I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.7K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
✎ facts
✎ note

Chapter 10

1.8K 88 0
By HartleyRoses

Ilang araw na ang nakalipas at itong si Francine ay kinukulit pa rin ako kung ano yung tungkol sa kiss na nasabi ko.

Nang masabi ko kasi yung about sa kiss, nag walk out si Ream kaya nag walk out rin ako, ayoko ngang ma-hot seat do'n. Yung mga tingin kasi nila grabe.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sinara yung librong binabasa ko, para handa ako sa mga ibibigay ng quiz ng teacher ko pero hindi ako makapagconcentrate ng maayos sa binabasa ko dahil sa kakatanong ni Francine.

"Francine, wala 'yon. Aksidente lang ulit kaya kalimutan mo na," simpleng sabi ko lang.

"Kasi naman, alam kong accident lang, pero curious talaga ako sa nangyari." Nakapout niyang sabi, as if naman na ike-kwento ko sa kanya... malalaman niya rin na sa likod ako ng school umakyat at nahulog kay Ream at bigla na lang ulit nag lapat yung labi.

Napailing ako bigla.

"Bahala ka d'yan." Binuklat ko na lang ulit yung libro ko at nagbasa na lang, may meeting kasi yung mga teacher kaya free time naming mga grade 11 students ngayon.

Nasa may grass lang kami at nakaupo, wala kasi masyadong tao rito. Hindi rin naman masyadong maaraw kaya okay lang na rito kami tumambay, at may malaking puno naman ang sasangga kung sakaling may araw.

"Celestine oh! Si Trixy hindi man lang nagsasabi sa atin." Hindi ko na lang pinansin ang pag mu-mukmok ni Francine, para siyang bata na hindi makuha ang gusto.

"Hayaan mo na siya Francine, at saka privacy 'yon ni Trixy. Huwag mo na siya kulitin about diyan," simpleng sabi ni Celestine na katulad ko ay nagbabasa lang din ng libro habang kumakain ng junk food na Nova na binili namin sa cafeteria kanina.

"Ang KJ niyo talagang dalawa, kwento lang naman eh. Damot," sabi ni Francine na padabog na kumuha ng junk foods na nakalatag sa harap namin.

Tumahimik ulit kami at ito namang si Francine hindi ata kaya na hindi mag-ingay o magsalita.

"Magsalita naman kayo diyan, na out of place na ako rito oh," bagot na sabi ni Francine.

"Magbasa ka na lang din ng libro, may matututunan ka pa," ani Celestine at inayos na naman ang kanyang malaking salamin

"Ihh, ayoko magbasa, nakakatamad kaya," bagot na bagot na namang salita niya.

Hindi na namin pinansin ni Celestine si Francine na nag ta-tantrums na dahil hindi raw namin siya kinakausap.

Nagulat ako ng may ballpen na tumapat sa mukha ko, yung point ng ballpen ang nakatapat. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Francine ang nagtutok no'n. "Magbabasa ka pa ba diyan, Trixy?" nakasimangot na sabi niya, pero hindi 'yon yung napansin ko kundi ang point ng ballpen na nakatutok sa akin

"L—Layo m-mo sa akin 'y-yan," hirap na hirap kong sabi na nakatulala pa rin sa ballpen na nakatutok sa akin. Takang-taka si Francine sa akin, pati na rin si Celestine.

Hindi niya pa rin ito nilayo, nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko.

Naalala ko yung doctor na ilang beses akong tinuturukan ng karayom, at nag mamakaawa ako na huwag 'yon gagawin sa akin. Masakit yung syringe na tinuturok palagi sa akin noong bata ako, pero wala pa rin akong maalala kung bakit 'yon ginagawa sa akin.

"Huy! Trixy ano nangyayari sayo? Bakit nanginginig ka?" natatarantang sabi ni Francine, mabuti na lamang at tinanggal na niya sa harapan ko yung ballpen.

May phobia ako sa mga matutulis na bagay, lalo na sa mga karayom at sa mga syringe.

Nanginginig pa rin yung katawan ko. Naalala ko na naman yung nangyari sa akin no'ng bata ako, pero hanggang doon lang talaga at wala na akong maalala sa ibang nangyari.

"T-Takot ka sa matutulis na bagay?" Tumango lang ako sa sinabi niya.

Mabuti na lang at kumalma na ako, ayoko na ulit maramdaman ang naramdaman ko kanina. Nanghihina ako.

"S-Sorry Trixy."

"Ayos lang."

Hindi naman alam ni Francine na may phobia ako roon, kaya ayos lang sa akin. Huwag na lang sana maulit.

"Bakit ka nga pala takot sa mga matutulis na bagay?" umiling-iling ako.

"H-Hindi ko rin alam. Wala akong maalala," 'yon lang ang nasagot ko at tumahimik na lang si Francine, siguro napansin niya yung takot sa mata ko kanina.

"Punta lang akong CR," pag papaalam ko sa kanila at tumayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpaggan ko ang uniform ko.

