Witchcraft

By LazyMissy13

2.3M 85.4K 17.2K

Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang... More

Tale 1
Tale 2
Tale 3
Tale 4
Tale 5
Tale 6
Tale 7
Tale 8
Tale 9
Tale 10
Tale 11
Tale 12
Tale 13
Tale 14
Tale 15
Tale 16
Tale 17
Tale 18
Tale 19
Tale 20
Tale 21
Tale 22
Tale 23
Tale 24
Tale 25
Tale 26
Tale 27
Tale 28
Tale 29
Tale 30
Tale 31
Tale 32
Tale 33
Tale 34
Tale 35
Tale 36
Tale 37
Tale 38
Tale 39
Not an Update
Tale 40
Tale 41
Tale 42
Tale 43
Tale 44
Tale 45
Tale 46
Tale 47
Tale 48
Tale 49
Tale 50
Tale 51
Tale 52
Tale 53
Tale 55
Tale 56
Tale 57
Tale 58
Tale 59
Tale 60
Tale 61
Tale 62
Tale 63
Tale 64
Tale 65
Tale 66
Tale 67
Special Chapter
Tale 68
Tale 69
Special Chapter II
Tale 70
Tale 71
Tale 72
Tale 73
Tale 74
Tale 75
Epilogue
The Second Generation
Author's Note
Special Chapter III
Special Chapter IV
Announcement!

Tale 54

29.5K 1K 487
By LazyMissy13

A/N: I'm sorry for not updating sooner. I was busy. Thank you for being patient with me everyone. As a token of apology, this chapter is longer than usual. Thanks! Ay-lab-yu-ol. Enjoy~


Tale 54
The Sinnah Empire


"Until now, the only thing that frightens me the most is the ocean at night. The seemingly endless darkness in the horizon is like a void that can swallow the whole world.”
-JournalOfTheNecromancerZafira, translated by Lana Cross

Ang Althea ay isang munting rehiyon sa kaharian ng Udarra. Napalilibutan ito ng disyerto sapagkat isa itong napakalawak na oasis. Isang paraiso sa gitna ng naglalagablab na impyerno. Subalit nag bago ang lahat noong magsimulang lumiit ang populasyon ng mga Tao. Ang mga mage ng bayan ay mas piniling manirahan sa mas malaking mga syudad. Sa paglipas ng panahon, wala nang isinisilang na mage, dahil dito ay unti-unting namamatay ang lugar.

Sa paglipas ng mga taon ay unti-unting nawawalan ng pag-asa ang mga mamamayan ng lugar.

Isang gabi habang nag-aapoy ang kambal na buwan sa kalangitan, maririnig ang pag-daing ng isang babae mula sa isang maliit na bahay na gawa sa pawid at putik. Hirap na hirap sya sa pagluwal ng kanyang mga supling.

Alam ng lahat sa limang kaharian na tanging mga mages lamang ang maaaring tumawag ng Ulan o bagyo kaya naman noong mabalot ng makapal na ulap ang kalangitan ay agad nabahala ang lahat. Dumadagundong ang malalakas na kidlat at kulog sa langit. Tila katapusan na ng daigdig para sa kanila.

Niyakap ng mga magulang ang kanilang mga anak na Hindi dalawin ng antok dahil sa takot sa liwanag ng kidlat at dagundong ng kulog na hindi karaniwang makikita sa kalangitan.

Pakiramdam ng lahat ay tila huminto ang oras kasabay ng magkasunod na  malakas na pag-iyak ng dalawang sanggol. Bawat isa sa bawat sulok ng Althea ay narinig ito. Tila isang anunsyo. Isang anunsyo na hindi maaaring balewalain ng lahat.

Kusang nahawi ang mga ulap na tila ba natakot sa bagong buhay na isinilang sa mundo.

Sa loob ng munting pawid kung nasaan ang babaeng nagluwal ng kanyang mga anak, makikita ang kakaibang liwanag na nagmumula sa birthmark ng dalawang sanggol. Hindi nauunawaan ng mga Tao sa loob ng pawid ang kahulugan ng mga simbolo. Ito ay kasing tanda ng simula ng panahon.

Walang nakakaalam sa lugar na ang kambal na sanggol ang nagdulot ng kakaibang pangyayari ng gabing yun. Lumipas ang pitong taon bago nadiskubre ng mga tao na ang isa sa kambal ay nagtataglay ng mahika habang ang isa ay may pambihirang talento sa alkimya.

Pag-asa.

Muling nakita ng mga tao ang pag-asa na sila ay maisalba sa unti-unting pagkamatay ng kanilang minamahal na tahanan.

Namatay ang ama ng kambal sa digmaan. Kinuha naman ng Elven Illness ang buhay ng ina ng kambal.

Ibinuhos ng mga Altheans ang kanilang lakas upang matulungan ang kambal na magtagumpay sa kanilang mga larangan.

Pero isang delubyo ang kanilang sinapit.

Isang delubyo na ikasisira ng kambal.

***

“May problema ba Javen??” tanong ni Aliya sa kaibigan noong matigilan ito sa paglalakad.

“H-hindi ko alam. May kasama akong kutob.” Tugon ni Javen sa mahinang tinig

“Masamang kutob??” nagtatakang tanong ni Aliya. Hindi nila binabalewala ang mga ganitong bagay sapagkat matalas ang kanilang instinct kumpara sa normal na mga tao. Ayon sa theory ni Flay ay marahil mula ito sa instinct ng mga dragon na syang pinagmulan ng magic ng mga mages.

“Hindi ko din alam kung ano.” Tugon ni Javen

“Marahil ay pagod lang yan. Ilang gabi na ba tayong hindi natutulog para sa paglikha ng potions.” Saad ni Aliya sabay hikab

“Maybe we should rest for tonight.” Saad ni Charm

“We should camp here.” Saad ni Flay

Nagsitango naman ang magkakaibigan.

Muling nagsama-sama sina Flay matapos bumalik ni Charm. The Sorceress of Haste escaped after her encounter with Charmaine. While Cohen of Onyx Anchor is cursing the name Liza Soberano right at this moment.

“This place is really creepy.” Komento ni Aliya

Sa isang kumpas ng kamay ni Charm ay may lumitaw na isang simpleng cabin sa harap nila. It look so cozy against the seemingly endless black snow of the Dark Continent.

“Thank gods! I'm freezing out there!” saad ni Flay matapos umupo sa isang coach sa harap ng fireplace.

