"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades

2.5K 56 26
By sacchariferousdreams

Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades

Pinulot ko ang sumbrero na nasa aking paanan saka ako naglakad ng mabilis para masundan ko si Kuya Ivan.

Kinabahan ako bigla, hindi nga kaya sya ‘yung lalaking nakita ko ilang beses na nitong mga nakaraang linggo? Imposible. Bakit kailangan ni Kuya Ivan na matyagan kami ni Virgo? Bakit at para sa anong dahilan?

Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko na ba agad kay Kuya Ivan ang bumabagabag sa akin o kung hahayaan ko muna ang mga nangyayari. Aminin kaya ni Kuya Ivan kung sya nga talaga ang stalker na ‘yun? O hindi?

 

“Huy Margarette, ang tagal mo naman maglakad. Nahipan ka na ba ng hangin dyan? Tara na nga!” huminto si Kuya Ivan sa paglalakad at hinintay nya akong makalapit sa kanya. Nang halos konting pulgada na lang ang layo ko mula sa kanya, agad nya akong hinila papalapit sa tabi nya. Inakbayan nya ako sa balikat.

Hawak-hawak ko pa rin ang sumbrero na pinulot ko. Napansin ata iyon ni Kuya Ivan at agad nya itong sinita.

“Ay, bakit hawak mo ‘yan? Akin na.” hindi ako nakapalag, agad nyang nakuha ang sumbrero mula sa kamay ko.

“Nahulog mo ‘yan kanina e. Nagsusumbrero ka pala Kuya Ivan?” patay malisya kong tanong. Kahit na ang totoo hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong kwestunin kung ano ba talaga ang totoo.

“Ngayon lang, bigay sa akin ito ng Kuya ko na nasa Canada kaya sinuot ko. Bagay naman sa akin e.” nilaro-laro nya sa kanyang kamay ang sumbrero habang naglalakad kami.

Ngayon lang daw nya iyon sinuot? Parang hindi naman. Dalawang beses ko na syang nakikita na suot ang sumbrero na iyon. Una dun sa labas ng sundae store ‘nung kumain kami ni Virgo, kitang-kita ko sya nuon. Pangalawa ‘nung sinundo ako ni Virgo sa eskwelahan ‘nung half day lang kami. Pangatlong beses ko na syang makikita sa kompleto nyang get up kung susuotin nya ang sumbrero na iyon ngayon. Masisiguro kong sya nga talaga ang lalaking nagmamasid sa amin kapag nakita ko ang buong hitsura nya.

“Weh? Totoo? Ngayon mo lang sinuot ‘yan? Maniwala?” nagtataka kong tanong.

 

“Oo nga, sus! Anong akala mo sa akin Margarette? Sinungaling? Grabe ka naman, hindi na kita ililibre ng pagkain nyan! Alam kong gutom ka na no!” lumabas na naman ang kaharutan ni Kuya Ivan. Bigla nyang ginulo ang buhok ko. Sige ang tawa nya habang pinaglalaruan ako, nagiging isip bata na naman sya.

Nawala sa isip ko ang tungkol sa pagdududa ko sa kanya dahil sa kakulitan nya. Madaling natakpan ng kakulitan nya ang mga tanong na kanina pa naguunahang lumabas sa bibig ko. At tuluyan na nga akong napipi ng biglang may dumating na isang taong nakapagpigil sa akin na magtanong kay Kuya Ivan.

“Brad!” si Virgo, lumapit sya aming dalawa ni Kuya Ivan.

“Oy Brad!” umapir sa kanya si Kuya Ivan, tinaas nito ang kanyang kamay.

 

“Anong ginawa mo sa girlfriend ko?” akmang inangasan ni Virgo si Kuya Ivan ‘nung tumabi sya sa akin.

“Ang O.A. mo namang boyfriend, nagkukulitan lang kami. ‘Wag mo sabihing nagseselos ka? Pagbabawalan mo na akong dumikit man lang kahit ang dulo ng kuko ko sa kanya?” nakakatawa talaga ang mga banat nitong si Kuya Ivan.

