LOHIKA [COMPLETED]

By sayonara_chinji

313K 12.6K 1.3K

Dahil hindi matanggap ni Jiwon Natividad ang unjust death ng kanyang ina, she secretly investigated the cold... More

Lohika [Disclaimer]
Fictional Trailer
Characters
Chapter I [Edited 2022] - That Girl Has a Secret
Chapter II [Edited 2022] - The Case of a Presumed Suicide
Chapter III [Edited 2022] - Yogurt Drink
Chapter IV [Edited 2022] - The Wrong Guy
Chapter V [Edited 2022] - The Case of a Presumed Suicide Part 2
Chapter VI [Edited 2022] - The Bracelet
Chapter VII [Edited 2022] - Black Coffee and a Slice of Mocha Cake
Chapter VIII [Edited 2022] - The Confession
Chapter IX [Edited 2022] - Stalking Resulted in Serial Killing
Chapter X [Edited 2022] - Birthday, Stalking, and Him
Chapter XI [Edited 2022] - Kung Ikaw ay Masaya
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Epilogue

Chapter LVI

3.4K 129 10
By sayonara_chinji

Jiwon noticed the name tag that Sujin Lim was holding. Nilapitan niya ang dalaga at sandaling sinulyapan ang hawak nitong bagay. Nang masiguro niya na iyon na nga ang name tag niya, hindi na siya nagdalawang isip na kuhanin ito. "Excuse me, sa 'kin 'yan."

"Oh..." Agad na isinauli ni Sujin ang name tag sa dalagang kaharap niya. Naroon pa rin ang malalim na pag-iisip niya kung saan niya nakita ang initials na iyon, kaya naman hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon na magtanong. "J.D.N. ang initials mo?"

"Yes." Jiwon wanted to add a question, but Claudine stole the opportunity.

Nagningning ang mga mata ni Claudine nang makita niya ang hawak na name tag ni Jiwon. "Nahanap mo na pala! Let's go na, Jiwon. Magpalit ka na ng damit. Sasamahan na kita." Masigla at excited niyang hinila papunta sa Senior's Building ang dalaga.

As Sujin sat on the vacant chair na pinaggigitnaan ng dalawa niyang kaibigan na sina Meanne at Valerry, laman pa rin ng isipan niya ang katanungan tungkol sa initials ng dalaga. Then out of the blue, she finally remembered. Her friends were startled sa biglaang pagtayo niya. "Music box!"

***

Nagkalat sa sahig ang mga tauhan sa Sketch Bar, isang kabubukas lamang na bar sa Sulyapan Street, Barangay Canoonan. Namimilipit sa sakit ng katawan ang mga kalalakihan at ang iba ay tulog sa lakas ng tama sa katawan nila.

The man who was responsible for their serious pain was still insanely in good condition. Tila ba wala itong naging tama sa katawan mula sa pakikipaglaban nang mag-isa. Nagawa niyang panatilihin ang tigas, tapang at yabang mula sa mga mata niya, hanggang sa tuluyan na niyang makaharap sa isang sulok ng bar ang taong totoong pakay niya sa mapanganib na lugar.

"Boss, bawal 'tong ginagawa mo!" Bakas ang takot sa boses at maliliit na mata ni Bonardino Agustin. Mas kilala bilang alyas 'Bola'. Lalo siyang lumiit, dahil sa pagsiksik niya sa sulok ng pader. Nakaupo siya roon na parang pinagalitan ng magulang.

"Hindi ba't mas bawal 'tong ginagawa ni'yo?" Lieutenant Lim was referring to the illegal activities na nagaganap sa bar na kinaroroonan nila, pati na rin ang totoong business nitong panloloko sa mga taong gustong dumoble ang pera sa bangko.

"Ano bang kailangan mo? P'wede naman nating pag-usapan eh." He was thinking that he can manipulate the young lieutenant.

Humila ng upuan ang binata. Iniharap niya iyon kay Bola at doon siya mayabang na umupo. "Water Pipe Serial Murder Case."