“Alam ko na hindi pa tuluyang bumabalik ang kapangyarihan natin. Pero pakiramdam ko sobrang hina ko dito.” Reklamo ni August na mukang di naman nilalamig.

“This is the Dark Continent. The land of eternal winter. Magic does not exist here.” Saad ni Astrid

“Correction, magic still exists here, we still have our magic. It's just being suppress like what Charm explained earlier. The relics of Elda scattered on this continent suppresses magic so there are no mages here.” Sabat ni Flay

Ang dark continent ay isang bangungot para sa lahat. Nananatili itong unexplored sapagkat Hindi gumagana ang mahika sa lugar na ito. Puno ng panganib ang lugar at Hindi ito nasisikatan ng liwanag kung kaya ay iniiwasan ito ng lahat. Sinasabi na Hindi na nakakabalik ng buhay ang mga taong sumubok halughugin ang lugar na ito noon. Ito ang ilan sa mga reason kung bakit walang mga nakatalang impormasyon sa lugar na ito. Ang alam ng lahat sa limang kaharian ay walang magic sa lugar na ito.

“Pero ganun pa man ay nandito ang Empire of Sinnah.” Paalala ni Javen sa mga kaibigan

“Yes, so we have to be careful. Mahina tayo sa lugar na ito.” Saad ni Samara

Ang Empire of Sinnah ay isang emperyo ng mga Sinnahans. Mga mortal na walang mahika subalit may pambihirang lakas. Kahit pa wala silang taglay na mahika ay kakaiba ang kanilang mga pangangatawan, ang iba ay nagiging dyamante ang balat,ang iba naman ay may psychic abilities. Minsan na nilang tinangka na banggain ang limang kaharian. Nagkaroon ng gera, pero sa bandang huli ay napilitang muling bumalik ng mga Sinnahans sa Dark Continent dahil Hindi nila matapatan ang lakas ng mga mage. Gayun pa man ay marami ang nagbuwis ng buhay sa gerang ito, kasama na ang ama ng kambal na sina Javen at Jaden.

Sa digmaan ng limang kaharian laban sa Empire of Sinnah naging isang alamat ang Witch of Carnage na mag-isang nilipol ang libo-libong mga kalaban.

“A life force is approaching.” Saad ni Charm

“What kind of life force?” usisa ni Tanisha

“A human.” Tugon ni Charm

Ilang minuto ang lumipas, tatlong magkakasunod na katok ang maririnig sa pintuan ng cabin kung nasaan ang magkakaibigan.

“Magandang gabi. Ano ang maipaglilingkod ko sayo?” nakangiting bati ni Flay na syang nag bukas ng pinto. Bawat isa sa magkakaibigan ay gumamit ng transformation magic upang gawing kulay itim ang kanilang buhok. Lahat ng mga mamamayan ng Sinnah ay may itim na buhok, singkit na mga mata at magandang pangangatawan.

“Magandang gabi.. Isa akong mangangalakal mula sa kanluran, ilang araw na akong naglalakbay patungo sa capital. Ito ang unang pagkakataon na may natagpuan akong ibang Tao. Maaari ba akong makituloy? Kahit ngayong gabi lamang?” magalang na taong ng isang babae na sa judgement ni Flay ay isa lamang teenager. Makapal ang kasuotan nito subalit dahil sa nakapatagal na paglalakbay sa walang katapusang nyebe ay nanginginig na ang babae.

Muling ngumiti si Flay. “Sure, come on in.”

“Thank you.” Pasasalamat ng babae. Relief is written all over her face.

Language is trivial here. Kahit pa iba ang lingwahe sa dark continent ay may ginamit na spell si Charm upang maunawaan nila ang mga taga-Sinnah at upang maunawaan din sila ng mga ito. Kahit pa nihonggo, Korean, French or Spanish ang gamit in nilang lingwahe ay mauunawaan sila ng mga Tao. It also influence the brain not to question the weirdness of the situation. It's an exclusive spell from Eclipse' arsenal.

Tila isang gutom na Leon ang babae na agad lumapit sa fireplace. She's shivering. Makikita din kung gaano kaputla ang babae. She's pale as a paper.

“She needs help.” Saad ni Javen

“Frostbites.” Komento ni Flay

“No. Frostnip.” Saad naman ni August.. She’s way too familiar with this because she grew up in the North.

“Same lang yun.” Aliya

“No, mas mild ang frostnip.” August

Hinawakan ni Astrid ang noo ng babae, she sent warmth inside her. The girl slowly fell asleep because of the cozy warm feeling.

Noong magising ang babae ay nakita nya ang grupo Nina Charm na abala na kumakain ng almusal sa mesa na natatanaw mula sa living room ng munting cabin.

“M-magandang umaga.” Awkward na bati ng babae na ikinalingon Nina Charm. Hindi nya akalain na makakatulog sya na Hindi man lamang kinikilatis kung mabubuting Tao ba ang hiningian nya ng tulong.

“Good morning, you look better.” Sagot ni Javen

“You almost died. Kung ipinagpatuloy mo ang exposure sa napakalamig na klima ay maaari kang magyelo at mamatay sa mga susunod na araw.” August

“Mabuti na lamang at napadpad ka dito.” Samara

“Maayos na ba ang pakiramdam mo??” Aliya

“M-maayos na.. Maraming salamat.” Sagot ng babae

“Come join us.” Paanyaya ni Charm

Bakas ang pag-aalinlangan sa muka ng dalaga.

“Wag ka nang mahiya, saluhan mo kami.” Flay

“M-maraming salamat.”

Nagpakilala ang babae bilang si Jeni, isang mangangalakal mula sa kanlurang. bahagi ng kontinente na tinatawag na Xifang.

