Boys do fall in love ✔️

By Cookieswiss

650K 12.2K 3.3K

Read to find out how do boys fall in love. More

Start - 1000 messages
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25: Sweetest surprise
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35 -- Finale

Chapter 5

14.3K 286 56
By Cookieswiss

Sharri's POV

"Sino ka? Hey!" sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay na kasalukuyang nakatakip sa mga mata ko ngayon. 

Tahimik akong nakatambay dito sa park sa subdivision namin, nakaupo sa mga benches habang inaalala ang mukha ng gwapong lalakeng iyon, nang bigla na lang ay may mga kamay na tumakip sa mga mata ko.

Tawa lang ang narinig kong sagot. Tapos, mas lalo pang hinigpitan ng kung sino mang nasa likod ko ang pagkakatakip sa mga mata ko.

"Ano baaaa?" Pilit ko pa ring tinatanggal ang mga kamay sa mga mata ko.

So soft skin. My god! Sino ba 'to?

"Hindi ako nakikipagbiruan! Kapag hindi mo tinanggal itong mga kamay mo in 10 seconds, whoever you are, bubugbugin talaga kita!" hiyaw ko.

Tumawa lang ang lalakeng nasa likod ko. So, lalake. 

Pagkatapos eh binitawan rin ako. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nang muli kong imulat eh nakaupo na sa tabi ko ang isang..

ang isang gwapong lalakeng ang puti puti, ang kinis kinis ng balat, at ang.. ang macho macho..

"Aries?!" gulat na tanong ko.

He's Aries Fuentabella. Anak ni Tita Dolores na family friend namin na naka-base sa states. He used to be my friend when we were elementary kids. At ngayon, I can say that he's a totally grown up man.

"good thing, kilala mo pa ako." wika nito at ngiting ngiti sa akin. 

Yung mga mata niya, masyadong mapupungay. Masyadong attractive.

"Malamang naman eh makikilala kita. Akala ko pa naman eh kung sino ka. May mga patakip-takip ka pa kasi sa mga mata ko na nalalaman eh. Tsk! Kung hindi mo agad tinanggal ang mga kamay mo, baka nabugbog kita ng wala sa oras."

Tumawa lang ito ng malakas. "Hindi ka pa rin nagbabago Sharri. Still one of the Boys. Nakita kasi kita na parang ang lalim ng iniisip. May problema ka ba?"

ako? Mukhang may problema? 

"Wala ah." Iniisip ko lang naman ang cold-hearted na Gian na iyon! "Iniisip ko lang kung anong flavor ng ice cream ang masarap lantakan ngayon."

Ngumiti naman ito at kinurot ako sa pisngi. "Hay, naku, para kang bata. Let's go."  Tapos nagulat ako nang bigla na lang hawakan ni Aries ang isa kong kamay.

"Hey? Aries?"

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. Peste, napakawapo rin. "Why? Come on, I'll treat you an ice cream. all the flavors that you would want."

Halos mamilog ang mga mata ko. Boom, kahinaan ko yun. "Sure?" 

Pinitik lang ako nito sa ilong. "Of course."

Pagkatapos nun eh hinila niya ako patayo at naglakad kami papunta sa pinakamalapit na Ice Cream house.

****

"Bakit pala bigla-bigla kang umuwi dito sa Pilipinas? 5 years ago na ng huli kang umuwi dito ah." panimula ko ng makaupo kami sa isa sa mga bakanteng seats at table dito sa Ice Cream house.

Inilapag ko sa mesa ang mga ice cream ko. MGA ice cream ko, like vanilla, strawberry, chocolate, and milk. Lalala. Enjoying life!

Napangiti ako ng makita ko ang mga ice cream sa harapan ko. Kapag nalaman ito ni Cha-cha, maiinggit iyon dahil halos lahat ng inorder ko eh favorite niya.

"Hindi mo kailangang ngumiti sa harap ng ice cream. Kahit anong ngiti mo, hindi magsasalita ang mga iyan." natatawang wika ni Aries.