"Boss, matagal na panahon na 'yan. Napatunayan naman na wala talaga akong kinalaman sa kasong 'yon eh! Pipitsugin' manggagantso lang ako! Isa pa, kababalik ko lang dito sa Yonhwa! Ang ganda naman ng salubong mo sa 'kin eh!"

"Hindi ako nakikipagbiruan. Alam kong may kinalaman ka sa kasong 'yon." Mayabang na kinasa ng binata ang baril niya. "Magsasalita ka ba o hindi?"

"Wala talaga, boss!" Napalunok ng laway ang takot na takot na swindler. Hindi maalis ang tingin niya sa baril na hawak ng batang lieutenant. Pinanood niya kung paano iyon kabitan ng silencer.

Walang hesitation na ipinutok ni Lieutenant Lim ang baril. Tumama ang bala sa tabi ng ulo ni Bola. Kaunting espas'yo lamang ang pagitan. "Pasens'yahan na lang tayo, ganu'n ba?"

Bola was startled. Narealize niya na hindi ganoon kadaling kausap ang binata. Now, he's aware na hindi ito magdadalawang isip na patayin siya kung tuluyan niyang ititikom ang bibig. "Oo na! Oo na! Magsasalita na 'ko! Boss, wala namang ganyanan. Sasabihin ko na lahat."

The young lieutenant smirked.

"Saan mo ba gustong magsimula?"

"Bakit ka bumalik dito sa Yonhwa?"

"Akin 'tong bar. S'yempre kailangan kong--"

Muling itinapat ng binata ang baril kay Bola. This time, talagang nakatutok na ang baril niya sa ulo nito. "Kailangan mo yata ng pampagising--"

"Hindi! Hindi! Boss, hindi ka na mabiro eh! Bumalik ako dito kasi... nabalitaan kong patay na si Mamerto Punzal."

Lubos ang pagtataka ni Lieutenant Lim sa natanggap niyang sagot. But on the other hand, mas kapani-paniwala ito kumpara sa unang dahilan.

"Bago siya mamatay, tinawagan niya ako. Ang sabi niya sa 'kin, magkakadatung na naman kami ng malaki. Nauto na naman daw niya ang sponsor niya."

"Sinong sponsor?"

"Hindi ko alam! Wala talaga akong alam, boss. Bumalik lang ako dito para kuhanin 'yung pinapakuha sa 'kin ni Mamerto. May usapan kasi kami na kapag namatay siya bigla, kukuhanin ko 'yung bagay na 'yun dito sa Yonhwa."

Lieutenant Lim's curiosity started to control himself. Tumayo siya at nilapitan si Bola. Iniluhod ang isang tuhod at itinutok ang baril sa dibdib ng takot na takot na swindler. "Anong bagay? May kinalaman ba 'yun sa Water Pipe Serial Murder Case?"

Isang mabilis na tango ang isinagot ni Bola. "Oo! Malaking ebidensya daw na makakapagturo sa totoong serial killer! 'Yun din ang ginagamit niyang panakot sa sponsor niya. Ewan ko ba kung bakit minalas siya ngayon!"

"Nasaan? Nasaan ang ebidensya?" Buong lakas na binitbit patayo ng batang lieutenant ang manggagantso sa kwelyo nito.

"Teka lang! Teka lang, boss! Nasasakal ako! Hindi na 'ko makahinga!" Nakataas ang dalawang kamay niya as a sign of surrender.

Napilitan si Lieutenant Lim na bitawan ang kwelyo nito.

"Hindi ko pa nakukuha. Sandali lang, kukuhanin ko 'yung address na ibinigay niya." Pasimple siyang naglakad papunta sa desk niya. "Nandito lang 'yun eh." He was searching everywhere sa wooden desk. Hindi niya iyon nakita sa ibabaw, kaya't pasimple siyang yumuko upang buksan ang mga drawers sa ibabang bahagi nito.

Nang hindi na matanaw ng batang lieutenant ang madulas na swindler, nilapitan na niya ito sa desk. There he saw him crawling out of the small hole sa sementadong pader. Huli na upang maabutan pa niya ito. Gustuhin niya man na sundan ito sa butas, hindi siya kasya.