“So pupunta ka sa capital para sundan ang ex-fiance mo na nakipagtanan sa best friend mo?” paglilinaw ni Flay sa life story ni Jeni

“O-oo.” Sumisinghot na sagot ng babae. For some reason magaan ang loob nya sa mga babae kaya naman pati buong buhay nya ay nailahad nya na sa mga ito

“Why??” sabay-sabay na tanong nina Flay

“S-sapagkat iniibig ko sya.” Namumulang sagot ni Jeni

“Matapos ka nyang ipagpalit sa iba ay gusto mo pa din sya??” Hindi makapaniwalang tanong ni Aliya

“Hindi napipigilan ang puso Aliya.” Komento ni Samara

“Pero hindi deserve ng lalaking yun si Jeni!” Aliya

“Tama si Aliya.. Bakit kailangan mong habulin ang lalaking yun? You deserve better.” August

“P-pero sinusundan ko lang ang bulong ng puso ko.” Jeni

“No, no, no, no! Remember that love can be bad. You need to trust in your mind. The heart can betray you. The heart can hurt you. The heart is in the left side of our body to remind us that it's not always right.” Saad ni Aliya

“No, it's not wrong to follow your heart. Just remember to bring your brain with you.” Kontra ni Flay

“No! Never ever follow your heart. It's a monster. It is caged inside our ribs for that very reason.” Kontra naman ni Aliya

“No! We need both the mind and the heart to work together. Teka nga, bakit ba ang bitter mo?? Dahil pa din ba yan sa EX mo from two years ago??” Kontra pa ni Flay Kay Aliya

“Hindi ako bitter. All I'm saying is, the heart is too fragile and weak. It cannot be trusted.” Aliya

“B.I.T.T.E.R.” Flay

Hindi na maunawaan ni Jeni kung sino ba talaga ang paniniwalaan nya.

“So Jeni, as a merchant, what sort of goods do you have?” pag-iiba ni Javen sa topic

“Lahat ng klase ng produkto ay mayroon ako. Kagamitan sa sarili, sa tahanan, sa trabaho, pangalanan mo na ang kahit ano, mayroon ako nun sigurado.” Confident na sagot ni Jeni na nawala ang pansin kina Aliya at Flay na nagtatalo pa din until now.

“Gamot?” tanong ni Javen

“Pinakamahirap hanapin, pero mayroon akong ilan na lunas sa mga karaniwang karamdaman.” Jeni

“Mga kasuotan? Sapatos? Alahas??” Samara

“Mayroon.” Jeni

“Mga sandata?” Tanisha

“Hindi ako sigurado sa klase ng sandata na nais mo pero mayroon akong ibat-ibang klase ng mga patalim, espada, palaso, baluti at sibat.” Jeni

“Candies?” Alivia

“Isa yan sa mga pangunahing produkto na mayroon ako. Ang susunod na henerasyon ang pinakaimportanteng yaman ng ating emperyo, importanteng maging masaya ang mga batang tulad mo.” Jeni

“Napaka-common naman ng tinatanong nyo. Kama, upuan, lamesa meron ka din ba?” tanong ni Aliya

Tumango naman si Jeni.

“Yung pang-alis ng bara sa kubeta meron ka?” Flay

“M-mayroon din ako nun.”

“Musical instrument?” Javen

Tumango si Jeni.

“Nasaan ang mga produkto mo? Isang Cosmo bag ba yang suot mong bag??” tanong ni Charm

“Cosmo bag??? Ano yun?” tanong ni Jeni

“Bag na parang bulsa ni Doraemon! Or parang bag ni Dora.” Aliya

“Paumanhin subalit Hindi ko mabatid ang iyong ibig sabihin.” Jeni

“Bag na kasya ang buong cosmos.” Paliwanag ni Flay

“Matagal na ako sa larangang ng pangangalakal subalit ngayon ko lamang nalaman na may ganyang klase ng bag..? Itong sakin ay isang pangkaraniwang Spatial Rucksack.. May limitasyon ang mga bagay na maaaring ilagay dito pero oo, narito ang mga produkto ko.” Tugon ni Jeni

Tumango-tango naman ang magkakaibigan.

“You are heading to the capital right?” sabat ni Charm

“Y-yes.” Sagot ni Jeni, for some reason Charmaine is kinda intimidating. Alam ni Jeni na Hindi sya sinusungitan ng babae, pero nakakakaba ang malamig nitong mga mata pati na din ang kakaiba nitong aura.

“Why don’t you go with us? We are heading the same way.” Paanyaya ni Charm

“Brilliant idea! It will be fun!” Flay

“Besides it's really dangerous for you to travel alone. You're a just a normal human.” August

“Huh?” Jeni

“Ang ibig nyang sabihin, dahil babae ka ay delikado para sayo ang maglakbay mag-isa!” sabat ni Javen

“Ganun ba? S-sige, kung okay lang sa inyo. Susubukan Kong wag maging pabigat.” Jeni

“Para kang others! Loosen up, kaibigan ka na namin ngayon.” Flay

Nagsitango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

“I don't mean to sound rude, but I'm not completely trusting you though.” August

“Ahh don't mind her. She's a tsundere.” Flay

“Tsundere?” nagtatakang tanong ni Jeni

“Tsundere. Isang taong malamig ang ugali sa labas, pero warm and sweet on the inside.” Paliwanag ni Flay na ikinasimangot lamang ni August

“Mula kami sa malayo, maaari mo bang ilarawan sa amin ang Capital.” Tanong naman ni Samara

“Hindi pa kayo nakakarating sa Capital?” nagtatakang tanong ni Jeni

“Nagmula kami sa isang liblib na lugar malapit sa labas ng empire.” Palusot ni Flay

“Ganun ba? Ang Capital ay may apat na pangunahing pamilya. Ang pinuno ng ating emperyo at ang kasalukuyang emperador na si Emperor Fang ay naninirahan sa palasyo na nasa pinakapuso ng Capital. Kailangan ng identification medallion upang makapasok sa capital. Mapayapa ang capital at mahigpit na ipinagbabawal ang karahasan. May kaukulang parusa ang lalabag sa mahigpit na batas ng emperyo.” Jeni

“Nauunawaan namin.. Bukas ay magsisimula na tayong maglakbay.” Saad ni Charm

***

Ang Fang City o mas kilala bilang Capital ay isang mapayapang bayan, masagana ang mga pamilihan at buhay na buhay ang bayan.

Sa isang parte ng pamilihan ay may nakalatag na mga produkto. Isang babae ang nag-aalok ng mga produkto sa bawat taong dumadaan, subalit walang pumapansin sa kanya. Ang babae ay si Jeni.

Isang galit na galit na babae ang lumapit kay Jeni.

“Nandito ako para mag reklamo!!” bulyaw ng babae

“Reklamo??” tanong ni Jeni

“Oo!! Bumili ako ng kama dito kahapon! At gusto ko ng refund!” sigaw ng babae, nakuha nya ang atensyon ng mga tao. Mahigpit na ipinagbabawal ang karahasan subalit Hindi naman bawal magalit.

“Sandali lamang po. Anong problema sa kamang binili mo mahal kong suki?” Jeni

“Problema?? Walang problema! Napakaganda ng kalidad ng kama na nabili ko sayo.” Sagot ng babae

“Hindi ko maunawaan. Ano po ang problema kung maganda naman ang kalidad ng aking produkto?” tanong ni Jeni

Maging ang mga taong nakikiusyoso ay naguguluhan.

