I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.4K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. šŸ–‡:: COMPLETED šŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
āœŽ facts
āœŽ note

Chapter 20

1.5K 79 17
By HartleyRoses

Today is Saturday, at yung celebration na dapat gagawin namin kahapon ay hindi natuloy dahil nagkagulo sila. Pero yung sinabi lang talaga ni Ream ang tumatak sa isipan ko nang hapon na 'yon.

Don't touch her, she's mine.

Agad akong napailing nang pumasok na naman sa utak ko ang sinabi niya.

Umaga pa lang ay bumangon na ako para mag breakfast at pagkatapos ay maglilinis ako ng buong apartment ko.

Naghugas muna ako ng mga pinggan. Pumunta na rin ako sa sala para roon magsimulang mag linis, sa kwarto ko sa kusina at panghuli ay sa banyo at naligo na rin. Pinalitan ko na rin ang mga kurtina ng mga bintana.

Hindi naman masyadong kalakihan ang apartment ko pero hindi naman masikip.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa closet ko at kumuha ng damit. Mustard yellow oversize t-shirt at denim short lang ang sinuot ko dahil nandito lang naman ako sa apartment ko.

Nang makapag linis na ako sa lahat-lahat ay napahiga ako sa aking kama.

"Nakakapagod," wika ko sa sarili ko at malalim na nagpakawala ng buntong hininga.

Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko at hapon na. Hindi pala ako nakapag tanghalian pero inaantok ako sa sobrang pagod.

Pinatuyo ko naman na ang aking buhok kanina sa CR kaya makakatulog na rin ako kaagad.

Unti-unting pumikit ang mata ko at nakatulog.

At nanaginip na naman ako, noong una ay maganda ito dahil ito yung kasama ko ang mga magulang ko pero napunta na naman ako sa mga taong naka lab gown at may hawak na syringe.

Agad akong napabangon habang sapo-sapo ko ang aking puso sa sobrang kaba at takot. Ilang beses ko na 'yong napapanaginipan pero natatakot pa rin ako.

Pinakalma ko ang aking sarili. Ilang beses na itong nangyayari sa akin pero bakit hindi pa rin ako masanay?

Napatingin akong muli sa wall clock at 5:33 pm na pala.

Tuluyan na akong bumangon sa aking kinahihigaan at pupunta sa kusina para makapag luto ng hapunan.

Palabas pa lang ako ng aking kwarto nang may makita akong lalaking nakaupo sa may sofa roon sa sala.

Agad umarko ang katawan ko na parang lalabanan ko ang lalaki pero agad na napaayos ng tayo nang makilala ko siya.

"Ream Mercedes?" nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Tumayo lamang siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa akin.

Parang nanlambot yung mga paa ko pero ginawa ko ang lahat para maayos pa rin akong nakatayo sa kinatatayuan ko.

"Why are you here?" tanong ko sa kanya na tumaas pa ang isa kong kilay.

"To celebrate?" Napunta ang tingin ko sa may pintuan.

"Nandito sila Francine at Celestine?" Umiling siya.

"Only me," walang buhay na sabi niya.

I looked at him flatly.

"So bakit ka nandito?" walang buhay din na tanomg ko at pinag cross ko ang aking mga kamay sa harap ng dibdib ko.

"Celabrate nga, ilang beses ko pa bang uulitin 'yon?" Nagsalubong ang mga kilay ko.

"What I mean is... why? Bakit mag ce-celebrate?" Medyo tumaas na ang boses ko dahil ang gulo niyang kausap.

"Naalala mo ang sinabi ko sayo na sasakay tayo sa Ferris wheel?" I nodded nang maalala ko yung araw na pumunta kami sa amusement park.

"Anong gagawin natin doon?"

"To ride, of course." Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinagsasasagot ni Ream sa akin.

"What if ayaw ko?"

"Sasama ka."

Wow? Hindi man lang ako binibigyan ng consent kung gusto ko ba sumama.

"Bilisan mo, magbihis ka na."

"Kakain muna ako, nagugutom na ako," nakanguso kong sabi dahil hindi pala ako nag tanghalian kaya gutom na talaga ko.

Hinila niya ang kamay ko at pinasok sa kwarto ko.

"Magbihis ka—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang marinig naming dalawa ang malakas na pag tunog ng t'yan ko. Senyales na gutom na ako.

