Book1:Courting my Future Husb...

crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! Еще

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 to 22: ^___^
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 1: Surprised
Chapter 28 part 2
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 46: Kiss
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 49: Why return?
Chapter 50: See me after class
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 40: Tinuruan ako ni...

53.9K 926 71
crunchh

(Mika's P.O.V.)

"Miss Mendoza!" Bumalik ako sa katinuan nang marinig kong tinatawag ako ni Ma'am. Napatayo pa ako sa sobrang gulat.

"Yes, ma'am?"

"You are not paying attention! Come here in front and solve this problem," sabay ayos ng kanyang salamin.

Kainis talaga. Napatapat pa sa 'kin iyong mahirap na equation. I hate Math. I hate Trigonometry. Nagawa ko naman itong sagutan pero medyo nagtagal ako. Pilit kong inaalala ang itinuro sa akin ni Tristan noong may free time kaming dalawa.

Nang matapos na ako, bumalik ako sa upuan ko at sumubsob. Narinig ko na lang na almost correct na sana kaso may mali sa bandang huli ng solution. Blah, blah, blah. Hindi ko na pinakinggan pa 'yung ibang sinabi niya. Nakikinig naman ako sa ibang subject pero kapag Math na, mahirap talagang pumasok sa precious mind ko. Nag-ring na ang bell kaya kinuha ko agad ang aking bag.

"Una na ako, Nix ha? Alam mo na, nagmamadali ako."

"Sige, ingat na lang."

Kasama naman niya mamaya si Arden at ihahatid siya sa bahay nila. Hindi na naman kasi siya sa baranggay naming nakatira, 'di ba? Bumalik na siya sa totoong bahay nila. Ayaw rin naman ni Arden na doon si Nix kasi mukhang natatakot siya sa kalagayan nito doon.

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Nathan pagkalabas ko ng classroom kaya napabuntong hininga ako. Nakatingin kami sa isa't isa pero ako ang unang nag-iwas ng tingin at saka siya nilampasan.

"Tatlong araw na pero iniiwasan mo pa rin ako. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?" Hinawakan ni Nathan ang braso ko.

Diretso ko siyang tiningnan siya sa kanyang mga mata. Matagal din kaming nagkatitigan. Parehong magkasalubong ang mga kilay namin. Parehong nagkakapaan.

"Pagod ako Nathan, gusto ko nang umuwi," sabi ko.

"Ihahatid na kita."

"Ayoko."

"F*ck! Ano bang nangayayari sa 'yo ha?!" sigaw niya. Pilit akong kumakawala pero talagang madiin ang pagkakahawak niya sa 'kin. "Halika!"

Hinila niya ako pababa at mabilis na naglakad. Pababa ang hagdan kaya parang mahuhulog ako sa ginagawa niya.

"Aish!" sabi niya saka ako binuhat. Agad siyang nakababa at dumiretso sa garden. Kapag ganitong uwian, wala ng tao sa garden. Kung meron man, kaunti lang. Pero ngayon, kahit isang estudyante na dumadaan ay wala.

"Ano bang problema mo ha?!" sigaw niya.

"Wala akong problema."

"Anong wala? Walang problema nang lagay na 'yan?"

"Wala kang pake!"

"Wala akong pake?! Para saan pa na naging boyfriend ako ha?!"

"Ows talaga?! Nagpaka-boyfriend ka nga ba talaga sa akin? Ako lang naman ang laging nandyan para sa 'yo. Kapag nagtatampo ka, sinusuyo kita. Pero kapag nagtatampo ako, galit ka. Ano ba ha? Wala akong karapatang magtampo o magalit sa 'yo?! Tao lang ako. Tao lang ako, Nathan!"

"..."

"O, ano? Umimik ka!"

"..."

"Imik sabi! Tapos ngayon tatahimik ka!"

Nang hindi na siya umimik ay tinalikuran ko siya kaso bigla na lang siyang nagsalita at humingi ng tawad sa akin.