“Nagrereklamo ako dahil isang demonyo ang kamang yun! Demonyo! Sa sobrang ganda ng kalidad ay Hindi ako nagising ng maaga! Nahuli sa trabaho at sa eskwelahan ang aking ama at mga kapatid! Sinong Hindi magagalit?!” Bulyaw ng babae

Ganoon kaganda ang kalidad ng kama? May nagrereklamo dahil sobrang ganda ng kalidad ng produkto? Ngayon lamang nakasaksi ng ganitong pangyayari ang mga mammayan ng Fang!

Hindi pa man nakakatugon si Jeni ay isa muling babae ang lumitaw. Bakas ang kaligayahan sa nagniningning nitong muka.

“Nandito ako para magpasalamat!” saad naman ng babae

“Ahm.. P-para saan po?” tanong ni Jeni

“You’re a life saver! Salamat sa pagbebenta sakin ng Gobbler! This is a life changer! To market this simply as a revolutionary toilet clog remover is to degrade the perfection of this product. People often describes their lives split from childhood to adulthood, adulthood to the birth of their children, career growth to retirement. I see mine divided into two distinct points centred on  one singular event: the dark, gloomy days before Gobbler and all the glorious magnificent and marvellous days thereafter. In search for truth, all the world's greatest mathematicians, alchemist, mages, chemist, necromancers, psychics and physicists have all skirted around the wisdom of the Gobbler. It seems to violates the second law of Thermodynamics as well as the Law of Motion and it seems to make time stand still like magic! The Gobbler is embodied enlightenment disguised as a humble tool to remove toilet clogs. A miracle! A revolution! A god!! The god of clog removal! So thank you.” Mahabang litanya ng bagong babae

Wow! The products sold here must be extraordinary for someone to sing it praises! Nag-umpisang dumami ang mga customers na nais bumili ng mga interesanteng produkto ni Jeni.

Walang malay ang lahat na ang babaeng nagrereklamo ay si Aliya at ang isa pa ay siFlay.. Ito ang marketing strategy na naisip nilang dalawa upang tulungan si Jeni na makalikha ng pangalan sa market. They took up BS Business Administration for two years on Earth, so it's not a surprise that they are devilish in this field too.

“Scammers.” Komento ni August noong umupo sina Aliya at Flay sa table kung nasaan sila. Abala ang magkakaibigan sa paghigop ng kape sa isang cafe malapit sa pwesto ni Jeni..

“She needs our help.” Depensa ni Aliya

Benelatan lang ni August ang dalawa.

Nawawala pa rin daw ang prinsesa.”
“Sya ang pinakamaimpluwensyang Tao sa kanluran. Bakit kailangan nyang maglayas?”
“Hindi kaya pinapalabas lamang ng palasyo ang lahat? Maaaring patay na ang prinsesa.”
“Shhhh! Nahihibang ka na. Manahimik ka!”
“Subalit kalahating taon nang nawawala si Prinsesa Genesis!”
“Marami ang nagnanais sa trono, maaaring wala na talaga ang prinsesa. Ayaw lamang aminin ng palasyo upang hindi magkaroon ng kaguluhan.”
“Nagsimulang magbago ang prinsesa noong ipinagpalit sya ng anak ng punong ministro sa anak ng pinakamataas na heneral.”
“Malapit na magkakaibigan ang tatlo, subalit nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa kasunduan ng kasal na pilit tinatakasan ng anak ng punong ministro.”
“Bukas na gaganapin ang taunang panalangin para sa pag-alaala sa pagpanaw ng emperatris na ina ng prinsesa. Kahit kailan ay hindi ito pinalampas ni Prinsesa Genesis. Sa tingin nyo ba ay lilitaw sya?”
“Kung hindi sya magpapakita bukas ay maaaring totoo na sya ay pumanaw na!”
“Hindi maaari! Paano na ang ating emperyo? Ang prinsesa ang pinakamalakas na mandirigma ng emperyo! Sya lamang ang maaaring mamuno saatin!”
“Ano na lamang ang mangyayari satin kapag muli tayong nakipagdigma sa mga mago sa labas ng kontinente?! Si Prinsesa Genesis lamang ang ating pag-asa!”
“Kasalanan itong lahat ni Ginoong Dan! Anak sya ng punong ministro subalit wala syang puso! Paano nya nagawang ipagpalit ang prinsesa?!”
“Shhhh! Kapag may nakarinig sayo ay mapapahamak ka!”
“Tsk. Alam naman ng lahat na totoo ang sinabi nya.”

Nagkatinginan ang magkakaibigan na nakarinig sa bulungan ng mga tao.. Prinsesa? Nawawala ang prinsesa ng imperyo ng Sinnah?

“Pamilyar yung story.” Bulong ni Aliya sa mga kaibigan

“I think so too.” Saad ni Astrid

Nagkatinginan ang magkakaibigan, a look of understanding was shared on everyone's faces. Sabay-sabay silang tumingin Kay Jeni. Was it a coincidence? Fate? Destiny?

***

“Napakaganda ng araw na ito. Maraming salamat sa inyong tulong mga kaibigan.” Pasasalamat ni Jeni habang kumakain sila ng hapunan sa isang inn na kanilang inupahan.

“No big deal.” Flay

“Say Jeni, ano palang pangalan nung fiancé mo?” usisa ni August

“Ahm..” natigilan si Jeni sa naging tanong ng magkakaibigan

“You know that we are not from around here. But we can help you.” Saad ni Charm

“Paanong tulong??” tanong ni Jeni

“Aliya.” Charm

Isang munting botelya na may lamang kulay rosas na likido ang inilabas ni Aliya.. “Tadaaaan!”

“Ano yan?” Jeni

“Isang love potion!” proud na sagot ni Aliya

“Love Potion? Nagbibiro ka ba? K-kasi sa pagkakaalam ko ay mga mago lamang ang nakakagawa ng potions..?” Jeni

“Aha. Mga mage kami ano ka ba?” casual na saad ni Aliya na tila ba napaka-obvious ng sinabi nya.. Hindi naman maintindihan ni Jeni kung nagbibiro ba ang babae o hindi.

“Tinatakot nyo naman ako sa mga biro nyo mga kaibigan.” Jeni

Sabay-sabay ngumiti sina Flay.

“Jeni seryoso kami.” Charm

Akmang tatayo si Jeni noong ikumpas ni Charm ang kanyang kamay, hindi makakilos ang babae. Paralysis Spell.

