Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 39: Too Late

2.3M 48.6K 12.8K
By iDangs

Ayu's Point of View


Nang marinig ko ang mga sinabing 'yun ni Ken, hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali. Siguro kasi hindi ganun 'yung inaasahan kong mangyayari. Hindi 'yung bigla na lang syang lalapit sa akin at sasabihing ako pala ang matagal na niyang gustong makita.

Nakarating kami sa bahay nang hindi ako umiimik. Tinanong nila ako pero hindi ko sila sinagot. Natapos ang isang buong gabi na wala akong naisip na matino. Lutang ang diwa ko.

Kinaumagahan nagising ako at agad na nag-ayos para sa school. Inabutan kong nag-aayos na 'yung tatlo ng breakfast nang lingunin ako ni Yannie at inayang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain. Feeling ko tuloy nadadamay sila sa kaartehan ko. Bakit ba kasi ganito ang nagiging reaksyon ko? Nakakainis.

Nang matapos ay niligpit na rin namin yung pinagkainan namin at lumabas na ng bahay.

Aalis na sana kami nang may bumusina kaya napatingin kaming apat sa gate. Si Xander. Malamang susunduin si Yannie.

"Susunduin ko lang kaibigan niyo," sabi niya habang papalapit kay Yannie.

"Sige lang. Ayan na. Iyo na," biro ni Zoe.

"Akin naman na talaga 'to." sagot naman ni Xander sa kanya. Kinurot naman siya ni Yannie sa tagiliran at umalis na rin.

Kaming tatlo naman ay tahimik lang sa byahe papuntang school. At nang makarating ay dumiretsyo na agad sa room bago pa kami malate.

Nasa tapat na kami ng room nang biglang tumunog ang bell. Papasok na sana ako nang makasabay namin sila Ken at Ice.

"Good morning!" bati sa kanila ni Sab at nagsipasok na ng room. Papasok na rin sana ako kaya lang may pumigil sa akin. Si Ken.

"Teka lang." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Kagabi? Bakit – "

"Ms. Khan and Mr. Yu, nagbell na. Bakit nasa labas pa kayo?" suway naman sa amin ng teacher.

"Sorry po, ma'am," sabi ko at nakayukong pumasok sa room.


***

Mabilis lang natapos ang dalawang period namin kaya break na rin agad.

Naglalakad lang kaming apat papuntang canteen ng sabayan kami ng apat na lalaki. Lumapit si Xander kay Yannie at nauna na silang maglakad habang si Josh, Zoe, Ice at Sab ang magkakasabay na nagkwekwentuhan habang naglalakad. Naiwan ako sa likod. Napatingin ako kay Ken at nagtagpo 'yung tingin namin kaya agad ko rin iniwas yung tingin ko. Lalakad na sana ulit ako nang pigilan niya ako.

"Sandali lang," tawag niya.

Not now, please.

Humarap ako sa kanya, "A-ano... gutom na kasi ako. Kain muna ko," sabi ko at iniwan siya doon na mag-isa. Binilisan ko ang lakad ko para masigurong hindi niya ko aabutan.

Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi pwedeng iiwas na lang ako sa kanya palagi. Kaya lang sa ngayon sadyang naguguluhan pa rin ako.

Natapos ang break or should I say na natapos ang buong araw na iniiwasan ko lang si Ken. Nakakahalata na rin siguro ang iba. Paano, dati, kami ang palaging magkasama tapos ngayon iniiwasan ko na siya.

Pag-uwi ay agad akong nagpunta sa C.R.. naghilamos at humarap sa salamin. "Ano bang problema mo, Ayu? Umayos ka nga. May mga nadadamay pa sa pag-iwas mo. Umayos ka, Ayu."

Paglabas ko ng C.R., nagulat na lang ako nang makita 'yung tatlo na nasa kwarto mo. Nakahiga si Sab sa kama habang si Zoe naman ay nakaupo samantalang si Yannie ay pinapakailaman ang desk ko.

"May kailangan kayo?" tanong ko sa kanila.

"'Yung kama mo, Ayu, masyadong malinis. Parang walang humihiga. Walang gusot. Kaya ako na lang gugusot," puna ni Sab na gumulong gulong ngayon sa kama.

"Bakit ganito 'yung sahig mo? Parang masyadong madulas. Baka may madulas dito tapos mabalian," sabi naman ni Zoe na nakaupo sa kama habang makasayad 'yung paa sa sahig.

"Saka bakit napakarami mo namang libro dito sa desk mo? Para saan pa ang shelf kung dito mo lang din naman 'yan ilalagay?" Hawak hawak naman ni Yannie 'yung libro ko at binubuklat buklat pa.

