 Choi Soobin 」✓

By -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... More

00
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

05

719 47 27
By -chypher

Suri;

Nagdidiscuss yung prof namin pero yung atensyon ko wala sa discussion. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung Jung Mara. Siya kaya yung nakita ko kahapon sa may convenient store? Kahit na haggard na haggard siya nung time na yun masasabi ko pa rin na maganda siya. Lamang lang siya ng mga isang daang paligo sakin. Hindi pa rin bumabalik si Soobin hanggang ngayon. Napatigil naman ako sa pag iisip nung sinundot ako ng classmate ko sa likod.

"Miss Nam, are you even listening to me?"

Napatingin ako kay Mr. Soo na nasa harapan ko na pala. Paktay! Katapusan mo na Suri.

"Ye-yes sir."

Pagsisinungaling ko. Tumaas naman yung kilay niya.

"Then, answer the equation on the board."

Ani niya at binigyan ako ng temporary marker. Teka integral ba'to? Gagu! Di ko alam kung pano to gawin. Akmang magsusulat na sana ako nung biglang may humawak sa kamay at ginabayan niya yung kamay ko sa pagsulat ng mga numbers.

Napatingin ako sa likod at bumungad sakin ang mukha ni Soobin. Tutok na tutok lang siya sa blackboard. Narinig ko naman yung mga reaction ng kaklase namin.

"Anong ginagawa mo?" bulong ko sa kanya.

"Shh stay still."

Sabi niya at nagpatuloy lang sa pagsosolve. Teka, bat parang wala lang yung prof namin?? Binitawan na ni Soobin yung kamay ko at humarap sa lahat. Tumingin siya sa prof namin.

"I'm sorry for the interruption Mr. Soo but if I won't do that Suri might do her out of this world solution. As you can see, she is so retarded in this subject and even if she will listen to your discussion a million times, still her level of improvement will not exceed in 10%."

Humagalpak ng tawa yung mga kaklase namin. Teka, did he just say na retard ako?? Hinampas ko siya sa braso.

"Yah! Gusto mong mamatay??"

Bulyaw ko sa kanya. Parang wala lang naman yung tukmol. Pinandilatan ko naman yung mga kaklase ko.

"Anong tinawa tawa niyo jan ha? Dukutin ko yang mata niyo eh"

Napatigil ang lahat sa pagtawa nung sumenyas si Mr. Soo. Seryoso lang yung mukha niya. Ok kuul! Di siya na swayed dun.

"If that's the case, can I entrust her to you Mr. Choi? Can you help me improve Ms. Nam's performance in this subject?"

Sabi ni Mister Soo.

"Nae."

Nagtilian naman yung mga classmate namin. Hayuf! Anong nakakakilig dun? Napairap na lang ako.

"Mr. Choi and Ms. Nam, you may now take your sit."

Umupo naman kami ni Soobin sa upuan namin. Ngumiti siya sakin. Inirapan ko siya. Matapos niya akong pagmukhaing bobo may gana pa siyang ngumiti sakin. Bopols! Isaksak niya yan sa baga niya.

--------------

Nasa ilalim ako ng puno dito sa may gilid ng field. Sinusubukan kong magsolve ng isang equation sa Calculus.

"3 cosx- 4 sinx + secx²= ....... Ano nga ulit yung equivalent na integral sign nun?"

Napakamot ako sa ulo.

"Ay gaga! Wag na nga lang."

Pagsuko ko at niligpit yung mga gamit ko sa bag. Malapit na maglunch kaya pupunta na ako ng canteen. Naglalakad ako patungong canteen nung nakasalubong ko sina Taehyun, Beomgyu at Hueningkai.

"Noona!"

Tawag sakin ni Hueningkai sabay lapit nila sakin.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito sa College Department?" tanong ko sa kanila.

"Nabalitaan kasi namin yung nangyari kay Yeonjun hyung kaya agad kaming pumunta dito. Nakita mo ba sila?"

Ani ni Taehyun.

"Hindi eh, pero papunta ako ngayon sa canteen baka andun sila. Sabay na tayo?"

Tumango naman yung tatlo at tinahak namin ang direksyon papunta sa canteen. Nakilala ko tong tatlong to nung minsan kaming nagkaroon ng show sa High School department. Nadatnan kasi nila kami ni Soobin na nag aaway sa backstage pagkatapos ng show kaya ayun, dun kami nagkakilala.

"Noona, alam mo ba yung dahilan kung bakit nakipag away si hyung?"

Tanong ni Beomgyu. Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ko alam yung buong detalye pero ang sabi ng kaklase ko nakipag away daw siya dahil kay Mari ba yun?" sagot ko.

"Kay Mara noona?" pagtatama ni Hueningkai.

"Oo yun." ani ko.

Napabuntong hininga silang tatlo. And take note, sabay yun. Teka, kilala ba nila si Mara unnie? Bat ganyan yung reaction nila?

"May itatanong lang sana ako. Sino ba si Mara unnie? At anong relasyon niya kay Yeonjun sunbae?"

Nagtinginan naman silang tatlo. May sinasabi yung mata nila sa isa't isa pero di rin nagtagal at nagsimula ng magsalita si Taehyun.

