Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

626K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 49 : longing

6.6K 181 5
By _AyEnNe_


Mahirap magpatawad kung hindi mo pa nararamdaman ang kagustuhang magpatawad, pero mas mahirap magpatawad sa taong hindi naman humihingi ng kapatawaran.

_______________

Louise (POV)

Ano kayang pinagkakaabalahan ng isang iyon at pasulpot-sulpot lang kung pumunta dito?

Tanong ng isang panig ko ng muling maalala ang katipan.

Hindi ko kasi mapigilang hindi mag-isip nitong mga nakaraang araw sa hindi nya pamamalagi ng matagal dito.

Oo nga at araw-araw naman syang pumupunta at tumatawag pero parang nakukulangan ako sa presensya nyang iyon.

Sus, ang sabihin mo nagpapaka-clingy ka na naman duon sa tao.
Aba! Malamang nagta-trabaho iyon kaya nahahati ang oras nya sayo hano.

Kastigo ng isang bahagi ko.

"Louise, okay ka lang ba diyan? do you need some help? " narinig kong tanong ng aking kaibigan sa kabilang pintuan na syang pumukaw sa akin.

"ayos lang ako, Amay" kagyat kong sagot dito.

We just finished our lunch when I felt a sudden urge na magbawas ng likido kaya heto at tumungo ako sa banyo.

"you sure?" ulit na tanong ng kausap ko.

"yes, i am sure" malumanay kong tugon dito emphasizing the last words habang naiiling.

Pareho sila ni Gabby, mawala lang ako saglit sa paningin nila ay akala mong may mangyayari ng hindi maganda. Kung magsi-asta at mag-asikaso ay para akong bata na sa bawat kibot ay nakaalalay ng nakaalalay, eh hindi naman ganuon kalala ang nangyare sa akin.

"kanina ka pa kasi diyaan, baka kako kung napano ka na?" muling usal ng kaibigan.

Hindi ako kumibo pero nagmadali na akong kumilos habang naiiling at natatawa sa inaakto nito.

"umihi lang ako at naghilamos" sabi ko ng maabutan ko itong nakatanghod sa labas ng pintuan matapos kong lumabas. "ang OA mo" biro ko dito matapos kong irapan ng nakangiti bago tumalikod patungo sa kama.

"aba! gusto mo bang awayin ako ni Gabby?" singhal nito habang nakasunod sa akin.

Nakasimangot na ito ng harapin ko. "ewan ko sa inyo, masyado kayong OA magbantay... Kulang na lang pati paghinga ko ay akuin nyo na rin eh" reklamo ko dito ng nakangiti.

"blame your girlfriend at iyon ang praning." daing nito at kapagdaka'y tumalikod papunta sa sofa na nanduon "jusko! saan ka ba naman kasi nakakita? wala pang kinse minutos na nakakaalis ay halos pasabugin nya na ang telepono ko sa kung ano-anong bilin sayo "patuloy nito habang pinapag-pag ang throw pillow na nanduon.

Nang matapos sa ginagawa ay pabalya itong naupo at isinandal ng maigi ang sarili.

Naiiling akong tumungo dito at tumabi.

Nang mapansin ang kinilos ko ay humalukipkip ito at tumitig sa akin ng nakakiling ang ulo.

"seriously Louise, anong pinakain mo duon sa isang iyon at ganuon kabaliw sa iyo? "kuryus na tanong nito na sinabayan ng nakakalokong pagngiti na ikinanganga ko.

Nagbuga ako ng hangin at nangingiting sumagot dito "hoy, I didn't do anything noh!"

"parang palaging aagawan ng aagawan eh,, impulsive na abnoy"

"Amay!" sawata ko "your being harsh to her ah.. "dugtong ko kasabay ng paghampas sa braso nito.

Natawa ito sa naging reaction ko at muling nagsalita.

"Sus, totoo naman eh, kung hindi ko iyon naawat nuong nakaraang araw ay baka hindi lang pasa at pamamaga ang inabot ng mukha ni Fermin" anito na ikanatigil ko.

Kunot noo akong bumaling dito "she hit Fermin?"

"aba'y oo teh! binugbog nya ng bonggang bongga" tugon nito emphasizing the last two words sa hindi mahimigan na tono ng pananalita.

