Si Mr.MP ?! (KathNiel)

Від geleeerica

13.5K 143 50

"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful" Більше

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Special Chapter:Payphone
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 22

274 4 0
Від geleeerica

HIS POV

Nasaktan ko na naman siya. Hays. ANG TANGA MO TALAGA KAHIT KAILAN JOHN! BWISIT!

Binuhat ko siya sa aking mga bisig tapos bumalik sa party para kunin yung kotse.Buti nalang at wala ng nakakita samin kaya binuksan ko na agad ang door ng kotse. Pinaupo ko siya sa shotgun seat tapos nilagyan ng seatbelt.

Before I started the engine, sinilip ko muna siya at napayapa ako ng makita kong mahimbing na siyang natutulog,"Sorry." sabi ko before I kiss her forehead then starts to drive.

Nakarating na kami sa bahay nila ng mapansin kong ang dilim pa rin sa loob at naka-lock pa rin ang gate nila. Napabuntung-hininga nalang ako kasi hindi ko naman siya pwedeng iwan dito sa bahay nila ng mag-isa sa ganyang kalagayan pa.

No choice kaya sa bahay nalang namin kami dumiretso.

Pagpasok namin ng bahay, diniretso ko na siya agad sa kwarto ko. Inihiga ko na siya sa kama tapos kinumutan at binuksan yung aircon.

"Bakit?Bakit?May mali ba sakin?...." nakapikit niyang sabi ng paulit-ulit habang nakakunot ang noo at may namumuong luha na naman sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kanya then I point yung nakakunot niyang noo with my index finger tapos pinunasan yung pisngi niya.

"Wala kang ginagawang mali Chandria dahil para sakin lahat ng nasa iyo at tungkol sayo ay totoo at tama" Dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya nang---

*riiiiiiiiingggggg

"Oh Mom?"

:Nasaan ka? Patapos na yung party.

"Mom nandito na po ko sa bahay."

:Oh? Anong nangyare?

"Si Chandria po kasi..."

:ANONG NANGYARI SA KANYA?!"

"Ma, kalma ok na siya nagpapahinga na siya dito sa bahay."

:Sige,pauwi na rin kami. Naku! John huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan ah?!

"Mom, I can handle this. Sige po ingat sa pag-uwi. Bye."

*toot toot

Panira naman talaga si Mom oh. Hahaha! Konti nalang eh. Naisipan ko nalang na paghandaan siya ng makakain dahil alam kong hindi siya nakakain kanina dun sa party.

Pero bago ako lumabas kiniss ko muna siya sa noo at ni-lock yung kwarto.

Nasa kusina ako naghahanda na ng sandwich ng marinig ko na ang mga ingay sa labas.

"John! John! Nasaan kang bata ka?!" sigaw ni Mom pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.

"Mom! Nandito ako sa kusina." maya-maya lang nakatanggap na ko ng isang solid na hampas sa braso mula sa kanya, "Araaay naman!"

"Nasaan siya? Anong ginawa mo sa kanya?!" Nag-eeskandalong sigaw na naman niya.

"MOM! KALMA! ANG INGAY MO! Magigising si Chandria eh, pagod pa naman yun." sabi ko habang hinihimas yung braso kong pulang-pula na sa lakas ng hampas niya.

"ANO?! IKAW TALAGANG BATA KA! ANONG PAGOD?! NAKU! NAKU! ANG BABATA NIYO PA AH! NASAAN SIYA?" At ilang libong hampas at kurot na naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"ARAAAAY! MOM NASA KWARTO KO NGA! NAPAGOD SIYA KAKAIYAK! Pinag-iisip mo po?!" sabi ko habang pinipigilan ko yung kamay niyang hahampasin na naman ako.

"Iba ka talaga bro! Nasa kwarto mo na agad? Kaya idol kita eh." sabat naman ni JC tapos nakipag-apir sakin at nag-wink sakin. Alam ko na balak nito, aasarin namin si Mama. HAHAHA!

"Napagod nga eh." naka-ngisi kong sabi sa kanya sabay tingin kay Mom na nanlaki yung mata sa narinig.

"Aba malakas." sabi naman ni JC.

"Ako pa ba?-----WAAAAAAA!" Sigaw namin habang papalayo sa kusina ng makita naming may dala ng kutsilyo si Mama.

"Huwag lang kayong dalawa magpapakita sakin kundi tatagain ko kayo!" rinig pa naming sigaw niya habang kami tumatakbo.

