Under my spell

By tintininintin888

1.2M 27.7K 2.4K

Ano nga ba yung gayuma? -Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay gina... More

Under my spell
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Author's Note
Ang Lovestory ng Slow na Parrot
Special Chapter

Chapter 41

18.3K 507 37
By tintininintin888

A/N: Woot, konting-konti na lang, tapos na tong UMS na to, yes! Pang-apat na story na matatapos ko, yeah!

Hindi ko sya ulit inedit kase tinatamad ako, so kung may mga mali, pakisabi na lang sakin para mabago ko agad.

Enjoy guys! ^_^

========================================================================

KLARISSE'S POV:

"So bat mo nga ginawa yon?" seryosong tanong sakin ni Mama.

Halos tatlong araw na after nung break-up naming dalawa ni Justine at hindi pa rin kami nag-uusap hanggang ngayon. Nauna rin syang umalis sa Palawan at umuwi dito sa Manila. Hindi ko na rin sya masyadong nakikita dahil sabi ni Jordan, busy daw sa taping at minsan daw sa isang bahay na lang nila umuuwi si Justine. Mukhang ayaw na talaga nya kong makita. Baka suko na talaga sya. Oh well, kasalanan ko naman eh so hindi dapat ako masaktan.

"Hindi ko alam Ma. Siguro natakot ako non na malaman na mas mahal nga nya si Charity sakin kaya inunahan ko sya" malungkot na sagot ko.

"At dahil sa pagiging insecure mo, nawala sayo yung mahal mo! Hay nako Klarisse, hindi mo man lang ba naisip kung gaano ka kamahal ni Justine? Bakit kailangan mong isipin yon?"

"Ma naman, kita mo naman kung gaano kaganda si Charity, at ang sweet pa nya kay Justine, ano namang laban ko don?!"

Tumango-tango naman si Mama.

"Sabagay, sobrang ganda naman talaga ni Charity kung ikukumpara sayo" seryosong sabi ng nanay ko.

Aba! Ni hindi man lang pinalakas yung loob ko at sinabing 'hindi naman anak, mas maganda ka naman kay Charity'. Nakakaiyak naman yung pagmamahal sakin ni Mama.

"Ma naman!" inis na sabi ko.

"O bakit? Masama bang magsabi ng totoo?"

"Dapat binola nyo man lang po ako!"

"Ay hindi ko gagawin yun anak. Ayokong isipin mo na mas maganda ka kay Charity kase hindi naman talaga"

"Grabe, sobrang mahal mo talaga ko Ma!"

"Oo naman, kaya ayokong magsinungaling sayo" nakangiting sabi nya.

"Tsk, ewan ko sayo Ma!"

"Klang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" pareho kaming napatingin ni Mama kay parrot. Ano na namang nangyari dito at parang hinahabol ng kung ano? At kung makasigaw wagas ha!

"Klang, yung-uh panoorin mo uh" humihingal na sabi nito.

"Psst parrot kalma! Ano ba kasing nangyari at kung makasigaw ka eh para kang inahing baboy!"

"Channel 8 Klang!"

"Huh?"

"Panoorin mo! Interview ni JT!" malakas pa rin na sabi nya.

Pagkarinig ko non ay agad kong binuksan yung TV at inilipat sa channel na sinabi ni parrot.

"And we're back. Kasama pa rin po natin ngayon yung bida sa upcoming movie na 'Catch me I'm falling', si Justine Martinez. " narinig kong sabi ng host.

Nun biglang pinakita sa screen si Justine. Hindi ko napigilan yung luha ko na biglang pumatak. Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na si Justine ko.

"Hello po Tito Bhoy" nakangiting sabi nya.

Sana para sakin yang mga ngiting yan babe. Kaso alam kong galit ka sakin kaya hanggang pangarap na lang siguro ulit ako ngayon.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Justine. Isang tanong, isang sagot, totoo bang naging kayo noon ni Charity?"

"Yes Tito Bhoy, 2 years ago po. Tapos last year nagbreak kami"

"Oh, pwede ba naming malaman kung bakit kayo naghiwalay?"

"Sorry po pero samin na lang po siguro yun" nahihiyang sagot ni Justine.

"Ok, irerespeto ko yan. Pero, kayo na ba ulit?"

Nakita kong umiling si Justine kaya nakahinga ako ng maluwag. Phew! Kala ko after ng break-up naming dalawa bigla syang babalik kay Charity eh.