“Wag kang matakot.” Charm

“Wala kaming masamang intensyon sa pagpunta dito.” Javen

“Walang masamang intensyon? Kailanman ay walang magandang idinudulot ang pagsulpot ng mga mago sa aming kontinente!” Jeni

“Kung ganoon ay may iba pa na makapangyarihang mages na nakarating na dito noon?” Samara

Ang suppressing relics ni Elda ay nakakaapekto sa lahat. Kung mahina ang isang mage ay magiging katulad sya ng isang mortal, kung malakas naman sya ay may matitira pa ding magic sa kanya subalit mahina na ito.

“May kailangan lamang kami kaya kami narito.” Paliwanag ni Tanisha

“Lahat naman kayo! Ano? Nanakawin nyo nanaman ang lahat ng saamin? Tulad ng ginawa nyo sa nakaraang digmaan?” bakas ang galit sa tinig ni Jeni

“Calm down..” Samara

“May kukunin lamang kaming mga bagay na kapag napasakamay namin ay maaaring makatulong sa inyo.” August

Hindi tumugon si Jeni. Hindi sya naniniwala.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit walang mahika sa inyong kontinente?” Flay

“May mga relika na nagsasanhi nito. At yun ang bagay na kailangan namin para iligtas ang isang tao.” Javen

“Kung mawawala po ang mga relika ay maaaring magkaroon na din ng mga mage dito sa dark continent.” Alivia

“Sa tingin nyo ba Hindi namin alam ang bagay na yan?” tanong ni Jeni

“Huh? Alam nyo?” tanong ni Astrid

“Kakaunti lamang kami pero oo alam namin.. At ang mga relika na yun ang tanging proteksyon namin sa inyong mga mago. Kaya bakit naman namin yun ibibigay sa inyo? Sino kayo sa palagay nyo?” may bahid ng galit sa tinig ng dalaga

“Kung ganun ay alam mo kung nasaan ang mga relika?” Flay

Hindi nakatugon si Jeni.

Nagkatinginan sina Charm.

“Tama tayo ng hinala.” Saad ni August

“Ikaw ang nawawalang prinsesa tama ba?” nakangiting tanong ni Flay

Nanlaki ang mga mata ni Jeni. Paano nila malaman?!

“Sinadya nyo ba ang lahat?! Ang cabin ay isang set up? Ang lahat ng ito ay para lang magamit nyo ko laban sa aking bayan? Ganyan ba talaga kayong mga mago? Mga manlilinlang?!” bakas ang hinanakit sa tinig ni Jeni. Parang napagtaksilan sya.

“Oyy wag kang feelingera. Nagkataon lang ang lahat. Chill okay?” Aliya

“Hindi namin kailangan ng hostage. Unang-una sa lahat kayang i-flip upside down ni Charm ang buong dark continent. Pero Hindi namin ginawa dahil hindi namin gustong makasakit ng mga inosente.” August

“Hindi sa tinatakot kita, pero si Charm ang pinkamalakas na mage sa kasalukuyang panahon,no, maging sa buong history ng mga mages, si Charm ay kabilang sa pinakamalalakas! At buhay ng jowa ni Charm ang nakasalalay dito. Kung Hindi namin makikita ang mga relika na yun sa santong dasalan, well, hindi ko alam kung ano ang pusibleng mangyari.” Flay

Hindi nakapagsalita si Jeni. Hindi daw sya tinatakot ni Flay pero feeling nya ay ganun na din yun. Pinakamalakas na mage? Totoo ba na si Charm ang pinakamalakas na mage? Napakabata pa nito! At kung totoo na malakas ito, bakit ito ngayon lamang nya nabalitaan ang tungkol dito? Ang alam nya ay ang ang Witch of Carnage ang pinakamalakas na mage?

“Kailangan namin ang tulong mo Jeni.” Charm

“According sa calculations namin, may estimated 13 relics dito sa dark continent. Nine lang ang kailangan namin. May isa na Kay Charm, eight na lang ang kulang..” paliwanag ni Tanisha

“At bakit ko naman kayo tutulungan?” Jeni

“Uhh dahil magkaibigan tayo?” tugon ni Flay

“Kalahati ng aking katawan ay paralisado dahil sa inyong mahika at may lakas pa talaga kayo ng loob na tawagin akong kaibigan?” Sarcastic na saad ni Jeni

“You will try to run away once we lift the spell. We want you to calm down first.” Javen

“First, we want you to understand that we want peace for the whole world. Meaning, we want the five kingdoms and your empire to end your existing hostility with each other.”  August

“Because you are the next ruler of this empire, you are our hope to accomplish this.” Flay

“Nahihibang ba kayo? Sino kayo sa palagay nyo para magdesisyon sa politika at estado ng Aralon? Sa tingin nyo ba sapat lang na sabihin nyo na dapat magkaroon ng kapayapaan at agad nang magkakaroon ng kapayapaan? Mga prinsesa ba kayo ng bawat kaharian nyo? Kung sa tingin nyo ay ganoon lamang kadali limutin ang lahat ng mga ginawa nyo sa emperyo namin, pwes nagkakamali kayo. Gumising kayo, ang realidad ay Hindi puno ng makukulay na bulalak, magarbong mga kasuotan, masasarap na pagkain tulad ng kinalakihan nyo sa loob ng inyong mga palasyo, maraming taong nagugutom, walang kabuhayan, Hindi makapagsuot ng damit laban sa lamig ng panahon. Hindi ito isang laro. Kung sa tingin nyo ay magkakasundo ang emperyo at limang kaharian dahil lamang sinabi nyo, pwes nagkakamali kayo!” may muhi sa tinig ni Jeni

“Lumaki ka na may bukas na pag-iisip sa realidad ng buhay at naintindihan namin yun. Pero ang Aralon ay Hindi na tulad ng dati---” Flay

“Naiintindihan?? Wag mo Kong patawanin. Paano nyo maiintindihan kung Hindi nyo naman alam kung ano ang hirap na pinagdadaanan namin!” Jeni

“Sandali nga lang! Sabat ka ng sabat! Ang haba-haba nung sinabi mo pero di ako sumabat, tapos kokonti pa lang nasasabi ko gagalit ka agad? Patapusin mo ko okay?” Flay

“Kalma Flay.” Saad ni Aliya sabay pat sa balikat nito. “Hoy Jeni sumosobra ka na hah?! Akala ko ba magkakaibigan tayo? Ang magkakaibigan inuunawa ang pagkakaiba ng bawat isa! Di pa kami tapos magpaliwanag nagagalit ka agad! FYI, Hindi kami mga royalties! Ikaw nga dyan yung prinsesa! Pinapataas mo blood pressure ko!”