Dumiretso nalang kami sa entertainment room para magtago tapos ni-lock yung pinto. Pagpasok, inambagan ko kaagad si JC.

"G*go ka talaga bro!" tapos pasakal ko siyang inakbayan habang ginugulo yung buhok niya.

"HAHAHAHAHA! ARAY KUYA! TAMA NA!" Nagmamakaawang sabi niya kaya binitawan ko na.

"Ang dami mo ng kasalanan sakin ah!" sabi ko sabay upo sa couch tapos binuksan yung tv.

"Huh?..Ah eh ano yun? Sinakyan ko lang naman yung trip mo kay Mama kanina eh. HAHAHA!" sabay tabi niya rin sakin habang pumipili ng cd.

"Hindi lang yun." Kalmado kong sabi sabay lingon sa kanya.

"Eh ano?---ARAAY! KUYAAA! ISUSUMBONG NA TALAGA KITA KAY MAMA!"

"Pa-inosente ka pa ah?! Yan, yan bagay sayo yan." at dinaganan ko pa siya lalo habang pinapalo.

"Ang sweet naman ng magkapatid." napalingon kami sa nagsalita tapos tumayo na kami ng maayos. Bakit nandtio pa 'tong babaeng toh?

"Paano mo nabuksan yan? Naka-lock yan kanina ah?" tanong agad ni JC kay Ivy.

"Binigyan ako ni Mommy Kaye ng susi, bakit ba?" sabay upo sa may couch tapos lumapit lalo sakin.

"Ano ba? Lumayo ka nga sakin." sabi ko habang pinipilit tanggalin yung braso niya sa braso ko.

"Ang arte mo! Palibhasa may Chandria na. Hmp!" inalis niya na rin naman yung braso niya sakin tapos lumayo ng kaunti.

"Kaya nga eh, tapos nabugbog pa ko dahil pinakilala ko lang naman siya kanina sa banda." pangunguntsaba ni JC kaya tinignan ko lang siya ng masama. Naintindihan niya naman yun kaya nanahimik siya.

"Ang possessive naman, ang tanong sayo ba?" nakakaasar na tanong naman ni Ivy habang nakangiti ng nakakaloko.

"Pakielam mo? Umuwi ka na nga! Bakit ka ba kasi nandito? Bahay mo ba toh?" sabay higit sa braso niya para makatayo siya tapos hinila papalapit sa may pintuan.

"Ayokooooo! May sasabihin pa nga ko eh." pagpupumiglas niya habang hinaharang yung kamay niya sa may door knob.

"Ano ba yun?!" iritado kong sabi.

"Si Chandria at Angelo....."

"ANO?!"Sabay pa naming sabi ni JC kaya nagkatinginan kami.

"SILA NA."

And with that, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Anong sila? Hindi pwede. Sabi niya AKO LANG di ba? Special naman daw ako sa kanya.

Pero kung iisipin hindi imposible ito kasi sila ang laging magkasama. SIla lagi nag-uusap. Sila lagi ang nag-aasaran o nagkukulitan. Nakikita ko namang lagi silang masaya sa isa't isa.

Tapos ako? Napapangiti ko naman siya pero madalas? Nasasaktan ko siya. Umiiyak lang siya kapag ako ang kasama niya. PERO SILA NA? HINDI PWEDE MANGYARI YUN KASI AKIN LANG SI CHANDRIA!

"Sinungaling." nasabi ko nalang bago tuluyang lumabas ng entertainment room.

Dumiretso na agad ako sa room ko na malapit lang dito nang makita kong medyo nakabukas yung pinto. Bakit kaya? Pagsilip ko, nanlaki agad yung mga mata ko sa nakita ko. Napansin niya atang nandun ako kaya isang unan na lumilipad ang bumulaga agad sa akin.

"ISARA MO NGA YAN! BASTOS!" Sigaw niya kaya naman sinara ko agad yung pinto.

"SORRY! HINDI KO ALAM NA NAGBIBIHIS KA PALA! SORRY!" pasigaw kong sabi tapos bumaba na agad ng dining area. Woo! Tubig! Kailangan ko ng tubig.

Pagkalapag ko ng malamig na tubig matapos inumin ay doon ko lang narealize ang mga nangyari.