Napabunting hininga na lang ako at umupo sa kama. "Alam kong hindi kayo nagpunta dito para lang punahin at pakialaman ang kwarto ko. Anong sasabihin niyo?"

Umupo na rin si Yannie sa kama at tumabi sa akin. "Anong nangyari kagabi?" diretsyong tanong niya.

Napangiti na lang ako. Alam kong itatanong nila 'to. "Alam ko namang alam niyo na yun, e."

Tumango si Zoe sa sinabi ko. "Ken. The mystery girl. Ikaw. Nasabi nga sa amin ni Xander. Pero hindi lang 'yun, Ayu. May nangyari kagabi. Ayon ang gusto naming malaman. We gave you time for yourself already. Baka naman pwede mo na kaming sabihan ng problema mo?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Nakatingin lang sila sa akin. Isa o dalawang minuto bago pa ako magsalita. Kailangan ko nga rin ng mapagsasabihan.

"Kagabi, habang nasa labas kami... sinabi nga niya na ako at ang babaeng may ari ng boses ay iisa." Tumango naman sila as if motioning me to go on. "By that time naisip ko na, wow, ibig sabihin gusto niya rin ako. Kasi ang pagkakaalam ko gusto niya 'yung may ari ng boses. I was glad. Hindi ko timatanggi 'yun, but..." I stopped tapos ay yumuko. "Naalala ko 'yung sinabi ni Sab. About sa love and kapag may reason 'yun. Para akong nakaramdam ng doubt. So I pushed him and ran away."

"Oh no. Oh no." Napatingin ako kay Sab na ngayon ay umiiling. "Sorry, Ayu. I'm really sorry. Hindi lang talaga maipreno 'tong bibig ko. Hindi ko dapat sinabi 'yun. Huwag kang dumepende sa sinabi ko."

"Don't worry, Sab. Wala kang kasalanan." Niyakap naman ako ni Sab na hindi pa rin tumitigil kakasabi ng sorry.

"I don't know, Ayu, kung tama ba ang ginagawa mong pag-iwas ngayon. Bakit hindi mo kausapin si Ken? Malamang naguguluhan din 'yun ngayon," payo ni Yannie.

"Huwag kayong mag-alala. I'll talk to him. I just don't know when. Sige na. Magbihis na kayo. Okay lang ako." Tumayo naman na si Yannie at Sab tapos ay niyakap ako at lumabas na.

Napatingin naman ako kay Zoe na nakayuko lang at parang may iniisip na malalim.

"Uy, anong ayos mo?" tanong ko sa kanya.

Nginitian lang niya ako at niyakap saka naglakad palabas ng kwarto ko. Hawak na niya ang doorknob pero huminto siya at lumingon sa akin. "Ayu, alam kong matalino ka at proud ako sa 'yo for that. Magaling 'yang takbo ng utak mo. Basta walang duda na matalino ka at magaling mag-isip."

Ano raw? Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Binuksan na niya ang pinto pero hindi pa rin siya lumalabas. "Kaya lang," pagpapatuloy niya. "Minsan hindi pwedeng laging utak lang ang paganahin." Tinuro niya 'yung chest niya. "Minsan pairalin mo rin 'yan. Wala naman masamang maniwala minsan. Don't be afraid to take risks. Kung masyado kang magiging sigurista, baka kapag narealize mo na ang dapat mong marealize, huli na pala."


***

"Sayang," sabi ni Yannie habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Papunta na kaming school ngayon pero stuck sa traffic.

Napatingin ako sa kanya at nagtanong, "Ang alin?"

Tumuro siya sa labas ng bintana. "Si manong magtataho kasi umalis na. May tumatawag pa sa kanya, bibili ata. Nabwisit na ata 'yung ale kasi di siya marinig ni manong. Kaya ayun, hindi na lang bumili 'yung ale. Kita rin 'yun." Napailing naman ako. Ayun lang pala. Akala ko naman kung ano na.

"Hindi naman kasi lahat ng umaalis hinahabol." Napatingin kami ni Yannie kay Zoe. Nakasilip siya sa side mirror at umiling.

"Napagod na siguro 'yung ale kakatawag kaya sumuko na. Hindi naman siya 'yung nawalan ng kita, e. Kaya ayos lang sa ale 'yun. May iba pang magdadaang magtataho dyan," dagdag naman ni Sab na nakapalumbaba at nakatingin lang sa daan.

Ang lalim naman ata ng pinanghuhugutan nila? Hindi ba ako ang may pinagdaraanan dito?