“Sabaw ka talagang kausap Brad. Sige kapag hinarot mo pa ulit si Margarette pagbabawalan na talaga kita, babakuran ko na ‘tong mahal ko.” Pinatong ni Virgo ang braso nya sa balikat ko sabay hatak sa akin papalapit sa kanya. Konting galaw na lang magkayakap na kaming dalawa.

 

“Eh teka, bakit ka pala nandito?” singkit ko sa usapan nilang dalawa ni Kuya Ivan.

“Wala naman, may usapan kasi kami ni Ivan. Di ba Brad?” tumingin si Virgo kay Kuya Ivan, tila naghihintay ito ng pagsang-ayon ng kaibigan.

 

“Ah, oo! May usapan kasi kami ngayon e, chill chill lang.” tinaas ni Kuya Ivan ang dalawa nyang kilay ng mabilis.

Nakumbinsi ako ng dahilan nilang ‘yon. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan ang mga sinabi nila.

 

“Teka, ikaw ba mahal ko? Bakit nandito ka sa mall ngayon? Sinong kasama mo?” inikot ni Virgo ang tingin nya, naghahanap ng taong inaakala nya na kasama ko.

“Sakto! Tatlo na tayong magchill ngayon!” paanyaya ni Kuya Ivan.

Binaling ko ang tingin ko kay Virgo.

“Ako lang magisa, may iniutos lang sa akin si Nanay. Eto oh, pinakuha nya lang sa akin ito.” Pinakita ko sa kanya ang hawak kong paper bag. ‘Yung inorder ng amo ni Nanay.

 

“Akin na, ako na ang magbibitbit nyan. Buti nakapunta ka dito magisa? Di ba hindi ka sanay umalis sa inyo at pumunta sa ganitong lugar ng walang kasama?” tiningnan ako sa mukha ni Virgo. Mukhang nagaalala sya sa akin.

Mataman ko ring tiningnan ang mukha ng boyfriend ko. Ang mga mata nya, nakakaakit ang mga tingin nya sa akin. Dahil sa singkit nitong mga mata hindi ko napigilang suriin lalo ang mukha nya. Mata pa lang kasi nya nakakaengganyo ng pagmasdan ang mukha nya. Bakit ba ngayon ko lang napansin na ang gwapo ng boyfriend ko? Kanina ‘nung papalapit sya hindi ko sya masyadong natitigan. Iba nga talaga siguro sa malapitan, mas lalong lumalabas ang kagwapuhan nya.

“Okay lang naman ako. Saka wala naman akong pagpipilian. Kailangan kong sundin ang utos ni Nanay, wala rin naman kasing ibang gagawa. May lakad ang Kuya Austin ko kanina, si Kuya Dustin naman wala din sa bahay.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“I see.. Sige, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi mamaya para sigurado akong safe kang makakarating sa inyo. Ayokong mapano ang pinakamamahal ko. Halika nga dito, payakap ako.” Hindi pa man ako nakakapagbigay ng reaksyon ko, bigla na lang nya akong hinila papalapit sa kanya. Niyakap nya ako, hindi man mahigpit pero ramdam ko ang buong pagmamahal nya sa akin.

Kahit na may mangilan-ngilang usisero ang nakatingin sa aming dalawa ni Virgo hinayaan ko na lang. Dahil maski ako hindi ko na napigilan ang yakapin rin sya pabalik. Pakiramdam ko tuloy nangulila ako ng ilang araw sa pagmamahal nya.

Sa pagyayakapan namin ni Virgo naramdaman ko na parang naulila ako sa kanya. Nasanay na ang sistema ko na palagi syang nandyan para sa akin, kahit hindi ako masyadong nagpapakita ng pagmamahal sa kanya (dahil hindi ko naman talaga alam kung paano) ay patuloy pa rin sya sa pagpaparamdam sa akin na importante ako para sa kanya. Sinusubukan nyang punan lahat ng atensyon at pagpapahalaga ang bawat oras na magkasama kami. Pinapasaya nya ako sa mga simpleng surpresa nya sa akin. Dahil dun masasabi ko na kahit wala akong alam sa pagsabak sa relasyon, masaya naman ako na nandito ako ngayon. Minamahal si Virgo.

