Just If (What If It's Love, P...

Bởi SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 Xem Thêm

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Twelve

446K 9.4K 505
Bởi SiMarcoJoseAko

TWELVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon sa may harapan ko. Kumpleto kasi sila ngayon at tiyak akong magiging magulo na naman ang gabi ko. Minsan ko na lang kasi silang makitang magkakasama at kapag magkakasama sila, hindi pwedeng walang mangyaring hindi maganda.

"Pakyu ka talaga eh 'no? Palibhasa wala kang girlfriend kaya ganyang ka kapangit." Nanggigil na sabi ni Din kay Allen. Mortal kasi silang magkaaway simula pa noong mga highschool kami. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit sila magkaaway, basta ang alam ko. Isang araw, magkaaway na lang silang dalawa.

"Baka ikaw ang walang boyfriend. Tsaka bakit ka ba nandito? Mga adults at matured people lang dapat ang nandito." Sagot naman ni Allen kay Din.

"Ano ang palagay mo sa aking impakto ka, bata?! Hoy Ravis! Ilayo mo nga sa akin 'yang tontang 'yan!" Sabi ni Din kay Travis na kausap naman si Xander, Shaun at Aivan. Just boy things.

"Din, bakit ba ang bitter mo diyan kay Allen? Parang wala kayong nakaraan ah." Saad naman ni Shaun na sinabayan namin ng tawa. Mayroon kasing nakaraan si Allen at Din. Dati kasi silang magkasintahan at tumagal din sila ng isang taon pero nagulat na lang kami nang malaman naming wala na sila at galit na si Din kay Allen sa hindi namin malaman na dahilan.

Kasama rin namin sa bar si na Felice, at si Axcel na nakikipag-inuman sa iba pang mga Montemayor at iba pa nilang kaibigan. Kumpleto sila ngayong mga Montemayor, si Din, Rissa, Xander, Shaun, Aivan, Travis, Symon, at si Axcel. Naroroon din ang iba pa nilang kaibigan na si na Alex at Allen na magkapatid. Mas matanda lang ng isang taon si Alex kaysa kay Allen. Kasama din namin si Felice, Jomsky, Rhalp at Vlad. Matagal na namin silang mga kaibigan, simula pa noong highschool kami hanggang ngayon.

"Ang bitter n'yo! Parang dati naghahalikan pa kayo sa harap namin ah." Sabi ni Rissa. Tahimik pero maingay din naman kapag kasama kami.  Panganay na anak siya ni Tito Gian at Tita Ligie.

"Will you please shut up?! Matagal ko nang kinalimutan ang lahat ng 'yon!" Mariing sabi ni Din. Halatang bitter pa rin siya kay Allen hanggang ngayon.

"Ate, ang ingay mo." Sabi ni Symon sa ate niya. Anak silang dalawa ni Tita Lilet. Isang taon lang din ang agwat nilang dalawa. Pero nasa second year college na si Din at kumukuha siya ng course na Fashion Design, samantalang first year college naman si Symon at Rissa. Civil Engineering ang course ni Symon at Electronics Communication Engineering naman ang kay Rissa. Si Travis naman at Xander ay nasa third year college na. Architecture ang course ni Travis at Political Science naman ang kay Xander. Si Din lang at Shaun ang nasa second year college na kumukuha naman ng Business course. Si Jomsky at Rhalp ay nasa field naman ng Aeronotics at Marine Engineering naman ang kay Vlad.

"Tumahimik ka nga diyan! At huwag kang maglalasing dahil uuwi pa tayo! Lagot ka kay Mommy kapag naglasing ka." Naiinis na sabi ni Din kay Symon sabay irap.

"Oo, alam ko." Masungit na sagot ni Symon sa Ate niya.

"Alam mo kasi Din, uso mag move on. Aba, kinarir mo masyado ang galit sa puso mo diyan kay Allen." Sabi ni Felice. May sarili namang mundo ang mga boys at nag-iinuman lang at nagkukwentuhan. Pero nasa iisang table pa rin kami kaya tiyak na naririnig nila ang mga pinag-uusapan naming mga babae. Naririnig din kasi naming ang pinag-uusapan nila at tungkol lang sa mga kung anu-anong bagay ang mga iyon.

"I hate him and I will hate him. Tsaka bakit ba ako at ang impaktong may pangalang Allen ang pinag-uusapan n'yo? Pwede ba!" Sabi niya sabay irap sa hangin. Sinulyapan ko naman si Axcel na katabi ko lang. Nakita kong nagsindi siya ng sigarilyo. Bigla ay naningkit ang mata ko at agad kong inagaw ang sigarilyo niya at tsaka ko pinatay sa may lamesa.