"when?" nagugulumihan kong tanong.

"jusko! Eh di nuong dinalaw ka nung tao" naiiling itong tumayo at iniwanan akong natitigilan.

Kumuha ito ng maiinom sa loob ng personal refrigerator na nanduon habang ako ay nakakunot pa rin ang noo at may inaalala sa mga sinabi nito.

Now I think I remember.

Oo nga pala at iyon ang dahilan kung bakit ako nagising ng umagang iyon. Pero hindi ko naman maalala na may nagkagulo ng mga oras na yun bukod sa pang-aaway ni Gabby kay Fermin na nakuha ko lang madinig buhat sa loob ng aking kwartong kinaroroonan.

"alam kong dumalaw si Fermin, but I thought sinita-sita lang sya ni Gabby. I didn't know na----"

"--na binugbog ng girlfriend mo iyong si Fermin na obsess sayo?" pagtatapos nito habang tangan tangan ang pinag-inumang baso.

Tumango ako pero nanatiling tahimik ng muli itong magsalita.

"siguro ay hindi mo na nadinig iyong mga naunang commotion" anito kasabay ng muli nitong pagtungo sa kinaroronan ko matapos mailapag ang hawak nito.

Umupo ito at bumaling sa akin. "Si Gabby ang nagbukas ng pintuan nuong dumating si Fermin dahil nag-aayos ako ng pagkain ng mga oras na iyon. Nadinig kong itinaboy sya ng girlfriend mo pero siguro nagpumilit iyong isa na makita ka kaya hayun... "then she paused at pabalagbag na sumandal "Next thing I know ay sinugod na ni Gab si Fermin at pinagsusuntok"

Ikinagulat ko lang ng bahagya ang revelation ng kaharap dahil alam ko naman kung gaano na kainit si Fermin sa mata ng aking katipan.

Ilang beses ng nagtimpi ang girlfriend ko sa kagustuhan nitong sitahin ang sariling kaibigan pero tingin ko ay tuluyan ng umapaw ang inis nito dahil sa mga nangyare.

Hindi na rin nakakapagtaka kung natuluyan na nitong saktan ng physical si Fermin ng dahil sa galit. Sa tindi ba naman ng pagpipigil nito na sinabayan pa ng pag-iinsist nuong isa na makita ako ay talagang mag-aala bulkan ngang hahalugpos ang galit ng aking girlfriend.

"I can't blame Gabby, though." Pukaw ng katabi "Mainam na rin iyon para tuluyan ng magising ang kaibigan nya sa pagkabaliw sayo"

Patlang.

"sa ngayon " dugtong nito kasunod ng pagtunghay sa akin " im one hundred percent sure na kahit kailan ay hindi ka na talaga guguluhin pa ni Fermin because I heard---" pambibitin nito at inayos ang pagkakaupo "-- he already file his resignation this morning" dugtong nito na nakapagpalingon sa akin.

Nagulat ako sa sinabi nito.

I dart her with my questioning stare na kaagad naman nitong kinompirma.

"you got it right" tatango -tango nitong usal "Cess, spill the news a while ago ng tinawagan nya ako para kamustahin ka."

"o di ba kinamusta ka na may kasama pang chismis ang loka" huling hirit nito na hindi rumehistro sa utak ko.

Ilang Segundo din ang lumipas at pilit na pina-proccess ng utak ko ang mga narinig when i sighed at nagkibit-balikat.

I remain quiet when I didn't find any words to say.

I feel sorry for the guy though.

"mas mainam na siguro iyon kaysa bigyan sya ng Termination letter ni Gabby" tanging naiusal ko.

"yeah" pagsang-ayon nito " knowing your possessive girlfriend??"

".. Tsk! She will do everything para ma-protektahan ka at mailayo sa kapahamakan. who knows, she'll probably planned this all along."

"that's not true." mabilis kong protesta matapos sya panlakihan ng mga mata "maaring galit sya sa kaibigan nya but I don't think she'll took it as an advantage para paalisin nya ito..."

"..Kahit nuong panahon na nalaman nyang paulit-ulit na nanliligaw sa akin si Fermin ay hindi nya inisip na gamitin yung Authority nya para mapaalis ito. .."

