I Saw the Future Once

Galing kay HartleyRoses

92.6K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. šŸ–‡:: COMPLETED šŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... Higit pa

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
āœŽ facts
āœŽ note

Chapter 13

1.7K 91 10
Galing kay HartleyRoses

Nag paalam ako sa aming teacher na mag C-CR, kaya ito ako ngayon at naglalakad mag-isa sa hallway. Tapos naman na ako sa sinusulat ko kaya lumabas muna ako ng room namin, gusto ko lang talaga magpahangin.

Naalala ko yung pagtawag ulit sa akin ni dad at mom kagabi. Gusto nila akong ilipat ng school, dahil nalaman na nilang dito na rin nag-aaral si Clinton. Hindi ako pumayag sa gusto nila, at ginawa ko ang lahat pumayag lang sila sa gusto ko, nagkasumbatan pa kami dahil lang doon.

Hindi ako pumayag dahil ayaw ko ng takasan ang problema ko. Ayaw nilang sabihin sa akin, kaya ako na mismo ang hahanap sa lahat ng sagot sa mga katanungan ko.

Hindi rin ako pumayag dahil sa nakita ko sa future, may misyon pa akong kailangan na gawin.

Hindi ko napansin at nasa CR na pala ako ng girls. Papasok sana ako sa loob, ngunit narinig ko ang pamilyar na boses ng mga babae. Sila yung tinutukan ako ng ballpen, na siyang nagpakita ng kahinaan ko. Hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa CR, baka may kung anong mangyari na naman, at baka may magawa na akong hindi maganda.

Nag stay na lang ako sa may benches, hindi na ako bumalik sa classroom namin, wala naman ng gagawin at lunch break na ang next.

Ako lang ang mag-isa dito sa may bench, wala pang masyadong mga estudyante dahil may klase pa.

Nagulat ako ng may maramdaman ako sa aking likod, pero agad ko yung naiwasan. Kutsilyo.

Hindi lang 'yon basta kutsilyo. Muntikan na akong matamaan kung hindi ako nakailag.

Pinulot ko 'yon at nalaman kong throw knife ang muntikan ng tumama sa akin.

Agad kong nilingon kung sino ang pangahas na nagbato sa akin no'n.

"Ikaw talaga yung babaeng nakilala ko na kakaiba."

"What the— Clinton! Nababaliw ka na ba? Paano kung may nakakita sayo na may dala kang ganito?" Ngumisi siya habang lumalapit sa akin, at kinuha ang throw knife na nasa kamay ko.

"Why? Alam kong mayroon ka ring dala na ganito." Muli siyang ngumisi kaya napalunok ako, tama siya.

"Am I right?" Hindi ko siya sinagot at tinitigan ko lang siya.

"Ano bang kailangan mo? Bakit ka pa bumalik?"

"Sasagutin ko 'yan... Sa isang kondisyon."  Napabuntong ako sa sinabi niya, hindi pa rin siya nagbabago. Alam ko na kung ano ang naiisip niya.

"Maglalaban tayo, gamit ang mga kutsilyong dala natin." I shooked my head in disbelief because of this man in front of me.

"Kapag nanalo ako sasagutin ko lahat ng tanong mo, at papayagan mo na akong makalapit sayo." Ngumisi ulit siya, na siyang kinainis ko.

"At kapag ako ang nanalo, sasagutin mo lahat ng tanong ko at lubayan mo na ako, kung maari huwag ka na rin dito mag-aral," sabi ko sa kanya na walang emosyong makikita sa aking mukha, para mas makita niya na gusto kong manalo sa laban namin.

"Isang daplis sa kahit saang parte ng katawan natin... you know what I mean." Tumango ako sa sinabi niya.

"Deal."

"Okay, deal"

Sumunod ako sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Oo, ngayon na rin namin gagawin ang labanan. Hahanap lang kami ng lugar na hindi pinupuntahan ng mga estudyante.

Isang daplis lang, Trixy. Isang daplis lang. Alam kong mas magaling siya sa akin, mas bihasa. Pero may maiibubuga rin naman ako sa ilang taon na traning at pag-aaral na ginawa ko, pwede ko pa rin siyang matalo and besides maparaan ako pagdating sa ganito.

"Aray." Napahinto ako sa aking paglalakad at napahawak sa aking noo na tumama sa likod ni Clinton dahil huminto siya sa paglalakad.

He laughed at me, yung tawa at ngiti na palaging ginagawa niya noong kami pa. Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo, pero agad na napailing. Isang daplis lang sa kanya, masasagot ko na ang mga tanong ko sa kanya at sa nangyari sa amin noon.

"Huwag mo akong tawanan." Tumingin ako sa buong paligid, baka kasi may estudyante dito at may makakita sa gagawin namin ni Clinton. Delikado.

Mabuti na lang rin at walang cctv banda rito, kaya walang makakakita.

"Are you ready?" seryoso na tanong ni Clinton. Tumango na lang ako sa tanong niya.

Kinapa ko yung hita ko, kung saan nandoon ang dagger ko. Nand'yan na talaga 'yan palagi, at hindi ko maintindihan si Dad kung bakit 'yon yung gusto niya, para raw handa ako sa mangyayari. Nalilito ako. Bakit? Bakit ko pa kailangan ng ganito?

Napailing ako nang maalala ko na naman ang mga habilin nila Dad and Mom, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan.

"Mag-umpisa na tayo," sabi ko habang ipinupusod ang aking buhok ng napakataas at napakahigpit.

Naghanda na kami, kapwa na naming hawak ang kanya-kanyang kutsilyo na gagamitin namin.

