"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 20: Unlucky Or Lucky?

2.1K 69 60
By sacchariferousdreams

Chapter 20: Unlucky Or Lucky?

Gusto ko nang maiyak sa lungkot, inis, galit, muhi, asar, pikon, puot, hinagpis, suklam. Ah! Lahat na ng salita na pwedeng sabihin para lang maiparamdam ko ‘yung bigat ng nararamdaman ko dahil sa nangyari, ‘yun na ‘yun! Sa kauna-unahang pagkakataon, may gumawa sa akin nito. At para sa akin, hindi ko ata kayang patawarin agad ang taong ‘yun. Malaman ko lang kung sino sya, hinding-hindi nya makakamit ang mabilis kong kapatawaran.

“Uuwi na ako Kuya Ivan.” inurong ko ang aking upuan at agad na tumayo. Hindi na ako magsasayang ng oras na manatili pa sa lugar na ito, wala na rin namang saysay. Wala na rin namang mangyayari dahil hindi naman darating ang dapat kanina pa sumipot sa usapan.

“Sorry Margarette, sorry talaga. Nahihiya ako sa’yo..” rumihistro sa mukha ni Kuya Ivan ang pagkalungkot dahil sa nangyari. Marahil ay nakokonsyensya sya.

 

“Ayos lang Kuya Ivan, wala naman na tayong magagawa. Ayaw nyang magpakita, e di ‘wag.” May inis kong sabi.

Pinakitaan ko sya ng isang ngiti, sa totoo lang pilit lang ang ngiti na iyon. Nais ko lang na maibsan ang kalungkutan na nararamdaman nya. Kahit papaano tumulong lang naman sya sa akin.

 

“Nakakainis naman ang lalaking ‘yon.” Gusto nyang sisihin ang lalaking misteryoso.

Pero may naisip akong isang bagay na sa tingin ko ay makakabawas sa pagkadismaya naming dalawa. Pareho kaming mapapanatag ang loob kung sakaling mabibigay nya sa akin ang kasagutan na hihingiin ko.

“Kuya Ivan, may itatanong ako sa’yo. Sagutin mo lang ako pareho mababawasan ang pagkainis nating dalawa dahil sa nangyari ngayon.”

Tila nagulat si Kuya Ivan sa suhestyon ko, pero lumiwanag naman ang mukha nya ilang sandali mula nang marinig nya ang mga sinabi ko.

 

“Hmm.. Sige, subukan natin. Ano ba ‘yong naiisip mo Margarette?”

 

“Sabihin mo na lang sa akin kung sino ‘yung lalaki. Ano bang pangalan nya Kuya Ivan? Anong pangalan nu’ng lalaking misteryoso?”

______________

Nagmamadali akong lumabas ng klase ko. Gusto kong surpresahin si Virgo. Sabi nya kasi magkikita daw kami ngayon sa may sundae store. Gusto kong mauna sa kanya, para ako ang makapili ng pwepwestuhan naming dalawa.

Simula nu’ng nakaraang linggo na huli kaming nagkita ni Kuya Ivan, mas naging regular ang pagkikita namin ni Virgo. Halos walang palya kung kumain kami sa labas, walang humpay sa paglibre sa akin kung saan-saan. Pakiramdam ko tuloy lulobo na ako, tataba na ata ako dahil sa madalas naming pagkain sa kung saan-saang restaurant.

Matapos ang araw na ‘yon, hindi na rin kami ulit nagkita o nagkausap ni Kuya Ivan. Nagiwan sya ng palaisipan sa akin, kung sino ang lalaking nagmamasid sa amin ni Virgo dati. Pero matapos ang araw na ‘yon, ang araw na hindi sya nagpakita duon din natapos ang pagpaparamdam nya.

Sana ngayong magkikita kami ni Virgo magpakita ulit ng senyales ang lalaking ‘yon. Mula kasi nitong nakaraang linggo na nagkikita kami madalas ni Virgo, wala na rin sya. Hindi na sya muling nagpakita. Wala nang nanonood sa amin ni Virgo sa tuwing magkasama kami, wala nang nagtatago sa kabilang kalye. Wala na ‘yung lalaking nakasumbrero, jacket at shades. Naninibago ako.

