My Stupid Runaway Groom (Free...

By Ice_Freeze

1.1M 32K 2.8K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Leickel Avria Freezell is the best example of a free spirit. She l... More

READER'S GUIDE
Freezell #4: My Stupid Runaway Groom
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
EPILOGUE
FACEBOOK GROUP

Eighteen

26K 867 56
By Ice_Freeze

Leickel's P.O.V

"Ate Lei!" napalingon ako sa boses na iyon.

"Bakit Hannah?" tanong ko rito.

"Ate sabi po ni Nanay mamaya niyo na daw po ituloy 'yang paghahabi, kumain na muna daw po tayo," sagot naman nito.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan kong upuang tumba tumba at agad sinundan si Hannah patungo sa kusina.

Nabungaran ko si Nanay Lita na naghahapag ng pagkain sa lamesa. "Oh anak mabuti naman at agad kang naawat ngayon sa paghahabi, maupo ka na."

Mabilis lang akong tumalima at sinunod si Nanay. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang titigan si Nanay Lita, kaya't napatingin din ito sa akin. "Kung anu-ano nanaman ang iniisip mo anak. Sa halos dalawang buwan mong pamamalagi dito ay halos makabisado na kita. Kumain ka na ng kumain dyan," nakangiti nitong wika kahit na wala pa akong sinasabi.

"Nanay naman e. Iniisip ko lang na napaka swerte ko dahil kayo ni Hannah ang nakatagpo sa akin at hindi masamang tao," sagot ko naman sa kanya ng nakangiti.

"Sa pamamalagi mo dito siguro anak, pang isang daang beses mo na 'yang sinabi."

"Oo nga naman ate. Para kang others dyan. Tsaka parang bayad din naman 'yong pagtira mo dito dahil ayaw mong nakikihatisa kita patahian kahit naman isa ka sa pinaka maraming manahi," sabat naman ni Hannah na nakangiti din sa kin.

Sobrang swerte ko sa mga taong nakatagpo sa akin. Magdadalawang buwan na buhat nang mangyari ang senaryong iyon, ang araw na iniwan ko siya, ang araw na tinanggihan ko ang alok niyang kasal.

Nang araw na iyon ay nagpakalayo layo ako at nilango ang sarili ko sa alak. Hindi ko alam saan ako dinala ng mga paa ko nang araw na iyon. Ang huling naaalala ko ay pinanawan ako ng ulirat sa kahabaan ng highway at pagmulat ng mga mata ko ay nasa bahay na ako nila Nanay Lita. Kahit kailan hindi nila ako inusisa. Inalam lang nila ang pangalan ko at hindi inalam kung bakit ba nila ako natagpuan sa ganoon estado.

Tinuruan nila akong maghabi ng mga damit at kung anu-ano pa na siya palang kabuhayan nila. Nabuhay ako ng matiwasay dito at walang iniisip na kahit anong problema. Wala akong paramdam sa kahit na kanino sa pamilya ko. Kahit na sa kanya ay hindi din ako nakibalita. Ayoko ng kahit anong kaugnayan sa kanila. Hindi ko magawang ayusin ang sarili ko, kaya't paano ko sila haharapin.

Matapos naming kumain ay nagligpit ako at si Hannah naman ang siyang naghugas ng mga pinggan. Para akong nakakuha ng nakakabatang kapatid kay Hannah, madalas ay may pagkapilya ngunit napakabait na bata. Kinse anyos pa lamang siya.


"Ate, nakita mo po ba 'yong bungkos ng bulaklak sa terrace kanina?"

Kunot noong humarap ako sa kanya, "Bulaklak?"

"Opo ate. Iniwan po siguro ni kuya Tyler doon 'yon para sa inyo."

Agad naman akong tumalima at tinungo ang terrace. Nakita ko nga ang bungkos ng rosas na nakahimlay dito. Kinuha ko ito at dinala sa loob.

"Hannah, hindi ba't sinabi ko na sa'yong huwag tayong tatanggap ng kahit ano kay Tyler? Alam mong ayokong isipin niya na tinatanggap ko 'yong pagmamahal na inaalay niya," mahaba kong turan sa dalaga.