"Bakit? Nabalitaan ko yung ginawa nyang panghaharana sayo sa Palawan. At balita ko tinanong ka nya kung pwede ka ulit maging girlfriend."

"Yes po Tito Bhoy, tinanong nga po nya yon"

"And why did you say 'NO'?"

Nakita kong sumeryoso yung itsura ni Justine at nangilid yung mga luha. May kung anong tumusok sa dibdib ko nang makita yung reaksyon nya. Kasalanan ko kung bakit sya naiiyak, kasalanan ko kung bakit ganyan sya kalungkot.

"Dahil may ibang mahal po ako" malungkot na sabi nya.

"Oh I see, kaya naman pala. And where is she now? Pwede ba naming malaman kung ano yung pangalan nya?"

Umiling-iling naman si Justine.

"Wala na rin po sya Tito Bhoy, wala na po kami" nagulat yung host nang biglang umiyak si Justine. "Nawalan po sya ng tiwala sa relasyon naming dalawa."

Napapikit naman ako dahil ayokong makita syang umiiyak. Mas nasasaktan ako.

"Pero mahal mo pa ba sya?"

Ngumiti lang si Justine. Hindi nya sinagot yung tanong nung host.

"May message ka ba para sa kanya?"

Umiling lang si Justine.

"Pero sa mga fans ko po meron. Sana po panoorin yung movie namin na 'Catch me I'm falling' sigurado po akong magugustuhan nyo yon dahil ubod ng galing po yung director ng movie na to. And pwede din po kayong pumunta sa premiere night ng movie sa Sm Megamall, cinema 1. Sa Wednesday na po yon, sana po makapunta kayo."

"Maraming-maraming salamat sa pagdalaw mo samin ngayon Justine, at goodluck sa movie nyo"

"Salamat din po Tito Bhoy"

"At sana kung sino man yung mahal mong yon, sana nanonood sya para malaman nya kung gaano mo sya kamahal. Kahit hindi ka sumagot kanina, alam kong alam nya na mahal mo pa rin sya. At kung sino ka man 'mystery girl', sana gawin mo yung lahat para bumalik sayo si Justine. Wag mo syang pakawalan. Yun lang. Salamat at magbabalik pa po ang 'DABAS'."

Medyo matagal nang patay yung TV pero nakatitig pa rin ako dito. Ano bang dapat kong gawin? 

"O ano pang ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Mama.

"Po?"

"Bakit nandito ka pa?"

"San naman po ako pupunta?"

"Bawiin mo si Justine"

"Ma, hindi naman po sya naagaw sakin eh, hindi nga daw po silang dalawa ni Charity diba?"

"Kahit na, wag na wag kang uuwi dito na hindi kayo ulit ni Justine!"

"Aba Ma, papano kung ayaw na nya sakin?"

"Eh di hindi ka pwedeng umuwi dito!"

"Ma naman! Saan naman ako makikitulog?"

Tumingin ako kay Maybelle.

"Sorry couz, sabi ni Tita wag din daw kitang patulugin sa bahay"

"Ma! Maaatim nyo po ba na sa kalye ako matulog?"

Sandaling nag-isip si Mama sabay tango.

"Ok lang"

"Seryoso ba yan Ma?"

"I've never been this serious Klarisse" hala na! nag-english na yung nanay ko. Ibig sabihin seryoso sya.

"Pero Ma, hindi ako ready ngayon."

"Ok na, naihanda ko na lahat, nasa mesa yung niluto kong sinigang para kay Justine saka pinagbake ko na rin sya ng yema cake. Diba gusto nya yon?"

Tumango lang ako kay Mama.

"Tinext na rin sakin ni Jordan kung san yung location ng taping ni Justine kaya dalhin nyo na yung pagkain sa kanya." Sabi nya saming dalawa ni Maybelle. "At Klarisse, mag-ayos ka ha, para naman maganda ka sa paningin nya mamaya"

Inirapan ko naman sya.

"Ma, kahit hindi ako mag-ayos, maganda pa rin ako no!"

Nagulat ako nang tumawa sya ng malakas.

"Grabe ka talaga Klarisse, ang galing mong magpatawa"

Tumayo na lang ako at kinuha yung pagkain na pinapadala nya kay Justine. Tsk, nakakaloka tong nanay ko. Grabe magpataas ng self-confidence. Tss!

"Wag mong kakalimutan Klarisse, wag na wag kang uuwi hangga't hindi kayo nagkakabalikan ni Justine"

Inirapan ko lang ulit si Mama. Ewan ko sa kanya, alangan namang pilitin ko si Justine na balikan ako para lang papasukin nya ko sa bahay.