Ngunit ngayong araw din ata ako tinadtad ng kamalasan. Magmula sa paglabas ko ng bahay papasok, hanggang sa magrecess kami kanina. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong natapilok, natalisod at nadulas. Mabuti na lang hindi ako nadapa, mas kahiya-hiya naman ‘yun.

Muntikan na akong mangudngod nu’ng nadulas ako sa bahay kanina dahil sa bagong bunot na sahig ni Nanay. Mabuti na lang nakakapit ako sa may hawakan sa hagdan kanina nu’ng mabangga ako ng kaklase ko, ayun natalisod ako. At habang nasa klase kami kanina sa P.E., natapilok ako nu’ng tumakbo ako para sa ten meter sprint na activity. Putragis, hindi naman kasi ako magaling sa sports na ‘yan. TLC lang ata ang sports ko, pero hindi naman sports ang tawag du’n. Sports na pagalingan sa pagtipa ang labanan.

“Welcome to Sundae Store!” bati sa akin ng babaeng crew, nakabantay sya sa may pintuan at may hawak na malaking poster ng mga sundae nila. Buti na lang hindi ako nagulat sa lakas ng boses nya sa pagbati.

Tumango lamang ako at diretso lang na pumasok sa loob. Mabilis kong iniikot ang aking tingin para maghanap ng bakanteng pwesto. Napukaw ng aking pansin ang isang pangdalawang lamesa malapit sa bintana. Du’n ako agad na nagtungo.

Kauupo ko palang ng bigla sa aking iabot ng babaeng crew ang kanilang menu.

“Ano pong order nila, Ma’am?” nakangiti nyang tanong.

 

“Ah, mamaya na lang po ako oorder. Hihintayin ko lang po ang kasama ko. Sabay na lang kaming oorder.” Malumanay na sagot ko sa kanya.

 

“Okay Ma’am!” agad nyang kinuha mula sa akin ang menu ng nakangiti.

Nagsimula na akong tumingin sa labas nu’ng umalis na ang babaeng crew sa lamesa ko.

Dumaraang mga tao, sasakyang nagaandaran sa kalsada, mga nagtitinda sa gilid ng kalye at kung anu-ano pang mga bagay na nahahagip ng mata ko. Nakakatuwang panoorin ng mga bagay at taong hindi ko naman kilala o wala akong alam tungkol sa kanila. Tulad na lamang ng dalawang estudyante na biglang nagbatukan pero tumawa naman ng sabay. May lola na nagbebenta ng sampaguita ang nakita kong tumawid sa kalsada, nakakaawa sya dahil sa kalagayan nya. May nakita rin akong kulay pulang sasakyan na may kung anu-anong disenyo na magulo sa paningin.

Napabagsak na lang ako ng aking braso habang iniikot ang aking paningin sa loob ng sundae store. Kumakalam na sa gutom ang tiyan ko. At higit pa itong nag-ingay ng makakita ako ng isang customer na bumili ng cookies and cream sundae. Hays! Naglalaway na ata ako sa pagkatakam.

“Ang tagal naman nu’n.” halos pabulong kong sabi habang binabaling ang atensyon ko sa may pintuan. Wala pa ring senyales mula kay Virgo.

Ilang minuto na ang nakakalipas, dapat kanina pa sya nandito. Kanina pa oras ng labasan ko sa eskwelahan. Alam ‘yun ni Virgo kaya hindi dapat sya mahuli sa usapan namin.

Napansin ko ang kanina pa patingin-tingin na babaeng crew sa akin mula sa counter. Sya ‘yung babaeng lumapit sa akin kanina para kunin ang order ko. Malamang nagtataka sya kung bakit wala pa akong kasama, o ‘di kaya ay kung kailan kaya ako oorder sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya para sa sarili ko. Kasalanan ito ni Virgo e, wala pa rin sya hanggang ngayon.

