I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.7K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. šŸ–‡:: COMPLETED šŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
āœŽ facts
āœŽ note

Chapter 19

1.5K 84 18
By HartleyRoses

Ilang araw na ang nakalipas simula nang dumalaw sa akin ang aking mga magulang. I'm so happy that day.

Masaya akong naglakad sa may pasilyo ng school namin.

Balita ko, ngayon daw ipapaskil ang buong top ten sa batch namin.

Tinignan ko ang aking orasan at mag uuwian naman na kami. Kaya pupunta muna ako sa may quadrangle kung saan nakapaskil sa may bulletin board ang top 10 ng buong batch ng buong strand sa grade 11.

Bago ako makarating sa quadrangle ay nakasalubong ko si Francine.

"Trixy!" Napalingon ako nang tinawag ako niya ako. I smiled at her.

"Pupunta ka rin ba sa quadrangle para i-check ang buong top ten sa batch natin?" I just nodded at her while smiling. Wala e, nasa mood talaga ako ngayon.

"Tara sabay na tayo."

"Sige." Sabay kaming naglakad ni Francine.

"Alam ko naman kung sino na yung top 1." Napalingon ako dahil sa sinabi ni Francine, pero hindi ko na 'yon pinansin nang nasa harap na kami ng bulletin board.

Nakita ko kung sino ang Top 1, at halos manlaki ang mata ko sa nabasang pangalan.

"Ream Mercedes," banggit ko sa pangalan niya.

"And Nolan Vallertos? Who's this guy? Ngayon ko lang nakita name niya ah?" Napatingin akong muli kay Francine.

"Ah, classmate ko si Nolan and matalino talaga 'yan. Palagi ngang tulog pero halimaw sa mga exam namin." I chuckled when I remembered Nolan.

Tumawa rin si Francine, "I want to meet this guy," sabi niya na nakatitig sa bulletin board.

Napangiti ako nang lahat kaming magkakaibigan ay nasa top.

Top 2 si Nick at Clinton. Hindi na ako magtataka kay Clinton dahil matalino din talaga 'yon.

Top 3 naman si Celestine. Top 4 ako, top 5 si Francine at Steel... and the rest sa ibang strand na hindi ko kilala ang mga pangalan.

Halos magkakalapit lang ang mga average namin pero mataas sina Ream at Nolan. Ang talino nila, 99.35 ang average nilang pareho. May gano'n pa kaya? Grabe!

Si Nolan kasi ang palaging nilalaban kapag sa mga quiz bee or sa kahit anong patimpalak na may exam, tapos siya rin sana ilalaban sa ibang mga patimpalak pero tinatanggihan na niya yung iba... kasi matutulog lang naman, pft.

"Halika na Trixy." Hinila na lang akong bigla ni Francine kaya nabalik ako sa ulirat.

"Nasaan pala si Celestine?" tanong ko, hindi niya kasi kasama.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, "inagaw ni Steel sa akin."

Nakapout pa siya na parang inagawan ng candy, and I can't stop myself to laugh.

"Ikaw talaga Trixy! Huwag mo nga ako tawanan, halika na nga kukunin natin si Celestine." Tumango na lang ako habang natatawa pa rin.

Kung sa ibang tao ay mataray kung titignan si Francine pero dahil ako si Trixy na kaibigan niya... mukha siyang bata, or shoud I say isip bata?

Napailing na lang ako sa inisip ko.

"Sige! Tawanan mo pa rin ako! Hindi tayo bati!" At nauna na siyang nag lakad.

Naiiling na sinundan ko siya.

Nandito na kami ngayon sa may bermuda grass dito sa field kung saan kami palaging tumatambay nila Celestine at Francine.

Maayos lang naman sa akin, pero kasi nandito rin sina Ream, Nick at Steel.

I sighed.

"Mag celebrate tayo! Lahat tayo nasa top," masayang saad ni Francine, and she also clapped her hands in glee.

Lahat kami ay napatingin sa kanya.

Nagsalita naman si Nick, "seriously? Matagal na tayong nasa top pero hindi naman tayo nag c-celebrate noon. What now?"

Woah? Haba ng sinabi ah? First time! And tama nga si Francine, siguro simula nang mag-aral sila sa paaralan na ito ay top 1 na si Ream Mercedes at sila naman ay nasa top din.

"Why? Syempre ngayon lang ako nagkaroon ng totoong mga kaibigan, tapos kayo, ngayon lang naman kayo nagsipasok! Palagi kayong busy, hmp!" singhal ni Francine kaya natahimik naman si Nick.

Lahat kami ay nakaupo sa may grass sa ilalim ng malaking puno. Ano kayang trip ng mga lalaking ito at nakiupo rin dito? Mga walang magawa sa buhay.

Lahat kami ay napatahimik, walang gustong mag salita.

Pero binasag 'yon ni Ream. "Alright! I will treat you all in the restaurant."

Lahat kami ay nakagulantang napatingin kay Ream.

Si Steel naman ay nagsalita na hindi pa rin makapaniwala, "tol?! Ikaw ba 'yan? Napakakuripot mo tapos? Fck! First time in the history!"

Lahat kami ay nag tawanan sa sinabi ni Steel, at si Ream naman ay tinignan ng masama si Steel.

"Tol, huwag kang magulo... baka hindi na tayo ilibre n'yan." Tinignan din ng masama ni Ream nang magsalita si Nick.

May mga ganito palang side itong magkakaibigang ito?

Nakisali din sa asaran si Francine, at si Celestine naman ay tahimik lang na nakikinig habang nakangiti at paminsan-minsan naman ay nakikitawa.

Naningkit ang mata ko nang makita ko si Nolan hindi kalayuaan aa pwesto namin.