Tinarayan ko naman ito. Nangingialam eh. "Tse! Masama? Malay mo, ngitian din nila ako."

Napailing naman ito. "Baliw." 

"Okay na ang maging baliw, maganda naman. By the way, hindi mo sinagot ang tanong ko, bakit bigla kang napauwi dito sa Pilipinas?"

"Wala naman. May mga necessary papers lang and documents akong kailangang ayusin dito sa Philippines. Besides, Im on a vacation."

"Ah.." pagre-react ko sa sinabi niya sabay subo ng ice cream.

"And to see you also---oh? okay ka lang?" biglang tanong niya sa akin.

Kahit kasi ice cream ang kinakain ko eh parang nabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Ang prangka lang ha? Dahil sa akin?

"Napaso ako eh." pagpapalusot ko na pilit itinatago ang mukha dahil alam kong nakakahiya.

"Sa lamig niyan, pwede ka ngang mapaso." natatawang wika nito.

At mas lalo akong nagulat ng hawakan nito ang kabilang pisngi ko tapos ang isa nitong kamay ay nakahawak sa pang-ibabang labi ko!

"Tingnan mo tuloy, nagkalat ang chocolate ice cream sa gilid ng labi mo." napapailing nitong wika. "Hindi ka pa rin nagbabago, mukha ka pa ring bata kumain ng ice cream." nakangiti nitong dugtong. 

And then he was gently wiping all the mess that he could see on the side of my lips. He was so gentle that I cant almost feel his finger touching my face.

Pero nagulat ako nang bigla na lang ay may mga kamay na tumabig sa kamay na Aries na nakahawak sa labi ko.

"Malinis na ang mukha ng authistic na yan, pwede mo ng alisin ang kamay mo." he said.

Halos manlaki naman ang mga mata ko.

ANO NA NAMAN ANG GINAGAWA NG GWAPONG NILALANG NA ITO DITO?

"At sino ka naman pare?" nakangiting tanong ni Aries. Partida, nakangiti pa yan ha? Napaka-friendly naman.

"sino nga ba ako?" wika ni Gian na seryosong nakatingin sa akin.

"Gian Flores." wala sa loob na wika ko.

Napatingin naman sa akin si Aries. "So, you two know each other?"

"Yes." sagot ko na nakatingin lang kay Gian habang nakataas ang mga kilay.

"I see." said Aries tapos muling tumingin kay Gian. "By the way, I'm Aries. Sharri's frie----"

"Next time, kung gusto mo ng ice cream, magsasabi ka para nasasamahan kita. Hindi tamang may boyfriend ka na, kung kani-kanino ka pang lalake sumasama. Hindi tamang tingnan para sa mga babaeng tulad mo." wika nito at bago pa man ako makapagsalita eh agad na itong naglakad papalayo.

Napatingin naman sa direksyon ko lahat ng nakarinig sa sinabi ni Gian  dito sa loob ng ice cream house.

WHAT AN EFFIN GIAN! Nakakahiya!

Wala sa loob na naibagsak ko ang hawak kong kutsara at naitikom ang mga kamao ko. Makakasuntok na talaga ako ng gwapong nilalang!

"Sharri? Are you okay? Was that guy your boyfriend?" tanong ni Aries.

"Siya? Boyfriend ko? Excuse me, pero wala akong boyfriend na rude--------" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mahagip ng mata ko si Gian malapit sa counter ng Ice Cream House na umu-order ng ice cream kasama si

KASAMA ANG ANNE NA IYON! AT RINIG NA RINIG KO PA ANG TAWANAN NILA SA COUNTER!

"Are you sure Gian?" tanong ni Anne. Pakiwari ko'y lumaki ang mga tenga ko sa mga oras na iyon dahil rinig na rinig ko mula dito sa kinauupuan namin ni Aries ang malanding usapan ng dalawa.

Aba aba naman! Ang pangit kong crush na akala mo kung sino, may itinatago rin palang kalandian! Nakakainis lang ha!

"Oo naman. Kahit alin ang gusto mo Anne, bibilhin ko for you. Pili ka na." sagot naman dito ni Gian. Wow ha!

