I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.7K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. ๐Ÿ–‡:: COMPLETED ๐Ÿ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
โœŽ facts
โœŽ note

Chapter 6

2.1K 110 1
By HartleyRoses

Kasalukuyan kaming kumakain ni Celestine at nag-uusap nang biglang sumulpot sa kung saan si Francine.

"Hey! You two! Hindi niyo man lang ko niyayaya!" Sabay kaming napalingon ni Celestine sa naka pout na si Francine.

Napangiti ako at si Celestine naman ay natawa ng bahagya. "Nagkabanggaan lang kami kanina ni Trixy, tapos nagsabay na rin kami mag lunch."

"Wala! Nagtatampo pa rin ako sa inyong dalawa." I stood up and smiled at her.

"Oo na. Libre na lang kita ng lunch mo, nagtatampo ka pa riyang nalalaman," sabi ko kay Francine na malawak na ang ngiti sa labi.

"'Yun, oh!" Napiling na lang ako at pumunta na sa counter para makabili ng pagkain ni Francine.

Bumalik na ako sa table namin nang matapos kong mabili ang pagkain ni Francine.

"Salamat Trixy! Bawing-bawi ka na sa akin!" Sinabayan niya pa 'yon ng tawa, at napailing na lamang ulit ako habang nakangiti.

I looked at the two girls in front of me and smiled. Masaya ako at nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan.

"Hoy, Trixy! Ngumingiti ka na lang diyan ng mag-isa," sabi ni Francine habang may laman pa ng pagkain ang bibig niya. Sobrang daldal talaga nito, akala ko no'ng una sobrang taray pero masaya pa lang kasama.

"Wala naman, masaya lang ako dahil naging kaibigan ko kayo."

"Ako rin," sang-ayon ni Celestine sa sinabi ko.

"Syempre ako rin— ay sorry!" Nagtawanan din kami ni Celestine nang may tumalsik na pagkain galing sa bibig ni Francine habang kumakain.

"Ubusin mo muna kasi Francine 'yang kinakain mo bago ka magsalita," saway ni Celestine, at inayos niyang muli ang kanyang malaking salamin sa mata.

"Opo! Nga pala, punta naman kayo minsan sa bahay namin," nakangiting sabi ni Francine.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Pwede ko itong magamit para makakuha ng ebidensiya.

"Sure," sagot ko na lang.

"Talaga?"

"Oo naman."

"Baka magalit ka kay Ream kapag nagkita ulit kayo." Napatahimik ako sa sinabi ni Francine. Si Celestine naman ay pinagpatuloy ang pagkain habang nakikinig sa usapan namin.

"Hindi naman si Ream ang pupuntahan natin," ani ko.

"Oo nga 'no? Ikaw Celestine? Sama ka rin sa amin," pag aya ni Francine kay Celestine na nag-angat ng tingin sa amin at inayos muli ang malaki niyang salamin, na palagi niyang ginagawa.

"Why not? Kasama naman si Trixy."

"Yey! Mamaya na kayo pumunta sa bahay namin, ah? Sabay-sabay na rin tayong umuwi mamaya," masayang sabi ni Francine.

"Alright."

Nang sawakas ay matapos ang buong klase ngayong araw, nag uwian na kami and I am here now sa napag-usapan namin nila Celestine at Francine na magkikita-kita.

Ako ang naunang pumunta rito sa kanila. Nagulat ako nang may sasakyang huminto sa harap ko.

Bumaba ang salamin at nakita ko si Francine na bumungad.

"Halika na, Trixy. Nandito na rin si Celestine." Pinagbukasan niya ako ng pintuan at agad na akong pumasok.

"May driver talaga ako at sundo, si Ream kasi, ayaw niyang mag commute ako."

"Kaya pala, akala ko mag c-commute lang tayo," sabi ko nang maayos ko na ang aking pagkakaupo sa backseat. Pinapagitnaan namin ni Celestine si Francine.

Swerte si Francine at may nag po-protekta sa kanyang kapatid.

"Halika na po manong Berto." Nagsimulang umandar ang sasakyan.

Medyo kinakabahan ako, hindi imposible na makita ko si Ream sa bahay nila. Ano kaya magiging ekspresyon no'n kapag nakita ako?

Napailing ako bigla, bakit ko ba iniisip yung lalaking 'yon? Pupunta ako roon para makakuha o makahanap ng ebidensiya para masabi ko na sa kanila na nakita ko sila sa future.