Pagdating ko ng school ay same routine lang. Medyo busy kaya hindi rin kami masyadong nagkasalubong ni Ken. Buti na lang. Kapag nasa classroom naman ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Madalas magtama ang paningin namin pero iniiwas ko rin agad.

Nang mag-uwian, naiwan ako sa room kasi kumokopya ako ng notes. Pagkatapos ay inayos ko na ang gamit ko at lumabas. Baka naiinip na rin kasi sa akin 'yung tatlo. Halos wala ng tao sa corridor. Lagi namang ganto kapag natatapos ako.

"Ayu." Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Ken.

Nagpunta siya sa harap ko. "Ano bang problema? Bakit ka umiiwas?" tanong niya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa libro ko.

"Dahil ba 'to sa nangyari noong isang gabi? Dahil nalaman mo na ikaw ang babaeng hinahanap ko? I swear, Ayu, hindi ko rin alam na ikaw 'yun. I'm – "

"Ayun nga, Ken, e!" Napahinto siya dahil medyo napataas ang boses ko. Huminga ako nang malalim at saka siya tiningnan. "Ayun ang problema, Ken. Hindi mo rin alam na ako 'yun not until you heard my voice sa contest!"

"Ano ang problema dun, Ayu?!"

"Paano kung hindi ako ang may ari ng boses? Paano kung ibang tao pala? Paano kung si Sab? Si Yannie? O si Zoe? Magugutstuhan mo pa rin ba ako?!"

"Ayu naman."

Hindi ko na napigilan ang may pumatak na luha sa mata ko. "Nagustuhan mo ako sa boses ko. Pero bilang ako? Nagustuhan mo rin ba? Paano kung bukas makalawa nawalan ako ng boses? Gusto mo pa rin ba ako?" Tuloy tuloy lang ang agos ng luha ko. Lalapitan niya sana ako pero lumayo ako. "Diyan ka lang," sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.

Napahinto ako nang magsalita siya. "Ayu, gusto kita. Gusto talaga kita." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na para marinig ko.

I can't help but to smile bitterly. "Hindi mo ako gusto, Ken. Gusto mo ang boses ko."


***

"Ayu, umuwi na lang tayo. Mukhang hindi ka okay, e. Tara na," aya sa akin ni Zoe.

Kasalukuyan kaming nasa No Name dahil balik na kami sa pagkanta.

"Hindi. Ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanain." Napabuntong hininga na lang siya at tinabihan ako.

Dumating naman si Sab at Yannie na nakipag-usap kay Manager. Napagdesisyunan na raw na i-merge na lang ang banda namin pati ang sa boys. Wala namang tutol sa desisyon na 'yun.

Ilang minuto lang din ang lumipas nang dumating ang boys. Lumapit sila sa amin at naupo kung saan kami nakapwesto. Magkatapat kami ni Ken pero hindi ko siya magawang tingnan.

"Excuse lang," paalam ko sa kanila at dumiretsyo ng C.R.

Naghilamos ako at nag-ubos lang ng oras doon. Halos sampung minuto akong tumambay doon bago ko maisipang bumalik. Papalapit ako sa kanila nang marinig ko ang sigaw nila, "Bukas na?!" "Huwag ka na umalis." Ayun lang ang narinig ko dahil huminto sila sa pag-uusap nang dumating ako.

***

Paulit ulit na lang ang routine ko. Gigising. Mag-aayos. Kakain. Papasok sa school. Iiwasan siya. Uuwi. Matutulog. Nakakasawa.

Kaya lang ngayong araw, parang may iba. Pagpasok ko sa school, wala pa siya. Nandito na ang tatlo pero siya wala pa. Nagbell, nagklase, nagbreak, nagklase ulit, naglunch, nagklase pero hindi ko nakita si Ken.

Ugh. Iiwas-iwasan ko siya tapos ngayon hahanap hanapin ko na? Ang gulo ko!


***

Sab's Point of View


Nasa may school garden ako ngayon dahil vacant namin. Tambay muna ako. Sa hindi ko rin alam na dahilan ay kasama ko ngayon si Josh dito.

"Hindi mo ako aawayin ngayon?" tanong ko.

"Hindi muna. Nakakapagod kang kabarahan. Next time na lang."

"Okay. Madali akong kausap. Pero teka. Nagkwento na ba sa inyo si Ken?"

"Hindi nga, e. Nu'ng naghiwahiwalay tayo kagabi hindi na ulit nagsalita. Napakatamlay. Si Ayu ba? Anong sabi?"

