I Saw the Future Once

بواسطة HartleyRoses

92.6K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mi... المزيد

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
✎ facts
✎ note

Chapter 7

1.9K 98 3
بواسطة HartleyRoses

Sinasabi ko na nga ba, eh. Kapag nasa iisang lugar talaga kaming dalawa ni Ream may hindi magandang nangyayari.

"Ream! Bakit mo hinihila si Trixy? Saan mo siya dadalhin?!" sigaw ni Francine, dahil nagulat na lang kaming lahat nang tumayo si Ream at hinila ba naman ako bigla.

"Kakausapin ko lang yung 'bisita' natin." Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya, pero ang loko mas hignigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako, at isa pa bisita ako ni Francine at hindi mo bisita." Tumingin siya sa akin ng masama kaya napatahimik ako.

"Bwisita rin kita dahil nasa bahay ka namin." Aba! At saan nanggaling ang bwisita?!

"Hoy! Anong bwisita! Ikaw nga 'tong hila na lang nang hila sa akin!" sigaw ko sa kanya.

"Tss, ang ingay mo." Nagulat ako nang binitawan niya ako, nasa second floor na kami at dahil sa laki ng bahay na ito hindi ko alam kung saan kaming parte ngayon. Pasikot-sikot kasi yung dinaanan namin kanina.

Here we go again! Kaming dalawa na naman, nakakabwisit talaga 'tong lalaking kaharap ko.

"A-Anong gagawin mo?" kinakabahan kong sabi at nagsimula na akong humakbang paatras dahil lumalapit na siya sa akin.

"Wala naman." Naka-smirk na siya at malalim na ang tingin sa akin. 'Yan na naman yung mga mata niyang humihigop palagi sa akin. Lumapit pa siya nang lumapit sa akin at ako naman ay atras lang nang atras. Hanggang sa napahinto na lang ako dahil pinto na ng kwarto ang nasa likod ko.

Itinaas ni Ream ang dalawang kamay niya at sinandal iyon sa pinto, parehas na nasa mag kabilang side ko ang mga kamay niya. Favorite niya talaga itong gawin 'no? Wala na akong kawala sa kanya, na corner na naman niya ako.

Inilapit niya pa ang mukha sa akin, at dahil wala na akong maatrasan bahagya na lamang akong lumiyad para mapalayo sa kanya.

Bakit ganyan na naman siya makatitig? Hindi niya ba alam kung ano yung nagagawa niyang titig na 'yan sa akin?

"B-Bakit mo ba ko dinala rito?" medyo pabulong kong sabi dahil sobrang lapit niya na talaga sa akin.

"Ano ba talagang plano mo?" Naamoy ko pa yung mint na hininga niya. His mouth smells good.

But really? Trixy? Pati hininga pinansin mo.

"S-Sabing pinapunta lang kami dito ni Francine!" Shit! Bakit nauutal pa rin ako?

"Are you sure?" seryoso niyang tanong. Bigla na lang naghumirintado ang puso ko, mabalis at malakas ang tibok.

Bakit tumitibok yung puso ko ng malakas? Siguro dahil kinakabahan lang ako sa kanya, sino ba namang kakabahan sa kanya tapos ang lapit- lapit niya pa.

"O-Oo," hirap na hirap na salita ko, pwede bang umalis na siya? Napansin ko kasing kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko.

Tumitig pa rin siya sa akin, hanggang sa bumaba yung tingin niya sa mga labi ko.

"Sino ka ba talaga? Bakit parang nakita na kita?"  Napalaki yung mata ko sa sinabi niya. Paano nangyari 'yon? Sa future kami nagkita, so wala talaga siyang maalala do'n sa nangyari. Dapende na lang kung nagkita na kami dati, pero imposible hindi ko naman siya maalala.

Baka siguro nagkita na kami, wala na nga akong maalala sa nakaraan ko.

Parang matutumba na ako sa aking kinatatayuan dahil nanlalambot na yung mga paa ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Kinapa ko yung doorknob ng pinto para sana doon kumuha ng lakas upang makatayo pa ako, pero mali ata ang naging kilos ko.

Dahil nang makapa ko na ang doorknob, hindi pala nakalock 'yon at biglang nabuksan ang pinto.

Nang mabuksan ang pinto, sabay kaming bumagsak ni Ream, dahil nakasandal ang kamay niya sa pinto at ako naman ay nakasandal ang likod. Pareho kaming nawalan ng balanse.

Napapikit na lang ako dahil sigurado akong masakit yung magiging paghulog ko.

Aray!!!

Napamulat agad yung mga mata ko ng may malambot na nakadikit sa labi ko.

Parehas kaming gulantang ni Ream, dahil ang mga labi namin ay magkadikit!

At kahit sobrang lapit namin sa isa’t isa, nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata.