"Parrot, ikaw na lang kaya mag-abot nito sa kanya?" sabi ko kay Maybelle nung makarating kami sa location.

"Klang naman, talaga bang wala kang planong ipaglaban yang nararamdaman mo para kay JT?"

"Natatakot ako Maybelle, papano kung ayaw na nya sakin?"

"Ayan ka na naman eh, baka tama nga si JT, wala ka talagang tiwala sa kanya at sa relasyon nyong dalawa. At saka akala ko ba sabi mo sakin nung nasa Palawan pa tayo na gagawin mo yung lahat para lang bumalik sya sayo? Aba tatlong araw na Klang wala ka pa ring ginagawa."

"Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko eh"

"Mahal mo ba?"

"Sobra!"

"O yun naman pala eh, basta ipakita mo lang sa kanya kung gaano mo sya kamahal"

"Eh papano nga kung---"

"Klang, nung una din, alam ni JT na hindi sya yung mahal mo, pero sumuko ba sya? Hindi diba? Ginawa nya yung lahat para mapansin mo sya, para mahalin mo din sya"

Tama si parrot, kailangan kong patunayan kay Justine na mahal ko sya. Na hindi totoo yung sinabi ko sa kanya sa Palawan non na napilitan lang ako na sagutin sya.

Tumango ako kay parrot. Pero kabado pa rin ako dahil ngayon lang ulit kami magkikita ni Justine pagkatapos nung nangyari sa Palawan. Agad naman kaming pinapasok ni manong guard dahil sinalubong kami ni Carlo.

"Hey girls! Buti naman napadalaw kayo" nakangiting sabi nito.

"Ahm, m-may pinadala kasing pagkain si Mama kay Justine eh" kabadong sabi ko.

"Oh I see. Tamang-tama,  tapos na yung taping and andun lang si Justine sa dressing room nya. Samahan ko na kayo"

Naramdaman ko na nanigas ako at hindi makalakad dahil sa sobrang kaba. Napansin naman ito ni Carlo kaya binulungan nya ko.

"Relax. Matutuwa sya na makita ka" sabi nito sabay kindat.

Ngumiti naman ako ng pilit. Seryoso ba sya don? Matutuwa ba talaga si Justine? Baka naman ipagtabuyan nya ko dito.

Mas lalo akong kinabahan nung nasa harap na kami ng dressing room ni Justine. Kumatok naman agad si Carlo.

"Pasok!" biglang lumukso-lukso yung puso ko nang marinig yung boses nya. Grabe, this is it Klarisse, patunayan mo sa kanyang mahal mo sya!

Naunang pumasok yung dalawa dahil hindi ko maigalaw yung mga paa ko. Hindi ko pa yata kayang harapin si Justine.

"Hey JT!" narinig kong sabi ni Maybelle.

"Oh hi Maybelle! Anong ginagawa mo dito?" halatang nagulat sya nang makita si parrot.

"Inutusan kasi kami ni Tita na dalhan ka ng pagkain"

"Kayo?"

"Oo andito si—"

Hindi na naituloy ni parrot yung sinabi nya dahil bigla akong binati ni Jordan. Anong ginagawa nya dito? Hindi naman dito yung location ng taping nya ah!

"Klarisse!" malakas na sabi ni Jordan na halatang pinaparinig sa mga tao sa loob ng dressing room. Or should I say pinaparinig kay Justine.

"H-hi Jordan" sabi ko sa kanya pero hindi nakaligtas sa kanya yung sama ng tingin ko kaya nakangiti syang nag-peace sign.

"Bat ayaw mong pumasok sa loob? Ano yan? Yan ba yung padala samin na food  ni Tita?"

Tumango ako sa kanya at padabog na iniabot yung pagkain. Bat kailangan pa nyang lakasan yung boses nya? Eh andito lang ako sa tabi nya o. Tsk!

Tatalikod na sana ako at lalabas na ulit nang building nang biglang may tumawag sakin. At dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko, kilalang-kilala ko kung sino yung nagmamay-ari ng boses na yun.

"Klarisse!" ouch! Klarisse na lang, nasan na yung babe?

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Oh hi Justine, nagdala pala kami ng pagkain, niluto ni Mama." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Kailangan hindi nya mahalata na kinakabahan ako.