Akala ko minuto lang ang lilipas pero darating na si Virgo, pero mali pala ako. Sa hindi malamang dahilan, wala pa rin ni anino ni Virgo ang dumadating. Oras na ang lumipas pero wala pa rin. Sa pangalawang pagkakataon, maghihintay at aasa na naman ba ako sa wala?

Ayoko na, suko na ako.

Padabog kong hinila ang strap ng bag ko at tumayo. Uuwi na ako, ayoko nang maghintay kay Virgo. Ayoko nang maramdaman muli ang inis na naramdaman ko para sa lalaking hindi naman nagpakita sa akin. Oo, hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa nangyari. At ayokong madagdagan ang sama ng loob na ito.

 

“Ma’am aalis na kayo?” hinabol ako ng babaeng crew hanggang sa makalapit na ako sa may pintuan.

“Opo, pasensya na. Wala na kasi ‘yung hinihintay ko. Hindi na ata darating.” Napayuko ako at tuluyan ng lumabas ng sundae store.

Lugmok akong naglakad sa kalsada. Mas mabuti kung uuwi na lang ako.

Isang oras ang lumipas, pinaghintay ako ni Virgo. Ang sama lang sa kalooban na maging sya kaya nya palang gawin ‘yun sa akin. Ito ang pangalawang pagkakataon na ginawa sa akin ito ni Virgo. Nu’ng una napagbigyan ko pa, hinayaan ko at winalang bahala. Pero kasama ko nu’n si Kuya Evo, napanatag ako kahit na papaano. Iba ‘yung ngayon, magisa lang ako.

“Miss, ilag!” napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses na narinig ko. Hindi ako sigurado kung para sa akin ‘yon pero parang nabuhayan ang dugo ko dahil sa malakas na pagsigaw.

Mabilis kong iniharang ang kamay ko sa aking mukha ng makita kong may bilog na bagay ang syang mabilis na papalapit sa akin.

 

“Waaah!”

Malakas na paglagapak ang narinig ko pagkatapos kong sumigaw. Napaupo ako sa kalsada dahil sa pagiwas ko sa bagay na paparating. Hindi pa rin ako dumilat, nakaharang pa rin sa mukha ko ang aking mga kamay.

“Miss, nasaktan ka ba? Okay ka lang?” boses ng isang lalaki ang nagsalita mula sa harapan ko.

Marahan kong ibinaba ang aking mga kamay habang dinidilat ang aking mga mata. Isang highschool student na lalaki ang nakayuko sa harapan ko, hawak na nya ang bolang nakita ko na papalapit sa akin kanina. Sa tantya ko, kaedad ko ang lalaking ito.

“Okay lang ako.” Mariin kong sagot.

“Sigurado ko ha? Pasensya ka na Miss.” Kumamot ito sa kanyang buhok, mukhang nahihiya.

Madali akong tumayo at sinukbit muli sa aking braso ang strap ng bag ko. Sinubukan akong tulungan ng lalaki pero hindi na ako nagpatulong. Pinagpag ko ang palda ko para matanggal ang duming kumapit dito. Lagot ako kay Nanay kung uuwi akong madumi ang uniporme, pagagalitan na naman ako nu’n.

 

“Sige okay na ako.” Tumalikod ako para umalis. Wala na akong balak na makipagusap pa sa lalaking muntikan ng sirain ang mukha ko.

Kapag minamalas ka nga naman oh.

 

“Pasensya na ulit ha!” mahina na lang ang narinig kong boses, nakalayo na pala ako sa kanya.

Nang masiguro kong nakarami na ako ng hakbang, nilingon ko ang pinaggalingan ko. May basketball court pala sa tapat ng lugar na ‘yon. Malamang naglalaro ang lalaking iyon kanina kaya muntikan na nya akong matamaan nu’ng bola.

Hindi ko na lang muling inisip ang nangyari. Si Virgo na naman ang biglang sumagi sa isipan ko. Sya at ang hindi nya pagdating sa tamang oras. Nasaan kaya ang lalaking ‘yon? Ano na naman kayang ginawa nya kaya hindi sya nakarating? May nangyari kayang hindi maganda?