"Promise?" sagot ng bruha.

"Oo naman."

"Sige, I want strawberry ice cream ang cheese." said Anne. Tama! Tama ang cheese sa kanya dahil  mukha siyang daga!

Tapos muling tumingin sa akin ibang customer sa loob ng ice cream house. Ayos ah. Ano 'to?

"Okay." said Gian. Tapos nag abot ng bayad sa counter. Mas lalo kong naitikom ang mga kamao ko. Tila nagulat naman si Aries sa akin.

"Okay ka lang Sharri?" tanong ni Aries.

Ngumiti ako. Yung ngiting punung-puno ng pagpapa-cute. "Ako? Okay lang? Naman. Okay na okay lang!" puno ng kaplastikan na wika ko.

At nang muli  akong napatingin sa direksyon nila Gian eh mas lalo akong nainis.

"salamat Gian, napaka-sweet mo talaga." said Anne sabay hawak sa mga braso ng boyfriend ko! Boyfriend? Oo! Boyfriend ko!

Nakita ko namang ngumiti si Gian. Aba aba talaga! Ibang klase.

Okay. Its pay back time! Pagkatapos ng ginawa niyang pagpapahiya sa akin sa harap ni Aries, magsasaya siya? No way.

"Aries, I have to go. Thanks for the ice cream. Tawagan na lang kita." At bago  pa man makapagsalita si Aries eh nakatayo na ako at nagsimulang maglakad papalapit sa kanila.

"Ako naman ang manlilibre sa'yo Gian, next time." rinig na rinig kong wika ni Anne. Perfect.

Tumingin lang dito si Gian. "No need. Hindi naman----"

"Gian-lalabs! Nandito ka lang pala!" wika ko na ngiting ngiti sabay hawak sa kabilang braso niya. Halata namang nagulat ito sa paglapit ko. "Next time, kung gusto mo rin ng ice cream, magsasabi ka para nasasamahan rin kita umorder. Hindi tamang may girlfriend ka na at nandito lang sa paligid eh kung kani-kanino ka pang babae sumasama. Hindi tamang tingnan para sa mga lalakeng tulad mo." nakangiting wika ko. "Nagmumukha kang malandi, at nagmumukha ring malandi ang babaeng kasama mo."

Halos lahat eh napatingin sa amin. At kitang kita sa mukha ni Anne na shocked ito sa huling sinabi ko. Si Gian naman eh seryosong nakatingin sa akin.

Mas lalo akong ngumiti. Yung ngiting punung-puno ng pagpapaganda at pagpapacute. "So, paano ba yan? Masyado akong mabait Gian-lalabs, palalampasin ko ang kalandian mo, mukha naman kasing gutom na ang babaeng kasama mo. NAKAKAAWA NAMAN." after nun eh agad akong bumitaw sa pagkakahawak kay Gian at dire-diretsong lumabas ng Ice Cream parlor.

Quits. Quits na kami ngayon. 

Fair. Fair enough dude.

Eksena. Eksena naman ang ginawa ko. Letse, first time kong gumawa ng ganito. Nakakapagtaka, he could actually bring out the worst of me. Hindi na ito tama!

Sa sobrang inis na nararamdaman eh agad akong pumara sa unang taxi na nakita ko at nagpahatid sa bahay namin.

Habang nasa byahe, biglang nag-vibrate ang phone ko. May nagtext. At nang tingnan ko. Si Aries.

Fr: Aries:

Sharri, hands down. Ibang klase. Next time, pagkita natin, marami kang iku-kwento sa akin.

Napangiti na lang ako. Ayos, nadagdagan ang mga pwede kong makausap ngayong bakasyon.

"Nandito na tayo, Ma'am." wika ni manong driver. Agad ko namang inabot ang bayad ko at bumaba.

Pero bago pa ako makapasok ng bahay eh muli na namang nag-vibrate ang phone ko.

And when I checked it.

Fr: Gian

It seems like now you know how it feels.