“Salamat mahal ko..” mahina kong ibinulong.

 

“Ang sarap naman nu’n, tinawag mo akong ‘mahal ko’. Sana palagi ko ‘yang naririnig, nakakainspire.” Masaya ang tono ng boses ni Virgo, sumasalamin iyon sa nararamdaman nya ngayon.

 

“Cut! Ano? Hindi pa ba kayo tapos? Para kayong nasa shooting ng isang teen romantic movie e! Nakakabwisit na kayong tingnan, namimiss ko na tuloy magkaroon ng girlfriend! Bahala na nga kayo dyan! Mauuna na akong pumunta sa kakainan natin, dahil dyan ilibre mo ako Virgillio!” parang bata na nagmamaktol si Kuya Ivan paalis. Narinig ko ang pagtawa ni Virgo.

Binitiwan na ako ni Virgo pero binaling naman nya ang kamay nya sa aking kamay. Holding hands na kaming dalawa.

Nagsimula na kaming maglakad para sundan ang makulit na si Kuya Ivan. Habang nauuna sya sa aming dalawa ni Virgo, hindi ko napigilan ang sarili ko na maisip muli ang isang bagay na kanina pa naglalaro sa aking isipan. Ang totoong pagkatao ni Kuya Ivan.

Habang tinitigan ko sya mula ulo hanggang sa paa, kuhang-kuha talaga nya pangangatawan ‘nung lalaking nahuli ko na nakaabang sa aming dalawa ni Virgo. May mga pagkakatulad sila halimbawa na lang sa hubog ng katawan, sa kulay ng balat at sa katangaran nila. Hindi maikakaila na si Kuya Ivan talaga ang lalaking iyon.

“Hey, Margarette okay ka lang ba?” napaurong ako sa aking kinatatayuan ng biglang pumitik sa harapan ko si Virgo.

 

“Ah.. Oo, okay lang ako.” Inalog-alog ko ng konti ang aking ulo. Natulala ako dun ah.

 

“Pasok na tayo sa loob ng fast food, nauna na si Ivan dun oh.” Sabay turo nya sa kaibigan na nakahanap na ng uupuan naming tatlo.

Inalalayan ako ni Virgo sa paglalakad, para tuloy akong may sakit. Kahit na ayoko ng pagakay na ginawa nya, hinayaan ko na lang. Marami rin naman akong nakikitang magboyfriend/girlfriend na halos hindi mapaghiwalay sa tuwing magkasama.

Umupo ako sa upuang hinila ni Virgo para sa akin. Tumango naman ako bilang pasasalamat. Sinabi nya na pipila daw muna sya sa counter para umorder ng kakainin namin. Si Kuya Ivan naman nakaready na sa pila.

Pinagmasdan ko silang dalawa na magkatabi at nagkukulitan. Ang laki ng tawa ni Kuya Ivan na sya namang sinegundahan din ng tawa ni Virgo. Ang saya nilang panoorin, parang kailan lang apat pa silang nagaasaran. Kasama sina Kuya Dustin at Kuya Evo.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang lahat. Unti-unti naging malamig si Kuya Dustin sa mga kaibigan nya, partikular na kay Virgo. Si Kuya Evo naman bigla na lang nawala sa samahan. Nasaan na kaya ang isang ‘yon? Ano na kayang balita sa kanya?

Kahit hindi ako kasali sa member ng Ultimate Force Clan nakita ko naman ang samahan nilang apat bilang magkakaibigan. Sa labas ng mundo ng TLC, solid na magkakaibigan sina Kuya D at ang tatlong lalaking malalapit sa kanya. Dahil sa kakasama sa akin ni Kuya Dustin sa mga lakad nila, duon ko nakita kung gaano nila pinahahalagahan ang samahang nabuo nila. Sa konting panahon na nakilala ko si Virgo, Kuya Evo at Kuya Ivan masasabi ko na gusto kong magkaroon din ng katulad nilang mga kaibigan kung naging lalaki lang ako. Maaaring may mga kaibigan na ako sa katauhan nina Steven, pero iba pa rin ‘yung katulad nitong mga kaibigan ni Kuya D.

