Spirits

Autorstwa Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... Więcej

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

18

4.4K 223 14
Autorstwa Slylxymndr

"Sinasabi ko na nga ba! Magaling ka, Kid. Pero binabalaan kita, nasa walumpung porsyento palang ang lakas na ipinapakita ko sayo!" Sigaw at pagmamayabang ni Jay.

Nagulat naman si Kid sa narinig. Hindi ito makapaniwala na ang lakas na naranasan niya ay hindi pa pala lubusang lakas ni Jay.

Nag iba ang awrang inilalabas ni Jay pati na ng kanyang hawak na espada. Kapantay na nito ang lakas na ibilalabas ni Kid sa kanyang awra.

"Humanda ka! Z Strike!"

Biglang bumulusok si Jay sa pwesto ni Kid at inatake ang binata. Isinalag naman ni Kid ang kanyang mga kamay sa atakeng gagawin ni Jay.

Isa ang Z Strike sa mga pinag tuunan ng pansin ni Jay na Skill. Isa ito sa mga malalakas na Offensive Martial Art Skill na nasa Tier 1 Core Rank. Itsa itong skill na may tatlong sunod sunod na atake. Nasa 5★ na ang naabot ni Jay sa pagc- cultivate ng skill na ito kung kaya' t mapaminsala na ang skill na ito.

Ang una at pangalawang tama ng espada sa katawan ng kalaban ay magsisilbing liyab sa pangatlong atake. Kapag tumama ang dalawang atake, magiging triple ang lakas ng pangatlong atake kung kaya't isa ito sa mga kinakatakutang Skill.

Unang inangat ni Jay ang kanyang espada at tumama ito sa mga braso si Kid. Nagkulay pula ang espada ni Jay na punong puno ng lakas. Maririnig at pagkiskis ng dalawang metal dahil sa pagtama ng espada ni Jay sa malabakal na balat ni Kid.

*Ssshhrrriinng!!

*Tiiiinnggg!!

Ilang sandali pa'y umatake nanaman si Jay. Pangalawa sa kanyang atake ang pagpunterya sa katawan ng kalaban mula braso hanggang hita. Nang tumama na ang espada sa katawan ni Kid, ganoon parin ang kinalabasan. Walang sugat na natamo si Kid ngunit makikit ana nahiwa ng bahagya ang kanyang suot.

Ang pangatlong hiwa na ginawa ni Jay at nakasentro sa mga tuhod ng kalaban. Ito ang pinakamalakas na atake ni Kid kaysa sa naunang dalawang hiwa na kanyang ginawa.

Napalaki ang mga mata ni Kid dahil nag iba ang awra na inilabas ni Jay. Napaurong ito ng kaunti para maprotektahan ang kanyang mga tuhod.

Nakailag si Kid sa atakeng iyon ni Jay. Napangiti ito at sumugod sa pwesto ni Jay. "Calamity Punch!" Sigaw niya.

Pagsuntok ni Kid, sinalag ito ni Jay gamit ang kanyang espada. Nang masalag ito, mapapansin ang panginginig ni Jay nang isalag ang kanyang espada sa atakeng iyon ni Kid.

*Shhling!!

Hindi na niya ito kayang pigilan kung kaya't pinuwersa niyang itama ang kamao ni Kid sa entablado. Tumalon ito ng malayo kay Kid at tumuyan na ngang tumama ang kamao ni Kid sa entabaldo.

*Bblluggssh!!

Nabalot ng usok ang buong entablado. Walang makita sa itaas nito dahil sa ataking ginawa ni Kid.

"Hindi ko na makita!"

"Ano ang nangyayari!?"

" *Cough bakit umusok!?"

Unti unti nang tumila ang mga usok sa entablado at makikita ang imahe ng hawalang binata sa itaas nito. Mapapansin ang namumuong pawis sa dalawang magkatunggali. Mabibigat narin ang mga hininga ng dalawa dahil sa paglalabang iyon.

"Hindi talaga ako nabigo na sabihin kong magaling ka at karapat dapat kitang kalabanin." Sabi ni Jay.

"Simula palang noong bata ako, wala nang makatalo sa akin sa labanan ng espada. Kung kaya't natuwa ako nang makita ko ang tulad mo. Ang akala ko ay wala nang makakatalo sa akin. Ngayon, binigyan mo ako ng alinlangan sa isip ko kung mananalo na ba ako." Aniya sa kanyang kalaban.

Tahimik lang si Kid at nakatayo sa kanyang pwesto. Hinahabol niya ang kanyang hininga dahil mapagod na siya sa kanyang mga ginawa.

Hindi pa ganoon kalakas at katibay ang kanyang kapit sa kanyang Cultivation kung kaya't ganito na ang nangyari sa kanya.

"Ha. Ha. Ha..." mahinang hinga niya para mapakalma ang kanyang hininga. Nakakamangha ang paglalaban ng dalawa. Maski si Priest Meng ay namangha sa napapanood niyang mga kabataan.

Sa kabilang banda ng Gaia, maririnig ang sigawan ng dalawang binata. Sumisigaw sila at nagbabakasakaling may makarinig sa kanila para tulungan sila.

Hindi kasi sila makapaniwala sa kangyari sa kanila noong araw na iyon. Ang malaking kamay na nasa likod ng dalawa ay tuluyan silang kinuha.

"Waaaahhh! Higante!" Sigaw ni Zed at napatayo ito sa pagkakaupo. Sa sobrang gulat ay nanlaki ang mga mata nito at nakabuka ang bibig.

"Anong pinagsasasabi ni Ze--" tumayo si Fred at humarap sa kanyang likuran at tumambad sa kanila ang isang higante. Malaki ang katawan nito at may dalang isang mahabang bato. Ibinaba nito ang batong hawak na nagpayanig sa lupa.

"A- ano ang isang ito?!" Sabi ni Fred at nakatitig sa Higante. Nakatingin naman sa kanilang pwesto ang higante. Maya maya pa ay umupo ito at tinignan ang dalawang binata.

May pagtataka sa mukha ng dalawa ngunit napalitan ito ng takot nang makita ang malawak na ngiti ng higante. Para bang nakakita siya ng mga nakakatakam na pagkain nang makita sila Zed at Fred.

Parang mga langgam lang sila Zed sa sobrang laki ng nilalang na ito. Mahaba ang mga buhok nito at may suot na kakaibang armor. Sira sira narin ito at puno ng mga lupa.

Maya maya pa ay inilabas ng higante ang isang telang sako. Walang emosyon itong kinuha ang katawan ni Fred. Ang kanyang kamay ay bumalot sa buong katawan ni Fred. Nakakatakot ang laki nito.

"S- saan mo ako d- dadalhin!!" Sigaw niya at sunubukang tumakbo mula sa isang higanteng kamay na maya maya pa'y may humablot na sa kanya. Napaupo naman sa takot si Zed at nanginginig ang mga tuhod. Para bang nawalan siya ng lakas tumayo. Takot na takot si Zed dahil hindi niya inaakala ang nakikita. Para bang nanuot sa kanyang kalamnan ang takot at kaba.

"Hooy!! Bitawan mo ako!! Saan mo ako dadalhin!" Sigaw ni Fred ngunit huli na ang lahat. Ipinasok na siya sa loob ng sako.

"Zeeedd!! Takboo!~" sigaw ni Fred sa kaibigan ngunit hindi na ito nagawa ni Zed at tuluyan naring nakuha ng higante at ipinasok narin sa sako.

Halos ilang oras na sila sa loob ng sako na bitbit ng higante ngunit wala paring nakakarinig sa kanilang mga sigaw.

"Ano nang mangyayari sa atin Zed. Wala na tayong pag asa." Sabi ni Fred kay Zed. Napapaiyak na ito sa takot at nawalan na ng pag asa.

"Hindi man lang natin nakita sila Kid." Sabi ni Zed sa kasama. Nakatitig lang ito sa kawalan. "Hindi man lang tayo nakapagpaalam bago tayo mawala sa mundong ito." sabi niya.

Hindi na nila alam ang mangyayari sa ngayon na nakuha sila ng isang higante. Samantala, hindi parin maalis ang tensyon sa itaas ng entablado. Nagpapalitan parin ng atake ang dalawa at wala sa kanilang dalawa ang ideyang sumuko.

"Vertical Slash!"

Sigaw ni Jay at tumama ito sa mga kamay ni Kid. Napatalsik si Kid palayo sa pwesto ni Jay at ganoon din si Jay. Makikita ang kulay pulang sugat sa mga kamay ni Kid. Ito ang unang pagkakataong nasugatan ni Jay si Kid kung kaya't nagulat ang lahat.

"N-nasugatan ni Jay si Kid?"

"Nakakamangha!"

Sa tagal ng kanilang paglalaban, ngayon lang nasugatan ni Jay si Kid ngunit para bang isang malaking tagumpay na iyon kay Jay. Bumakat ang malaking ngiti sa kanyang mukha dahil sa nagawang pinsala kay Kid.

Hindi makapaniwala ang lahat ngunit iba ang mukha ni Priest Meng.

"Magaling nga talaga si Jay." Aniya. Mayroong mga ngiti sa kanyang mukha dahil sa kasiyahang nararamdaman.

Unti unti kasi niyang nakikita ang tagumpay ng Central City sa magiging kompetisyon na magaganap kung makakapasok ang dalawa sa pagiging Official Guard. Isa iyong malaking patimpalak na ikakalahokan ng mga pinakamagagalin at pinakakakaibang mga Official Guards sa bawat City na sakop ng buong lupain ng mga tao.

"Hindi na ako nagtataka kung nasugatan niya si Kid..." Aniya. Napalingon naman si Priest Xiao sa pwesto ng nagsalita. "Dahil naisanay na niya ito sa 5★ at ang Vertical Slash ay isa sa mga kilalang skill ng pamilya ni Jay."

Bilang ang ama ni Jay ay isang Official Guard, mayroon itong kakayahang makakuha ng mga Skill sa Martial Hall para maibigay sa kanyang anak ngunit mapapansin na kaunti lang ang mga Skill na iyon.

Karamihan na ang mga Skill na gamit ni Jay ay ang mga Skill na ginamit ng kanyang ama. Ang mga ito ay ang 7 Starlight Slash at ang Vertical Slash na ginawa niya. Pamana ito ng kanilang ninuno sa mga magpapatuloy ng kanilang bloodline sa Official Guards.

"Ang akala ko ay hindi na kita nasusugatan man lang pero nagkamali ako." Aniya.

"Huwag kang mag alala. Hindi naman ito malaking sugat. Mababaw lang ito at malayo sa sikmura." Sabi ni kid na hindi rin makapaniwala sa nagawa ni Jay.

Kapalit naman ng mababaw na sugat na naibigay ni Jay kay Kid ang paggamay niya sa kanyang Cultivation. Unti unti nang nagamay ni Kid ang 3rd Mortal Realm at dahil doon ay medyo nag iba ang kanyang awra. Mas naging puti ito at mas bumigat. Hindi man ito singbigat ng awra nila Priest Meng at Priest Xiao pero nakkamangha na ito para sa nakaabot ng 3rd Mortal Realm.

Pinagpag niya ang mga kamay parai- alis ang mga namumuong dugo sa sugat. Ilang sandali pa ay nakahanda na muli ang dalawa sa pag atake. Nagpalitan nanaman ng atake ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito, makikita na mas lamang na si Kid kaysa kay Jay. Ilang sandali pa, nagulat ang lahat sa ginawang atake ni Kid kay Jay.

Malayo ito kay Jay ngunit gumamit siya ng Skill. "Calamity Punch!" Sigaw niya.

Hindi akalain ni Jay ang ginawa ni Kid ngunit napansin din niya ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Mayroon siyang nakitang isang maliit na patalim na malapit sa kamao ni Kid. Kung hindi ito ginawa ni Kid ay malamang ay matatamaan siya nito.

"Anong nangyayari?"

"May naghagis ng patalim sa entablado! Sino iyon!?"

Napatingin si Kid sa patalim at napatingin sa pwesto ni Monet. Nakangiti ito ngunit nakatakip ang kanyang dalang pamaypay sa kanyang bibig. Nakita rin ito ni Priest Meng at galit na humarap kay Monet.

"Monet! Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?! Inaaabala mo ang paglalaban ng dalawa!" Sigaw niya sa dalaga.

"Hihihi. Huwag po kayong mag alala Priest Meng. Hindi ko naman po balak na saktan ni Kid gamit ang patalim na iyan" aniya. "Gusto ko lang siyang tulungan."

"Tulungan!? Hindi maaaring tulungan ng nasa labas ng entablado lalu na ng mga manonood ang paglalaban na nagaganap! Anong pinag sasasabi mo diyan!?"

"Pagmasdam mong mabuti ang sitwasyon sa entablado Priest Meng at sabihin mo kung patas ang kanilang labanan." Mataray na sagot ni Monet sa High Priest.

May pagtataka sa mga mukha ng mga manonood lalu na kay Kid. Hindi rin maisip ni Priest Meng ang dahilan ng pag atake ni Monet kay Kid. Pinagmasdan naman ni Kid ang maliit na patalim na nasa lapag ng entablado.

Mamaya maya pa, gumuhit ang isang malaking gulat sa mukha ni Kid dahil naisip na niya ang dahilan ni Monet. Ang gulat na mukha ni Kid ay unti unting nagbago at napalitan ng ngiti.

"Teka lang, hindi nga patas ang laban natin!" Aniya.

Nagtaka naman si Jay sa sinabi ni Kid. Pati narin ang mga manonood. "Anong sinasabi mo?"

Ngumiti si Kid at naglakad sa entablado. "Kung napapansin mo, wala akong gamit na armas. Ikaw naman may dalang espada. Hindi naman ata patas iyon!" Aniya. Nagpalabas naman ng ngiti sa mukha si Kid at hinawakan ang kanyang kwintas. Mayroong dalawang piraso na lumipad sa ere at saktong lumapag ito sa mga kamay ni Kid.

Napangiti si Monet sa ginawa ni Kid. Doon ay napagtanto na ni Priest Meng at ng iba pa ang ibig sabihin ni Monet.

*Shluuck!!

"Kaya," aniya at unti unti nang sumuot ang kanyang armas. Ang Gauntlet na bigay sa kanya ni Rhea. Tinignan niya ang kanyang mga kamay. Saktong sakto Ang Gauntlet sa kanyang kamay at ibinukas- sara pa niya ang palad. Hunarap muli siya kay Jay at nakahanda na sa pag atake. ".. Gagamit rin ako ng armas." Aniya.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

818K 146K 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga...
1.6M 64.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
13.2K 1.8K 38
Due to some external forces who drive the Four Kingdoms in Chaos. What kind of danger that awaits for the people who lives in Sky Ice Kingdom, Hollow...
4.1K 760 38
"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan bin...