ANO NA NAMAN BA ANG IBIG SABIHIN NIYA SA TEXT NIYA?!

*******

"Kanina pa kita inaantay, bakit ang tagal mo?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Cha-cha nang dumating ako.

"Required na pala ngayon maging maaga. Ayos ah, parang school lang." sagot ko.

Nandito kami ngayon sa park. May laro ngayon ang team ng Village o subdivision nila Cha-cha at ang kalaban ay ang team namin, ang team nila yabang. Tsss.

"Kunwari ka pa, alam ko naman na aagahan mo talaga dahil may laro ngayon ang mahal mo." wika nito.

"Hindi ko iyon mahal." sagot ko.

"Sige, ikwento mo yan sa tanga."

"Kaya nga ikinukwento ko sa'yo."

"Letse ka Sharri!"

Tinarayan ko lang ito. Hahaha! Basag na naman kasi siya sa akin. Ngayong kasama ko na si Cha-cha eh medyo nawawala na ang pagka-badtrip na nararamdaman ko sa lalakeng iyon.

"Okay, magsisimula na po ang laro." wika ng sportscaster na nagsasalita sa mini stage dito sa park.

Naupo naman kami ni Cha-cha. At mula sa kinauupuan ko, nakita kong  naglalakad papalapit sa benches nila Gian ang babaeng iyon, tss.. sino pa ba? Edi si Anne!

"Oy, di ba si anne yun? Yung nililigawan ni Gian?" tanong ni Cha-cha.

Isa pa ito! Kailangang ipagdikdikan?!

"Tss. Maghanap ka ng tangang kakausapin mo at itanong mo yan, baka masagot ka." wika ko.

"Kaya nga kinakausap kita friend eh." nakabungisngis na wika nito. Binatukan ko lang ito. Ngumuso naman  ito sa harap ko. Nyeta, ang daming pa-cute sa buhay, ang sarap hambalusin eh.

Mula sa kinauupuan ko eh kitang kita ko kung paano abutan ng tubig ni Anne si Gian. Nasaan ang boyfriend nito? Malandi rin. May boyfriend na eh. Carlo pa nga ang name eh. Nakakainis lang. 

At hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtingin ni Gian sa direksyon ko na tila ba nananadya, Ano 'to? Kailangang ipamukha na happy together na ulit sila? Psh.

Edi sila na!

Nakakawalang gana manood.

"Cha-cha, uuwi na ako." wika ko sabay tayo.

"Bakit?" tanong nito.

"Wala lang, tinatamad na ako manood." sagot ko.

Nagkibit balikat lang ito. "I understand. Sige, uwi ka na." wika nito. Ayos din, friendship talaga. Hindi man lang concern?!

Tumayo ako at nagsimulang maglakad pahakbang. Pero nakakadalawang hakbang pa lang ako ng mag ingay ang phone ko.

Psh. May tumatawag.

"KAILANGAN MO?!" bungad ko sa nasa kabilang linya.

"Where are you going?" tanong nito.

"Paki mo?!"

"I SAID WHERE ARE YOU GOING?!" sigaw ni Gian sa kabilang linya. Agad naman akong napalingon sa direksyon nito at nakita kong nakatayo ito, hawak hawak ang phone at nakadikit sa tenga, at magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa diresksyon ko.

"UUWI NA AKO AT WALA KANG PAKI!" sigaw ko sabay patay ng phone ko at agad tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo.

Pero bago pa ako makalayo ng tuluyan eh biglang nagsalita ang sportscaster na nasa stage.

"Mga kaibigan, bago ho tayo magsimula, may nais munang sabihin ang ace player ng team ng Happy Village."

At hindi pa man ako nakakaharap patungo sa direksyon ng stage eh pumailanlang na sa hangin ang gwapong boses ng lalakeng gustong-gusto ko pero labis ko ring kinaiinisan simula ng makilala ko ng personal.

"Sharri.." wika nito sa mikropono. Agad naman akong napalingon sa stage. "Sharri Dela Vega.." pag-uulit nito at nakatingin lang sa direksyon ko. Kaya naman yung mga tao sa park eh napatingin na din sa akin. Wala sa oras na napatingin ako sa damit ko, letse, baka mukha akong madumi.