"In fact..." dugtong ko pa " maraming pagkakataon ang pwede nyang gamitin para patalsikin si Fermin pero hindi nya ginawa because she value their friendship and she's hoping na titigilan ako ng kaibigan nya but then hindi pala." dire-diretsong protesta ko.

Hindi ko gusto ang pag-akusa ni Amay sa katipan at kahit sabihin pang pabiro lang iyon sa side nya ay hindi ko iyon matatanggap.

Lumagpas lang talaga sa boundaries itong si Fermin kaya ganito ang kinahinatnan ng mga bagay-bgay.

Napatigil ang kausap at nagkibit ng balikat "Maybe your right. and I think Fermin just push her button kaya hayan, he gave her no choice when he suddenly attacked you at gawan ng hindi maganda" pagbawi nito at muling bumaling sa akin.

"ang haba naman kasi ng hair mo girl, aba'y dinaig mo pa si Rapunzel ha?" pang-iinis nito "aba'y hindi lang prinsipe ang nagkukumahog sayo kundi pati prinsesa, kaganda lang! Saan ka pa?" biglang banat nito kasabay ng paghipo sa buhok ko.

"siraulo to!" sabay hampas ko sa kamay nito.

Ang medyo seryoso naming pag-uusap ay napunta sa biruan. Makailang beses pa ako nitong inalaska na kagyat ding natigil ng hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng kwartong iyon.

Sabay kaming napalingon ni Jamie and astounded ng iniluwa nito ang isang maliit na nilalang.

"Gino?!!" usal ko sa hindi makapaniwalang tinig at nanlalaking mga mata.

Paanong??

"Ate!!"sigaw nito habang nagkukumahog na lumapit sa akin.

"oh my god!" I exclaimed then stood up. Sinalubong ko ito at niyakap ng mahigpit ng tuluyang makalapit sa akin. I was shocked for the first few minutes until I pulled him away nang hindi makapaniwala sa mga nangyayare.

Inilayo ko ito pansumandali at tinitigan.

I stared at him intently, checking if my mind just playing tricks on me but then he smiles with sparkling eyes na naging hudyat ng pagbalik ko sa realidad.

He is really here for christ sake!

Nginitian ko ito ng ubod ng tamis at buong pagmamahal na pinugpog ng halik bago muling niyakap ng mahigpit.

My brother then giggled.

Pinangilidan ako ng luha when I felt the sudden emotion.

Matagal na panahon ko na ding hindi nakakasama ang kaisa-isa kong kapatid na ito at hindi ko itatanggi na ng mga oras na iyon ay talaga namang nangibabaw ang pangungulila na kay tagal ko ding kinimkim.

It's been years since I left them and hugging my brother make my heart melt. It really feels good and I can't deny it.

I miss him. And I miss my home.

"na miss kita, Ate" anito na nagpaguho ng emosyon ko.

My tears fell one by one.

All along I thought na manhid na ako at wala ng mailalabas na emosyon pag' dating sa aking pamilya pero nagkamali ako. For so long ay nakatago lang pala ang emosyon kong iyon para sa kanila.

"why are you crying po?" inosenteng tanong ng kapatid ko when he noticed my reaction.

He caress my back comforting me while patiently waiting for my response.

"n-nothing baby.... Ate is just happy to see you" sabi ko kasabay ng walang-humpay na pagtulo ng mga luha.

My brother gently pull away at sinipat ako bago iniangat ang kamay sa ere "please d-don't cry .. your baby bunso is here na po.." alo nito and tried to wipe away my tears with his little finger.

Sa kabila ng pagluha ay napangiti ako sa gesture na ginawa nito, dahilan kung bakit ko napanggigilang pugpugin ang buo nitong mukha at niyapos ng mahigpit.

He hugs me tight in return na ikinatuwa ko ng husto.

"ang sarap naman mag-hug ng baby bunso ko..sobrang miss mo ba si ate?"

He nodded.

"Tita Gab told me need nyo daw po ng hug madame tsaka kiss para gumaling na daw po kayo eh "nakakaaliw na sagot nito na ikinahagikgik ko.

