Just the Girl

By AyoshiFyumi

22.9K 868 201

Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang lang... More

BUOD
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Author's Face Reveal
KABANATA 41
KABANATA 42
Author's Note
KABANATA 43

KABANATA 32

352 16 9
By AyoshiFyumi

KABANATA 32


"I love you. Matulog ka na. May pasok na tayo bukas."

"Alright. I love you too." Sagot ni Miah kay Red mula sa telepono saka binaba iyon. Nag-iwan ng ngiti sa kanyang mga labi ang naging pag-uusap nila kahit sa telepono lamang.

Namimiss niya si Red kahit na araw-araw silang nagkikita. Kakaalis nga lamang nito galing sa kanilang bahay. Halos maghapon si Red na sinamahan siya sa bahay dahil wala naman daw itong gagawin. At para hindi niya masyadong ma-miss ito ay tinitingnan na lamang niya ang picture nilang dalawa ni Red na naka wallpaper sa kaniyang cellphone.

Bukas ay pasukan na nila bilang Sophomore sa College. At sa buong bakasyon ay wala man lang siyang naging balita kay Tiffany at Gino. Siguro'y naging busy ang dalawa sa kani-kanilang pagbabakasyon. Hindi naman nila ililihim sa school at sa klase ang unawaan nila ni Red. Ayaw niya ng ganoon. At ganoon din naman si Red. Kaya napagkasunduan nilang ipapakita nila sa isa't isa kung gaano nila kamahal ang isa't isa kahit na kung nasaan man silang lugar.

Umaga na. At gaya ng ipinangako ni Red ay sinundo siya nito. May duplicate key na rin ito ng bahay nila pero kumakatok at tumatawag pa rin ito para ipaalam ang prisensya nito.

"Gumaganda ka lalo habang tumatagal." Sabay halik ni Red sa kanyang noo.

Siniko naman niya si Red sa tagiliran. "Bolero."

"I'm just telling the truth at sa kung ano'ng nakikita ko."

"Late na tayo." Aniya at lumabas na sila nang bahay.

Habang naglalakad sila papuntang Enverga hanggang sa makarating ay magka holding hands sila. Kaya naman nang makapasok sila sa loob ng gate ng school ay agad naagaw nila ang atensyon ng mga tao. May ilang nabibigla at may ilang kababaihan na napapasimangot. May iba naman na napapatingin lang tapos wala na.

May kaklase silang nakasalubong na halos napahinto pa sa paglalakad. Nginisian lamang sila nito ng nakakaloko at nilampasan na dahil nagmamadali ata at baka hindi pa completed sa pag e-enroll.

"Don't mind them." Ani Red at naramdaman ni Miah ang pag higpit ng hawak ni Red sa kamay niya.

"Wala naman akong pake sa kanila. Eh. 'di magulat na sila." Aniya at inihilig ang ulo sa balikat ni Red. He really smelled nice.

"Ang bango mo. I really like your cologne." Sabay singhot ni Miah sa braso ni Red.

Tumawa si Red ng mahina.

"Parang noong freshmen tayo sinabihan mo ako na mabaho ako." Sabay nguso ni Red. Syempre naglalambing lang ang mokong.

"Syempre joke lang 'yon. Pang-asar ko lang talaga 'yon sa'yo." Niyakap niya ang braso ni Red habang sila ay naglalakad para hindi na ito mangtampo.

"I know." Tumawa ulit si Red. "Syempre gusto kong maging mabango sa paningin mo kahit na naiinis ka sa akin."

"Because I like you already that time. In denial lang ako. Hayan, ha. Inamin ko na."

She remembered those days. Iyong mga araw na kinabubwisitan nila ang isa't isa.

"At ang ending gusto pala natin ang isa't isa. That's really funny. But seriously, noong highschool tayo, I hate you dahil sa mga nababalitaan ko about you pero naging interesado ako sa'yo. I found out na hindi ka naman pala gaya ng mga sinasabi nila. And there are something in you that made me like you even more. Na nag end pa sa pagka in-love ko sa'yo."

Sabay halik ni Red sa kamay niya. Kinikilig si Miah kaya abot tainga ang ngiti niya.

Hindi nila namalayan na nakarating na pala sila sa room nila para sa first subject. Wala pang tao maliban na lamang sa dalawang tao na magkatabing naka-upo habang magkahawak din ng kamay. Nabigla silang dalawa ni Red sa nakita. Nabigla din ang dalawang magka holding hands nang makita sila.

"Tiff..? Gino..?" ani Miah habang naka awang ang bibig.

"Woah." Si Red naman ang sunod na nag react.