Agad naman na namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Fine. Kumain ka muna."

Napangiti naman ako.

"Magluluto muna ako, diyan ka lang." Agad akong pumunta sa kitchen para magluto.

Adobong baboy ang niluto ko. May pork naman na ako sa maliit na refrigerator ko at may mga ingredients na rin.

Kanina pa kasi ako nag c-crave rito. At marunong ako mag luto dahil ako lang naman ang mag-isa sa buong apartment. Lahat ng bagay ay natutunan kong mag-isa.

Habang nagluluto ako ay tumambay naman si Ream dito sa kitchen at tahimik akong pinagmamasdan.

"Doon ka na lang, hintayin mo na lang ako. Pagkatapos kong kumain tapos maghuhugas lang ako ng pinagkainan ko, aalis na—" Naputol yung sasabihin ko nang makita ko si Ream na nakatingin sa niluluto ko at nag salita rin ito.

"Hindi mo papakainin bisita mo?" Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Atat ka kasing umalis, malay ko bang gusto mong kumain?" Tinuro ko pa siya habang nagsasalita ako.

"Ang bango kasi ng niluluto mo, it looks delicious."

I sighed.

"Oo na, saglit na lang ito. Diyan ka na lang sa lamesa mag hintay." He nodded at umupo sa may upuan at pumangalumbaba pa sa lamesa na naghihintay ng pagkain.

Nag handa na ako ng plato, kutsara, pati yung kanin at ulam.

Nagsandok ako ng kanin sa plato ko at gano'n din ang ginawa ni Ream. Kumuha na rin kami ng kanya-kanya naming ulam.

Kakain na sana siya nang magsalita ako.

"Mag pray muna."

Pagkatapos naming magdasal ay tumingin ako sa kanya.

"Sige na kumain ka na."

Pagkasubo niya ng isang kutsara na may ulam, tumitig ko sa kanya. Hinihintay ang magiging reaction.

"Masarap?" tanong ko.

I don't know, pero kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya... hindi naman ako pangit magluto.

Tumango siya at ngumiti. Napahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko din alam pero gusto ko siyang maimpress sa akin.

"Mas masarap sa luto ni Francine." Umangat ang tingin ko sa kanya. Nagsimula na rin akong kumain.

"Bakit si Francine ba ang nagluluto sa inyo?"

"Yeah, simula nang mamatay ang magulang namin. Siya lang ang marunong magluto sa aming dalawa, kasi siya lang ang naturuan ni Mom. I can't cook, mabuti na lang at nandiyan ang kambal ko. Mas gusto ko kasi ang lutong bahay kaysa sa mga restaurant or fast food."

Inubos ko muna ang pagkain sa bibig ko bago ako nagsalita.

"Yeah, mas masarap talaga ang lutong bahay." Hindi na siya nagsalita at nabusy na sa kinakain niya.

"Hindi ka talaga marunong magluto?" tanong ko pa ulit at tumango lang siya nang hindi tumitingin sa akin dahil nakafocus na ang atensyon niya sa kinakain niya. Mukhang nasarapan.

"Palibhasa kasi busy sa pagiging scientist." I murmured at doon lang siya napatingin sa akin.

"May sinasabi ka?" Napalabi ako at umiling-uling.

"Good." Dumighay siya pagkatapos sabihin 'yon at nagkatinginan kami sabay tawa.

Natapos na kaming kumain at nag hugas muna ako ng pinaggan.

"Diyan ka muna, magbibihis na ako."

Nakarating na kami sa amusement park. At Ferris wheel lang talaga yung balak na sasakyan namin.

"Hindi pa ba tayo sasakay? Madilim na at may ilaw na yung ferris wheel. Ang ganda." Mangha akong napatingin sa ferris wheel na may makukulay na ilaw. Kanina pa ako excited na sumakay.

Tumingin si Ream sa kanyang wrist watch. Kanina pa siya tingin nang tingin doon ah?

"Kain muna tayo ng ice cream." Nagningning naman yung mata ko sa sinabi niya.

"Sige, tapos sakay na tayo sa Ferris wheel ah?" He smiled and nodded.

"Yey!"

May ice cream parlor din dito sa amusement park at doon kami pumunta para makabili ng ice cream.

Nasa tapat na kami ng bilihan nang mag salita siya.