Nasa ganuon kaming ayos when I heard my girlfriend cleared her throat.

Nag-angat ako ng tingin and then I saw her standing near the door with a smile on her face.

I smiled back at her and mouthed the words thank you na ginantihan nya ng mas malawak na pagngiti at marahang pagtango mounting the words your welcome.

How I want to ask her kung paano nyang nagawa na maidala dito ang kapatid ko pero alam kong makapag-iintay ang katanungang iyon kaya isasantabi ko na muna at uusisain na lamang kapag kami ay nakapag-solo na.

For now, lihim akong nagpapasalamat sa ginawa nito dahil sa sobrang saya ang naidulot sa akin ng presensya ng kaisa-isa kong kapatid.

From that thought, I then shifted my gaze to the person stood beside her na nakatanghod din sa aming magkapatid habang magkasiklop ang mga kamay at nakangiti.

Muli akong tumingin kay Gabby.

Awtomatiko naman itong kumibo ng mahinuha ang susunod kong sasabihin. "ahm...this is Tere by the way, Gino's baby-sitter" pagpapakilala nito sa katabi.

"good afternoon po Ma'am" pagbati ng ipinakilala at bahagya pang yumukod.

Pansumandali akong bumitaw sa pagkakayakap sa kapatid at tumayo ng maayos.

"Si Louise, kapatid ni Gino" pagpapakilala sa akin ng katipan ko.

"nice meeting you" tugon kong nakangiti habang tangan ang maliit na kamay ng katabi "tara ditong maupo" pagyaya ko sa mga ito pointing the sofa beside me.

Dagling tumalima si Tere at lumapit sa gawi namin pero si Gabby ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan at animo may ibig pang sabihin.

"Kumain na ba kayo?" I asked shifting my eyes sa mga bagong dating.

"tapos na po ate, Dad---"

"ahmmm Louise,.. " singit ng katipan cutting my brother's statement and quickly walked towards my direction. "Gino wanted to use the wash room, kanina pa yan naiihi eh"

"right baby?" baling nitong nakangiti sa kapatid ko.

The latter one smile at her at magiliw na tumango.

"okay, sumama ka muna kay Ate Tere ha?" pagbe-baby talk nito at kapagdakay bumaling sa taong tinutukoy.

"paki-asikaso mo muna si Gino." Pakiusap nito ng makalapit at tinitigan ng makahulugan si Tere.

Tumango naman ang kausap.

Marahan nitong kinuha si Gino sa tabi ko at inakay papasok sa wash room na nanduon.

My girlfriend then grabs my arm at hinatak ako nito pabalik sa main door "hmm babe, someone wants to say hello to you" anito after we stood up near the door.

Ako na nahihiwagan ng mga oras na iyon ay hindi makahuma kahit sa kaloob-loban ko ay my nabubuong hinala.

Nanatili akong walang imik until my girlfriend open the Door at pinapasok ang isang taong hindi ko maisip na makikita ko ng mga oras na iyon.

From eyeing my girlfriend, I shifted my gaze to the Main Door and then I saw this fine-looking man in his late 60's wearing casual shirt and slacks habang nakapamulsa.

Bahagyang tumanda ang itsura nito na nadepina ng ilang mababaw na wrinkles sa bandang nuo, pero magkagayonman ay taglay pa din nito ang karisma at tindig na tingin ko'y syang nakakuha ng atensyon ng aking ina.

He smiled at me the moment our eyes met but I remain calm.

All his major features were acquired by my little brother, but even though he also had this friendly smile which is contagious ay nanatili akong pormal sa harapan nya.

My girlfriend then motions him to come in ng makalipas ang ilang segundo.

"L-Louise.." anito ng baritonong tinig nito ng makapasok kasabay ng pagtango.

"T-tito Albert" usal ko in a cold tone.

Kagyat akong nagseryoso at umahon ang galit na kinikimkim.

How dare this man to come here and see me after all the things he did to my Family??!

I wanted to confront him at palayasin ng mga oras na iyon but I restrain myself dahil sa girlfriend ko at kaibigang nakapaligid sa amin.

Quiet moment passed by na animo natunugan ng kaharap ang tension kung kaya binasag nito ang katahimikang iyon.