"Sorry." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na bigla siyang magso-sorry sa akin. "Mika, if this is about the text message. Wala lang iyon so please ignore it. Huwag ka nang magalit. Sorry kung ganun ako umakto sa 'yo noon pero wala lang naman 'yun eh. Huwag ka nang magalit." Nakayuko lang siya. Hahawakan sana niya ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaang gawin 'yun.

Sinungaling. Hindi lang wala ang bagay na iyon. Narinig ko ang lahat.

"Liar," sabi ko sa kanya. Gusto ko siyang suntukin. Naiinis ako, at the same time ay nagagalit ako. Nangilid na ang luha sa mga mata ko.

"Mika?" Naguguluhan siya.

"Nathan, ano ba? Huwag kang umakto nang wala lang. Alam kong alam mo kung ano ang problema."

Niyakap niya ako. Gusto kong kumawala sa yakap niya pero parang naghihina ako. Nauubos na ang lakas ko dahil sa pag-iyak ko ngayon.

Iyak na iyak...

"Nathan..."

"Kung ganun, alam mo?"

"Alam ko. Narinig ko ang lahat."

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Then you also know, I can't let you go," sabi niya sabay hagod sa likod ko.

Wala pa namang nangyayari. Masaya naman kami. Kami pa rin naman. Kasama ko pa rin naman ang supladong ito. Moody siya. Lagi siyang sumisigaw. Pero mahal ko siya. At ang pag-iisip na magkakahiwalay kami... Masakit. Sobrang sakit.

***

Hindi na muna ako papasok sa restaurant. Hindi ko na yata kaya pang magtrabaho sa ganitong kalagayan. Madami na akong mga baso at pinggan na nabasag doon dahil sa sobrang pag-iisip sa problema ko.

"Here." Inabot sa 'kin ni Nathan ang isang basong tubig. Uminom naman ako. Nandito kami ngayon sa third floor ng J.S. building. Nangalahati na iyong tubig pero hanggang ngayon ay hawak ko pa rin 'yung baso.

Kinuha niya 'yung baso sa kamay ko at siya na mismo ang naglagay sa center table saka niya hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Huwag ka ngang sumimangot dyan."

"Paanong ako hindi sismangot?"

"I told you, I'm not leaving."

Hindi kasi ganun kadali iyon eh. Matapos kong marinig ang lahat, parang nahati ang puso ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang tama.

=Flashback=

"Nathan," sabi ng babae.

Ilang segundo rin silang natahimik nang biglang tumawa ang babae. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko. Nakatago at tahimik na nakikinig sa mga maaari nilang pag-usapan.

Nakakaloko iyong tawa niya. Parang baliw na parang bata. Hindi halata sa itsura niya na ganun siya. "Sumama ka na kasi. You'll miss this big opportunity. C'mon, Nathan!"

"Nasabi ko na sa 'yo. Huwag mo na akong kausapin tungkol sa bagay na iyan. I'm not going."

"Ano ba? Sayang talaga oh!"

"Para ka talagang bata. Aish! Pwede bang huwag mo akong hawakan, nakakadiri ka!"

"Alam mo, iyan ang gusto ko sa lalaki, iyong mga katulad mong hard to get."

"Stop it or else, I'll kill you," pagbabanta ni Nathan. Papatay talaga? Pero kahit papaano, okay na ako, wala naman pa lang namamagitan sa kanilang dalawa. Akala ko kasi may babae na si Moo. No way! Baka ako ang makapatay kung ganoon! Ano ba naman ito, nahahawa na ako kay Nathan.

Magbabakasyon ba si Nathan?

"But Nathan, noong una, mukhang gusto mo naman, 'di ba? Why a sudden change of mind? I mean, halata sa mukha mo na interesado ka kahit wala ka pang nasasabi."

"Naisip ko na nakakatamad iyon." Hindi ako makasabay sa pinag-uusapan nila.

"Hindi mo ako maloloko, Nathan. You like singing. Alam kong gusto mo na ito noon pa lang. I am not forcing you naman. But, I can feel you really want to come with us."

"I am the future CEO of J.S Company. Hindi ako papayagan ng mga magulang ko na pumasok sa ganyang industriya."