Bola managed to escape dahil sa maliit na katawan niya.

Pagkalabas ng bar ni Lieutenant Lim, nakadaan na ang van na kinasasakyan ni Bola. He even received a salute mula sa nang-iinis na swindler na talagang sumilip pa sa bintana. Napamura na lamang siya sa sobrang frustration.

***

Patapos na ang oras ng tanghalian, ngunit puno pa rin ang tent ng Section Hertz. Majority of their customers ay mga lalaki. Parte ng rason ng pagkain nila sa tent na iyon ay upang masilayan lamang ang ganda ng nag-iisang school beauty ng SDHS.

Kit didn't like the idea na nagseserve ng pagkain ang dream girl niya sa mga lalaking iba ang pagtingin dito. That's why hindi na siya nakapagpigil at inagawan niya ng tray ang dalaga. Siya na mismo ang nagserve ng pagkain sa table ng mga kapwa estudyante niyang lalaki.

Agad na nag-angalan ang grupo ng mga binata. They were expecting na lalapitan sila ni Jiwon at makakausap nila ang dalaga casually, but their daydream became a nightmare dahil kay Kit.

Sinamaan na lamang ng tingin ni Kit ang mga ito, bago niya nilapitan sa counter si Jiwon. "Jiwon, wala ka bang break? Kanina ka pa pabalik-balik sa mga table eh! Bakit kailangang ikaw ng ikaw ang kumikilos? Nasaan na ba 'yung iba mong classmates?"

Sa hindi kalayuan, narinig ni Kayla ang reklamo ni Kit. Sandali siyang huminto sa pagpupunas ng mga baso. "Jiwon, p'wede ka nang magpahinga. Kami na bahala dito. Wala na rin naman tayong ibebenta."

Noon lamang tila nakahinga ng maluwag ang dalaga. Hinubad niya ang suot na apron. Then she noticed na hinubad ni Kit ang suot nitong jacket. She was quite flustered nang bigla iyong ipinulupot ng binata sa beywang niya.

"Masyadong maikli 'yang skirt mo." Then he muttered to himself. "Kung p'wede lang dukutin ang mga mata ng mga lokong 'yun."

Napasulyap ang dalaga sa suot niyang plaid skirt. 'Kasing iksi lang naman 'to ng school uniform na parati kong isinusuot.'

"Jiwon.."

Again, napunta sa binata ang atensyon niya. "Hm?"

"Masarap 'yung fruit shake na ibinebenta ng Grade 9 students. Ililibre kita." Hindi na hinintay ni Kit ang sagot ng dalaga. Kinuha niya ang apron na hawak nito atsaka basta na lamang iyon ipinatong sa counter. Aktong hahawakan na niya ang pulso ni Jiwon, ngunit inabot siya ng hiya.

Jiwon smiled prettily. Napansin niya ang pag-aalinlangan ng binatang kaharap niya.

Napahimas na lang sa batok si Kit. Napangiti na rin siya nang makita niyang pansin ng dalaga ang hiya na nararamdaman niya. At upang makatakas siya sa embarassment, inilahad na lamang niya ang kanang kamay papunta sa direksyon na pupuntahan nila. Pinauna niya sa paglalakad si Jiwon as he tried to composed himself behind.

Katulad nang sinabi ni Kit, masarap nga ang fruit shake na ibinebenta ng Grade 9 students. Mahaba ang pila at halata ang satisfaction sa mukha ng mga nakatikim na ng produkto.

Pinaghintay muna ni Kit sa isang tabi si Jiwon, habang siya ay nakapila sa counter. At nang tuluyan na siyang nakabili ng fruit shake, masigla niyang nilapitan muli ang dalaga. "Heto na, Jiwon." Excited niyang ibinigay ang mango shake. Pinanood niya ang reaction nito sa unang higop. At nang makita niya ang ngiti sa labi ng dalaga, masaya niyang tinikman rin ang hawak niyang shake na ganoon rin ang flavor.