"I-i just heard from Gabby what happened" usal nito after he clears his throat.

He mentioned my girlfriends name casually na bahagya kong ipinagtaka.

"K-kamusta ka na?" he asked sincerely kasunod ng kiming pagngiti.

I sighed trying to shrug the negative emotion " o-okay naman na p-po" I responded emotionless ng hindi tumitingin sa kanya.

For the second time around, muli kaming binalot ng panandaliang katahimikan na kaagad namang binasag ng aking kasintahan.

"ahm .. w-why d-don't we seat first p-para naman---" anito na kagyat ding pinutol ni Tito Albert when he lifted up his hand and gesture something.

"I wont stay long ,iha..but thank you " sambot ng kaharap kasabay ng pagngiti " I just want to see if Louise is already okay" masuyo nitong dugtong matapos bumaling sa akin.

"Algelane is really worried when she heard the news that's why she wanted me to check your condition personaly. Sadly, she is currently out of the country for some bussiness trip kaya hindi nya magawang pumarito. " he stated na nagbigay ng magkahalong emosyon sa akin.

May kung anong saya ang inihatid nitong balita pero sa isang banda ay bahagya akong nadismaya.

Alam ko namang magpahanggang ngayon ay may sama ng loob sa akin ang sariling ina at ganun din naman ako but at the back of my mind, I was still hoping na sana sa ganitong pagkakataon ay makuha naman nya akong bisitahin personally.

"Don't get me wrong iha "pukaw ng kausap ng mapansin ang reaction ko "hindi naman ako pumunta dito dahil lang sa ini-request ng mommy mo, and you know that"

"Kahit hindi ako pakiusapan ni Algelane na tignan ka ay gagawin ko pa ring pumarito. Because I care for you..." dugtong nito nakapag-pairita sa akin.

I threw him my death glare and crossed my arms.

Don't you fucking play with me dahil hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo!

"L-look, I may not be your biological father pero sana paniwalaan mo na pantay ang pagtingin ko sa inyong dalawa ni Gino. You're like a daughter to me , Louise. At kahit hindi naman tayo nagkaroon ng pagkakataong magkasama ng ma---"

That's it!

"please... stop." sawata ko dito ng tuluyang mabuwisit.

Napuno ng tension ang paligid ng dahil sa naging reaction ko.

Ako na nagpipilit pa ring magkikimkim ng sama ng loob ay abot-abot ang pagpipigil ng mga oras na iyon sa kabila ng pagpapahinto ko sa kausap ng mga nakatakda pa nyang sasabihin.

Kahit naman papaano ay may natitira pa akong respeto sa taong aking nasa harapan. Oo tama naman sya na hindi nga kami nabigyan o nagkaron ng pagkakataon para kilalanin ang isa't-isa but I guess that's my choice when I choose to leave them and live on my own.

Pero kahit na, sana man lang iyong mga panahon na Nawala ako sa kanila ay gumawa naman sila ng paraan lalo na ang aking ina para kahit papaano ay maiparamdam nilang hindi sila nawala kahit kailan.

Muli pa sanang magsasalita si Tito Albert when I signalled him to stop.

Abot-abot ang pagbuntong-hininga ko trying to calm myself until I stared at him directly not minding my girlfriend na kagyat humawak sa baywang ko. A gesture na alam kong ginawa nya dahil sa nakita nyang reaction ko.

"Pwede ho ba, tigilan na ho ninyo ang ka-plastikan nyo by saying those things, dahil alam naman ho nating pareho na hindi totoo iyan" maanghang kong buwelta dito.

He was taken a back at tinapunan ako ng malungkot na tingin atsaka bumuntong-hininga ng malalim.

"your Mom misses you a lot,." usal nito emphasizing the last word ".. she maybe looks stiff and tough at all times na hindi nya makuhang kamustahin ka, but believe me it's just her camouflage dahil sa kabila ng mga nangyare ay nangungulila pa din sya sayo"

I hissed and rolled my eyes "sinungaling, .. " I muttered

Hindi ko alam kung bakit imbes na paniwalaan ko ang mga sinasabi ng taong kaharap ay mas nangibabaw ang inis ko dahil pakiramdam ko, hindi sya ang dapat nagpapaliwanag ng mga bagay na iyon.