Pero saan na nga ba napunta ang pagkakaibigan nila? Bakit ang dating apat ngayon ay nahati na sa dalawa?

Maya-maya pa ay nakabalik na sina Kuya Ivan at Virgo bitbit ang dalawang tray ng inorder nilang pagkain. Panandalian kong nakalimutan ang lahat ng iniisip ko ng marinig kong nagiingay na ang aking tyan. Gutom nga ako kaya kakain muna ako.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ayaw magpaawat ni Kuya Ivan sa pagkwento ng kung anu-anong mga bagay. May kwento sya na gusto daw nyang lumabas minsan para uminom, kinontra naman sya duon ni Virgo at sinabing halos gabi-gabi nga daw kung pumunta sya sa bar. Natatawa na lang ako sa kulitan nila pero hindi na ako nakisali, wala naman ako halos maintindihan sa takbo ng usapan nila dahil hindi ko naman alam kung anong mga tinutukoy nila.

Ilang sandali pa, nalipat ang usapan sa isang kaibigan nilang hindi ko na madalas makita na kasama nila. Ang kanina ko lang naisip na si Kuya Evo. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa sa paguusap nila patungkol sa kaibigan.

“Kamusta na kaya ‘yung si Evo no? Miss ko na ‘yung kumag na ‘yun e!” komento ni Kuya Ivan.

“Ano na bang balita sa kanya?” seryosong tanong ni Virgo.

Sa sinabi ni Virgo halatang wala syang kamalay-malay kung saang lupalop na ng mundo naruon ang kaibigan. Halatang hindi nito alam kung bakit hindi na namin nakikita madalas si Kuya Evo. Sa klase kasi ng tanong ni Virgo, inosente ang dating nya.

 

“Hindi ko alam. Hindi ko na rin sya nakikita madalas na pumapasok sa university e. Naipagtanong ko na rin sya sa mga blockmates nya nu’ng ilang araw na hindi na sya sumasagot sa mga tawag ko o sa text man lang. Nagriring pa rin naman ang number nya, sadyang wala lang syang response.” Nangamba ako sa sinabing mga impormasyon ni Kuya Ivan. Ano na nga kayang nangyayari ngayon kay Kuya Evo?

 

“Kailan mo ba sya huling nakita?” sunod na tanong ni Virgo.

“Last week nakita ko pa sya sa university. Sigurado ako na nakita nya rin ako, pero umiwas sya ng daraanan e. Lumiko sya papunta sa kabilang building. Nagtaka nga ako nun kaya agad ko syang tinawag at tumakbo ako papalapit sa kanya, kaso wala e. Hindi ko sya naabutan. After nuon hindi ko na sya nakita ulit.” Bumaba ang kaninang ganadong boses ni Kuya Ivan. Apektado talaga sya sa nangyayari sa kaibigan.

 

“Pinuntahan mo na ba sa condo nya?”

 

“Hindi pa Brad, pero balak kong puntahan. Siguro mamaya o bukas. Nagaalala na rin kasi ako dun e, kaibigan natin ‘yon. Baka may pinagdadaanan lang sya ngayon na hindi maganda.” Napaangat ako ng aking mukha ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Ivan.

May pinagdadaanan si Kuya Evo? Ano naman kaya iyon?

Hindi kaya nalululong na ‘yun sa masamang bisyo? Hindi kaya laman na sya ng bar at nagpapakalasing? Baka naman nagsusugal na lang sya palagi at naglulustay ng pera? O baka naman nakahanap na sya ng mga bagong kaibigan, pero ang mga kaibigan nyang ‘yon inimpluwensyahan sya at dinala sa masama? Ang mas malala pa nito, paano na lang kung nagaadik na si Kuya Evo? May masama kayang espiritu na sumanib sa katawan nya dahilan para gumamit sya ng pinagbabawal na gamut? Naku po! Masisira ang maganda nyang kinabukasan kung ginagawa na nya ang kahit isa man lang sa naisip ko!