"Wow, pakisabi kay Tita salamat! Ahm, wala naman sigurong gayuma to no?" nakangiting sabi nya.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

Seriously? Hanggang ngayon hindi pa rin nya nakakalimutan yung tungkol sa gayuma! Tsk!

"Wala"

"Good, naninigurado lang"

Tse, bat ko pa sya gagayumahin eh alam na alam ko namang patay na patay sya sakin! Tsk!

"Ok, sige alis na ko ha"  paalam ko sa kanya.

"Ok. Ingat!" narinig kong sabi nito.

Bigla naman akong natigilan sa sinabi nya. At talagang hindi nya ko pinigilan ha. Ok lang sa kanya na umalis ako agad. Hindi ba nya ko namiss? Talaga bang suko na sya?

Wag kang umalis Klarisse, gumawa ka ng paraan para hindi ka nya tuluyang sukuan.

Bumalik ako at pumasok sa dressing room nang hindi kumakatok. Nagulat ako dahil parang hindi na sila nagulat na bumalik ako. Parang inaasahan nilang yun yung gagawin ko. At nakita ko rin kung papano magngitian yung tatlong unggoy na kasama namin dito sa dressing room.

"Yes Klarisse, may kailangan ka pa? Akala ko aalis ka na?" nakangiti pa ring tanong ni Justine.

"M-may gusto lang sana kong sabihin sayo" mahinang sabi ko sa kanya.

"Sure ano yon Klarisse?" tsk, kailangan paulit-ulit yung pagbanggit ng pangalan ko? Oo na, gets ko na, galit ka! Tsk!

"P-pwede bang yung tayong dalawa lang?"

Tumaas naman yung kilay nito.

"Why? Ok lang naman siguro kahit nandito silang tatlo diba?"

Shet, lalo akong kinabahan. Tsk, ok lang sana kung kaming dalawa lang eh, kaso may tatlong nakikiusyoso.

"Ano kase, uhm, ahm"

"I'm waiting..."

"P-pwede ka bang ligawan?" mahinang sabi ko.

"Sorry, ano ulit? Ang hina kasi ng boses mo eh"

"A-ang sabi ko, uhm, pwede ba kitang ligawan?" nahihiyang sabi ko.

"Oh. Why? Dahil sinabi ni Tito Bhoy? Sinabi ng Mama mo? Don't tell me napipilitan ka lang?"

Umiling-iling ako.

"No hindi yun! Gusto ko to. Gusto kong gawin. Kase m-mahal kita"

Bigla syang natahimik. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng dibdib ko.

"Sigurado ka dyan?"

Sunud-sunod naman akong tumango.

"OK" sabi nya sabay kibit-balikat.

Bigla namang nagliwanag yung mukha ko.

"Ok as in tayo na ulit?"

"Ha? Ang tinanong mo lang kanina kung pwedeng manligaw diba? Tapos ngayon gusto mo tayo na agad? I'm not easy Klarisse."

"Wala naman akong sinabing---"

"Kung gusto mo kong ligawan, gawin mo yung mga ginagawa nung mga nanliligaw"

"Papano ba---"

"Kung hindi ka marunong, wag mo na lang ituloy. Baka kasi napipilitan ka lang"

"No, kaya ko to. Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita sa inyo" nakangiting sabi ko sa kanya.

Tama, kung mahal ko si Justine, kailangang paghirapan ko to!

"Kay kuya ko sasabay" derechong sabi nito.

Aw, blangko agad! Ang aga-aga, feeling ko nabasted na agad ako.

"Ay ok, sige siguro next time na lang" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Tsk, wrong answer" nailing na sabi nya.

Huh? Panong wrong answer eh wala naman syang tanong? Labo nitong babaeng to!

"Tsk Klang, dapat pinagpilitan mo na isabay sya sayo. Ang bilis mo namang sumuko. Aba kung ako yung nililigawan mo, basted ka agad" singit ni parrot.

Ngali-ngaling batuhin ko ng sapatos tong kontrabidang to eh. Sa hindi ko alam na ganun pala dapat eh. Lecheng to, binigyan pa nya ng idea si Justine na bastedin ako!

"Pero sige, sayo na ko sasabay." Narinig kong sabi ni Justine.

Bigla naman akong napangiti sa kanya.

"Kuya, isabay mo na lang yang si Maybelle. DIto na ko kay Klarisse sasabay, kayo na din pala yung magdala nung pagkain na bigay ni Tita sa bahay, dun na lang tayo kumain." sabi pa ni Justine.

Susunod na sana ako nang bigla syang lumingon sakin.