"totoo lahat ng---"

"if she did miss me, hindi nya ko hahayaang mamuhay ng mag-isa ! Oo, sige! May kasalanan din ako pero sana hindi nya ako tinikis na hindi makasama sa mga panahon na----- "daing ko, but suddenly paused on my last sentence dahil sa pagsilay ng ilang libong sakit.

I can't do this.

My tears are in verge of falling kaya awtomatiko akong tumingala just to prevent it from dropping. Iniiwasan kong wag' nitong makita kung gaano pa rin ako naaapektuhan sa iniindang sitwasyon namin mag-ina.

Pansumandali akong tumalikod sa kaharap pero kagyat ding humarap.

"You know what? you tell her that im okay at hindi ko kailangan ang sympathy nya..." bungad ko "Nabuhay ako ng ilang taon ng mag-isa at kakayanin kong mabuhay ng matagal pang panahon na wala sya." sumbat ko dito kasunod ng paghulagpos ng tinitimping pagluha.

The hurt that ive been keeping for so long exploded at hindi nito nakayanang ang pagkontrol ko when reality hits me.

Nasasaktan akong malaman na sa ganitong sitwasyon ko ay hindi ko man lang maasahan ang sariling ina na damayan ako.

Paano mo ako natiis na mawalay sayo, Mom?

Kung mamamatay ba ako, ganyan pa rin ba ang magiging trato mo sa akin ? Malulungkot ka kaya at iiyak ? Oh Wala ka pa ring pakialam?

Himutok ko kasunod ng pagdaloy ng mainit na likido sa aking mukha.

"babe, that's enough" hapit sa akin ni Gabby.

Kaagad akong kumapit dito when I felt her warmth hands. Animo nakahugot ako ng lakas duon.

But then tuluyan na akong napasubsob sa dibdib ng katipan at umiyak ng umiyak.

"I hope everything will settled between you and your mother , Louise. At sana mahanap mo dyaan sa puso mo ang kapatawaran. Because she needed you. " narinig kong huling tinuran ni Tito Albert bago maayos na nagpaalam kay Gabby at kay Amay na tahimik na nakaupo sa isang gilid.

Nang hindi pa rin humupa ang aking pag-iyak ay inakay ako ng katipan at iniupo sa sofa katabi ng kaibigan.

Malumanay na humingi ng tubig si Gabby kay Amay at narinig ko pang pinakiusapan nya ito pero isa man duon ay hindi na rumehistro sa utak ko.

I was pre-occupied with the pain that clungs in my heart ng mangulila sa sariling ina habang lumuluha.

And in a moment, memories of my childhood years came rushing in.

Flashback

"mom, will there be a time that your gonna get tired on loving me?" tanong ng isang musmos na kagaya ko habang pinagmamasdan ang ginagawa ng aking ina.

We are currently on the kitchen and preparing to bake something when I remember a scene na nakita ko kanina sa pinapasukang eskuwelahan.

"of course none, anak " kunot noong sagot ng kausap. "bakit mo naman naitanong yan? hmm?" malambing nitong dagdag habang minamasa ang dough na nasa harapan.

"kasi mom, I know makulit po ako minsan... t-tas minsan bad girl din po" magiliw na sagot ko matapos mangulambaba at pahabain ang kyut na nguso.

"and ...how is it related to your first question, dear?" nahihiwagaan nitong tanong.

"you know Janice right, Mom?"

"yes, she's one of your classmates di' ba? "

I nodded reluctantly "I saw her crying kanina po. And when I ask her why, sabi nya, her Mom got mad at her because she did something wrong and so makulit daw po."

"and?" tanong nito when she noticed na may karugtong pa ang sasabihin ko.

"and Her Mom told her daw po na nagsasawa na ito to take care of her po " malungkot kong pagkukwento at kapagdaka'y tumunghay sa kaharap. Showing how sad I am and affected sa nai-kwento ng kaibigan.

My Mom then paused, wipe her hands and walk around our table nook para daluhan ako.

She knelt in front of me afterwards "and you think na pagsasalitaan kita ng ganuon" malumanay na tanong nito while caressing my hair.

