Second Best 「 Choi Soobin 」✓

Por -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... Más

00
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

03

740 47 11
Por -chypher

Suri;

Panibagong araw na naman. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Paano ko ba makukuha yung atensyon ni Yeonjun oppa? Mapapansin niya kaya ako? Eh kung gumawa kaya ako ng love letter? Bulok na yun, di na oobra yun. Eh kung magconfess na lang kaya ako sa kanya? Kakayanin ko ba?

"Aish jinja!"

I said in frustration at ginulo yung buhok ko. Napatingin naman ako sa seatmate kong si Soobin. May kinokopya siya sa papel mula dun sa laptop niya. Siguro para sa Dance Club yun. Ibinaling ko na lang ulit yung atensyon ko sa labas ng bintana.

"May problema ba?"

Rinig kong tanong ni Soobin.

"Wala. May iniisip lang ako."

Sagot ko at umayos ng upo. Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sakin.

"Tell me, what is it?" tanong niya.

"Waw! Close na pala tayo ngayon?"

Sarkastiko kong sabi. Nagkibit balikat lang siya at bumalik sa pagsusulat.

"Sige, bahala ka. Isasama sana kita sa lakad namin nila Yeonjun hyung ngayon. Kaso di pala tayo close kaya wag na lang."

Agad naman akong kumapit sa braso ni Soobin. Napatingin naman siya dun pero di ako nagpatinag.

"Soobin-ah, gusto mo ng rice cake? O di kaya tinapay? Dadalhan kita bukas."

Kinuha niya naman yung kamay ko sa braso niya.

"Gusto ko sana, pero no thanks."

Ani niya at ngumiti. Inirapan ko siya. Grabe, ang pabebe ng tukmol nato. Nagpatuloy siya sa pagsusulat. Umob ob na lang ako sa desk. Mababaliw na ata ako kakaisip ng paraan.

"Boys hang out yun. Di kita pwedeng isama."

Explain ni Soobin.

"Okay."

Sagot ko na lang at inangat yung ulo ko. Napatingin ako sa wall clock. Malapit na mag 10:30 pero wala pa rin yung prof namin sa Biology. Bigla namang pumasok yung classmate naming pabibo.

"Guys, Sir Ahn won't be around today. May emergency daw na nangyari. Miss Secretary, ilista mo yung mga nandito ngayon for attendance."

Sabi niya. Bumalik sa dating kaingayan yung buong room. Napatingin naman ako kay Soobin na abalang abala sa pagkalukat sa laptop niya.

"Bat di na lang siya tumakbo bilang Mayor? Dinaig ka pa niya. Masyadong pabibo."

Bulong ko. Pinagmasdan ko si Harin. Nagreretouch siya ng make up sa upuan niya. Kahit kailan talaga napaka arte ng babaeng to. Masyado pang sipsip sa mga prof namin.

"Hayaan mo siya. Aware naman tayong lahat sa true colors niya kaya let her be."

Sabi ni Soobin habang tutok na tutok pa rin sa laptop niya. Nagsilabasan na yung mga classmate namin pagkatapos nilang mag attendance. Yung iba naman nagstay lang sa room habang naglalaro ng mobile games.

Lumapit ako sa Secretary namin at ipinalista yung name namin ni Soobin. Bumalik uli ako sa upuan namin at kinuha yung bag ko.

"San ka pupunta?"

Tanong niya. Isinuot ko yung sling ng bag ko.

"Sa library, pag-aaralan ko lang yung next topic natin sa History. Advance study ganun."

Sagot ko. Tumango lang siya. Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa library.

---------------------

Naglalakad ako papunta sa pinagtatrabahuan kong coffee shop. Nakakapagod tong araw nato. Mabuti na lang maaga yung dismissal namin. Dadaan muna ako sa convenient store para kumain ng ramyeon. Grabe, gutom na gutom na ako.

Pumasok na ako sa convenient store at bumili ng ramyeon at pandesal. Ang weird pero gustong gusto ko talagang ipares yung ramyeon sa pandesal. Tumambay ako dun sa lamesa sa may gilid. Kitang kita ko yung mga taong dumadaan. Panay tingin lang ako sa mga tao habang kumakain nung may nakita akong lalaki na pamilyar sakin.

"Yeonjun oppa?"

Sambit ko. Nakasalubong yung kilay niya at base pa lang sa ekpresyon ng mukha masasabi kong di maganda yung mood niya ngayon. Para siyang galit. May lumapit na babae sa kanya. Haggard na haggard si ate girl. Mukha siyang stress na stress sa buhay. Ipinaharap niya si Yeonjun oppa sa kanya.

