I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.4K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. πŸ–‡:: COMPLETED πŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
✎ facts
✎ note

Chapter 3

2.6K 141 10
By HartleyRoses

Nakauwi na ako sa aking apartment at hindi pa rin ako makapaniwala na yung babaeng nakausap ko kanina na si Francine ay kambal pala ni Ream.

Malas ba ako? Bakit sa lahat ng makakausap at matatanungan ko ay yung kambal pa ni Ream? Masyadong nakakahiya, nasabi ko pa sa kanya na may gusto ako kay Ream kahit na wala naman talaga.

Napabuntong hininga na naman ulit ako, pero ayos lang sa akin na nakilala ko si Francine, mabait, medyo madaldal nga lang at masaya ako na naging kaibigan ko ito.

Napatakip ako sa aking bibig nang may maalala ako. Baka sabihin ni Francine sa kambal niya na may gusto ako kay Ream!

"Hala!" Ilang segundo pa akong nakanganga pero napailing ako nang mayroon na namang maalala.

"Bakit gulat na gulat ako? Wala naman talaga akong gusto kay Ream at isa pa ito yung plano ko diba? Yung mahulog sa akin si Ream?" pagkausap ko sa sarili ko na tinanguan ko pa.

Ginulo ko yung buhok ko sa kakaisip ko. "Mababaliw na ata ako."

Anong oras na akong nakatulog kaya pag gising ko sa umaga ay sobrang late na ako sa pagpasok.

"Late na ako!" sigaw ko na nakatingin sa alarm clock ko na hindi ko narinig yung pagtunog, dahil sa kakaisip ko kagabi ay hindi ko na pala 'yon na i-set.

"Bwiset naman oh!" Dali-dali kong inayos ang aking mga gamit at pumunta na sa CR para makaligo at makalinis ng sarili.

Mabilis lang ako sa CR at gumawa na lang ako ng sandwich para habang nasa tricycle ako ay makakain ako at magkalaman pa rin ang sikmura ko.

"Para po!" sigaw ko sa tricycle na tumapat sa akin. Sinabi ko yung school ko sa manong driver.

"Dito na lang po manong, bayad po!" Agad na akong bumaba sa tricycle at patakbo kong pinunta yung school ko pati na rin yung classroom ko.

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko sila Ream, Nick at Steel na naglalakad.

"Mamaya mo na sila problemahin Trixy! Male-late ka na sa klase mo!" sabi ko sa sarili ko at tumakbo muli.

Mabuti na lamang at hindi ako nalate sa first subject ko kaya napahinga ako ng maluwag.

Hindi ako nakapag concentrate sa tinuro ng mga teacher ko dahil naiisip ko na nandito na yung tatlo, na once in a blue moon ko lang nakita.

Natapos na sa pagtuturo yung teacher namin. "Okay class dismiss." Sabi ng teacher namin at dali-dali na akong tumayo.

Nandito yung tatlo, kailangan ko silang makita dahil minsan lang 'to. Baka bukas at sa susunod na araw ay wala na naman sila.

Pumunta muna ako sa cafeteria para kumain, hindi ako nakapag almusal ng maayos kaya nagugutom na ako ngayon.

"You pathetic!" Napatingin ako sumigaw na 'yon.

May nakita ako grupo ng mga babae na nakatayo at yung isa namang babae ay nasa sahig, siguro tinulak siya kaya napunta siya sa sahig.

Tinignan ko yung babae na nasa sahig na binubully ata, may malaki siyang salamin sa mata at yung uniform niya ay hindi na maganda tignan, hindi naman sa pang iinsulto pero ganoon kasi talaga yung nakikita ko, sobrang laki ng mga gusot na uniform niya, para na siyang manang sa suot niya, isama mo pa na ang gulo ng buhok niya, nakabrace din ata siya.

"Ano? Ang pangit mo kasi, nakakairita 'yang mukha mo!" sigaw pa ng isa sa tatlo na nambu-bully sa kanya, at yung mga taong nandito sa cafeteria ay nakikinood lang at walang ginagawa.

Tatayo pa lang sana ako para tumulong pero nagulat ako nang biglang nilapitan ni Francine yung babae na nasa sahig at tinulungan itong makatayo.

Yung tatlong babae naman na nambully halos magtaka sa ikinilos ni Francine.

"Francine! Why are you helping that pathetic girl." Halos mamutla ang babaeng nagsabi noon ng tumingin sa kanya si Francine ng masama.

"You! At lahat kayo! From now on, wala ng mambubully kay Celestine. Get that? Dahil kapag nangyari 'yon ako yung makakalaban niyo." Natakot yung ibang tao sa sinabi ni Francine, at yung tatlo naman na nambully ay halos mamutla na.

"Kayong tatlo! Kapag nalaman ko lang na may ginawa na naman kayo kay Celestine na masama, alam niyo na mangyayari sa inyo," banta ni Francine, at yung tatlo naman ay tumakbo sa kung saan.

Tumingin sa gawi ko si Francine at kumaway sa 'kin na nakangiti, ibang- iba sa nakakatakot niyang aura kanina.