I nodded at her while staring at her eyes at matamang inaantay ang susunod nitong sasabihin.

My Mom sighed and then shook is head "that will not happen, anak" she said and smile at me lovingly.

"talaga po?" kuryus na tanong ko.

She gently nodded.

"even if I'll become a big girl na? hindi ka magsasawa na mahalin ako?" I asked excitedly.

My mom chuckeled "even if you'll become a big girl. Mommy won't get tired of loving you" she assured.

"promise po? Kahit po maging sobrang makulit ako?" pangungulit ko dito ng nakangiti.

"kahit pa maging sobrang makulit ka mamahalin ka pa rin ni Mommy, forever" she stated smiling at me at tila aliw na aliw.

"yeyy! " I exclaimed at iniangat pa sa ere ang magkabilang braso.

Suddenly I hug her tight & I chuckeled "you're the best, Mom! I love you"

"and I love you too, Sweetheart" she response tenderly while caressing my back.

Pagkatapos nuon ay pinupog ako nito ng hindi mabilang na halik.

Halik na magpa-hanggang sa ngayon ay pinana-nabikang muling matikman.

End of Flashback

********
Where is your promise, Mom? Why did you get tired of loving me?

Bulong ko na puno pa rin ng hinanakit.

Muli akong napaiyak at kaagad na inalo ng Katipan.

Kasama ng kaibigan naming si Jamie ay panay lang ang naging pag-amo nila sa akin.

Ni walang nangahas na kumibo sa kanilang dalawa at nanatili lang na tahimik until my brother showed up at dinaluhan kami sa ganuong ayos.

Animo naiintindihan nito ang mga nangyayare at maski sya ay sumiksik sa akin at yumakap.

Ilang minuto ang lumipas until my girlfriend break the silence and ask to pack our things dahil sa pagdi-discharge ko ng araw din na iyon.

Tahimik silang nagsikilos at nagsinop ng mga kagamitan habang ako ay panaka-nakang sumisingot until Gino asked something matapos tumingala sa akin.

"why are you still crying, Ate? Are you in pain po?" inosente nitong tanong na nakakiling ang ulo.

I smiled at him bitterly "yes baby, Ate is in Pain "pag-amin ko dito with teary eye while gently caressing his hair.

Buti pa ito ay concern sa akin kung bakit ako umiiyak, samantalang ang sarili kong ina ay wala man lang pakialam sa akin ng mga oras na ito.

"saan ang masakit Ate?" muli nitong tanong, clueless on my reaction.

Smiling on his response, I didn't hesitate to point at my heart "here baby" I answer with my cracking voice.

He glanced where I put my finger at tumunghay duon ng panandalian until he turned back "Yaya, do you have a band-aid?" pukaw nito kay Tere na nuon ay nag-iimis ng ilang kalat.

"mayroon dito" sagot ng kausap.

"pahingi po ako" masigla nitong sagot at akmang bababa sa pagkakaupo.

I creased my eyebrow suddenly "why baby, may sugat ka ba? " nag-aalala at nalilito kong tanong but he shook his head and walk towards his Yaya.

Iniabot ni Tere ang isang band-aid na galing sa medicine cabinet at matapos makuha iyon ay lakad takbo itong bumalik sa gawi ko.

Tumayo ito sa harapan ko, tumingala sa akin at kapagdaka'y yumukong muli at sinimulang buksan ang hawak-hawak na band-aid.

Kunot-noo ko itong pinagmasdan at hinintay ang susunod na gagawin when he shifts back his attention to me.

"Ate" malambing na tawag nito sa akin.

"yes baby?" nagugulumihan kong tanong dito.

Hinawi nito ang braso ko na sadya kong ipinagtaka. Kapagkuwan ay dumukwang ito and gently placed the band-aid on my chest.

Nang matapos ay tumingala ito sa akin at yumakap ng mahigpit. "I hope the pain goes away, ate" he said with his small voice.

I was surprise for a while, speechless on his innocent reaction until I felt tears begun to fall.

I sighed deeply "i-it will baby, thank you" mangiyak-ngiyak kong turan then planted a soft kiss on his head.

He simply took my situation kagaya ng isang batang nasugatan kung saan akala nya ay maiimpit o mapipigil ang nararamdamang sakit sa paglalagay ng simpleng band aid.