"Diba sabi ko huwag kang maninigarilyo?!" Naiinis kong bulong sa kanya. Bigla kasing umingay sa paligid dahil nagsimula nang tumugtog ang banda na guest ngayon sa bar.

"Isa lang naman." Bulong niya sa akin.

"Hindi pwede! Kung ipalunok ko kaya sa'yo 'yan?!" Naiinis kong sabi sa kanya. Ayaw ko pa naman sa lahat iyong naninigarilyo.

"Dyahe pare! Under ka pala ng fiancée mo?" Malakas na sabi ni Travis na sinabayan nila ng pagtawa. Naninigarilyo rin siya katulad ni Allen, Alex, Shaun, Rhalp, Vlad at Jomsky. Si Axcel lang ang hindi ko pinayagan. Si Xander, Symon at Aivan naman ay nag-iinom lang.

"Sige lang, sunugin n'yo lang ang mga baga n'yo! Pagtatawanan ko kayo kapag nagkasakit kayo!" Naiinis kong sabi sa kanila. Nagtawanan lang sila samantalang sumimangot lang si Axcel.

"Hayaan mong mamatay ng maaga 'yang mga 'yan lalo na ang isa diyan." Sabi naman ni Din. Napailing na lang ako. Habang tumawa lang silang lahat maliban kay Allen. Matamang nakatingin lamang ito kay Din na tila binabasa kung ano ang nasa isip nito. Nakita ko namang nag-iwas ng tingin si Din ng magawi ang mga mata niya sa pwesto ni Allen.

"CR lang ako." Sabi bigla ni Din at tsaka ito tumayo at pumunta sa comfort room. Wala pang ilang saglit ay tumayo rin bigla si Allen.

"Hayaan n'yo na lang sila. They need to talk." Seryosong sabi ni Aivan. Naramdaman ko naman bigla ang pasimpleng pag-akbay sa akin ni Axcel. Hindi siya nakatingin sa akin, patuloy lang siyang nag-iinom.

"Par, nakauwi ka na sa Rancho?" Tanong ni Travis kay Xander. Umiling lamang si Xander.

"Hindi pa, pero balak ni Daddy na umuwi kami roon. Busy pa si Daddy sa Montemayor Empire." Sagot naman ni Xander.

"Akala ko ba si Kuya Greg muna ang mag ooperate ng company?" Tanong naman ni Aivan.

"Hindi, busy din si Kuya Greg. Priority pa rin ni Kuya ang pamilya." Sagot naman ni Symon.

Nag-uusap lang sa Felice at Rissa sa may gilid habang sila namang mga lalaki ay nag-uusap ng kung anu-ano. Hindi ako masyadong nag-iinom, kaya light lang ang akin. Cocktail lang ang iniinom ko.

"Sa unit ko na ikaw matulog." Bulong bigla sa akin ni Axcel. Para namang may dumaloy na kuryente sa buong sistema ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko.

"Ayoko, uuwi ako." Bulong ko naman sa kanya. Naramdaman ko bigla ang paghigpit ng akbay niya.

"Anong oras na, sa condo ko na lang ikaw matulog. Hahatid din kita bukas." Pagpupumilit pa niya.

"Huwag kang makulit. Tsaka lasing ka na ba? Uuwi ka pa." Tanong ko sa kanya.

"Oo, lasing na ako. Ikaw mag dadrive." Sabi niya.

"Heh, niloloko mo naman ako. Bahala ka diyan. Iiwan kita dito, kaya 'wag kang maglasing." Sabi ko sa kanya.

"Doon ka na kasi matulog." Parang batang sabi niya. I looked at my wrist watch. Alas dose y media na ng umaga. 


"Huwag ka sabing makulit. Hindi nga kasi pwede." Pinisil ko ang matangos niyang ilong.

"Malayo pa iyong bahay n'yo dito. Mas malapit ang unit ko kaya doon ka na lang matulog." Sabi niya. Hindi talaga siya maawat. Alam kong lasing na siya dahil namumula na ang buo niyang mukha at panay na rin ang akbay at hilig sa balikat ko. Inaamoy niya rin paminsan-minsan ang leeg ko.

Bumalik naman si Din sa pwesto niya at napansin kong nagulo ang lipstick niya at medyo namumula rin ang mata niya. Marahil ay umiyak siya. Wala pang ilang saglit ay bumalik na rin si Allen.