"Hah! Knowing you. You... of all people? Please, hahahahaha!" Tumawa na naman siya nang tumawa. Feeling ko ay maluluha na siya sa katatawa. Gusto ko talagang sumilip pero natatakot akong mahuli nila at hindi ko na marinig ang iba pa nilang pag-uusapan. "Nagpapatawa ka talaga, Nathan. Ikaw? Sa ugali mong iyan, hindi ka susunod sa mga magulang mo. Dakila kang pasaway. So who is she?"

"What're you talking about?"

"Alam kong love life ang reason kung bakit hindi mo magawang sumama sa amin sa Canada. Haaaay, ano ba yan? Sisirain ng babaeng iyon ang career na naghihintay sa 'yo."

So ito ba iyon? Madaming tanong ang agad na pumasok sa isip ko. Kung aalis ba si Nathan, paano ang pag-aaral niya at kung paano na ako kapag wala siya sa tabi ko.

"Mind your own business, Andrea." Narinig ko ang ingay ng upuan kaya sumilip na ako nang dahan-dahan. Hawak ng babaeng nagngangalang Andrea ang braso ni Nathan. "Bibigyan pa kita ng time para mag-isip, Nathan. Nakahanda na ang papers and passport mo. Ikaw na lang ang bahala kung dadating ka. Maghihintay kami sa airport sa November 10."

November 10 ang final round ng Battle of the Bands. Bigla tuloy akong kinabahan. Nang akmang aalis na si Nathan ay wala na akong nagawa kundi umupo na lang at nagtaklob ng mukha habang nakayap sa tuhod ko. Hindi ako napansin ni Nathan dahil mabilis ang paglabas niya sa kwartong iyon. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo hanggang sa huminto siya sa harap ng dingding at sinuntok iyon.

Nakita ko ang paghihirap niya sa paggawa ng desisiyon. Napahawak ako sa aking bibig kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Alam ko na ngayon ang gusto niya. Gusto niyang umalis para matupad ang pangarap niya pero hindi niya magawa dahil natatakot siyang iwan ako.

=End of flashback=

Hinawakan ko ang mukha niya. Tinitigan ko siya. Alam kong nangingilid na naman ang mga luha sa aking mga mata.

"Mika."

Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha pero tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya. Hinawakan niya rin ang kamay ko na nakahawak sa kanyang magandang mukha.

"I love you. Sobra kitang mahal, pero hindi ko kaya na makita kang malungkot dahil hindi mo natupad ang pangarap mo."

"Masaya naman ako sa 'yo. Kahit wala na nun, kahit hindi na ako sumama. Hindi ko rin kayang makitang malungkot ka kapag nawala ako. Ikaw pa, eh patay na patay ka sa akin." Hinampas ko siya sa balikat. Nagawa pa niyang magbiro ngayon. "Ouch!"

"Yabang mo talaga."

"Huwag ka nang mag-emote dyan. Hindi ako aalis," nakangiting sabi niya. Alam ko na kahit nakangiti siya ay malungkot siya kaya hindi ko magawang ngumiti. Ayokong maging selfish sa kanya. Gusto kong matupad niya ang kanyang mga pangarap.

"Moo. Mahal kita kaya susuportahan kita sa gusto mo."

"I said I'm not going."

"Pwede ba, Nathan? Makinig ka nga sa akin. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit hindi mo matutupad ang pangarap mo!"

"November 10 ang alis ko. I know it's not okay. Araw 'yun ng Battle of the Bands."

"Alam ko..." Bumuntong hininga ako. "Wala naman akong magagawa. Basta tuparin mo na lang ang gusto mo sa buhay. Babalik ka naman, 'di ba? Maghihintay ako. Hihintayin ko ang pagbabalik mo."

"Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Pero sana, hintayin mo ako."

"I will Moo..." And then we kissed.

"Bakit mo ako pinapaalis tapos hindi mo ako pinapansin ng tatlong araw ha?"