WOOO! SHEYT!!! Ang seksi niya! Pero huwag kayong praning, nakatalikod siya nun. Pahubad na pero ako na mismo ang umiwas ng tingin kaso nabato din ako agad ng unan.

Ang tanga ko lang eh noh? Nagtaka pa ko kung bakit bukas yung pintuan ko eh ako mismo naglagay sa kanya dun sa kwarto ko. -_-

"ARAY! TANG*NA! ILANG PALO NA YUNG----ARAAAYYYY!" bulalas ko at isang solid na pingot sa dalawang tenga ang natanggap ko.

"BAKIT KA PUMASOK DUN SA KWARTO NIYA AH?! IKAW TALAGANG BATA KAAA!!" sermon niya habang ako namimilipit na sa sakit ng pingot niya.

"ARAY MAAAA! SYEMPRE PO KWARTO KO YU--ARAAAYYY!"

"Dun ka muna kay JC matulog. At huwag na huwag kang babalik dun sa kwarto mo, maliwanag ba?! At tigil-tigilan mo na yang pagmumura mo ah? Marinig ka nila Magui at Lelay." sermon pa niya sabay bitaw na nung tenga ko.

"Opo...." nasabi ko nalang habang hinihimas yung dalawang tenga ko. Sa laki ba naman ng mga kamay ng Mom ko, dila lang siguro ang walang ratay sakin.

"Hep..hep saan ka pupunta?!"

"Kukuha ng damit pampalit sa kwarto ko." sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya sabay takbo sa kwarto ni JC.

"MARK JOHN ESTRADAAAAAAAA!" Rinig ko pang sigaw niya bago tuluyang ni-lock yung pintuan.

"OH BAKIT NANDITO KA PA?! WALA KA BA TALAGANG BALAK UMUWI SA INYO?!" Baling ko kay Ivy na nakadapa sa kama ni JC habang naglalaro ng iPad niya.

"Kuya hindi mo pa ba alam?" sabat naman ni JC na katatapos lang maligo galing banyo.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko tapos umupo sa couch.

"I will be staying here for 3 weeks kasi nag-out of town sila Mom and Dad. Since parehas naman tayo ng school, dito nalang muna ako pinag-stay." paliwanag naman ni Ivy.

"Aish! Bwisit!" napakamot nalang ako sa ulo tapos nahiga nalang sa couch.

"Dito ka matutulog Kuya?" Tanong ni JC.

"Oo, kaya palabasin mo na yang white lady na yan para makatulog na tayo---ARAY! P*TA! KANINA PA KAYO AH!" Asar na asar kong sabi matapos mabato na naman ng unan.

"I HATE YOU!" sabi ni Ivy sabay labas ng room ni JC.

"Nice one bro!" huling narinig ko mula kay JC bago tuluyang nakatulog. Nabugbog na nga, nagkaroon pa ng alagaing aso sa bahay. Hay buhay.

HER POV

"Pagpasensyahan mo na yung anak ko ah? Loko-loko talaga yun eh. Hehehe" sabi ng Mom ni John habang inaayos yung higaan ko. Katatapos ko lang kasi magpalit ng damit, kasi natagalan ako sa pag-sink in sa utak ko ng mga nangyari kanina.

May nakita kaya siya? Hays. For sure, wala naman kasi nakatalikod ako nun at wala pa sa half yung damit ko ng pumasok siya. Tama yun, wala.

"Hehehe ok lang po, sanay na po ko sa kalokohan nun." nasabi ko nalang pampawala ng awkwardness dahil sa topic namin.

"Alam na ba ng family mo na dito ka muna mag-iistay?"

"Opo. Tinext ko na po sila. Pasensya na po sa abala. Don't worry paggising ko po uuwi na po ko agad sa bahay."

"Naku iha, huwag ka ng mahiya because you're already part of our family." sabay hug niya sakin. Part of Estrada Family? Sana nga pero mukhang malabo na...

I just nodded ng maramdaman kong parang maluluha na naman ako. Pesteng luha naman talaga oh.

"Pinaiyak ka ba ni John ah? Sabihin mo lang at kami bubugbog sa mokong na yun."

"Hehehe wala po yun kasi......"

"Ano ba nangyari?" at kinuwento ko sa kanya yung dahilan bakit ako humagulgol kanina. Nagulat nalang ako ng mas lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sakin habang tumatawa.