Hindi kalayuan sa kinatatayuan nila, natanaw ni Kit ang bakanteng wooden bench sa ilalim ng malaking puno ng mangga. He thought that it was a perfect spot para makapagpahinga si Jiwon, kaya't agad niyang niyaya roon ang dalaga.

Nang makarating sila sa bakanteng wooden bench, Jiwon noticed something suspicious. Nabasa niya ang maliit na note sa katawan ng malaking puno.

The forbidden bench of love
Bells are ringing
Angels are singing
Take a vow to your seatmate
and receive the blessing of the whole SDHS

By: Grade 8 students.

She was about to warn Kit about the suspicious note, ngunit nakaupo na ito sa kanang bahagi ng forbidden bench.

"Jiwon, upo ka na." He was waiting innocently for Jiwon to sit beside him.

A sound of bells suddenly filled the air.

Noon lamang napansin ni Jiwon na may babae nang nakaupo sa kabilang dulong bahagi ng wooden bench. The girl was familiar. Agad rin niyang naalala kung saan niya ito nakita. 'S'ya 'yung babaeng nakapulot ng name tag ko. A clueless innocent victim just like Kit.'

Then out of nowhere, biglang nag-appear sa harapan nila ang apat na Grade 8 students. Sabay-sabay nilang inirecite ang poem. "Forbidden bench of love. Bells are ringing. Angels are singing. Take a vow to your seatmate and receive the blessing of the whole SDHS!"

For a moment, nakatulala lamang sina Sujin at Kit. Tila ba may nagdaan na mga ibong sumisiyap. Nakailang kurap sila ng kanilang mga mata bago sila natauhan.

Napakamot sa ulo ang pinakaleader ng apat na Grade 8. Tinanguan niya ang mga kasama niya bilang hudyat na kukuhanin na nila ang dalawang umupo sa forbidden bench of love.

Dalawang babaeng estudyante ang dumampot kay Sujin. Hinawakan nila sa magkabilang braso ang dalaga at p'wersahang kinaladkad palayo. Ganoon rin ang ginawa ng dalawang lalaking estudyante kay Kit.

Habang kinakaladkad nila palayo ang binata, paulit-ulit nitong isinisigaw ang pangalan ni Jiwon.

A classroom was transformed into a chapel. Iyon ang ginawang pakulo ng isa sa mga section ng Grade 8 level upang makakalap ng pera. They decorated the whole room upang magmukhang totoong chapel ito.

Nang makarating ang dalawang bagong biktima sa simulated chapel, sinalubong sila ng mga Grade 8 students at pinaulanan ng petals ng red roses.

Kit and Sujin were still clueless sa nangyayari. They both badly want to escape, pero hindi nila magawa dahil sa higpit nang pagkakahawak ng mga estudyante sa braso nila. As they reached the altar, noon lamang nila nakilala ang isa't-isa.

"Music box!" They both yelled to each other's faces.

Sujin started to feel a little shyness towards the young man. She remembered how she ran away like a bogus seller para lamang hindi ibenta ang music box ng kuya niya. Ni hindi na niya kayang tingnan sa mga mata ang binata.

Hindi naman makapaniwala si Kit na kaharap niya ngayon ang babaeng nanloko sa kanya. Naroon pa rin sa dibdib niya ang galit at inis sa ginawang pagtakbo nito. Naalala niya ang itsura ng music box na sana ay ireregalo niya kay Jiwon. It was supposed to be a perfect gift para sa dream girl niya, but Sujin ruined his plan. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi titigan ng masama ang dalagang katabi niya. If only he could burn her just by glaring heavily, 'tsaka niya lamang tatanggapin na kwits na silang dalawa.

A student in white robe appeared in front of them. May hawak itong isang libro na pakunwari'y binabasa. "Simulan na natin ang seremonya."

OOO

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 377K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
765K 30.8K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
8.5K 446 60
STATUS: COMPLETED This story is UNDER MAJOR REVISION. Maria Katalina Gomez is a cold-hearted woman. Just a simple command, everyone will follow. A t...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)