“Oo nga! Suntukan na lang kaya tayo?” Flay

“Kalma, kalma.” Awat ni August kina Flay at Aliya, saka sila hinala papalayo Kay Jeni at saka binalot sa yelo para manahimik.

“Excuse their behaviour. Ganyan talaga sila magalit, kaibigan ka namin pero Hindi mo kami paniwalaan. Napakaimportante ng bagay na kailangan namin para kay Charm, sana maunawaan mo kung bakit  sila nagdadamdam.” Paliwanag ni Javen

“Hindi kami nagmula sa royal families. Mga mage at priestesses kami na tinipon ng tadhana upang gampanan ang aming  parte sa isang propesiya.” Tanisha

“Si Lady Charmaine ay isang espesyal na Tao. Maaaring hindi mo maunawaan subalit nakatakda nyang baguhin ang mundo ng Aralon. Ibig sabihin, kasali ang emperyo ng Sinnah sa pagbabagong yun.” Paliwanag ni Samara

“Kung ang pagbabagong yun ay tungo sa ikauunlad ng inyong emperyo o sa ikasisira nito, nasa kamay mo ang lahat.” Astrid

“So handa ka na po bang makipag-cooperate saamin?” Alivia

Hindi makatugon si Jeni. Buong buhay nya ay lumaki sya sa paniniwala na masasamang nilalang ang mga mage. Subalit matapos makilala sina Charm ay Hindi nya maipaliwanag ang gaan ng loob na nadarama nya. Pakiramdam nya ay nakatagpo sya ng mga kaibigan na matagal nya nang hinihintay. Ito ng reason kung bakit Hindi nya matanggap ang katotohanan na mage ang mga bago nyang kaibigan.

“Jeni, kailangan namin ang tulong mo.” Saad ni Charm

Napabuntong hininga si Jeni. “Paanong tulong?” tanong nito, Hindi pa din ito lubusang nagtitiwala pero handa na syang makipagnegosasyon.

“Kailangan namin ang mga relika. Hihiramin lang naman namin.” August

“Gusto din naming makipagkasundo sa inyong emperyo. Hindi man ngayon, pero sa hinaharap. Kapag ikaw na ang nasa trono, at kapag iba na ang namumuno sa Limang kaharian.” August

“Kapalit nito ay handa kaming tulungan ang inyong emperyo. Industriyalisasyon, medisina at maging agrikultura nyo.” Samara

“Willing din kaming magbigay ng malalakas na spell.” Tanisha

“Potions.” Javen

“Handa din kaming magbigay ng tulong sa mga mamamayan nyo. We can conjure anything. I mean, ANYTHING.” Astrid

“Anything but not everything.” August

“So what do you say?” Charm

“Kung tutulungan ko kayo, parang pinagtaksilan ko na din ang aking bayan. Pero maaaring isa itong biyaya sa halip na sumpa. Matapos ang nakaraang gera ay paunti-unting bumubulusok pababa ang aming emperyo. Maaaring tuluyan na itong bumagsak sa mga susunod na taon. Kung totoo ang sinabi ninyo ay nais kong sumugal. Sige, pumapayag na ako. Sana lamang ay Hindi ko ito pagsisihan balang araw..” Jeni

“You won't.” Charm

“Ang daan patungo sa Himlayan ng mga Kayamanan kung nasaan ang hinahanap nyo ay magbubukas bukas.” Jeni

“Maaari tayong pumasok ng patago. Pero binabalaan ko kayo, may mga guardia na nagbabantay sa lugar. At maymga iba pang tao sa lugar na iyon bukas.” Jeni

“Ano pong ibig nyong sabihin ?” Alivia

“Ang Himlayan ng mga kayamanan ay nasa ilalim ng Altar ng mga Panalangin. Gaganapin doon ang sagradong pag-alaala sa pagpanaw ni Inang reyna. Ang lahat ay magbibigay ng panalangin at paggalang.” Paliwanag nj Jeni

“It'll be okay. I can cloak us to easily avoid trouble.” Charm

“Lahat ay dadalo, ibig sabihin nandun din ang fianc—I mean ex-fiance mo??” August

“We can teach him a lesson.. Or better yet, why don't you use the love potion  on him? Then ignore him. Revenge is sweet.” Astrid

“Revenge is best serve cold.” August

“Cold? You don’t plan to spill blood do you?” Astrid

“I don’t mind doing so.” August

“Stop. Let's just go with the love potion plan.” Jeni

“Okay.” sang-ayon ng lahat.

****

Isang sagradong araw ang pag-alaala sa kamatayan ng reyna. Lahat ng mamamayan ay tumatangis sa araw na ito.

Isang binata ang makikitang umiinom ng milk tea habang nakaakbay sa isang magandang babae. Sa likod ng dalawa ay may mga kawal. Sila ay patungo sa Altar ng Panalangin.

Napaka-bulgar.”
“Mga kabataan talaga ngayon.”
“Hindi na uso ang mga maginoo sa panahon ngayon.”

Ang binata ay si Dan mula sa prominenteng pamilya ng mga Sun. Sya ang fiance ni Jeni. Ang babaeng kaakbay nya ay si Nana, best friend ni Jeni.

“Nana wala ka pa rin bang balita kay Genesis?” tanong ng lalaki

“Wala. At bakit mo tinatanong? Wag mo sabihing nangungulila ka na sa kanya?” mapaglarong tanong ni Nana

“Hindi. Ayoko lang na bigla nyang sirain ang mga plano natin.” Dan

Ngumiti ng napakatamis si Nana. “Hindi nya magagawa yun. Nasaktan sya. Hindi na sya babalik pa. Kilala natin si Genesis, hindi nya gugustuhing saktan tayo. Hindi na sya babalik.” Nana

Tumango naman ang lalaki bilang pagsang-ayon. “Kakaiba ang lasa ng milk tea na ito. Sobrang sarap.” papuri ni Dan sa iniinom nya

“Mabuti at nagustuhan mo. Espesyal daw ang isang yan sabi dun sa bagong bukas na shop.” Nakangiting saad ni Nana

Ilang matatamis na mga salita pa ang naganap bago nila narating ang Altar ng mga Panalangin. Tila naging kagalang-galang ang tinig nina Dan at Nana. For some reason ay may kakaibang nararamdaman si Dan sa kanyang sikmura pero isinantabi nya ito noong personal silang sinalubong ng pinakamatataas ma opisyales ng Altar.