Nagalala ako bigla. Hindi kaya may masamang nangyari sa kanya?

“Tabi!” may sumigaw na naman sa likuran ko.

Walang hiya, ang lalaking iyon na naman! Bakit ba kasi basketball ng basketball e! Lumingon ako ulit, pero ang layo ko na sa kanya. Paano nya ako..

“Ikaw na na—”

Blag!

Segundo lang ang pagitan, nagdilim na ang paningin ko. Kaiisip ko lang na baka may nangyaring masama kay Virgo, pero sa akin naman nagkaroon.

“Margarette, are you okay?”

Dahan-dahan akong umayos sa aking pagkakahiga ng maramdaman ko ang biglang pagkirot ng aking kaliwang kilay. Ang hapdi sa pakiramdam.

“Ang sakit..” mahina kong daing.

“Oh, ‘wag mong hawakan. May nilagay ng gamot ang nurse d’yan.” Narinig kong sabi ni.. Kuya Evo.

 

“Kuya Evo!” tila nawala sa isipan ko ang sakit na nararamdaman ko ng makita ko sa aking harapan si Kuya Evo.

 

“Yes, ako nga.” Nakangiti nyang sabi sa akin.

“Bakit ka nandito?” napangiti rin ako sa kanya. Ngayon ko na lang sya ulit nakita. Ang gwapo nya, walang nagbago sa hitsura nya imbes lalo pa syang gumwapo.

 

“Mabuti na lang niligtas ka nya Miss, sya ang nagdala sa’yo dito sa clinic.” Lumabas sa gilid ang nurse, may bitbit syang first aid kit.

Sa pangalawang pagkakataon, sinalba at tinulungan na naman ako ni Kuya Evo.

Hindi na nagsalita si Kuya Evo, nanatili syang nakaupo sa upuan katabi ng stretcher na hinihigaan ko. May hawak din syang bimpo na napansin kong may konting dugo sa dulo, marahil ‘yon ang ginamit nya nu’ng tinakpan nya ang sugat sa kilay ko. Nakapatong naman sa may hita nya ang bag ko.

“Okay na ‘yang sugat mo, Margarette. ‘Yun ang pangalan mo di ba? ‘Yun ang sabi nyang lalaking gwapo na nagdala sa’yo dito e. Iiwan ko muna kayo ha? Ililigpit ko lang ang mga ito.” Pinakita nu’ng nurse ang hawak nya sa akin.

“Ah, tama po. Margarette nga po ang pangalan ko. Salamat po.”

Tumango na lang ang nurse pagkatapos na magbigay ng pahabol na pasasalamat si Kuya Evo. Ngumiti naman sya sa aming dalawa na parang may ibig sabihin.

 

“Ano, masakit pa ba?” muling binaling ni Kuya Evo ang atensyon nya sa sugat ko. Nakita ko ang mga mata nya na nakatingin dito.

“Okay na Kuya Evo, medyo naibsan na ‘yung sakit. Ano bang nangyari?” hindi ko maalala kung anong nangyari, hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito. Hindi ko talaga maisip.

 

“May nakatama sa’yo kanina, ang bilis ng mga pangyayari. Basta, nakita ko na lang na may papalapit na bagay sa’yo. Gusto ko sanang harangin ‘yon para hindi ikaw ang matamaan kaso huli na ang lahat. Kaya sinigawan na lang kita, that’s better kaysa naman ulo mo mismo ang matamaan. Tapos agad kitang sinugod dito sa pinakamalapit na clinic na nakita ko. Natakot kasi ako sa dugong dumadaloy mula sa kilay mo kanina. I was very afraid, akala ko sobrang laki ng sugat mo. Natakot akong maubusan ka ng dugo.” Nakatingin lang ako sa bibig ni Kuya Evo habang pinapaliwanag nya ang nangyari kanina.

Nakakakaba ‘yung mga kwento nya. Ang malas ko talaga ngayong araw na ito. Ilang beses na akong naaaksidente, pero ito ang pinakamalala para sa araw na ito. Pero dahil kay Kuya Evo, naging swerte pa rin ako. May isang taong nagligtas sa akin.