"Si Mara noona po yung ex ni Yeonjun hyung. Matagal din po silang naging magkarelasyon. High School pa lang sila magjowa na sila. Pero naghiwalay sila nung sophomore years nila. Tapos nabalitaan na lang namin na umalis na pala si Mara noona sa Seoul. Grabe yung pinagdadaanan ni hyung. Ilang weeks din siyang di pumasok at nagkulong sa bahay. Mahal na mahal niya talaga si Mara noona. Pero sabi niya dati samin na nakamove na daw siya. Pero sa nangyayari ngayon mukhang hindi pa ata."

Explain niya. Napaisip naman ako. Kaya pala ang laki ng impact ni Mara unnie sa buhay ni Yeonjun oppa. Pero bat sila nag aaway kahapon? Anong pinag aawayan nila?

Pumasok na kaming tatlo sa canteen. Ipinalibot namin ang aming mga mata at nakita si Soobin at Yeonjun sunbae na nakapwesto sa isang table sa may sulok.

"Hyung!"

Tawag ni Beomgyu sa kanila at kumaway. Kumaway rin si Soobin at ngumiti. Nagpaalam silang tatlo sakin para pumunta dun sa mga hyung nila. Ngumiti lang ako bilang sagot.

Pumunta ako sa counter at bumili ng makakain. Pumwesto ako sa isang empty table sa may right side. Gutom na gutom na ako. Tahimik lang akong kumakain nung biglang pumwesto si Soobin sa tapat ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.

"Actually hindi lang ako."

Ani niya. Agad namang nagsi upuan sina Beomgyu, Hueningkai, Taehyun at Yeonjun oppa sa table ko. Katabi ko si Yeonjun sunbae at si Beomgyu habang si Taehyun at Hueningkai ay nasa tabi ni Soobin.

"Waw! So ano to? Gagawin niyo kong 6th member ng grupo niyo?"

Sabi ko at sumubo ng kanin.

"Hmmm pwede rin kaso wala kang tt kaya no thanks."

Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Soobin. Pinandilatan ko na lang siya ng mata at di na lang umimik. Hayuf! Ginawa pa akong katatawanan. Ipagtanggol mo nga asawa mo Yeonjun! Siyempre di mo ko ipagtatanggol kasi mahal mo pa ex mo.

"Ginaganyan ka lang ni hyung Suri noona, pero yung totoo gusto ka na talaga niyan." Komento ni Beomgyu.

"Oo nga, maging kayo na kasi. Pakipot pa kayong dalawa eh." Ani ni Hueningkai.

Napangiwi na lang ako. Kung alam niyo lang kung sino talaga yung totoong gusto ng hyung niyo. Masasabi niyo talaga na ang tanga tanga niya. Sagad.

"Kayo talagang mga bata kayo oh, wala ngang namamagitan samin ng hyung niyo. Tsaka tignan niyo nga yung itsura niya, napakadugyot. Di katulad ni Yeonjun oppa."

Agad naman silang napatingin sakin lahat. Nakakunot yung mga noo nila maliban kay Soobin. Gagu! Bat ko sinabi yun?? Ay bakit ko siya tinawag na oppa sa harap nilang lahat?? Sunbae lang dapat hayuf! Bigla naman akong nabilaukan.

"Tubig, pengeng tubig."

Sabi ko. Binigyan naman ako ng tubig ni Yeonjun sunbae.

"Oh bat kayo makatingin? Totoo naman yung sinabi ko ha. Di hamak na mas gwapo naman si Yeonjun sunbae kesa kay Soobin."

Nagkibit balikat lang sila tapos nagpatuloy sa pagkain. Na relieved naman ako ng slight. Muntikan na yun, hayop!

"Mabuti ka pa malinaw yung mata mo, di tulad ng iba jan."

Pagpaparinig ni Yeonjun oppa sa kanila. Binigyan niya ako ng ngiti and he tapped my head slightly. Oh puso kalma! Ayan ka na naman. Wag masyadong kiligin.

"Hay naku hyung, siguro ginayuma mo si Ate Suri kaya gwapong gwapo siya sayo." Ani ni Taehyun.

"Kahit hindi naman niya gayumahin, gwapong gwapo pa rin yang kay hyung." bulong ni Soobin.

Pinatid ko yung paa niya. Napa aray naman siya sa sakit pero in a silent mode. He gave me a glare. Nginitian ko lang siya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at nagpaalam sa isat isa pagkatapos. Sabay kaming naglakad ni Soobin pabalik ng classroom nung biglang may tumawag sa kanya. Sinenyasan niya akong mauna na kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero deep inside napatanong ako, sino kaya yung kausap niya sa phone?

Continue Reading

You'll Also Like

175K 4.1K 71
"Tangina chat ng chat haeop"✔ Epistolary Series[Park Jimin]{Bangtan Sonyeondan} chtljm
3.8K 1.1K 17
Kapag sinabing "RPW" ano ang unang pumapasok sa inyong isipan? Para sa akin ang pagiging isang Girl R'pier o mas kilala sa tawag na "GRP" ay masaya...
105K 5.3K 116
[COMPLETED] "baliktarin mo kasi yung damit mo sa susunod para hindi ka na mawala" voltxt five series #1 yeonjun x reader
114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...