Nang makarating na sila Inspektor, Janus, Alice at Shiela sa ospital. Agad silang inilagay sa emergency room.
Sa sobrang pagod at sakit ng katawan, hindi na kinaya ni Alice na pigilin ang pagpikit ng mga mata at nakatulog.
Sa kanyang muling pagmulat...
Mahimbing ang pagkakatulog ni Janus. Hindi napigilan ni Alice ang maluha dahil sa itsura nito.
Halos matakpan ng pasa ang buong mukha ni Janus.
Lumapit ang tatay ni Janus sa kanya.
Dont worry he's doing fine... - wika nito
Gumuhit ang ngiti sa labi Alice.
Si Shiela, si Inspektor? - paghahanap ni Alice
Shiela is doing fine aside from losing her right eye. Hindi parin sya makausap because of too much trauma.
Inspektor is doing good, bukod sa sugat sa hita at pilay sa kanang kamay.
Tila nadagdagan ang ngiti sa kanyang mukha matapos marinig ang balita.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa to ni Mr. San Carlos. - wika ni Alice
Wag mo ng isipin un hija... ang mahalaga ligtas kayo ngaun. - tugon ni Mr. Custudio
Hindi napigilan ni Alice ang maluha at yumakap na lamang sa tatay ni Janus.
Sa pagbitiw nito sa pagkakayakap... nakita nito na nakatingin sa kanila si Shiela.
Shiela? - ani ni Alice
Bahagyang tumayo si Alice ngunit hindi pa rin kaya ng katawan nito dahil sa labis na sakit.
Dont push your self Alice. - payo ng tatay ni Janus
Ilang saglit ay pumasok si Inspektor sa kanilang kwarto.
Kamusta na Inspektor? - tanong ni Mr. Custudio
Narecover na ang bangkay ni Mr. San Carlos at dalawa pang pulis. - sagot nito
Nagtaka si Alice sa kanyang narinig.
Yes, Alice. Bangkay na nang matadnan nila ang pulis. They dont know how... pero walang ebidensya at parang mystery ang kanilang pagkamatay. - pahayag ni Inspektor
Nabalot ng takot si Alice nang makita ang matandang babae sa tabi ni Shiela.
Shiela... - tila takot na tawag ni Alice
Lumapit si Inspektor kay Alice at pilit itong pinakalma.
Dont worry Alice, Shiela is fine. - wika nito
Hindi, nanganganib ang buhay ni Shiela... - paghe-hysterical ni Alice
Pumasok ang isang nurse, at tinurukan si Alice ng pampatulog upang kumalma at makapagpahinga.
Shiela... - huling wika ni Alice bago makatulog
Sa pagkatulog ni Alice ay ang pagkakagising naman ni Janus.
A... li... ce... - paputol putol na sambit ni Janus
Janus... relax... you need to rest. - payo ng tatay nito
Alice is getting fine as well as Shiela. - dagdag nito
Tila bumilis ang tibok ng puso ni Janus.
Agad na rumespunde ang nurse...
Sir, your son needs to be relax. Bawal muna syang magulat or matakot, his body is suffering from multiple stab & matatagalan siyang maka-reocover kung makakaranas siya ng sobrang depression . - ayon sa nurse
At tinurukan ng pampatulog si Janus.
Matapos ay lumabas si Inspektor at pinuntahan si Shiela na nagmamasid sa kanila.
Ok ka lang? Gusto mo bang pumasok? - tanong ni Inspektor
Ngunit wala itong narinig na sagot mula rito.
Alas dose ng hating-gabi.
Iilan na lamang ang tao sa ospital.
Abala rin ang mga kapulisan sa paglakalap ng mga ebidensya.
Isang file ang iniabot ng pulis sa chief of police.
Labis na pagkagulat ang bumalot sa mukha nito nang mabasa ang file.
Agad na kinuha nito ang cellphone at idinial ang number ni Inspektor.
The subscriber cannot be reached. - sagot mula sa operator.
Inulit ulit pa nito ng ilang beses ngunit bigo parin siyang makatawag.
Agad na nag-utos ito sa mga kapulisan na pumunta sa ospital.
Move. Everyone move. - natatarantang utos nito
Kinuha muli nito ang cellphone, at nagpadala ng text message kay Inspector.