May sinasabi siya kay oppa na hindi ko alam kung ano. Umiwas ng tingin si Yeonjun sunbae pero nakaigting yung panga niya. Sa tingin ko, nag eexplain si ate gurl pero parang wala lang si Oppa. Binigyan ni Yeonjun ng matalim na tingin yung babae at may sinabi siya na ikinalabas ng ugat niya sa leeg. Sinisigawan niya ata si ate girl. Tumalim yung tingin nung babae kay oppa at umalis.

Anong nangyayari? Sino yung babaeng yun? Pinagmasdan ko si Yeonjun sunbae. Nagulat ako nung tumulo yung luha niya pero agad din niyang pinahid yun. Teka, bat siya umiiyak? Pupuntahan ko na sana siya nung nagsimula na siyang maglakad paalis.

Hindi ko tuloy maiwasang mag isip. Sino yung babaeng yun? At anong relasyon niya kay sunbae? Bat sila nag aaway? Bat umiiyak si Yeonjun oppa?

"Hoi Suri, wag ka ngang pakialamera. Mabuti pa kumain ka na lang at nang makapunta ka na sa coffee shop."

Sabi ko sa sarili ko at kumain ulit. Magtatanong na lang ako kay Soobin bukas. Niligpit ko muna yung pinagkainan ko bago umalis ng convenient store. Ilang metro lang yung nilakad ko bago ako nakarating sa coffee shop.

"Suri, mabuti at maaga ka ngayon. Absent si Chae tapos wala pang papalit sa kanya. Pwede bang mag overtime ka ngayon?"

Bungad ni Mia, katrabaho ko dito.

"Okay sige, walang problema."

Nginitian ako ni Mia bilang pasalamat. Dumiretso na ako sa staff room at nagbihis ng uniform. Lumabas na ako ng room at pumwesto sa counter. Medyo marami kaming costumer ngayon. Mostly sa kanila mga estudyante.

"Brownies with cashew at one Caramel Macchiato, yun lang po ba?"

Tanong ko dun sa costumer na babae. Chubby siya at naka glasses. Ang cute, sarap kurutin ng cheeks niya.

"Nae." sagot niya.

Kinuha ko yung order tsaka ibinigay yun sa kanya. Nagbayad din siya pagkatapos. Nginitian ko siya habang iniabot ko yung sukli. Ngumiti rin siya sakin at umalis na ng coffee shop.

Napabuntong hininga ako. Nagsisimula ng mangalay yung paa ko kakatayo buong maghapon. Binuksan ko yung lifted cabinet at kumuha ng coffee cups tsaka inilagay yun sa coffee maker machine.

"Ahm Miss, isang chocolate bread at Hot choco."

Rinig kong sabi ng isang costumer. Dali dali akong bumalik sa position ko sa counter.

"Yan lang po ba sir-"

Agad akong napatigil nung nakita ko si Soobin. Nakasuot siya ng round glasses. Yung bangs niya medyo nakahati. Ito yung first time na nakita ko yung ganito niyang itsura.

"Suri?"

Napabalik ako sa katinuan nung tinawag niya yung pangalan ko. Ay gagu! Did I just stared at him for a couple of seconds?? Kaloka ka Suri. Nakakadiring pangyayari.

"Anong ginagawa mo dito?"

Bulong ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti sakin. Ayan na naman yung dimples niya hayuf!

"Nandito ako para kumain at hindi para sayo."

Ani niya. Napairap na lang ako.

"Chocolate Bread at One Hot Choco, yun lang po ba SIR?"

I said emphasizing those capitalized word. Tumango lang siya bilang sagot. Sinabi ko sa kanya yung whole price ng order niya saka siya nagbayad. Kinuha ko na yung order at inabot yun sa kanya. Kinuha niya naman yun at umupo dun sa table sa may sulok. Lumapit naman si Mia sakin.

"Oi Suri, ang gwapo nung bagong dating na costumer no?"

Chika niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Naku naku! Yung mata niya kumikinang, heart na lang kulang.

"Bakit? Crush mo?"

Tanong ko. Ngumiti siya ng malapad.

"Tinatanong pa ba yan? Malamang oo."

Kilig na kilig niyang sambit. Napangiwi ako ng slight. Kahit sino naman crush ng babaeng to.

"Hay naku, bahala ka nga jan."

Sabi ko na lang at nagsimulang linisin yung counter.

Seguir leyendo

También te gustarán

126K 3.4K 27
WARNING: THIS IS A TAGALOG FF HINDI PO ENGLISH What will happen if an alien meet an another alien? Kim Taehyung of Bangtan Seonyeondan will be your h...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
43.4K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...