"Pag-uwi ko nakatulog na agad siya kaya hindi na namin inistorbo. Hindi pa rin siya naniniwala na gusto talaga siya ni Ken. Ang alam niya ay dahil lang 'yun sa boses niya. Hay. Ang kumplikado nila," iling ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. "Pahiram ng phone mo."

"Bakit?"

"Magpapatugtog ako. Naiistress ako sa dalawa kaya magmumusic na lang ako. Pamparelax." Inabot naman niya sa akin 'yung phone niya.

Kinalikot ko 'yun at naghanap ng magandang kanta. Nacurious ako sa isang untitled music niya kaya ayun ang pinatugtog ko. Kaya lang nang marinig namin ni Josh 'yun ay nagkatinginan kami at parehas nanglaki ang mata.

"Narecord ko nga pala 'to noon. Tara, bilis!" sigaw niya sa akin at hinila ako pabalik ng room.


***

Ayu's Point of View


Inaayos ko na ang gamit ko para maghanda pauwi nang biglang may kumalabog kaya agad akong napatingin sa pinto. Si Josh at Sab lang pala. Baka naghahabulan na naman.

Hindi ko na lang sila pinansin at inayos na ulit ang gamit ko.

"Ayu!" sigaw ni San. Nilingon ko naman siya. "May ipaparinig – huh? Teka. Bakit kayong lima na lang ang nandito?"

"Oo nga no. Nasaan na ang iba?"

"Nauna na. Uwian na raw, e. Saan ba kayo nanggaling?" tanong ni Xander.

"Diyan lang sa – ay basta! Ito muna," abot sa akin ni Sab ng hawak niyang phone. Nang taasan ko lang siya ng kilay ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang phone ni Josh. "Pakinggan mo 'to. Now na."

Hindi ko man alam kung ano 'to ay pinindot ko pa rin ang play. Para kasing urgent kung makareact si Sab.

Huh? Audio ba 'to? Si Ken ba 'tong naririnig ko?

"Ganun talaga. Pero mabalik nga tayo sa 'yo, Ken. Paano kung makita mo na 'yung babae sa music room? Ano na mangyayari kay Ayu niyan?"

"Tsk. Makapagtanong ka naman. Parang girlfriend ko si Ayu, ha? Hindi naman."

"Nagtatanong lang, e. Ganito na lang... paano kung makita mo na 'yung babae? Liligawan mo ba siya?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Kasi gusto ko lang siya. Gusto ko lang makita kung sino siya. Dati siguro gusto ko talaga siya. Pero ngayon gusto ko lang malaman kung sino siya."

"You mean – "

"Ang ibig kong sabihin, gusto ko lang makita 'yung babae para malaman kung sino ang may ari ng boses. Pero si Ayu... iba siya. Siya 'yung gusto ko. Gusto kong makita araw-araw. Gusto kong makasama madalas. Gusto kong alagaan. Kasi... higit pa sa pagkagusto 'yung nararamdaman ko sa kanya."

"Higit pa?"

"Oo, higit pa. Bigla ko na lang naramdaman 'to. Si Ayu, siya... siya 'yung taong mahal ko."

May hands are shaking dahil sa narinig ko.

Mahal niya ako? Totoong mahal niya ako? Hindi lang dahil sa boses ko? Ang tanga tanga ko. Bakit hindi ako agad naniwala? Tama si Zoe. Hindi dapat laging utak ang pinapairal.

"Nasaan si Ken?" tanong ko kay Josh nang maibalik ko ang phone niya. Even my voice is shaking.

Napayuko si Josh at nag-iwas ng tingin ang iba. Bigla akong kinabahan dahil sa reaksyon nila. "Bakit hindi kayo sumasagot?".

"Umalis siya," sagot ni Ice.

"Saan? Saan siya pumunta?"

"Sa New Jersey."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakagalaw. Umalis na si Ken? Nagpunta siyang ibang bansa?

Parang kinurot ang puso ko dahil sa narinig ko.

"Four p.m. pa ang flight niya. 3:20 pa lang. Baka abutan pa natin siya," sabi ni Xander.

Nagmadali naman kaming umalis. Pagdating na pagdating namin ng airport ay tumakbo agad kami.

"Tita!" sigaw ni Josh sa babaeng nakasalubong namin. "Tita, nasaan na po si Ken?"

"Nakaalis na, hijo. Mga 10 minutes ago. Kasama niya ang parents niya."

Napaupo na lang ako sa sahig nang marinig 'yun. Tuluyan na rin nagbagsakan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Wala na. Nakaalis na siya. Nahuli na ako.  

Continue Reading

You'll Also Like

56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
632K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.