"Eh ate hindi ko naman po nakitang iniwan 'yan ni kuya Tyler. Napansin ko lang po 'yan nong nagsasampay ako kanina-."

Ngunit hindi pa nakakatapos magsalita si Hannah ay bigla na lamang kaming nakarjnig ng paghinto ng isang sasakyan sa harap ng bahay. Mabilis na tumalima si Hannah at sinilip kung sino iyon.

"Hannah, sino 'yan?"

"Ate, si kuya Tyler po," wika naman nito nang makapasok at kasunod na nga niya ay si Tyler.

Isa itong anak mayaman sa barrio nila Nanay Lita ngunit hindi ito arogante. Napakababa ng loob nito sa mahihirap at napaka masayahin. Ni minsan nga sa halos dalawang buwan ko dito ay hindi ako nakaramdam ng pambabstos dito. Gwapo si Tyler. Iisipin mo nga na isa itong artista sa unang kita, ngunit hindi magawang mahulog ng loob ko sa kanya kahit pa sa mmga katangiang mayroon siya.

"Tyler maupo ka," wika ko dito na agad naman nitong sinunod. "Ano nga palang sadya mo?"

"Alam kong alam mo kung anong sadya ko dito, Lei."

Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Ito lang ang ayaw ko sa kanya, prangka siya, sasabihin niya ang nais niyang sabihin at ipapadama ang nais ipadama.

"Tyler alam mo naman kung anong paulit-ulit na sagot ko dyan, 'di ba?" sagot ko naman.

"I'm just kidding, Lei." Ngunit halata ko sa paraan ng pagsasalita niya na hindi naman talaga siya nagbibiro.

"Hehehe. Kung ganoon pala ano ang talagang ipinunta mo dito?" muling tanong ko.

"Nais sana kitang imbitahan bilang date ko sa reunion namin ng mga dati kong kaklase. Huwag kang mag alala, hindi kita ipakikilala na kasintahan ko. Ayoko lang kasing pumunta ng mag isa dahil mahirap ng makantyawan, hindi na din naman kasi ako pabata," nakangiting sagot nito na lumitaw pa ang mga pantay at mapuputing ngipin.

Gusto ko mang tumanggi ay napatango na lamang ako at napapayag. Wala naman siyang masamang ginawa at ipinakita sa akin para tumanggi ako.

"Salamat, Lei. Ipapadala ko nalang dito ang isusuot mo. Bukas kasi ng gabi iyon. Mauuna na 'ko ha? Salamat ulit," hindi ko na nagawang sumagot dahil nagmamadali siyang umalis na may isang malaking ngiti sa mga labi.

"Aruuuuuuuy si ate. Bakit ba kasi hindi mo pa hayaang manligaw sa'yo si kuya Tyler. Kung talagang dalaga lang ako ay aakitin ko 'yan si kuya-."

"Hannah!"

"Hehehe. Joke lang, si ate naman hindi mabiro."

Kung alam mo lang Hannah. Higit pa kay Tyler ang lalaking pinakawalan ko.

"NAAAAAAAY!" kulang nalang ay takpan ko ang bibig ni Hannah sa ginawa niyang pagsigaw na iyon lalo na nang makita ko si Nanay Lita na humahangos sa pag aalala.

"Anong nagyari!!?"

"Nay ang ganda ganda ni ate. Para siyang prinsesa ng isang kaharian. Bagay na bagay niya 'yong pulang gown. Bumagay sa napakaputi niyang balat," tuwang tuwa nitong pahayag. Nasapok naman siya ni Nanay.

"Lintek kang bata ka. Akala ko naman ay napano ka na," wika niya dito bago tuluyang bumaling sa akin. "Napakaganda mo anak. Siguro napakaganda din ng iyong tunay na ina kaya't mukha kang prinsesa."

Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ko nang mabanggit ni Nanay si Mama. Sobang miss na miss ko na sila ni Papa at Aei.

"May nasabi ba akong mali anak?"

"A-Ay hindi po Nanay. Hehehe. Salamat po sa papuri."

Naputol ang komusyon namin nang marinig namin ang pagkatok sa pintuan.

"Oh Tyler iho," agad naman akong tumayo at sinalubong siya.