 

“Huy Margarette? Hitsura mo dyan.” Umamba si Kuya Ivan na hahampasin nya ako ng hawak nyang kutsara. Kanina pa pala ako nakatingin sa kawalan habang kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan. Pero sana talaga hindi mapariwara ang buhay ni Kuya Evo.

“Wala Kuya Ivan.” umiling ako saka tumingin sa pagkain ko.

“Are you okay mahal ko?” hinimas ako ni Virgo sa likuran, magkatabi kasi kaming dalawa ng upuan.

“Ah, oo. Okay lang ako.” Nagpakita ako ng isang ngiti. Hindi man iyon ganun kalaki pero sapat na ang ngiti na ‘yon para makumbinsi si Virgo na okay nga lang ako.

Pinagpatuloy namin ang pagkain. Humigit kumulang na sampung minuto pa, natapos na kami. Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng fast food, nagaya ng umuwi si Kuya Ivan. Pumayag naman si Virgo sa suhestyon ng kaibigan, para din daw maihatid nya na ako at hindi na ako gabihin pa.

Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng maalala ni Kuya Ivan na may kailangan syang bilhin para sa condo nya, nakaligtaan nya raw dahil sa pagkwekwentuhan namin kanina. Minabuti na lang namin na hintayin syang bumalik, wala kasi itong dalang sariling sasakyan. Sabi naman nya saglit lang daw sya.

Lagpas sampung minuto na pero hindi pa rin nakakabalik si Kuya Ivan. Pinasakay na ako sa sasakyan ni Virgo at sinabi nyang sa tapat na lang na coffee shop ng mall namin hihintayin si Kuya Ivan. Tinext nya agad ang makulit nyang kaibigan ng makarating kami sa coffee shop na sinasabi nya.

Sampung minuto na naman ang lumipas pero wala pa rin ni anino ni Kuya Ivan ang nakikita namin. Naisipan ko munang lumabas ng sasakyan, hindi ko gusto ang amoy sa loob ng sasakyan ngayon ni Virgo. Masakit sa ilong kapag nagtatagal, hindi ko alam kung bakit. Hinayaan ko lang si Virgo na maiwan sa loob ng sasakyan nya, nagsosoundtrip syang magisa duon habang naglalaro ng kung ano sa iphone nya.

Sumandal ako sa may pintuan ng sasakyan ni Virgo. Inikot ko ang aking paningin, umaasa na makikita ko agad si Kuya Ivan kung sakaling paparating na sya. Kaso iba ang nahagip ng mata ko, hindi si Kuya Ivan pero ang lalaking hula ko ay si Kuya Ivan.

Sigurado ako na sya ‘yung lalaking ‘yon. Ang lalaking dalawang beses ko nang nakita, pangatlo na sa pagkakataong ito. Nasa kabilang kalsada sya.

Kunwari hindi ko sya nakikita na nakatayo sa likuran ng isang kotse at masuring nakatingin sa direksyon ko. Hindi ako kumilos ng kahina-hinala, bagkos ay pinagpatuloy ko lang ang pamamasid din sa kanya. Kailangan kong mahuli ang lalaking ito. At ang lalaking ito ay si Kuya Ivan.

Pero napaisip ako, bakit kailangan pang magmasid ni Kuya Ivan kung kasama naman nya kaming dalawa ni Virgo kanina pa? Ano pang mapapala nya kung mula sa malayuan ay panonoorin nya kami kung kaya naman nya iyong gawin na kasama kami sa malapitan?

Du’n ko napagtanto, hindi si Kuya Ivan ang lalaking nagmamatyag sa amin ni Virgo. Pero sino sya?

Sumbrero, jacket at shades.

Sa porma nya ngayon na katulad ng dati, hindi ko pa rin mahuli kung sino sya. Lalo na ang layo pa ng distansya naming dalawa, mabuti sana kung isang metro lang ang layo nya mula sa akin. Malalaman ko kaagad kung sino sya kahit na may natatakpang ibang parte ng mukha nya.

Sinubukan kong pasingkitin ang mga mata ko para masipat ko ng mabuti ang lalaking nakatayo sa malayo. Pero kahit anong gawin kong paghuli sa mukha nya, bigo pa rin akong malaman kung sino sya. Napakamisteryoso nyang tao.