"Bat hindi mo dala yung mga gamit ko?" sabi nya sabay turo ng pagkarami-raming bag sa loob ng dressing room.

"Lahat yan?"

"Oo, bakit may problema ka?"

"Eh kase---"

"Kung hindi mo kaya, sumuko ka na lang"

"No! Kaya ko to" nakangiting sabi ko sa kanya sabay buhat ng ibang bag. Grabe, ang bigat! Pero kakayanin ko to para kay Justine.

Nang mailagay ko na lahat ng gamit nya sa kotse, agad syang umupo sa likod. Aish, ano to, driver nya ko? Kalma Klarisse, hayaan mo na, mahal mo diba?

Tahimik lang kami buong byahe. Ayaw naman nya kong kausapin eh. Naglagay pa nga sya ng earphones sa tenga. Tsk.

Pagdating sa bahay nila ay agad ko syang pinagbuksan ng pinto at pinasok ko sa loob yung gamit nya.

"Ahm Justine, pwedeng humingi ng favor?" tanong ko sa kanya bago sya tuluyang pumasok sa bahay nila.

"Ano yon?"

"Pwede mo bang sabihin kay Mama na nagkabalikan na tayo?"

"Huh? Bakit?"

"Kase hindi daw ako pwedeng umuwi at matulog sa bahay hangga't hindi tayo nagkakabalikan"

"Oh I see. And no, hindi ko sasabihin kay Tita yon"

"Please, ayoko namang dito sa kalye matulog"

"At ayoko namang magsinungaling sa Mama mo."

"So ok lang sayo kahit sa kalye ako makatulog?"

Nagkibit-balikat lang sya sabay pasok sa loob ng bahay nila.

Malungkot na umupo lang ako sa bangko sa tabi ng kotse ko. Ano ba naman to, first time kong matutulog sa kalye. Ni wala man lang banig o unan man lang. Ayoko naman sa loob ng kotse, ang init kasi don. Tapos pag binuksan ko naman yung bintana mamaya, magpapasukan lahat ng lamok. Tsk! Kunin ko kaya yung off-lotion kay Mama, baka magkadengue ako nito eh.

Nasa ganung pag-iisip ako nang biglang may humila sakin. Nagliwanag yung mukha ko nang makilala sya.

"Justine? Sasabihin mo na kay Mama?"

"No, ayokong magsinungaling kay Tita, pero hindi rin naman kita pwedeng pabayaan dito sa kalye. Dun ka na lang muna sa bahay matulog"

Napangiti ako sa sinabi nya. Aww, nag-aalala pa rin sakin si babe.

"Seryoso ka dyan babe?" napansin ko na napangiti sya pero agad ding nagbago ng reaksyon nang makitang nakangiti ako.

"Yeah, dun ka muna sa guest room, ok lang ba?

Nakangiting tumango ako sa kanya.

"Oo naman, kesa naman dito sa kalye diba?"

"Ok, sumunod ka na sakin. Alangan namang akayin pa kita papasok ng bahay"

Nagulat sya nang bigla kong hawakan yung kamay nya.

"Halika na, kain muna tayo, nagugutom na ko eh" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Takaw!" sabi nya sabay pisil sa ilong ko.

"Di kaya, tse! ang sakit non ha!" sabay irap ko sa kanya.

Umiling lang sya sabay ngiti.

"O lika na sa loob" yaya nya sakin sabay higpit sa hawak sa kamay ko.

Napangiti naman ako sa ginawa nya.

Alam kong mahal pa rin nya ko at mahal na mahal ko pa rin sya.

At gagawin ko lahat para bumalik ka ulit sakin Justine, at pag nangyari yon, hinding-hindi na ulit kita pakakawalan.

Sakin ka na habang buhay Justine Martinez, sakin lang!

Continue Reading

You'll Also Like

31.9K 1.2K 31
There is always a goodbye in their hellos. Lagi silang pinag tatagpo pero pinag hihiwalay ng tadhana. All they ever wanted in this life is to be happ...
358K 8.5K 79
Bullet Shayne James Story (This book is full of errors that needed to be fix soon)
1.3M 21.6K 60
"She Fell Series Book One" ** "I-I'm sorry!" Nabigla ako dahil nasampal ko si Elise. "I mean no, why the hell did you do that?" I asked giving her a...
5.3K 225 8
PAALALA: Basahin muna ang Prophecy Of Two Creatures bago ang Vengeance. ---- Labing walang taon na kapayapaan ang natamasa ng mga Bampira sa ilalim n...