"Nanay Lita aalis na po kami Leickel, hihiramin ko muna po siya ha. Ibabalik ko din po siya sa inyo ng buo," nakangiti nitong paalam kay Nanay.

Inalalayan niya akkong makapasok ng sasakyan niya at sabay namin binagtas ang kahabaan ng daan.

Narating namin ang isang hall na napaka engrande ng pagkakaayos mula sa labas. Inalalayan akong makababa ni Tyler saka niya kinawit ang kamay ko sa braso niya.

Pagka entradang entrada namin ay nasa amin na agad ang mga mata ng mga tao. Agaw pansin kasing masyado 'tong suot kong pulang damit.

"Ma'am, Sir, isuot po ninyo ito," hinarang kami ng isang organizer at binigyan ng tig isang maskara. Kapwa naman namin ito sinuot.

"You looked so stunning, Lei. Hindi na ako magtatakha kung pagkatapos ng gabing ito ay magkaroon ako ng maraming kaagaw sa'yo."

Bahagya ko siyang hinampas sa braso. "Sira ka talaga."

"No. Nagsasabi lang ako ng totoo."

Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang grupo ng mga kalalakihan na amy kanya kanya ding date na nakalinggis sa kanila.

"PARE!"

"TYLER!?" wika noong isang lalaking nakadilaw na maskara.

"JOHNSON!" wika naman ni Tyler dito.

"Hayop ka talaga, pare. Johnson ka dyan!" saka kumalas si Tyler sa akin at nakipag yakapan dito. "Pakilala mo naman sa amin 'yang kasama mo."

"Oh sorry. My bad. Guys meet my friend, Lei. Lei these are my friends. Jeremiah Johnson, Michael Tiongco, and Florz Gerald Gayondato," isa isa naman ang mga itong nakipag kamay sa akin.

Iyong Jeremiah ang nakadilaw na maskara, si Michael naman ang naka itim na maskara at si Florz ang naka asul. May isa sa grupo nila ang nakamasid lang at hindi ipinakilala sa akin ni Tyler. Siguro ay nakaligtaan niya.

"Gago Tyler nakalimutan mong pinakilala si-." Ngunit hindi natapos ni Florz ang sasabihin dahil biglang tumayo ang lalaki at bahagya nitong binangga si Florz.

"CR lang," ani ng baritonong tinig nito.

"Pagpasensyahan mo na Lei ha, wala nanaman sa wisyo ang isang iyon. Pakasaya lang tayo dito," engganyo naman ni Michael sa amin.

Nagkwekwentuhan lang kami nang bumulong sa akin si Tyler. "I'm sorry I dragged you in this party."

"Ano ka ba wala 'yon. Besides its been years since I last attended this kind of party."

"Sabi ko na nga ba, hindi ka talaga pamangkin ni Nanay Lita. You are way way different," usisa nito na ikanailang ko.

"Can we not talk about that Tyler?" sagot ko dito.

"I'm sorry," paghingi naman nito ng dispensa.

Nartahimik ako nang tumugtog ang isang malamyos na tugtog at inasar kami ng mga kaibigan niya magsayaw.

Sa Ngalan ng Pag-ibig

Hanggang kailan ako maghihintay
Na para bang wala ng papalit sayo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik

Iginiya ako ni Tyler papunta sa gitna ng event hall. Inilagay niya ang mga braso ko sa batok niya saka niya ipinulupot sa bewang ko ang mga kamay niya.

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig

Hanggang kailan ako maghihintay
Na para bang walang iba sa piling mo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig

"Lei, nais sana kitang hintayin. Kung kailan ka magiging handa na tanggappin ako."

"Tyler-."

"Please huwag ka munang sumagot ngayon," saka niya inilapit ang noo niya sa noo ko at pinagdikit ito.

Hanggang kailan pa ba magtitiis?
Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon
Ikaw hanggang ngayon

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng maramdaman
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman

Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo

Sumasayaw lang kami sa saliw ng tugtugin ngunit parang kinakabahan ako. Parang may mali. Parang may hindi tama. Nang akmang aalis na ako sa pagkakayapos ni Tyler ay bigla na lamang siyang nawala sa harap ko. Natagpuan ko na lamang siyang nakahandusay sa sahig at putok ang gilid ng labi. Ang bilis ng mga pangyayari.