“Sure ka bang effective yung potion mo??” bulong ni Flay Kay Aliya

“Oo naman!” Aliya

Nasa tagong bahagi ng lugar ang magkakaibigan. Nababalot sila sa isang barrier at sa invisibility cloak ni Charm na ngayon lang nila nadiscover na nag-e-exist..

“Jeni paano mo naging bff yung Nana na yun? Mukang backstabber sya kahit saang anggulo ko tingnan.” August

“Mula sya sa apat na pangunahing pamilya. Sila ang pinuno sa timog, ang kanyang ama ang pinakamataas na general, ang kanilang pamilya ay ang pamilya Bah. Simula pagkabata ay magkakilala na kami. Lahat ng mga sinasalihan ko tulad ng martial arts, art class, music class ay sinasalihan nya rin. Naging malapit kami dahil dun. Nitong nag daang mga buwan ko lamang napagtanto na lahat ng pagmamay-ari ko, gusto nyang meron din sya..”  Jeni

“Parang napakainggitera nya naman. Lahat ng sayo gusto nyang makuha?” Flay

“Kapal muks yang Bah Nana na yan. Isa syang saging! Saging!” Aliya

“Chill lang Aliya. “ Javen

“I can't! Naiimbyerna din ako dun sa lalaking yun! Sino nga ulit yun? Bwiset sya!” Aliya

“Sun Dan, bunsong anak ng punong ministro.. Ang mga nakatatanda nyang kapatid ay isang general at isang kapitan. Hinahangaan ko sya noon. Mabuti na lang na nakita ko ang tunay nyang kulay bago pa man kami ikasal.” Jeni

“Blessing in disguise talaga ang nangyari sayo.” Tanisha

Nabalot ng katahimikan ang lugar noong lumitaw ang isang lalaki na may magarbong kasuotan. Mukang sya ang gagabay sa panalangin at pag-alaala sa reyna.

Walang ni isa man ang nagtangkang gumawa ng ingay.

Napakasagrado ng panalangin ng mga Sinnahans sa kanilang mga diyos. At ang mga panalangin na ginaganap sa Altar ang pinakabanal.

Ikinumpas ng lalaki ang hawak nyang staff at sabay-sabay nagbow para manalangin ang lahat.

Napakapayapa ng sandaling ito. Damang-dama mg bawat isa ang kapayapaan habang isinasaisip ang mga personal nilang mga panalangin.

Maging ang pagbagsak ng karayom ay maririnig sa sobrang tahimik. Hindi na nakakagulat na tila bomba ang pagsabog ng isang napakalakas, agaw pansin at nakamamatay na utot..

Lahat ay nabulabog.

Putcha! Ang baho!”
“Walangya! Anong kinain mo kaninang pananghalian?!”
“Nakakasulasok!”
“Amoy imburnal!”
“Langya naman! Ang baho! Nakakapamura! Nagkakasala ako!”
“Sino ba yung umutot? Ang baho ah!”
“Parang dun galing sa taas. Sa pwesto ng mga prominenteng pamilya.”
“Putcha. Akala ko ba masaga sila? Bakit kumakain ng patay na daga ang mga taong yan?”
“Anak naman ng pating oo, tara na nga! Hindi ko talaga kaya ang amoy.”
“Patawad po mahal na reyna subalit ayoko pa pong sumunod sa kabilang buhay. Nakamamatay po ang baho ng utot dito.”

Agad namula ang buong muka ni Dan na syang nagpasabog ng nakamamatay na bomba.. Hindi sya makapaniwala. Napaluhod sya sa sahig. May kakaibang bagay na nagsasayaw sa loob ng kanyang tiyan. Namilipit sya sa sakit. Anong nangyayari? Maging si Nana ay Hindi makapaniwala.

“A-anong nangyayari?” Tanong ni Jeni kina Flay

“Uh....?” Aliya

“Aliya! Ang potion! Aling potion ang binigay mo?” Javen

“Love Potion........?” Aliya

“Are you sure??” Javen

“Ugh. Fine! Maybe it was the Diarrhea Potion? Magkamuka sila okay? B-bakit kayo nagagalit? At least it was funny right? A poop revenge!” Aliya

“Tsk. Never mind that. This is our chance.” Astrid

“Jeni lead the way.” Charm

Tumango naman si Jeni.

Tahimik na pinasok nina Charm ang isang lagusan, sinamantala nila ang nagaganap na kaguluhan.

“I don't feel so good.” Mahinang saad ni Aliya

“Papalapit na tayo sa source of this suppression. Stay sharp.” Charm

“Tama sya, malapit na tayo.” Jeni

“Nasaan ang mga bantay?” Flay

“Sa harap ng pinto ng Himlayan ay may dalawang batong estatwa, sila ang bantay.” Jeni

“Oh? That's cool.” Aliya
Nag-summon si Flay ng mga luminous butterflies na syang naging source ng liwanag sapagkat ang Himlayan ng mga Kayamanan ay deep underground. Kasalukuyang binabaybay ng magkakaibigan ang isang hagdan.

“Halt.” Saad ni Tanisha at agad huminto ang lahat.

“Anong problema??” tanong ni Javen

“I can hear the breathing of something.” Sagot ni Tanisha

“Something??” Aliya

“Something huge.” Tanisha

“Dragons.” Kalmadong saad ni Charm na ikinabigla ni Jeni

“H-how did you know?” tanong ni Jeni

“Instincts.” Charm

“There are real dragons here??” usisa ni Flay

“Wala, sila ay gawa sa bato na kawangis ng totoong dragon at binasbasan at binigyang buhay ng Diyosa na si Caritas..” paliwanag ni Jeni

“That's cool.” Astrid

“Delikado sila! Kahit sila ay gawa lamang sa bato, halos kasinglakas sila ng totoong dragon! Hindi sila natutuwa sa mga tao. Tanging ang mga taong may hawak lamang sa royal badge ng emperyo ang di nila pinapansin. Kaya naman—”

Natigilan si Jeni.. Magalang na naka-bow ang dalawang estatwa ng dragon na tila ba puno ng respeto na wine-welcome ang kanilang grupo.

“You were saying??” tanong ni Flay

Na-speechless si Jeni..

“Rise.” Saad ni Charm at agad nag-angat ng tingin ang dalawang dragon.. Tila maamong tuta ang mga ito sa presensya ni Charmaine na ikinalaglag panga ni Jeni.