His innocent acts showed how he cares for me and it touches my heart and made me cry.

Buti na lamang at nandito ito ng mga oras na yun dahil kahit papaano ay gumaan ang mabigat na nararamdaman.

"don't worry,kid. your Ate will be okay soon. Lalo na at nandyaan ka na" Pukaw ni Gabby na nuon ay natutuwang nakatunghay sa amin kasama nila Jamie.

I smiled at them sincerely until we heard a knock on the door.

Jamie opened it at iniluwa nuon ang nakangiting mukha ni Dra. Medrano kasunod si Joshua na pumaroon para assistihan kami sa pagsisinop ng mga gamit.

Tita Red checked me out at kinamusta ang lagay ng mga sugat na tinamo.

After binilinan ng mga gamot na dapat ko pang inumin at pagkain na pwedeng kainin ay masiglang na itong nagpaalam. Leaving us na naghahanda na sa paglabas ng kwartong iyon.

Pamaya-maya ay pina- una na ng katipan sila Jamie na bumaba kasama sila Gino.

Hindi nagtagal ay naiwan na lang kaming magkasintahan.

Nanatili akong nakaupo habang sinusundan ng tanaw si Gabby na nuon ay paikot-ikot sa area at chine-check kung may mga naiwan pang mga kagamitan.

"lahat ba ng gamit mo naibaba na babe? Iwanan na lang natin itong mga flowers mo ha? I'll buy a new one na lang pag-uwe, isa pa malapit na naman ng malanta ang mga--- "

"babe" putol ko dito sa malumanay na tinig.

Natigilan ito at dagliang lumingon sa gawi ko. Nang makita nya akong nakamasid sa kanya ay hindi ito nag-alangan at kagyat ng lumapit sa akin.

"are you okay baby?" concern na tanong nito.

She cupped my face gently at tinitigan ng maigi with her worried eyes.

I nodded and smile weakly "s-sorry sa inasal ko kanina ha?" paumanhin ko kasabay ng pag-yuko. "hindi ko lang napigilan ang sarili ko when I saw h---"

"sssshhhh.." sawata nito cutting me off "no need to say sorry okay"

I stared at her at awtomatikong napailing ng maalala ang kagaspangan ng pag-uugali na ipinakita kanina lamang. " dapat nagsawalang kibo na lang ako ka---"

"hey ... Hey" muling awat nito sa akin "look at me.babe " pakiusap nito while gently caressing my face with her thumb.

I lifted up my gaze and stared at her.

"whatever it is that your going thru with your Family specially with your Mom, it will over soon. Okay?"

"hindi mo kailangan magpaliwanag at humingi ng dispensa dahil naiintindihan ko ang lahat... "

"naiintindihan ko, do you understand?" pag-ulit nito na waring may ipinaparating na mensahe.

I look at her eyes intently until I heard myself questioning her "do you want to know the reason?"

She smiled at me and tilt her head "are you ready to tell me your story?" bweltang tanong nito na nakapagpatigil sa akin.

I paused and think for a while habang nagpapasalit salit ng titig sa mga mata nya.

Is it the right time? Handa ko na nga bang ibahagi ang aking nakaraan sa kanya?

We exchange glances until i heard her sighed deeply kasunod ng pagkabig nito sa akin.

"there's a right time for this, babe. If your not ready yet , okay lang . But if you feel that you want to talk about it. Just tell me.. . I will listen and will understand"

Nadinig kong usal nito.

I felt a sudden relief "t-thank you " I whisper and then closed my eyes.

"everything for you, babe" she response tenderly then kiss me on top of my head kasunod ng mas mahigpit pa nitong pagyakap.

Soon you will know everything, babe.

*********

Continue Reading

You'll Also Like

263K 5.1K 55
Magbestfriend ang mga magulang namin, we grew up together na pati second name pareho kayo kasi akala nila pareho kayong ''kikay". Harren Keith De Fer...
486K 13.6K 50
GirlXGirl (COMPLETED) Si Georgina Mayer ang tinaguriang gorgeous bitch ng Sanderson university at patay na patay ito sa napakagandang si Cassidy Sand...
114K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...