Ano na naman ba ang pakulo ng lalakeng ito?!

At dahil wireless mic ang hawak nito eh naglakad ito papalapit sa akin. Pakiramdam ko naman eh napako sa kinatatayuan ko ang mga paa ko. Hindi ko maigalaw. At rinig na rinig ko rin ang bulungan ng mga taong nandito, lalo na ang mga kababaihan.

Nang makalapit si Gian sa akin eh agad nitong hinawi ang bangs ko na nakatakip sa mata ko. Tapos tiningnan ako sa mga mata. Wala sa oras na napalunok ako. Ang puso ko, nagwawala na naman. Ano na namang pakulo nito?!

"Problema mo.. mo na.. naman?!" tanong ko.

Ngumiti lang ito, hinapit ako sa bewang at muling nagsalita. "Sharri-lalabs, my beautiful lady love, the only girl I have in my heart, I am so sorry that I hurt you and pissed you off this morning by making fun of you in front of everyone when we were on that little ice cream house. Im just jealous seeing you with other guy. I am too much ashamed at myself and also guilty that I could do that action to you, Sharri. Im so sorry. I hope you will forgive me.. I love you.." wika nito sabay yakap sa akin.

Pakiramdam ko eh nabingi ako sa mga pinagsasabi niya. At pakiramdam ko eh nanghihina ang mga tuhod ko sa mga oras na ito. Ni hindi ako makagalaw, ni hindi ako makapagsalita, ni hindi.. ni hindi ko na alam kung normal pa ba ang tibok ng puso ko at takbo ng utak ko sa mga oras na ito..

"Yun oh!" sigaw ng mga ka-team nito.

"A..ano.. anong eksena na.. naman ito?" tanong ko.

Tapos mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Sabay bulong sa tenga ko.

"I dont know why and how, but you could actually make me look and feel so stupid. This is not me."

What?

"Now, we're quits again."

Is he making fun out of me again?

He's so unfair! No matter what game he's currently playing, it isn't fair!

He's.. he's involving my weaknes.. he's involving my heart..

"You're unfair.." mahinang wika ko na nagpipigil na maiyak dala ng sobrang inis, inis dahil kinakabahan ako sa tibok ng puso ko.

"No, Im not. Its you."

(A/N: Salamat sa suporta Guys sa BDFIL! Nakakatuwang magbasa ng mga comments niyo. Sa mga nagpi-pm sa akin, salamat po. At tama po kayo, buong-buo na ang "Perfectly Possible". Feel freen to read it! Thank you guys!)

Continue Reading

You'll Also Like

6K 517 51
DISCLAIMER: Calamansi is a real platform. You can download it sa IOS or Android. An epistolary. Date Started: February 09, 2022 Date Ended: Book Cov...
3M 262K 48
!အမွန္ေတာ့ မင္းက က္ုိယ္အၿမဲတမ္း အမွတ္တရ သိမ္းထားခ်င္မိတဲ့ အစိမ္းေရာင္ ေပ်ာ္႐ႊင္ျခင္းေလးပါ... Oct9.2021 !အ...
280K 17.4K 73
" ရှင်က ၀န်ကြီးချုပ် ဖြစ်တယ် ဆိုတိုင်း ကျွန်မက ကြောက်ရမှာလား " " ဟင့်အင်း မကြောက်ရပါဘူး။လုံးဝကို ကြောက်စရာမလိုတာ။ထက်သာ ကသာ မကြီးကို သက်ဆုံးတိုင် ချစ...
10.1M 596K 69
#Dec - 20 - 2019 #Moewathan #Art by Maythitsar🌹 ယခုဇာတ်လမ်းတွင်ပါဝင်သော အကြောင်းအရာများနှင့် ဇာတ်လမ်း ဇာတ်ကွက်များဟာ စာရေးသူ၏စိတ်ကူးယဥ်သက်သက်သာဖြစ်...