"Samahan ka na namin."

"Dito na lang kayo, aayusin ko lang ang sarili ko. Babalik din ako kaagad."

Agad akong naglakad at pumunta sa CR ng girls. Habang nasa loob ako ng isang cubicle ay may narinig akong pag bukas ng pinto ng CR at may mga panibagong pumasok rin sa loob.

Paglalabas sa cubicle ay nag hugas lang ako ng aking kamay at naghilamos ng mukha para mahimasmasan kahit papaano.

"She’s here, right? Subukan nga natin yung nakita natin na nangyari sa kanya. Ang kapal ng babaeng 'yon, makalapit-lapit siya sa Ream ko," narinig kong sabi ng isa sa mga babae at bigla akong nilingon.

Nakaharap ako sa salamin at nakita ko ang apat na babae, pamilyar yung isa sa kanila, siya yung nakita kong kahalikan ni Ream, noong umakyat ako sa likod ng school para makapasok pero nahulog nga ako.

Nakatingin sila sa akin ng masama, lalo na yung babaeng nakahalikan ni Ream

"Hoy babae! Ang kapal ng mukha mo na lumapit-lapit kay Ream at kinaibigan mo pa talaga yung kambal niya, ang landi mo talaga, para-paraan ka rin 'no. Alam mo bang akin lang si Ream?" Taka akong napatingin sa mga mukha nilang mukhang coloring book.

Bakit inaagaw ko ba sa kanya si Ream?

"Saksak mo sa baga mo si Ream," mahinahong sabi ko habang binabasa ko ang kamay ko sa gripo.

"Aba't! Girls, now!" may inilabas sila sa kanya-kanya nilang bulsa. Ballpen 'yon.

At ngayon ko narealize na nakita nilang ang nangyari kanina sa amin ni Francine. N-No! Ayoko na ulit mangyari 'yon.

Napaatras ako ng binukasan nila ang takip sa ballpen at unti-unting itinapat sa mukha ko.

N-No! Trixy kaya mo 'yan! Huwag kang kakabahan. Nagsisimulang manginig ang katawan ko

"Girls! It's working!" sigaw ulit ng babaeng nakahalikan ni Ream, na parang siya ang leader sa grupo nila.

Patuloy pa rin silang lumalapit at pati na rin ang mga ballpen nila.

Napaupo na ako ng pader na ang nasandalan ko.

"N-No! Ilayo niyo sa akin 'yan!" Patuloy pa rin sila sa paglapit ng ballpen. Sobrang lapit.

May naalala na naman ako, mga grupo ng doctor na may hawak na syringe

Umiling-iling ako. Masakit yung turok nila sa akin. Parang nawawala na ako sa aking sarili.

"Mommy! Daddy! H-Help me! Ayoko rito, ayoko! Sinasaktan nila ako!" Hindi ko napansin at tumulo na pala ang luha ko.

Hinang-hina na ako, hindi ako makahinga. Narinig ko ang mga tawanan nilang mga babaeng kaharap ko, pati na rin yung mga doctor na may hawak ng syringe.

Napatakip ako sa aking tenga para hindi marinig ang mga tawanan nila.

"Ayoko na! T-Tama na po, m-maawa kayo sa akin" patuloy lang ako sa pagmamakaawa.

Narinig kong nagtawanan ang mga babae "Wala, mahina pala ito girls. Nang dahil sa ballpen? Let's go na nga, sinasayang lang natin ang oras natin sa kanya."

Narinig ko pa ang tawanan nila, hanggang sa makaalis na sila ng Cr.

Gumapang ako sa sahig para makalabas at makahingi ng tulong, nandito pa rin ang takot sa akin.

Nagmamakaawa pa rin ako, hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako, ayokong mag isa.

"T-Tulungan mo ako." May nakita akong isang lalaki at hinawakan ko yung pants niya.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. "Trixy?! Ano nangyari sayo?" si Nick 'yon.

"A-Ayoko r-rito, t—tulong." Hindi pa rin ako nakakabalik sa aking sarili, parang nandoon pa rin ako sa lugar kung saan maraming mga doctor o mga taong naka lab gown... I don't know.

"Trixy!" Huling narinig kong sigaw ni Nick.

Naramdaman ko pa ang pagsalo niya at pagbuhat sa akin, bago dumilim ang aking paningin at mawalan ng malay.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

117K 5.3K 66
Myth Series 2 Title: Ares: The Knight Genre: Fantasy Romance Angelica was arranged to marry her own cousin, but on the day of her wedding, she tried...
18.7K 910 40
Rebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang la...
1K 225 15
(COMPLETED) Have you ever experienced being shot by a chalk? With the Board Eraser? Belinda (Bebang) Venice Fernandez is an Elementary Bully. Everyo...
1K 51 47
SYPNOSIS Reixa grew up in a poor family with only her mother supporting the three of them, she always imprinted in her mind all the sufferings and sa...