“Mahal, sinong tinitingnan mo dyan?” napatalon ako sa pagkagulat ng marinig ko ang boses ni Virgo. Nakatayo sya sa likuran ko.

“Ah, wala. Akala ko kasi si Kuya Ivan na ‘yung nakita ko, hindi pala.” Napakamot ako sa aking ulo.

“Sigurado ka?” nakikitingin na rin sa paligid si Virgo.

Nang balikan ko ng tingin ang lalaking nakatayo sa likuran ng sasakyan sa kabilang kalsada wala na ito duon. Nakaalis na naman sya ng hindi ko pa nalalaman kung sino sya.

 

“Oh tara na Margarette, kalalabas lang ng mall ni Ivan. Patawid na sya ng kalsada. Halika na, sumakay ka na.” binuksan ni Virgo ang pintuan ang sasakyan nya para pumasok na ako.

Pinagmasdan ko si Kuya Ivan. Magkaiba sila ng kulay ng jacket nu’ng lalaking nakita ko kanina. Hindi rin nakasuot ng sombrero nya si Kuya Ivan at magkaiba rin ang shades nilang dalawa. Ibig sabihin hindi talaga si Kuya Ivan ang lalaking iyon. Iba sya, iba ang nagmamasid sa amin ni Virgo.

“Sorry ang tagal ko!” humihingal na sabi ni Kuya Ivan ng makalapit sya sa amin.

“Oo na, sige na. Tara na, ihahatid ko pa pauwi si Margarette.” Sumakay na ka kaming lahat sa sasakyan at umalis na kami.

Sa buong byahe nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ang lalaking palagi na lang nakatingin sa amin ni Virgo mula sa malayo. Wala naman akong kilala na maaaring gumawa nuon sa akin. Ewan ko na lang si Virgo. Sino naman kaya ang taong magmamasid sa amin dahil sa boyfriend ko? Hindi kaya may nakaalitan si Virgo at masamang tao pala ang lalaking iyon? Patay na.

Hindi ko namalayan na nasa may kanto na pala kami papunta sa bahay namin dahil sa kakaisip ko tungkol sa lalaking misteryoso. Si Kuya Ivan ang nag-alok na samahan ako pauwi sa bahay dahil may gusto daw syang sabihin kay Kuya Dustin. Hindi naman na sumama si Virgo dahil magpapalagay daw muna sya ng gas ng sasakyan nya saka na lang nya babalikan si Kuya Ivan. Hinalikan naman nya ako sa noo bago kami maghiwalay.

Tulala pa rin ako na nagiisip ng bigla akong akbayan ni Kuya Ivan habang naglalakad kami. Ang bigat ng braso nya, sa totoo lang.

 

“Margarette, alam ko kung anong iniisip mo.” Bulong nya sa akin.

Naintriga ako. Alam nya kung anong iniisip ko?

“Ha? Anong ibig mong sabihin Kuya Ivan?” kinabahan ako bigla. Paano nya nalaman kung anong tumatakbo sa isipan ko?

“Gusto mo ba syang makilala?” kahit madilim sa daanan papunta sa eskinita namin sinubukan ko pa ring tingnan sa mga mata si Kuya Ivan. Parang may laser ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Ano ba—” hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng putulin nya ako.

“’Yung lalaking nakasumbrero, nakasuot ng jacket at may takip sa mga mata na shades. Gusto mong malaman kung sino sya hindi ba?” nanlamig ako sa sinabi ni Kuya Ivan. Saan nya nakuha ang mga nalalaman nya tungkol sa iniisip ko? Kilala nya ‘yung lalaking iyon?

“Sino sya Kuya Ivan?” deresto kong tanong.

“Bukas, sumama ka sa akin. Ipapakilala ko sa’yo kung sino ang lalaking iyon.” Napalunok ako ng aking laway. Kilala nga sya ni Kuya Ivan.

Pero ang tanong ngayon, paano sya nakilala ni Kuya Ivan? At sino nga ba ang lalaking ‘yon na nagtatago sa likod ng sumbrero, jacket at shades?

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...