"Anong flavor?" tanong niya habang nakatingin sa mga ice cream na nasa harapan namin.

"Chocolate!" masaya kong sabi and clapped my hands in a glee.

Napatingin siya sa akin at tumitig.

"Bakit ang dami niyong pagkakaparehas?" bulong niya pero tama lang ang lakas para marinig ko 'yon.

Nakatitig pa siya sa akin pero parang may ibang tao siyang naiisip.

"Ha?" He shook his head.

"Ahm, ate dalawang ice cream po. Parehas pong chocolate flavor."

Nilibre ako ni Ream at pinilit ko pa siyang ako na lang ang mag bayad, dahil ayaw kong mag kautang sa kanya pero sinabi niya na treat niya ang lahat at wala na akong nagawa kahit na anong pilit ko. Hard headed.

Umupo kami sa may bench at kinain ang ice cream namin.

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano nang hinila niya na ako papunta sa Ferris wheel nang tignan niya ang oras sa relo niya.

"Let's go."

"Wait, yung ice cream ko," saad ko dahil hindi ko pa nuubos.

Nagulat naman ako nang kinuha niya sa isang kamay ko ang pagkakahawak ko sa aking ice cream at itinapon 'yon sa trash can na nadaanan namin.

Napanganga ko sa ginawa niya.

My ice cream!

"Bibilhan na lang kita mamaya, sigurado akong mas magugustuhan mo ito."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatinaod na lang sa paghila niya sa akin.

Nandito na kami ngayon at nakaupo. Malapit na raw umandar ang ferris wheel kaya bumalik ulit ang excitement ko.

"Takot ka sa heights diba?" tanong ko sa kanya.

Napingon siya sa akin. "Nope. Nakakatakot lang yung ride na 'yon. Ikaw kaya paikot-ikutin tapos hihinto pa sa tuktok na nakabaliktad."

Malakas akong napatawa sa sinabi niya. He looked at me clueless.

"Is there something funny?" tanong niya.

Umiling na lang ako. Nagsimula ng umandar ang ferris wheel at lahat ay may mga tao ng nakasakay.

Napatahimik kami ni Ream habang nakaupo.

Pag nasa taas kami ay manghang-mangha akong napapatingin sa ibaba dahil sa ganda ng mga iba't-ibang ilaw. Gano'n din si Ream.

Pero napakapit ako sa braso ni Ream nang bigla kaming huminto sa pinakatuktok.

"Ream! Hala nasira ba ang sinasakyan natin? Bakit tayo nakahinto? Hala nasa taas pa naman tayo," sunod-sunod na sinabi ko dahil sa kaba.

Pero nagulat akong muli nang may malakas na tumunog na nagbigay liwanag sa madilim na kalangitan.

Fireworks.

Namangha akong muli. Tumingin naman ako kay Ream, nakangiti siyang nakatingin sa mga fireworks.

Bumalik ang tingin ko sa fireworks nang bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Kaya ba tingin siya nang tingin sa relo niya? Plano niya ba ito?

Isa rin sa favorite ko ang pag nood sa fireworks.

"May fiveminutes pa tayo, nakahinto pa rin itong ferris wheel." Tinignan ko si Ream nang magsalita ito.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

Tumango-tango ako habang nakangiti ng malapad.

"Trixy."

"Hmm?"

"I like you." Napatitig ako sa nanghihipnotismo niyang mata.

Ako nga ba talaga? Habang nakatingin ako sa mata niya na parang hindi ako ang nakikita niya. Parang ibang tao ang naiisip niya.

"Ream?" tawag ko din sa pangalan niya.

"Yes? It's okay kahit hindi mo ako gustuhin pabalik. I can wait," sabi niya na nakatingin sa mga fireworks.

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Napalunok ako.

"I'm Trixy Buenavista. I'm the girl who saw you in the future. Because I saw the future once."

Sorry Ream. Gusto kong sabihin sayo na ako si Xyrene Trixy Montilla ang childhood friend mo. Kailangan muna nating ayusin ang mangyayari sa future... at kapag naayos na nating lahat 'yon— magpapakilala ako sayo. Magpapakilala ako sa inyong lahat na naging malaking parte kayo sa nakaraan ko.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 903 47
Isang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old...
2K 159 25
Published under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan...
8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...