Lumapit siya kasama yung binully kanina na Celestine yung pangalan.

"Hi, Trixy." Umupo silang dalawa sa table na inuupuan ko, nasa tapat ko lang sila.

"Hello," maikling sagot ko sa kanya.

"Trixy, siya nga pala yung sinasabi kong bago ko ring kaibigan na transferee. Trixy, siya si Celestine Austria. Celestine siya naman si Trixy Buenavista." Nag ngitian at nag shake hands kami nang Celestine.

"Nice to meet you," nakangiti kong sabi.

"Yeah, nice to meet you too," sabi naman niya na parang medyo nahihiya, at inayos yung malaki niyang salamin.

"Trixy and Celestine, magkaibigan na rin kayo ah? Kasi kaibigan ko na kayong dalawa." Nagtinginan kami ni Celestine at parang nag-usap yung mga mata namin, at sabay kaming bumungisngis. Parehas kami ng naisip na sobrang daldal ni Francine.

"Hoy! Kayong weird na dalawa kayo, bakit niyo ko tinatawanan?" nakangusong sabi ni Francine.

Sabay kaming umiling ni Celestine, "wala naman," at nakisabay na rin si Francine sa tawanan namin.

Nag usap kaming tatlo, hindi pala... si Francine at Celestine ang madalas magsalita at kapag tinatanong nila ako ay doon lang ako magsasalita para sagutin yung mga tanong nila.

Napahinto ako sa pagkain ko nang makita ko si Ream na mag isang naglalakad sa labas ng cafeteria. Kailangan ko siyang makausap.

Dali-dali akong tumayo. "Ahm, Francine and Celestine wait lang, may pupuntahan lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nila sa akin.

Tumakbo ako papalapit kay Ream. "Ream!" Lumingon siya sa akin nang tinawag ko ang pangalan niya.

"Pwede ba kitang makausap?" Ano naman yung sasabihin ko sa kanya?

Cold na tumingin siya sa akin. "What? At ano naman ang sasabihin mo? Na may gusto ka sa akin, sorry pero hindi mangyayari yung gusto mo."

Napanganga ako sa sinabi niya, parehas sila ni Francine na direct to the point kung magsalita.

"Ream, she is Trixy my friend. Respect her." Sabay kaming napatingin ni Ream kay Francine na nagsalita, sinundan niya pala ako. Siguro ay naiwan sa cafeteria si Celestine.

Nandito na rin yung dalawa na si Nick at Steel, na lumabas na lang sa kung saan. Bakit nandito na lahat sila? 

Tumingin naman ulit sa akin si Ream. "Ah, I get it. So pati si Francine ginamit at kinaibigan mo para makalapit sa akin. Are you that desperate?" Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi niya.

"Ream! She's not des—" hindi natuloy ni Francine yung sasabihin niya, at nagulat silang lahat nang malakas na sinampal ko si Ream.

"What the fck?! You!" Duro sa akin ni Ream.

"What?! Practicing to be a Scientist?" Huli na ng mapagtanto ko yung sinabi ko.

Ano ba 'yan! Bakit 'yon ang sinabi ko? Sobrang layo!

Lahat sila napahinto at gulat na nakatingin sa akin sina Francine, Steel, Nick at higit sa lahat si Ream.

"P-Paano mo nalaman?" takang tanong ni Francine. So confirm.

"At huwag mo rin akong sasabihin na desperada sayo, dahil baka isang araw mahulog ka na lang sa akin at aasahan mong walang sasalo sayo." Kahit nakakahiya yung sinabi ko ay sinabi ko pa rin, para mawala yung isip nila sa una kong sinabi.

Ang tanga-tanga ko talaga, nasira ko na kaagad yung plano ko. Nabigyan ko na sila ng clue kung bakit ako lumalapit sa kanila, at may hula na rin ata si Francine kung ano yung kailangan ko kay Ream.

"Tss." Umalis si Ream na sinundan ng dalawang lalaki.

"Trixy, ahm—" Tinanguan ko siya nang tumingin si Francine sa gawi nila Ream. Sumunod siya sa tatlong lalaki na papalayong naglalakad.

Simula nang sinabi ko yung word na 'scientist' sa kanila, ay araw-araw ng pumapasok yung tatlo at alam kong 'yon ang kanilang dahilan. At yung tahimik kong buhay ay ginulo ng tatlo dahil sa katangahang mga sinabi ko.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

54K 1.9K 45
Haylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event fr...
88.8K 618 13
(Valor Series #1) SYNOPSIS: Despite her fame for her explicit toughness in being a soldier of the Philippine Airforce and Valedictorian of Philippin...
2.3K 155 24
Nang isilang kagandahan ng mundo ay nasilayan. Kumpletong pamilya nakasama sa kamalayan.Ngunit hindi inaasahang kalupitan sa batang edad ay mararanas...
1K 225 15
(COMPLETED) Have you ever experienced being shot by a chalk? With the Board Eraser? Belinda (Bebang) Venice Fernandez is an Elementary Bully. Everyo...