"Isang daplis," bulong na pagpapaalala ko sa aking sarili at lumapit kay Clinton para sana daplisan siya sa kanyang braso pero agad siyang nakailag.

"Not now babe," nakangising sabi nito. Siya naman ang lumapit sa akin, at iniilagan ko lang ang bawat galaw ng kutsilyo niya para daplisan ako.

"Masyado ka namang seryoso." Hindi ko siya pinansin at ang sinabi niya. Nagpatuloy lang sa ginagawa ko para madaplisan ko na siya at matapos na ito.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo." Muntikan ko na siyang madaplisan sa kanyang binti ng yumuko ako kanina, pero nakailag na naman siya.

Mas naging agresibo siya ngayon at mas bumilis ang bawat galaw ng kanyang kutsilyo sa kamay upang matamaan ako nito.

Mabuti na lamang at hindi niya tinututok sa akin ang dulo ng kanyang kutsilyo, dahil alam niyang may phobia ako pagdating doon kapag may tumututok sa mata ko na matutulis na bagay. Pasalamat ako sa kanya dahil hindi niya ginamit ang kahinaan ko.

"Sorry Trixy pero hanggang dito na lang." Napaupo ako bigla nang madaplisan niya ang braso ko.

Napahawak ako sa aking braso na agad na nagdugo. Napaawang ang aking labi sa naramdaman kong hapdi. Kinuha ko kaagad ang panyo ko at tinakpan ang sugat na nagdurugo.

"Don't touch me," sabi ko nang akmang hahawakan ako ni Clinton.

"Panalo ka na." Agad akong tumayo kahit na gusto ko pang umupo dahil hinihingal at pagod ako sa labang ginawa namin ni Clinton.

"Yeah, at asahan mo na hinding-hindi ako hihiwalay sayo." Hindi ko siya pinansin at tumalikod sa kanya para maglakad.

"Huwag kang mag-aalala malalaman mo rin ang lahat, pero hindi pa sa ngayon," dugtong niya pa na nagpahinto sa akin. Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi at nagpatukoy sa paglakad upang makalayo sa kanya.

Bakit? Ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi ko pwedeng malaman? Bakit sa susunod pa at hindi na lang ngayon?

Mas lalong dumami ang tanong sa aking isipan.

Pumunta agad ako sa CR ng girls para linisin ang sugat sa aking braso.

"Trixy! Sabay na tayong mag lunch."  Ngumiti ako kay Francine nang makita ko siya.

"Hindi na muna Francine, may gagawin pa kasi ako." Napanguso ito sa sinabi ko.

Akala ko hindi mapapansin ni Francine, pero mukhang mali ako dahil tinitigan niya ang braso ko.

"Anong nangyari d'yan sa braso mo?"  Nangunot ang noo ni Francine habang nakatitig pa rin sa braso ko na may panyong nakapulupot, may bakas pa ng dugo.

"Wala, nadaplisan lang ako kanina." Mabuti na lamang at tumango siya at hindi na pinansin ang braso ko, pero alam kong hindi pa rin siya kumbinsido sa naging sagot ko.

"Hindi mo kasama si Celestine?" tanong ko para maiba na ang topic namin.

"Oo, nauna na siya sa cafeteria kasi nag order na siya ng makakain namin. Sinundo lang kita rito."

"Pasensya na ah? Sige puntahan mo na si Celestine at baka nababagot na 'yon doon." Natatawa kong sabi, kaya tumawa rin siya. Alam naman namin ni Francine na hindi 'yon nababagot, mas gugustuhin pa ata ni Celestine 'yon. Ang mapag-isa.

"Sige, bye. Mag iingat ka ah?" Tumango na lang ako sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako nang tuluyan ng makalayo si Francine.

Naglalakad na ako sa hallway para makabalik na sa classroom namin.

Pero kung se-swertihin nga naman, at nakasalubong ko pa si Ream.

"Tss." Sabi ko na nga ba at sasabihin niya 'yan.

Bigla nag iba yung aura niya nang mapatingin siya sa braso ko. Pinilit ko pa ring itinago yung braso ko na may nakapulupot na panyo.

"What's that?" tanong niya na nakaturo pa sa braso ko.

"A-Ah, wala. Nadaplisan lang." Bigla akong napaatras nang lumapit siya sa akin.

"Hindi ako naniniwala. What's that?" Winaksi ko ang kamay niya na humawak sa braso ko.

"A-Ano bang pakialam mo?" Nagulat na lang ako dahil bigla niyang tinanggal ang panyo na nagtatakip ng sugat ko sa balikat, kaya kitang-kita niya na ngayon ang medyo may kalakihang hiwa.

"A-Aray." Napaawang ang labi ko nang kumirot ang sugat ko dahil sa pagkakahawak ni Ream.

"B-Bitawan mo nga ako." Napaatras akong muli nang makita ko ang madilim niyang tingin.

"Sino ang may gawa nito?" mariing tanong niya.

"Nadaplisan nga."

"Fck! Sabihin mo na lang kung sino ang may gawa nito!" Napaigtad ako sa lakas ng sigaw niya, nag echo pa 'yon sa buong hallway, mabuti na lang at halos lahat ng students ay nasa cafeteria at walang tao banda rito.

"Bakit? May magagawa ka ba kung sasabihin—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Hell, Yes! Dahil lulumpuhin ko ang may gawa nito sayo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya, at sa mga matang nakatitig sa akin ngayon na may halong galit at pag-aalala? I don't know.

Bakit Ream? Bakit kailangan ko na naman itong maramdaman?

--

HartleyRoses

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...
5.9K 317 34
[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl...
56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
18.7K 910 40
Rebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang la...