Tahimik lang ako sa loob ng kotse, si Francine at Celestine lang ang nag-uusap.

"Bakit humss strand pala ang kinuha mong strand, Celestine?" Nakikinig lang ako sa kanila.

"Humss strand ang kinuha ko kasi education ang kukunin ko sa college. Pero ang totoo niyan, mas gusto ko ang maging Scientist pero wala naman akong sapat na pera para sa pag-aaral ko." Naging interesado ako sa sinabi ni Celestine kaya napatingin ako sa kanya.

"—At gusto ko lang magkaroon ng simpleng pamumuhay kaya hindi ko na rin binalak na maging Scientist someday," dugtong niya pa.

"It's okay, Celestine. Baka hindi talaga para sayo yung pagiging Scientist."

"Yeah."

Nakisawsaw na rin ako sa pag-uusap ng dalawa, "ahm, Celestine?"

"Yes?"

"If you don't mind, can you do me a favor?"

"Ano 'yon?" nagtataka na niyang tanong dahil sa biglaang paghingi ko ng pabor.

Huminga ako ng malalim, kailangan kong malaman kung siya ba yung babaeng nakita ko sa future.

"Can you remove your eye glasses?" Nakita ko ang pagkagulat ng mata ni Celestine sa sinabi ko.

"A-Ahh, sure." Nag alangan man pero dahan-dahan niyang tinanggal ang malalaking salamin sa kanyang mata.

"Oh my gosh! You're so beautiful without your big eye glasses!" sigaw ni Francine, and I definitely agree to that statement. Sobrang ganda niya.

Sigurado na akong siya nga yung babaeng nakita ko na naka white lab gown na kadalasang suot ng isang Scientist, I just need the confirmation. "Yes, totoo ang sinabi ni Francine."

Agad-agad na binalik ni Celestine ang salamin niya sa mata at tipid na ngumiti. "Salamat."

"I think you're going to be a Scientist someday."

"Paano mo nasabi, Trixy?" si Francine na nakakunot ang noo.

"Wala, 'yon kasi yung nakikita ko sa kanya." At tipid na akong ngumiti sa kanila.

Nakita ko sa mga mata nila ang pagtataka sa akin, pero hinayaan na lang din nila ako.

Napunta ang tingin ko sa kalsada na dinaraanan ng sinasakyan namin.

I shifted my head to look where Celestine is.

Sana Celestine ay maging isang mabuting Scientist ka someday. Kung ano man ang gampanin mo sa nakita ko— sana hindi ka kalaban o may masamang hangarin...

I know Celestine is not that kind of person.

"We're here." Hindi namin namalayan at nandito na pala kami

Sabay-sabay kaming lumabas ng sasakyan, at napanganga na lang ako sa laki ng bahay— I mean mansyon nila Francine.

"Woah! Ang laki pala ng bahay niyo Francine. Mansyon na yung tawag dito," manghang sabi ni Celestine na katulad rin ng inisip ko.

"Yeah, masasanay rin kayo. Hali na nga kayo, para makakain na tayo. Nagugutom na ako." Sumunod kami kay Francine na pumasok sa bahay nila.

Nilibot ko ang paningin ko nang tuluyan kaming makapasok, kung maganda na ito sa labas mas maganda kapag nasa loob.

"Doon tayo sa may Garden." Muli kaming sumunod ni Celestine kay Francine.

"Uh-oh! Nandito rin pala yung tatlong kumag." napatingin ako sa tinuro ni Francine.

Nandoon sina Ream, Nick at Steel na nakatingin na rin sa amin.

Hindi ako mapakali nang maramdaman kong may isang pares ng mata ang nakatingin sa akin.

Tumayo siya at lumapit sa gawi namin.

"Hindi mo man lang sinabi Francine na may mga bisita pala tayo." Napaiwas ako ng tingin nang makita kong titig na titig sa akin si Ream.

What? Bakit ba ganyan siya makatingin?

Nasa iisang lugar lang kami ni Ream, and I hope that everything would be fine.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 479 12
Lahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nanga...
1.4K 218 38
COMPLETEDโœ” "I never forgive, but I always forget." Dalawang taong pinaglaruan ng tadhana ang susubukin ng mundo. Gagawin nila ang lahat para maibalik...
8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN