Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 35: Stay Close, Don't Go

2.6M 57.1K 27.9K
By iDangs

Yannie's Point of View


"Stop! Itigil niyo 'yan," sigaw ni Zoe kaya napahinto naman ako. I mean kami pala ng ka-duet kong si Xander. "Ano ba naman kayo?! Paano tayo mananalo niyan? Walang kabuhay-buhay 'yang kinakanta niyo. Walang feelings. Jusko lagpas ten tries na tayo dito."

"Tingin ko dapat mamaya na kayo magpractice. Mauna ka na lang muna Sab," suggestion ni Ayu.

Walang salita naman akong umalis sa harap nila at umupo sa tabi ni Zoe habang si Sab, ayun at nag-aayos na. 'Yung kasama ko naman sa pagduduet ay lumabas muna sa bahay. Ewan ko kung saan siya pupunta. Sumunod naman si Josh sa kanya.

"Hey, are you okay?" tanong sa akin ni Zoe. Tiningnan ko lang siya at tumango saka itinuon ang atensyon kay Sab.

Narinig ko na lang na bumuntong hininga ang katabi ko. "Hay. Bakit ba tinanong pa kita? Alam ko na hindi ka naman magsasabi ng totoo. Something's bothering you... or should I say... someone?"

Napalingon naman ako sa kanya nu'n at saka siya inirapan. "What are you talking about? Someone huh?

Bigla namang sumingit si Ayu sa usapan, "Tingin ko tama si Zoe. May gumugulo sa 'yo ngayon. Hindi 'yun bagay. Sigurado ako na tao siya."

Tsk. Wala na. Alam ko namang kahit i-deny ko hindi sila maniniwala. Tama naman kasi sila. May bumabagabag na tao sa isip ko ngayon. Actually hindi naman ngayon lang. Kahit noong nakaraang gabi pa.

"Bakit hindi ka makasagot? Tama kami, ano?" tanong ni Zoe. "May tao nga bang bumabagabag sa 'yo?"

"Umamin ka na lang kasing ginugulo ng isip mo si Xander." Epal ni Ice. Psh. Minsan na nga lang magsalita 'to maiinis ka pa sa sasabihin niya. Kapag ako nabwisit ibubuking ko pa 'to kay Zoe, e. Makita lang niya.

"Ang kulit niyo," singhal ko sa kanila.

"Alam mo, Yannie, hindi ko kayo maintindihan niyang si Xander," sabi naman ni Ken na nakisama na rin sa panggigisa sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang magtanong. "Bakit?"

"Hindi naman talaga kayo pero kung mag-inarte kayo parang kayo talaga. Daig niyo pa ang real couples sa ginagawa niyo. Kung hindi ko lang alam na fake kayo, iisipin kong may nararamdaman talaga kayo para sa isa't isa."

"Wala nga ba?" dagdag ni Ayu sa sinabi ni Ken.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba naman 'yan! Ito... Ito talaga 'yung mga ayokong pakiramdam, e. Nakakainis lang talaga. Dagdag mo pa 'yung apat na kasama kong nakapalibot sa akin at mga nakatingin sa akin na para bang naghihintay talaga sila ng sagot sa tanong ni Ayu.

Wala nga ba? Ewan ko. Ako mismo naguguluhan na sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano na ba 'to. Ang gulo gulo na.

"Ang daya nyo naman, e. Hindi kayo nakikinig sa pagkanta ko," reklamo ni Sab at pumapadyak padyak pa kaya napatingin kami sa kanya, Binitiwan niya 'yung mic at umupo sa tabi namin.

"Sorry, Sab. Medyo naiintriga kasi kami dito kay Yannie," sabi ni Zoe.

Ngumiti lang si Sab at lumingon sa akin. "Go, Yannie! Ano na? Wala ka bang nararamdaman para kay Xander?"

Napasapo naman ako sa noo ko. Sabi ko na nga ba. Knowing Sab, makikichismis lang 'yan kaya hindi na kumanta.

"We're waiting."

Nagbuntong hininga ako. 'Yung malalim na malaim. "I don't know." Nangiti si Ice, Zoe, Ayu at Ken sa naging sagot ko samantalang si Sab naman ay takang taka ang mukha.

"Ha? Ano? Bakit hindi mo alam?" tanong pa niya.

"Kasi hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nandyan siya. Natutuwa ako kapag inaalala niya ako. Sa totoo lang kinikilig din naman ako minsan sa kanya kahit tinatarayan ko siya. Pero naiinis ako sa kanya kapag nagagalit siya for petty reasons at syempre naiinis din ako sa sarili ko kasi sinasabayan ko 'yung pagkachildish niya. And..."

"And?" sabay na sabi ni Zoe, Ayu at Sab.

"And... ano..." Nakakahiyang sabihin.

"Ano?" tanong ni Ken.

"Kasi..."

"Anak ng! Isa pa, Yannie. Sasabihin mo ba o – "

"And nagselos ako nu'ng nakita ko siyang may katawanang ibang babae," mabilis kong sabi saka yumuko.

"Uh-oh. Mukhang may something na nga," sabi ni Sab na iiling iling pa.

"Winarningan na kita, Yannie," paalala naman ni Zoe.

"Gusto mo na nga siya. Tsk tsk," dagdag pa ni Ayu.

"Teka nga! Bakit ba parang ayaw niyong magkagusto si Yannie kay Xander?" Medyo pasigaw na tanong ni Ken.

Medyo natawa ako sa reaksyon niya kasi parang naoffend siya para sa kaibigan niya.

"Ano... Hindi naman sa ayaw. Pero kasi – " Hindi matuloy ni Ayu ang sinasabi niya kaya sumenyas siya kay Sab na ituloy 'yun.

Kaya ito namang si Sab ay agad sinabi ang hindi magawang sabihin ni Ayu. "Kasi kilala niyo naman 'yang kaibigan niyo. Ang lakas sa babae niyan. Kung magpalit ng babae parang kumakain lang. May pangbreakfast, lunch, meryenda, dinner at kung minsan may midnight snack pa. At ang pinakamasaklap sa lahat, brunch."

Nagtaka at napakunot naman ng noo ang dalawang lalaki. "Brunch?" tanong ni Ice.

"Yes. Brunch. Breakfast at lunch. Sabay. Ganun."

"Grabe naman kayo makapangjudge kay Xander," depensa ni Ken sa kanya.

"Bakit, hindi ba totoo?" tanong ni Zoe saka nagcrossarms.

"Partly true," sagot ni Ice sa kanya. "Hindi naman maitatanggi na madalas siyang magpalit ng babae at kung minsan ay pinagsasabaysabay pa niya 'yung mga 'yun. Yes, he's a player. Noon."

"Noon lang?" Pinangliitan ng mata ni Zoe si Ice.

"Oo. Noon. Bago maging sila... I mean maging fake sila ni Yannie. Araw-araw 'yang may bagong babae dati. Minsan nga ilang oras lang ang pagitan. Pero dati na 'yun. Kasi ngayon ni minsan hindi namin siya nakitang nambabae. Kaya nga ang akala ko sila talaga ni Yannie. Syempre nagulat ako at naisip ko na kaya palang tumino ni Xander. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang malaman na fake lang sila pero nagawa niyang magpakatino at tumigil sa pambabae."

"Ayon kasi sa rules na ginawa namin, bawal ang mangbabae," sagot ko kay Ice kasi ayokong maniwala. Ayokong umasa na nagbago nga si Xander – na nagbago siya dahil sa akin.

Tumango tango naman siya, "Pero naisip mo ba na pwede naman niyang hindi sundin ang rules kasi wala namang mawawala? Kaya lang hindi niya ginawa 'yun kasi nga nagpapakatino siya."

Umiling ako, "Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo – "

"Oo, kaibigan ko siya pero hindi ko sinasabi 'to sa 'yo dahil doon. Sinasabi ko 'to kasi 'yun ang totoo."

Tinapik ako ni Zoe, "Alamin mo ang nararamdaman mo Yannie." And with that, tumayo na siya at umalis.

Nagsibalik na rin 'yung iba sa mga ginagawa nila at naiwan akong nakaupo.

Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko? Gusto ko na nga ba siya? Kaya ko pa bang magrisk ulit sa love?

Ayoko. Ayoko pa. Hindi ko pa kaya.

Alam kong masasaktan lang din ako sa bandang huli. Iiyak lang din ako. Iiwan lang ulit ako. Kaya hindi pwede. Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya.



***

Isang oras na ang nakalipas bago makabalik si Josh at Xander.

"Saan kayo galing?" tanong ni Sab sa dalawa.

"Bumili lang. Bakit, namiss mo ko?" pang-iinis ni Josh pero inirapan lang siya ni Sab na naging dahilan ng pagtawa niya.

Dirediretsyo si Xander sa harap at inayos ang gitara. Wow, ha. Magprapractice siyang mag-isa? Duet kami 'di ba? Sige, subukan niyang magduet mag-isa. Tingnan ko lang sino magmukhang tanga.

Para mabawasan ang inis ay nilingon ko si Josh na umupo sa tabi ko at nag de quatro. May dala pa siyang popcorn at mukhang chill na chill pa siya sa pwesto niya.

"Makaporma, ha. Parang nanunuod lang ng sine," kantyaw ni Ayu sa kanya.

"Syempre. Maya maya manunuod tayo ng movie. Live," sabi niya sabay ngiti nang pagkalaki laki.

Dahil hindi ko naman maintindihan itong si Josh ay lumingon na lang ulit ako sa harap. Tapos nang mag-ayos si Xander at sinabit niya sa kanya 'yung gitara at inayos na yung mic. "Mic test. Mic test."

Ang galing talaga. Akala ko ba magprapractice kami para sa contest? Bakit nagsosolo 'to? Solo practice pala ang gusto niya, ha. Fine! Solo na lang!

"Yannie."

Nagulat ako nang tawagin niya ako. Biglaan masyado. Kitang naiirita ako dito.

Hindi ko siya tiningnan at yumuko na lang.

Lumabas naman sa kusina sina Zoe, Ken at Ice na nag-aayos ata ng pagkain namin at umupo sa sofa na parang manunuod lang ng concert. Ganun lang din si Ayu at Sab. Habang si Josh ay para talagang nanunuod ng movie kasi kain pa rin nang kain ng popcorn.

"Yannie," tawag niya ulit sa akin pero hindi pa rin ako tumitingin. "Look at me, Yannie." Para naman akong ewan at biglang napatingin sa kanya. Nginitian niya ako.

"This one's for you," sabi niya at nagsimula nang magstrum.


♫ If you leave me tonight, I'll wake up alone

Don't tell me I will make it on my own

Don't leave me tonight

This heart of stone will sing till it dies

If you leave me tonight ♫


Nakatingin lang siya ng diretsyo sa mata ko habang kumakanta. Nang matapos na siya ay tinaggal niya 'yung gitara pero nakatapat pa rin siya sa mic. Ano ba?! Bakit ba nakamic pa siya e kaming walo lang naman ang nandito.

"Yannie, there are five things I wanna say. Una sa lahat, gusto kong magsorry sa 'yo. Alam ko ang immature ko. Simpleng bagay pinapalaki ko. Second, about doon sa nakita mong babaeng kasama ko..." Napahinto pa siya. Tsk. Ano? Aamin na ba siyang babae niya 'yun? "Hindi ko alam kung gusto mo bang malaman kung sino 'yun kasi ano nga naman ang pakialam mo sa amin 'di ba? Naisip ko nga na baka nagseselos ka pero ang imposible naman kung mangyari 'yun. Pero seryoso... mas gugustuhin ko pang magselos ka nga. Bakit? Ewan ko rin. Ang gulo ko ba? Sorry, ha. Pero ano... gusto ko lang malaman mo na hindi ko siya babae. Kaibigan ko lang 'yun. Girlfriend nga 'yun ng pinsan ko, e. Kahit itanong mo pa kay Sab."

Napahinto naman siya sa pagsasalita at tumingon kay Sab kaya lang itong si Sab ay kasalukuyan palang nakikipag-away kay Josh. "Akin 'to. Huwag kang kumuha," pabulong na sabi ni Josh kay Sab habang nilalayo yung popcorn niya.

"Huwag ka ngang madamot. Kung 'yung chocolate ko nga kinain mo," sagot naman ni Sab na nguya pa nang nguya.

"Ssh," sabay sabay na saway ng apat.

Napachuckle naman si Xander du'n. Hay. Namiss ko rin marinig 'yung tawa nya. Ang tagal na kasi nyang nakatahimik lang.

Teka nga. Ano ba 'yang pinagsasabi ko? Tsk.

"Third," pagpapatuloy niya. "Seryoso ako nu'n. Noong sinabi kong nagseselos ako." Leche naman. Ayan na naman. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Yannie, nagblablush ka na naman," bulong ng katabi kong si Josh kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Fourth, ayon sa rules natin, two months ang itatagal natin. Almost 1 month pa lang tayo. At sabi rin sa rule, ititigil natin 'to kung inlove na tayo sa iba. Pero hindi naman 'di ba?"

"So anong gusto mong palabasin?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Nginitian niya naman ako, "Gusto ko lang sabihin na fifth, technically, tayo pa rin."

"What?! Nakipagbreak na ako sa 'yo, ha. I mean fake na break pero totoong fake na break. Ugh! What am I even talking about?!"

"Ikaw lang ang nakipagbreak. Hindi naman ako pumayag. Ang relasyon ay binubuo ng dalawang tao kaya hindi pwede na 'yung isa lang 'yung nasusunod. Dapat kung magdedesisyon sila, dalawa silang payag sa desisyon na 'yun."

"Teka nga. Akala ko ba nagsosorry ka sa akin? Bakit parang hindi naman? Nakikipagtalo ka lang."

Napabuntong hininga naman siya. "Okay. I'm sorry. Yannie. Alam kong mali talaga ako. Except doon sa part ng break up. We still have one month left. So pwede bang huwag ka munang makipagbreak? Pwede bang tayo na ulit?" tanong niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya nu'n at kita ko namang gusto talaga niya akong balikan.

Hindi ako makasagot agad. Parang nakain ko 'yung lahat ng words na sasabihin ko at umurong na ang dila ko. "Yannie, makipagbalikan ka na," sabi ni Zoe na tinanguan naman ng iba.

"Please, let's get back together," ang lungkot ng boses niya. "Please?"

Sa halip na sumagot ay tumayo ako. Parang hindi ko na kontrolado ang galaw ko. Napayuko na lang siya dahil sa ginawa ko.

Labas. Lalabas ako. Hangin ang kailangan ko ngayon.

Pero sa halip na lumabas ay dinala ako ng mga paa ko sa harap ni Xander. Mukha namang nagulat siya kasi bigla siyang tumingala at tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang nakain ko. Basta the next thing I know, yakap ko na si Xander hanggang sa naramdaman kong yakap na rin niya ako. "Yannie," bulong niya sa akin.

"Request granted, fake boyfriend."

Natawa siya sa sinabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.



***

Ice's Point of View


Masaya na ulit sina Xander at Yannie. Parang walang nangyari. Ang sweet na naman nila. Parehas naman kasing may nararamdaman na sila sa isa't isa ayaw pang gawing totoo 'yung relasyon nila.

Iniwan muna namin sila sa loob at nagpunta kaming garden. Mukhang may mga pag-uusapan pa ang dalawa. Mamaya na lang namin ituloy ang practice. Hayaan na muna sila.

"Wait lang. I'll get some snacks," prisinta ni Ayu at naglakad na papasok. Tumayo naman si Zoe at sumunod para tumulong.

"Ang sweet sweet lang ni Xander," sabi ni Sab na niyayakap yakap pa ang sarili.

"Hoy, Sab," tawag naman ni Josh sa kanya. Tinaasan siya ng kilay ni Sab. Para namang may hinahanap si Josh sa plastic bag na pinamili niya kanina nang lumabas sila ni Xander.

"Tatawag tawagin ako wala naman palang sasabi – "

"O." Natahimik si Sab nang may inabot bigla sa kanya si Josh.

"Ano yan?" tanong niya.

"Chocolate malamang."

"Bakit mo ako binibigyan nyan?"

"Kasi kinain ko 'yung chocolate mo." Nakatingin lang si Sab sa kanya na parang nagtataka. Nakaabot lang din 'yung chocolate at hindi kinukuha ni Sab. Nainip na ata si Josh dahil bigla na lang niyang nilapit ulit sa kanya ang chocolate. "Sabihin mo na lang kung ayaw mo."

Hinila naman ni Sab ang kamay ni Josh, "Sino nagsabing ayaw ko? Akin na 'to, ano. Chocolate kaya 'to." Nang kunin niya ang chocolate ay napangisi naman si Josh.

"Sweet,*" pagpaparinig ni Ken kaya natawa ako bigla. "Pero mabalik nga tayo kila Yannie. Pakiramdam ko, sooner or later, magiging totohanan na 'yan."

"Parehas naman kasing may nararamdaman sa isa't isa ayaw pang magsiamin," sabi ko.

"Wow, ha. Nagsalita ang umamin na." Okay, barado ako ni Sab du'n. Sabi ko nga.

"Turuan kita, Ice. Sabihin mo 'to kay Zoe." Umakbay sa akin si Josh at may mga ibinulong.

Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya at tinulak siya. "Baduy mo! Sinong magsasabi niyan? Kilabutan ka nga!" Pinagtawanan lang nya ko.

Dumating naman sina Ayu at Zoe ilang sandali lang ay naglapag ng snacks sa gitna.

Umupo na ulit sa katabi kong upuan si Zoe. Kinalabit naman ako ni Josh at tinangu-tanguan. Asa pa 'tong lokong 'to. Hinding hindi ko sasabihin 'yun kay Zoe. Baduy!

Lumingon sa akin si Zoe saka ako nginitian at nag-abot ng sandwich. "Ito sa 'yo, Ice."

Kumakain lang ako ng sandwich habang nakatitig sa kanya na nakikipagkwentuhan na ngayon kila Ayu at Sab.

"Malusaw 'yan," bulong ni Josh.

"Epal ka kanina ka pa. Sasapakin na kita." Tinaas niya lang 'yung dalawang kamay niya at tatawa tawa pa.

Sumandal lang ako sa upuan ko at ilang minuto lang ay nagsalita ulit ako. "Zoe." Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. Sasabihin ko ba? Huwag na lang kaya. "Uhh. Ano..."

"Ano 'yun?" tanong niya.

Inayos ko naman ang sarili ko at huminga nang malalim. Go, Ice. "Alam mo, Zoe, para kang makitid na tulay."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi sa tuwing dadaan ako sa 'yo kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi mahuhulog ako."

Napangiti ako nang makitang medyo nagblush sya. Ang cute talaga niya.

"Bumabanat ka na rin Ice?" tatawa tawang sabi niya kaya napangiti ako at yumuko. Nagulat na lang ako nang may humawak sa mukha ko at pinisil ang pisngi ko. Si Zoe. Leche. Para akong nakukuryente. "Ang cute cute cute mo talaga, Ice." A-ano raw?

"Zoe! Tara lang dito," sigaw ni Yannie na nasa may loob ng bahay.

Binitiwan naman na ni Zoe ang mukha ko. "Ayan na," sagot niya at tumayo na. Nakakailang hakbang palang siya nang bumalik ulit siya sa tabi ko. "Last na," tawa niya at pinisil na naman ang pisngi ko saka tuluyang umalis.

Naiwan naman akong nakatulala. What just happened?

"Kabaduyan pala ha?" pangaasar sa akin ni Josh na ngayon ang nag-iihit ng tawa kaya bumalil na ulit ako sa katinuan.

"Yiii. Kilig na kilig siya," taas baba kilay na tukso sa akin ni Sab.

"Ang pula mo," turo naman ni Ken sa pisngi at tenga ko.

"Para ka ng kamatis," dagdag naman ni Ayu habang tumatawa,

Pagsabi nila niyan ay nilabas nila ang phone nila at pinicture-an ako.

Tawa pa rin sila nang tawa kaya huminga ako ng malalim.

"Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para tumakbo. Siguraduhin niyo lang na hindi ko kaya aabutan – " Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nagsipagtakbuhan na sila.

Mga uto-uto. Hindi ko naman talaga sila hahabulin. Pasalamat sila kinikilig ako.



***

Song title: Stay Close, Don't Go by Secondhand Serenade

Continue Reading

You'll Also Like

39.5M 929K 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.
1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
8.5K 102 41
Your online guide to learning Bisaya, quick and easy! Have you ever heard someone speaking Cebuano/Bisaya? Are you curious about what they're talking...
56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...