After nun, hinawakan niya ako sa balikat tapos tinitigan mata sa mata, "Hahahaha, mga kabataan nga naman oh. I think kailangan niyo lang mag-usap ni John, misunderstandings lang yan." Maya-maya lang inihiga na ko ni Tita Kaye sa kama tapos hinalikan muna ko sa noo bago tuluyang ni-lock yung pinto.

Kinabukasan, nagising ako sa lakas ng mga tawanan sa baba. Oh shoot! Nandito pa nga rin pala ako sa bahay ng mga Estrada. Aish!

Bumangon na ko agad at nagbanyo. Sinuot ko na ulit yung dress ko tapos tinupi nalang ng maayos yung tshirt at pajamas na pinahiram sakin ni Tita kagabi sa kama.

*tok tok

"Bukas yan." sabi ko habang inaayos yung kama at mga gamit ko.

"Hiiiiii! Good morning Chandria!!!" bati agad sakin ni Ivy at nakipag-beso pa. Hala ka? Anong nangyayari? Magkaaway pa kami nito kahapon ah? BALIW LANG? Na-SISA.

"Good morning din sa'yo Ivy" sabay ngiti ko na parang pilit lang.

"Tara, magsimsimba na tayo." sabi niya habang hinihila ako palabas ng kwarto. Pero ano daw? sisimba?

"A..ano? Sisimba? Uuwi na ko eh. Sorry." sabay kuha ng braso kong naka-cling sa braso niya. Para talagang higad tong babaeng ito. Dikit ng dikit, pisti!

"Ang KJ NAMAN! TARA NA KASIIIII!!" At nahila niya na ko ng tuluyan pababa.

"Wow, ang ganda talaga ni Ate. Sama ka po samin ah?" sabi ni Lelay habang hawak na yung mga kamay ko matapos akong bitawan ni Ivy. I just nodded dahil no choice, kailangan kong sumama sa simba nila. Huhuhuhu! Edi ako ng hindi Estrada. Keynes.

Napatingin naman ako sa direksyon nila JC, Tita Kaye, Magui, Ivy at John sa may dining area. Nakangisi silang lahat na parang nangangasar. Sige ako na talaga hindi Estrada dito!

Binati ako ni Tita Kaye tapos inaya ng kumain. Hayaan na, sunday naman ngayon at matagal na rin akong hindi nakakasimba. Nakakahiya namang tumanggi eh pinatuloy na nga nila ako sa bahay nila kaya pasasalamat ko na rin ito sa kanila.

Matapos kumain dumiretso na kami sa simbahan malapit sa village. Pero imbis na mabawasan kahit papaano ang mga kasalanan ko, lalo lang nadadagdagan kapag nakikita kong naglalandian sila Ivy at John.

Nag-focus nalang ako sa misa hanggang sa mag-Ama Namin. Buti nalang talaga katabi ko si JC. Kaso hindi pala. Paglingon ko nakangiti na ng nakakaloko yung mukhang unggoy. I just smiled tapos kumanta nalang.

Feeling close tong unggoy na toh eh hindi pa kami bati. Arg! Bumalik din ako kaagad sa tabi ni JC pagkatapos. Dun siya sa Ivy niya!

Nasa-peace be with you na kaya bineso ko si Tita Kaye at kiniss ko naman sa cheeks sila Magui at Lelay. Nag-peace sign lang ako kanila Ivy, JC at John. Si Ivy at John naman ayun naghaharutan pa rin tapos pinipilit pa ni John i-kiss sa cheeks eh pwede namang peace sign nalang?!

Arg! Simbahan kaya ito hindi park! >____<

Natapos ang lahat-lahat at matiwasay naman akong nakauwi ng bahay matapos magsimba at magpaalam sa kanila. Hindi na rin kami nagpansinan ni John pagkatapos nun kaya bahala siya!

Dumiretso agad ako sa kwarto dahil sa pagod at sa kaiisip ng mga huling salitang narinig ko sa bahay ng mga Estrada.

"Alam ko na ang kuwento kaya papaaminin natin siya huwag kang mag-alala"

Anong kuwento? Sinong papaaminin? Ako ba?

TBC.

~

Chapter done! Any feedbacks? Sino kaya yung papaaminin? Vomments please. :)

MORE FOLLOWERS. MORE UPDATES.

By the way, may new KATHNIEL FF ako GUYS! PLEASE SUPPORT! :)

REBOUND

Продовжити читання

Вам також сподобається

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.2M 24K 56
just for fun
339K 7.7K 33
Bored ako