“Ano naman ‘yung nakatama sa akin Kuya Evo?” siguro napakatigas nu’ng bagay na naglanding sa may kilay ko kaya nasugatan ako ng ganito.

“Isang ganito kalaking bato.” Sinara ni Kuya Evo ang kamay nya saka nya ipinakita iyon sa akin, ang laki namang bato ‘yung tumama sa akin. Hindi na nakapagtatakang nasugatan nga ako at nahimatay.

“Loko! Sino namang nagbato sa akin ng ganyang kalaking bato? Nakakamatay naman ‘yan! Buti na lang pala humarap ako!” bigla akong kinabahan para sa sarili ko. Mabuti na lang nakaharap talaga ako agad, kundi nasa ospital na ako ngayon at hindi dito sa clinic.

 

“Batang kalye lang, ewan ko ba du’n kung bakit bigla ka na lang binato. Nakaupo sya nu’ng una sa kalsada, pagdaan mo bigla ka na lang binato e. Nakarugby siguro ‘yon, ikaw ang pinagtripan.”

Napahinga ako ng malalim. Buti na lang buhay pa rin ako ngayon. Salamat sa Diyos, at salamat kay Kuya Evo dahil niligtas nya ako. At nanduon sya sa pinangyarihan ng insidente. Oo nga, nandun si Kuya Evo. Pero bakit sya nandu’n?

“Salamat Kuya Evo ha? Pero teka, bakit nandu’n ka rin kanina? Anong ginagawa mo sa lugar na ‘yon? Bakit alam mo ang buong nangyari?” natigilan si Kuya Evo, naging seryoso ang hitsura ng mukha nya.

Nagiwas sya ng tingin at hindi agad nakasagot sa tanong ko. Tila inisip nya ang mga tamang salita na dapat sabihin bago sinubukang magpaliwanag.

 

“Ah wala, may dinaanan lang kasi ako nu’n sa area.” Sabi nya habang hindi nakatingin sa akin.

Hindi ako kumbinsido sa dahilan nya pero ‘yun ang sabi nya e.

“Sino? Bakit hindi mo ako tinawag nu’ng nakita mo ako?” dagdag kong tanong.

“Tinawag kita, nu’ng sinigawan kita ng ‘tabi’ kakakita ko lang nu’n sa’yo e.” tila nawala ang pagiging kumportable nya dahil sa mga tanong ko.

Bakit ganun? Hindi ako naniniwala sa mga sagot nya. Parang may mali talaga e, sa pananalita nya at sa mga salitang binibitawan nya.

“Tatawagin ko lang ‘yung nurse.” Tila balisang tumayo si Kuya Evo.

Pipigilan ko na sana sya agad pero may napansin ako sa kanyang kakaiba. Kakaiba dahil hindi ako sanay na makita syang ganun pero parang may naalala ako sa ayos nya. Pamilyar sa akin ang pananamit nya. Pamilyar sa akin ang tindig at likod nya. Parang nakita ko na ang ganitong datingan, sigurado ako na nakita ko na talaga. Hindi ko lang matandaan kung saang lugar at kailan ang eksaktong pangyayari.

Nakasuot ng itim na jacket si Kuya Evo, may nakasabit na shades sa harapan ng damit nya. Isang sombrero din ang nakapatong sa may lamesa.

Ah! Natatandaan ko na!

“Kuya Evo, bakit mo kami sinusundan ni Virgo?” kusa na lang naging prangka ang bibig ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang ‘yon.

Napahinto si Kuya Evo. Hindi muna sya gumalaw sa kinatatayuan nya.

“Kuya Evo, bakit? Bakit pinagmamasdan mo lang kami mula sa malayo? Bakit hindi ka na lang lumapit? Bakit hindi ka na rin nagpapakita sa amin? Hindi ka na dumadalaw sa bahay. Bakit hindi ka sumipot nu’ng dapat magkikita tayo nila Kuya Ivan?” sunod-sunod na ang tanong ko, sana sagutin na rin ako agad ni Kuya Evo.