Ang dalawang dragon ay kinikilala ng kanilang pamilya na Ace nila laban sa mga mage. Ito ang kanilang huling alas kung muling magkakaroon ng Gera. Pero sa pagkakataong ito, halos sambahin na nila si Charmaine. Sino ang hindi matatakot?? Magugulat?? Magugulantang?!

“Wag ka nang magulat. Charm is very special.” Bulong ni Aliya kay Jeni

Hindi nakatugon si Jeni.

Bumukas ang pinto..

“I feel weak.” Reklamo nina Aliya

Si Javen at Charm lamang ang Hindi nagreact..

“Sa nakalipas na ilang daang taon na naririto ang mga relikang yan sa aming mga kamay, walang sino man ang tinanggap nila bilang master.” Saad ni Jeni

“That’s not really a problem.” Chill na saad ni Flay

“Anong ibig mong sabih--- huh?” nagulat si Jeni noong excited na lumipad sa direksyon ni Charm ang mga nakadisplay na relika na tila ba natagpuan na nila ang kanilang hinihintay.

“I-impusible..” react ni Jeni

“I only need eight. The rest may stay to protect this land.” Saad ni Charm

Agad nagjack en poy ang mga relika kung sino ng maiiwan. Walang gustong maiwan.

“P-paano nya napapasunod ang mga relika?” gulantang na tanong ni Jeni

“She's the dragon princess. It is an honour to be her friend.” Saad nina August

***

Sa isang tahimik na parte ng silid-aklatan sa ikatatlong palapag ng Aurum Magic Uni, makikita si Gray Arres Lockser na abalang nagbabasa ng isang libro.

Nag-angat sya ng tingin sabay sabing, “Circe, I know you're in there.”

Isang magandang babae ang lumitaw mula sa isa sa mga bookshelf. Nakatungo syang naglakad papalapit sa binata, Hindi sya makapaniwala na nahuli sya nito sa akto ng pagsstalk nya dito.

“H-hi..” awkward na bati ni Circe, bigla syang natalisod dahil sa ilang nakakalatna libro..

Isang pares ng braso ang sumalo sa kanya bago pa man sya tuluyang matumba, napasubsob sya sa dibdib nito na nakadagdag lalo sa kanyang kahihiyan.

“Did you just... tripped?” amused na tanong ni Gray sa dalaga

Circe faked a laugh. “I didn’t tripped. I was testing gravity. And you know what? I can conclude that it still works properly. “

“Is that so?” nakangiting tanong ni Gray na obviously ay Hindi kinagat ang kanyang kasinungalingan.

“Soooo ahm.. I was here to finish my assignment. I'm not really looking for you. Really.. I'm not..” Palusot pa ni Circe

“Then let me help you with your assignment.” Gray

“No need.” Circe

“I insists.” Gray sabay hila Kay Circe sa isang upuan..

“Hmm?? Discover and practice the spell of coalescing mana into crystal form. Interesting..” react ni Gray habang binabasa ang notes ni Circe

“I already know the answer. It's Mana Alescere.. I just need to practice. “ Circe

“Practice? Isn't this an easy spell?” Gray

“Easy? I'm not a genius like you.” Circe

“Are you finally admitting your inferiority?” tanong ni Gray

Nagsalubong ang mga kilay ni Circe. “Excuse me? I'm in no way inferior to you. You may be a genius but I'm not a lackey or a weakling either!! Wag mo Kong minamaliit! Gusto mo ba ng flying kick?”

“I was just teasing you. Pffft. You're temper is really scary. And such brutishness isn’t to my liking.” Natatawang saad ni Gray

“Wow hah? Manalamin ka nga muna, I don’t like you either!” Circe

“That’s a relief then. Being like by a brutish lady like you is a type of disaster.” nang-aasar na saad ni Gray

This jerk! “You do know that there are two sides to every story right? And you're a jerk in both of them!” Circe

Natawa si Gray.. “Am I?” nakangiti nyang tanong habang hinihila papalapit si Circe sa kanya.

“W-wait! What the fudge are you doi--- hmmmmp!!” agad nawalan ng lakas si Circe noong magtagpo ang kanilang mga labi. Alaala ng una nilang pagtatagpo ang naglalaro sa kanyang isipan. Gray is a black angel. He seems angelic but the real him is actually a monster. A really good kissing monster.

“I’m the only one allowed to tame you my little angel. Don't let anyone else touch you. Do you understand?” saad ni Gray habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Circe.

She's drowning. Ang mga mata ni Gray ay nakalulunod. Tila isang bagyo ng emosyon ang naglalaro sa kanyang mga mata. “Y-yes.”

“Good. Start practising that spell, it won't be difficult for you because you're talented. I will be back so stay here for a while.” Saad ni Gray

“Saan ka pupunta??” tanong ni Circe

“To end an unfinished business. Stay here my angel. I'll be back soon.” Saad ni Gray and he planted a small kiss on her forehead.

“Unfinished business?” Circe

“My little brother.” Gray

Tumango si Circe. She have a bad feeling about this.

“Gray.” Tawag nya dito noong akmang papaalis na ito

Lumingon si Gray sa direksyon ng dalaga.

“May sasabihin ako sayo.” Saad ni Circe, she have this urge of confessing her true feelings. Natatakot sya, may masama syang kutob.

Ngumiti si Gray. “I already know. And I feel the same way. Pero gusto Kong marinig pa rin mula sa labi mo ang mga salitang yun pagbalik ko. Pagbalik ko.”

“P-pero..” Circe

Umiling si Gray.. “I need something to look forward to to encourage me to do my best to survive. And that's you.”

“W-what do you mean?” kinakabahang tanong ni Circe

Ngumiti lamang si Gray. Hindi ito ang karaniwang ngiti na ibinibigay nya Kay Charm o  sa ibang tao. Isa itong genuine na ngiti. Isang malungkot na ngiti.

In a blink of an eye, he's gone.

~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

346K 15.2K 43
Status: Completed "A forgotten memory, an undying charm, a sacred heart, a lonely soul, and a cruel life." ----- Was it too much to ask for a happy l...
3.1K 446 44
The Adventure Of Lumina [Volume 1] You need to gather the 4 keys to enter the Lost village but where will you find it? Who will be the foe and who w...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
3.8K 623 47
A girl who's about to lose her scholarship found a school inside the forest. Many secrets of the magic world will be unveiled. This is the school eve...