"Naghalikan ba kayong dalawa?" Biglang tanong ni Felice. Namula naman ang mukha ni Din samantalang passive lang ang reaksyon ni Allen.

"H-Hindi ah." Sagot naman ni Din pero obvious na naghalikan nga silang dalawa. May lipstick kasi ni Din si Allen sa may gilid ng labi.

"Naiihi ako, samahan mo ako." Biglang bulong sa akin ni Axcel.

"Para kang sira. Bakit naman magpapasama ka pa. Kaya mo na naman." Sagot ko sa kanya.

"Nahihilo ako, hindi ako makatayo ng ayos." Sabi niya. Tinignan ko naman sila, mukhang may mga tama na rin sila.

"Tara na nga." Sabi ko at tsaka tumayo. Tumayo rin naman siya at tsaka umakbay sa akin para kumuha ng suporta. Inalalayan ko siya hanggang sa pinto ng CR ng boys.

"Dito na lang ako, bawal akong pumasok diyan." Sabi ko sa kanya.

"Hindi 'yan, dali na samahan mo ako sa loob. Wala namang tao." Sabi niya. Pero tinanggal ko na ang pagka-akbay niya sa akin.

"Huwag kang makulit, bilisan mo na. I'll wait here." I said. Pero nagmatigas siya at ayaw niya pa rin pumasok.

"Samahan mo na kasi ako sa loob." Parang lasing niyang sabi. Lasing na talaga siya, alam ko iyon. Makulit kasi iyan kapag nalalasing at kung anu-ano ang ginagawa. Kaya hindi ko maiwanan sa ganito.

"Hindi nga kasi pwede, baka may ibang pumasok. Bilisan mo na. Iintayin kita dito."

"Ayoko nga sabi, samahan mo lang ako sa loob. Baka umalis ka at may pumorma sa'yo. Tara na!" Pagpupumilit niya. Tinitignan na rin kami ng ilang babaeng pumapasok sa kabilang comfort room.

"Ang kulit mo naman, naiinis na ako sa'yo." Sabi ko sa kanya.

"Bilis na, samahan mo na ako. Saglit lang akong iihi." Pagpupumilit niya at pilit akong hinahatak sa loob ng CR. Wala naman akong nagawa dahil sa malakas siya. Agad niyang ni-lock ang pinto pagkapasok ko.

"Bilisan mo na umihi, para ka talagang bata at kaylangan pang samahan para lang umihi." Sabi ko sa kanya. Pumuwesto naman siya para umihi kaya tumalikod ako saglit.

"Bakit ka nakatalikod? Ayaw mo bang makita?" Tanong niya.

"Pulos ka naman kalokohan, Axcel. Bilisan mo na lang diyan at iuuwi na kita. Lasing na lasing ka na oh." Sabi ko sa kanya.

"Kunwari ka pa. Bili na, tignan mo." Natatawa niyang sabi.

"Isa Axcel! Tumigil ka, sasapakin na kita diyan." Sabi ko sa kanya. Humarap na ako sa kanya dahil tapos na siya. Agad naman siyang umakbay sa akin at tsaka kami lumabas.

Tinignan naman kami ng ilang lalaking papasok sa CR pagkabukas namin, marahil ay nagtataka kung bakit ako naroroon. Alam ko naman na iba ang iniisip ng ilan, pero wala na akong pakielam pa roon. Si Axcel ang mas mahalaga sa akin kesa sa kanila. Nakabalik na kami sa pwesto namin at nadatnan naming silang nagtatawanan.

"Gawin mo akong baby mo mamaya pag-uwi natin ah?" Bulong sa akin ni Axcel pagkaupo naming dalawa.

"Sira ka talaga." Bulong ko naman sa kanya.

"Kapag lasing na lasing na ako, alagaan mo ulit ako tapos ikaw naman aalagaan ko kapag nalasing ka." Sabi pa niya. Natawa na lamang ako.

"Sana lagi ka na lang lasing para lagi kang sweet, Montemayor." Sabi ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya.

He suddenly intertwined his hand in mine. "Gagawin ko lahat, huwag ka lang umalis sa tabi ko."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

Maybe This Time Bởi Marco Jose

Tiểu Thuyết Chung

19.4M 423K 63
Can love truly change the past? #BSS4
2.5M 79.8K 13
Pride comes before the fall. The Seven Deadly Sinners
1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...