 

Hindi sya natinag. Hindi pa rin talaga sya gumalaw, nakatalikod pa rin sya na parang walang balak na humarap. Mukhang ayaw nyang magsalita man lang.

“Kuya Evo..” tawag ko sa kanya.

Dahan-dahang pinihit ni Kuya Evo ang katawan nya paharap sa akin. Sa wakas maririnig ko na rin ang sagot nya, sa wakas malalaman ko na rin ang dahilan ng lahat. Malalaman ko na rin kung bakit nagmamasid lang sya sa amin, kung bakit tila hindi na maayos ang samahan nilang apat.

Pero imbes na sagot ang makuha ko sa kanya, pagaalala pa rin para sa akin ang inuna nya.

“Okay ka na di ba? Magaling ka na di ba? Ihahatid na kita sa inyo. Magdidilim na, paniguradong pinaghahanap ka na sa inyo. Nagaalala na ang pamilya mo lalo na ang Kuya Dustin mo, hindi rin ito alam ni Virgo. I’m sure nagwawala na ang isang ‘yon. ” lumapit sa akin si Kuya Evo at madaling kinuha ang bag ko.

 

Sinuot nya ang bag ko at saka nya ako hinawakan sa braso. Inaalalayan nya akong bumaba sa stretcher.

 

“Kuya Evo, bakit ka ba nagmamadali? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko e.” hinawakan ko rin sa braso si Kuya Evo.

“Huy, Kuya..” Hindi pa rin sya tumitigil at pilit nya akong pinapababa.

“Kuya sandali lang naman, sagutin mo muna ang mga tanong ko. Kuya Evo.” Naiinip na ako, ayaw pa rin nyang sumagot.

Niyugyog ko ang braso nya na hawak ko para tumigil sya at pansinin nya ako. Wala pang ilang sandali tumigil sya at diretsong tumingin sa akin. Binitiwan nya ang braso ko at binaba nya rin muna ang bag ko. Nagbuntong hininga muna sya.

“Gusto mo talagang malaman, Margarette?” hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa boses nya. Seyoso sya, seryosong seryoso sya.

“O-oo Kuya Evo..” nauutal na ako sa kaba.

“Simple lang ang dahilan ng lahat ng ito, simple pero komplikado.”

 

“Kuya Evo..”

 

“Simple lang dahil gusto kita Margarette. Komplikado dahil girlfriend ka ng kaibigan ko. ‘Yun ang dahilan ng lahat ng ito, simpleng bagay pero komplikado para sa nakararami.”

 

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa aking narinig. Para akong nananaginip, para akong wala sa tunay na buhay dahil sa narinig kong sinabi ni Kuya Evo. Gusto daw nya ako, gusto nya ako. Gusto nya ako pero girlfriend ako ng kaibigan nya.

 

“Pinapanood ko lang kayo mula sa malayo, that’s enough for me. Okay lang sa akin kahit na hindi na kita makausap, kahit na malayo ako sa mga kaibigan ko. At least I can help myself to think what’s the best for everybody. Ayokong magpakaselfish para lang isipin ang ikaliligaya ko. Sa tuwing nakikita kong masaya ka na kasama si Virgo, naiisip ko na dapat masaya na rin ako para sa inyo dahil mga kaibigan ko kayo. Lalong-lalo na si Virgo, hindi ko kayang sirain ang sayang nararamdaman ng kaibigan ko.”

Nalungkot ako ng marinig ko ang mga sinabi ni Kuya Evo. Dapat maging masaya ako na gusto nya ako, pero hindi ko magawa dahil alam kong nahihirapan sya. Kami masaya, pero may isang taong nalulungkot.

“It’s enough for me to see you from afar with Virgo, Margarette. Kahit na masira sa ayos ang buhok ko na pinakaiingatan ko ayos lang. Masaya na akong makita ang babaeng gusto ko, ang babaeng kinatatakutan ko na baka mahalin ko.”

Sa narinig ko ngayon, alin ba ako? Malas o swerte?

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...