"TYLER!!" nag aalala at mabilis ko siyang dinaluhan na naging sanhi ng pagkakatanggal ng maskara ko.

"TANG INA MO, TYLER!" bigla akong napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig. Gusto kong matuod sa nakita ko. "ANG SABI KO BANTAYAN MO, HINDI LINGGISIN MO! PUTANG INA!"

...

...

...

...

...

...

...

...


"W-Whynter."

"Yes, Baby. It's me. The guy you broke. The guy you left." He said full of sarcasm. Damang dama ko ang pait at sakit ng salita niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" hindi ko makapaniwalang saad.

"I arrranged these. I arranged it para lang makita ka. Pero tang ina mali pala, kasi makikita lang pala kita na nakikipag landian sa taong inutusan kong bantayan ka!"

Tumayo si Tyler saka ako hinatak din patayo at hinaklit sa bewang. "You're coward, bro."

Nakita ko kung paanong muling inundayan ng suntok ni Whynter si Tyler saka ako hinatak at kinaladkad paalis ng lugar na iyon.

"Whynter! Bitawan mo 'ko!" ngunit imbes na pakinggan ay sapilitan niya akong isinakay ng sasakyan niya, Nagmaneho siya ng napaka bilis.

Nagulat na lang ako ng humantong kami sa isang mapunong lugar. Lumabas siya at bumuga ng napakalakas na buntong hininga. Sinundan ko siya at bumaba din ako.

Tamang nakaharap ko na siya ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Luhod na tila nagmamakaawa.

"What did I do? Nasaktan nanaman ba kita ng biglaan? Tell me Lei, please. Dalawang buwan ko ng pinipilit alamin kung anong nagawa ko. Baby, you're killing me." Hinawakan pa niya ang mga kamay ko. Doon ko naramdaman ang mga luha niya.

"W-Whynter."

"Kinakaya ko naman, Lei. Pinipilit kong pagmasdan ka sa malayo. Pinipilit kong mahalin ka sa malayo dahil baka kailangan mo nga talagang mag isip. Pero baby, hindi pa ba sapat ang dalawang buwan? Hindi pa ba sapat? Hindi ka pa din ba nakakapag isip?"

Awang awa ako sa itsura niya. Pero mas mahihirapan siya kung patuloy niya akong mamahalin at hindi ko maibibigay ang mga pinapangarap niya.

"I'm fucked up. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ginagantihan mo ba 'ko? Gusto mo bang pasakitan ako dahil nasaktan kita noon? Tell me, please. Para naman handa ako."

"H-Hindi ganoon, huwag mong isipin-."

"Then what do you want me to think!? I did runaway just to stay out of that fucking marriage with you, Leickel, and now I'm chasing you just to get married with me. How dam ironic my life is."

Doon patuloy na naglandas ang masaganang luha niya na para bang hirap na hirap, kaya't hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumuhod ako at niyakap siya. Yakap na punong puno ng pangungulila at pagmamahal.

I missed you so much.

"I'm sorry Whynter. I ran because I can't give you a child-."

Ngunit bago ko pa mabuo ang dapat na sasabihin ko ay bigla na lamang siyang tumumba sa mga kamay ko at bigla akong nakaramdam ng kung ano. Ito na ba 'yon? Ito na ba?

...

...

...

...

...

...

...

Sana tama ako ng iniisip. Sana tama ako ng konklusyon.

--

A/N: Walang pasok kaya nag update ako. Trust me. BTW, ilang chapters nalang ito kaya minamadali ko ng konti at mahahaba ang updates. I'll be facing my thesis in 2 weeks time. Ciao~

Ps. Only true Freezies will have their conclusion same with mine. 🤫😜

Continue Reading

You'll Also Like

309K 16.8K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
PRETEND. By ‎

Fanfiction

28.2K 1.7K 77
── Park Jeongwoo ❝Can you just stop pretending that you are a gay?❞ ◎ on going ◉ complete ◎ edited 「 TREASURE CHATeul SERIES #2 」 ✦✦✦ ✦✦ ✦ ✦ ✦...
40.8K 999 62
(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a...