Agad niyang inilayo ang labi niya sa labi ko pero nakapatong parin yung upper body niya sa katawan ko

At ngayon ko lang narealize na nawala na yung...

YUNG FIRST KISS KO!

Bakit siya pa yung nakakuha? Sini-save ko yun para sa lalaking mamahalin ko.

Nagkatitigan pa rin kami at kapwa hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Pft." Agad kaming napatingin ni Ream nang may marinig kaming nagpipigil ng tawa.

Agad napatayo si Ream at sumunod ako.

"A-Aray," daing ko dahil medyo napalakas ata ang pagbagsak ko.

"M-Mali yung iniisip niyo!" agad kong sigaw dahil si Francine at Celestine ay nakatulala lang sa aming dalawa ni Ream, si Steel naman ayun nagpipigil pa rin ng tawa, at si Nick naka poker face, as usual... pero may malisya sa paraan ng pagtitig niya katulad nang kay Steel.

"Hindi na ba kayo nakapagpigil at diyan na kayo sa pintuan nag ano—"

"Hoy! Mali 'yang naiisip mo!" agad kong depensa, dahil totoo naman.

"Tss." Napatingin ako kay Ream na nag 'tss' lang. Aba't hindi niya ipagtatanggol yung sarili niya?

"Ream! Ano na namang ginawa mo kay Trixy?" mataray na sabi ni Francine kay Ream na naka poker face katulad ni Nick.

"Hindi ko na kailangan magpaliwanag," sabi niya at umalis na lang kaagad na walang paalam.

Sumunod agad sa kanya si Steel at Nick, pero narinig ko pa ang huling sinabi ni Steel kay Ream bago tuluyang makalayo sa amin.

"Tol, ano masarap ba ang first kiss?" natatawang sabi ni Steel, at binatukan naman siya ng malakas ni Ream.

And what the? Nakita rin nila yung paglapat ng labi namin ni Ream? Nakakahiya! Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila.

Lumapit sa akin si Francine at Celestine, napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Sigurado akong nakita din nila 'yon.

"Naniniwala naman kami sayo, Trixy," nakangiting sabi ni Celestine kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at naniniwala sila sa akin.

Mali ata na pumunta ako rito, nakakainis!

"Ano ba kasing nangyari at napunta kayo sa gano'ng posisyon?" Biglang nag init yung pisngi ko sa sinabi ni Francine, nakakahiya talaga.

"Ahm, sa baba na lang natin 'yon pag-usapan." Tumango na lang ako para ipaalam din na medyo awkward sa part ko na i-kwento ngayon.

Nauna silang maglakad, pero bago ako sumunod ay napatingin ako sa kwartong nabuksan ko kanina.

Alam ko nang kay Ream ito, dahil may picture frame niya na malaki ang nasa loob at halatang panlalaki ang kwarto. At isa pa, kaamoy ni Ream yung kwarto. Ang bango, hindi nakakasawang amuyin— what the?! Saan naman 'yon nanggaling?

Napailing na lang ako at sinara na lang ang kuwarto.

Habang nakasunod ako sa dalawa kong kaibigan, pabalik sa lugar kung nasaan kami kanina. Sa may garden.

Alam ko na kung saan yung kwarto ni Ream, at may naisip akong plano.

Nakarating na kami at naupo na sa mga upuan namin. Mabuti na lang at wala yung tatlong lalaki na 'yon, awkward kapag nangyari.

"So, bakit nga kayo napunta sa posisyon na 'yon." Aba't tsismosa pala itong si Francine, biro ang. Kasi naman bakit kailangan pang itanong yung nangyari na 'yon. Kahihiyan.

"Hinila kasi ako ni Ream at napunta kami doon sa may labas ng kwarto sa may pinto banda. Kinorner kasi ako ni Ream, eh sa gusto kong makawala kaya nahawakan ko yung doorknob at ayun parehas kaming bumagsak," mahabang paliwanag ko, pero may mga ibang nangyari na hindi ko na sinabi sa kanila katulad na lang ng pakikipagtitigan at ang mga tanong ni Ream sa akin.

Parehas na napatango yung dalawa na parang satisfied na sa nalaman nila. Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong ng about sa 'kiss' na nangyari, siguro naintindihan naman na nila ang kwento ko.

Mabuti na lamang ulit at mabilis lang nawala ang topic namin sa nangyari sa amin ni Ream kanina.

Marami pa kaming napagkwentuhan at hindi maiwasang magtawanan.

Hindi ako nagsisi na naging kaibigan ko sila, ramdam ko na kahit saglit pa lang kaming nagsama ay mga tunay silang kaibigan. Sana.

--

HartleyRoses

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
185K 7.1K 82
Myth Series 3 Will the King of The Sea marry a mortal woman who is not even destined to be his bride?
1K 51 47
SYPNOSIS Reixa grew up in a poor family with only her mother supporting the three of them, she always imprinted in her mind all the sufferings and sa...