Agad kong kinalabit si Francine kasi alam kong gusto niya itong makilala. "Francine! Ayun si Nolan oh!"

Mabilis na napalingon si Francine kay Nolan, gayon din ang mga kasama namin.

"Nolan? Siya rin yung nasa top 1 na kasama ni Ream, right?" tanong ni Steel.

I nodded.

"Ang papi ah?" nakangiting sabi ni Francine.

I heard the 'tsked' coming from Nick and Ream na parang hindi sang-ayon sa sinabi ni Francine.

"Kambal mo ba 'yan Celestine? Parehas kayo ng vibe," natatawang sabi ni Steel at hinampas lang ito ni Celestine.

"Aray ko naman, Celes! Totoo naman, tignan mo! Pareho kayong nerd." Nakita ko ang pag talim ng tingin ni Celestine kay Steel at hindi ko na lang sila pinansin dahil natatawa na lang ako sa dalawang nag-aasaran.

Nagulat naman ako nang sumigaw si Francine at tinawag si Nolan.

"Nolan! Come here!" Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Nolan pero lumapit din naman siya ng tinaas ko ang kamay ko para papuntahin siya rito sa kinauupuan namin. Pauwi na rin ata siya.

"Why?" Inayos niya pa ang salamin niya sa mata.

"Sama ka sa amin! Nasa top ka rin right? Mag ce-celebrate kasi kami, pupunta kaming restaurant para kumain."

Nakita ko ang pag kailang ni Nolan kaya tumingin ito sa akin. "Sama ka na, puro ka na lang tulog. Kaibigan ko sila," nakangiting sabi ko.

Ipinakilala naman ni Francine ang mga kasama namin kay Nolan. "By the I'm Francine, kambal ni Ream na kaparehas mong nasa top 1."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Francine. "This is Ream yung kambal ko, this is Nick and Steel and magkakaibigan sila. This is Celestine kaibigan namin ni Trixy."

Ngumiti ng maliit si Nolan at bahagyang yumuko. "Nice to meet you all."

Nag tanguan lang rin sa kanya ang lahat.

Ako naman ang nagpakilala kay Nolan.

"Siya naman si Nolan Vallertos, kaibigan ko." nakangiti kong sabi pero nakita ko ang paglingon sa akin ni Nolan at pagkunot ng noo nito dahil sa sinabi ko sa huli.

"Yeah, kaibigan na tayo. Palagi ka lang naman tulog kaya hindi tayo nakakapag-usap pero magkaibigan tayo." Nakita ko ang pag ngiti niya sa akin.

Narinig ko naman ang bulong ni Celestine pagkatapos kong ipakilala si Nolan. "Baka mag kaapelyido lang?"

Hindi ko naintindihan ang sunod na mga narinig ko galing sa kanya pero hinayaan ko na lang kasi hindi na ulit ito nagsalita.

"Tsk, lets go. Uwian na," sabi ni Ream na ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pants nito na palagi niyang ginagawa.

"Sama ka Nolan ah?" Napangiti na lang ako nang tumango si Nolan, kasi akala ko tatanggihan niya pero pumayag naman.

Nagsimula na kaming mag lakad nang may humarang kay Ream na siyang unang naglalakad sa harapan namin.

Si Clinton.

Nakita ko ang ngisi nito. "Mukhang may lakad kayo ah?" tanong niya.

Si Francine ang nagsalita dahil seryosong nakatingin sina Ream, Nick at Steel na mainit siguro ang ulo kay Clinton. Naalala ko pa ang pagkikita nila noon, hindi maganda ang nangyari.

Si Nolan naman ay mapupungay ang mga mata pero halatang walang alam sa nangyayari. Lutang ata ito sa kakatulog.

Ako naman ay napatigalgal sa kinatatayuan nang makita si Clinton. Akala ko kasi hindi na siya magpapakita sa akin pagkatapos ng nangyaring laban namin. Ilang araw siyang nawala kaya naman naisip ko na baka naisipan na nitong tumigil.

"Ah! Oo! Celebration lang kasi nasa sa achievements namin. By the way you're Clinton, right?" Tumango si Clinton sa tanong ni Francine.

"Gusto mo bang sumama?" tanong ni Francine kaya napatingin ako sa kanya, gano'n din ang tatlong lalaki na seryoso.

"What?! That bastard? No!" agad na tanggi ni Steel.

Muling ngumisi si Clinton. "Sure."

Ang lakas ng apog niya at sumama pa rin siya sa amin. Ang kapal talaga ng mukha.

"Clinton. You can't come," maririing sabi ko.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "We have a deal, right? Baka nakakalimutan mo?"

Napalunok ako, bakit ko ba kasi siya pinatulaan noon? Kainis.

"Tanggalin mo 'yang kamay mo." Lahat kami ay napalingon nang mag salita si Ream na kanina pang tahimik.

"What if I don't want to?" maangas na sabi ni Clinton na mas humigpit ang pagkakaakbay sa akin.

Lumapit naman si Ream sa akin. Nagitla ako sa ginawa niya kay Clinton.

"Fck!" malakas na sigaw ni Clinton dahil imbis na tanggalin ang kamay nitong nakapulupot sa akin ay binali ni Ream ang buto nito sa kamay.

"Dahil babaliin ko ang mga buto mo sa katawan," dahilan niya.

Tumalikod na si Ream pero nagsalita muna ito bago naunang umalis.

"You can come with us, but don't you ever touch her. She's mine."

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

219K 5.8K 59
Every people have a hidden secret.. She's Clarity,the innocent lady and 'THE MYSTERIOUS PRINCESS' .
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
77K 3.4K 55
Myth Series 4 Apollo cursed the vampires, but what if he fall in love with the youngest daughter of the vampire descendants?
8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...