"Eh kasi naiinis ako. Ayokong umalis ka pero ayokong malungkot ka. Haay nako! Hello, pangarap mo kaya 'yun!"

"Edi hindi na ako aalis."

"Ano ba, Nathan! Ang kulit moooooooooooo! Nakapagdrama na nga tayo kanina. Aalis na nga ikaw, 'di ba? 'Di ba?! Basta hihintayin kita."

"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako? May lalaki ka ba dito? Gusto mong manlalaki kapag nawala na ako, 'no? Papabantayan kita kina Tristan at Arden! Kaya malalaman ko kung may lalaki ka!"

"Edi pabantayan mo, good luck kung may makita ka! Asa ka pa naman na may lalaki ako! Baka ikaw! Madaming magagandang babae dun! Ipagpapalit mo na ako sa mga sexy chikas doon!"

"Ako?!" Itinuro pa niya ang sarili niya. "Ipinanganak akong loyal, Mika. At feeling ko nga, ipinanganak ako para sa 'yo."

Leche ka, Jonathan Smith! Hindi ako sanay na ganyan ka kung bumanat. Gusto ba nitong mamatay ako nang maaga dahil hindi ako makahinga sa sobrang kilig?

"And there, ang bilis mong mamula," dagdag niya.

"Panira ka talaga ng mood!"

"Teka, kung sina Arden at Tristan ang magbabantay sa 'yo, siguraduhin mong hindi ka mai-in love sa isa sa kanila ah. Lagot kayo sa akin."

"Asa pa naman na mangyari iyon. Never!" Nagulat ako nang niyakap niya ako.

"Mas gusto ko pang mamatay kesa makuha ka ng iba. Huwag kang magkakagusto sa isa sa kanilang dalawa ha? O kaya sa kahit na sinong lalaki. Ako lang dapat." Niyakap ko rin siya.

"Ano ka ba? Hindi mangyayari 'yun. Si Arden, may Nicole na. Si Tristan naman may pinopormahang iba. At hindi rin ako magkakagusto sa iba. Ikaw lang, Moo."

Humiwalay siya ng yakap.

"May pinopormahan si Tristan?"

"Oo. Sinabi niyang may gusto raw siyang babae."

Nagkulitan lang kami maghapon tapos pumunta kami sa music room. Nandoon pala sina Arden, Nicole at Tristan. Tuwang-tuwa si Nicole sa pagda-drums ni Arden. Si Tristan naman ay naggigitara lang. Tinuruan na rin ako ni Nathan na mag-gitara pero nagulat siya nang medyo marunong na ako.

"Paano ka natuto?" nagtatakang tanong niya. Mukha siyang disappointed.

"Tinuruan ako ni Tristan."

"Ahhh." Para siyang napanganga. "A-akala ko, ako ang unang makakapagturo sa 'yo nito."

"Busy ka nung mga panahong iyon kaya si Tristan na lang ang sinabihan ko. 'Di ba, Tristan?" Tumingin ako kay Tristan na mukhang hindi mapakali.

"Ah... oo."

"Saan kayo nag-aral? Nahirapan ka ba nung una?" seryosong tanong niya. Wengkz! Para namang nag-iimbistiga si Nathan ko. Haha!

"Mahirap noong una. Nag-practice kami dito sa music room at—" naputol 'yung sasabihin ko nang sumabat si Tristan.

"Dito lang sa music room."

"Ahhh, ganun ba? Pero buti naman at marunong ka na. Basta practice ka pa ha?" sabi ni Nathan sa akin.

"Yup! Ako pa!"

Bakit kaya hindi sinabi ni Tristan na nag-practice rin kami sa bahay niya? Hmm.. Baka dahil alam niyang seloso si Nathan? Siguro ganoon nga.

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Playboy's Contract Diem

Подростковая литература

643K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.
He Doesn't Share Jamille Fumah

Художественная проза

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
A Step Closer #Wattys2020Winner Elle Calestina

Художественная проза

476K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
229K 5K 34
KLANE EVANS CRAIG is known for powerful and strongest person in the underground world- where illegal things happen. He become the mafia Lord when he'...