"We need to talk." Ani Gino sabay tawa.

Nagtawanan silang apat at napag desisyonan nilang mag usap-usap sa canteen dahil forty five minutes pa bago ang first subject nila.

"What just happened?" si Miah na ang unang nag salita. Lahat sila ay nakangiti.

"Mukhang kaylangan din ninyong mag kwento ni Red. Pero kami muna ni Gino." Ani Tiff at tumingin kay Gino na kinikilig.

"To make the story short, I followed Tiff sa Cam Sur as I said to you Red. And I spent the rest of my vacation days with her. Because I fell in-love with her. I realized that noong isang lingo ko na siyang hindi nakikita. Nang magkita kami sa Cam Sur, I confessed my feelings for her. At gusto din niya ako then the rest of the story." At pinakita ni Gino ang kamay nila ni Tiff na magkasalikop.

Napangiti si Miah at Red. She knew it. In denial din kasi itong dalawa dati. But she's really happy for the both of them. Ganoon din si Red sa tabi niya.

"Oh, Red. So ngayon kinakain mo na ang sinabi mo na hinding-hindi ka magkaka gusto kay Miah. So what happened now?" pang a-asar ni Gino kay Red.

"Oo na. Kinakain ko na ang mga sinabi ko. At nabusog pa ako." Biro ni Red.

"You look good together." Komento ni Tiff sa kanila ni Red.

"Thank you. Kayo din naman. Bagay na bagay kayo ni Gino. Basta 'wag lang magloloko itong si Gino." Sagot ni Miah.

"Oh, bakit ako lang? Good boy ako 'no." Saka nginuso si Red.

"Loyal ako at hinding-hindi ko pagpapalit ang mahal ko sa iba. Ang hirap-hirap niyang makamit tapos sasayangin ko lang? Ang gago ko naman." Seryosong sagot naman ni Red.

"Awe." Na-touch pa si Tiff sa sinabi ni Red at si Miah naman ay ngingisi-ngisi lang.

"Hoy, Kokey. Gawin mo 'yang sinasabi mo, ha. Mabalitaan at makita kitang mangbabae, tapos na tayo." Pagbabanta niya.

"I won't do it." Nilapit ni Red ang bibig nito sa tainga niya. "Kung wala lang sina Gino sa harap natin nahalikan na kita." Bulong nito sa kanya.

"Chill." Aniya.

At nag bell na hudyat ng first subject.

Inaasahan na rin ni Miah na hot topics silang apat sa klase. Pero alam niyang ilang araw lang ito at masasanay din ang mga kumag nilang kaklase sa kanilang apat.


VACANTTIME nila ngayon at nakatambay lang sa room sina Miah at Red. At sina Gino at Tiff, hindi nila alam kung nasaan ang dalawa. Ang sabi'y pupunta lang daw sa canteen at mag mi-meryenda lang. Thirty minutes ago na iyon.

Isang lingo na rin ang nakalipas at mukhang nasanay na rin ang ilan nilang kaklase sa relasyon nila. Gaya nga ng estimate niya. Marami-rami din naman kasi ang couples sa school nila. May ilang PDA at may ibang normal lang. Gaya nila ni Red. Hindi sila masyadong PDA at kapag oras ng pag aaral ay aral talaga. Alam nila parehas ang limitasyon nila at minsan hindi na sila nag sasabi sa isa't isa. Kusa na silang dalawa na para bang una nang nag-usap ang isip nila kesa sa actual na pag uusap nila.

And so far... hindi pa sila nag aaway o nagkakatampuhan. May time na nagkaroon sila ng simpleng activity sa isang subject. Hindi sila naging group mates at naging magkalaban sila. Parang the same pa rin ang competition nilang dalawa pero ang ending, naging patas sila dahil parehas magaling ang grupo.


PARANG NITONG nakaraan lamang ay kapapasok lang nila but here they are... they survived another semester. Pirmahan na ng clearance para makatawid na sila sa second semester ng pagiging sophomore.

Magiging abala na naman sila ni Red sa coffee shop. Pero maigi na iyong ganoon para naman may extra income sila during vacation days.

"What?! Papuntang America na kamo si Danica? Parang kahapon lang nandito iyon, ah." Gulat na gulat si Miah sa ibinalita ni Alex.

Halata sa mukha nang lahat ang balitang nag migrate na sa ibang bansa si Danica. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanila ay di sana'y nagkaroon sila ng despidida party man lang bago ito umalis. Kaya heto si Alex sa tabing upuan nila. Animo'y pinag sakloban ng langit at lupa. Halatang nasaktan sa nangyari.

"It's alright. Babalik din naman siya." Aniya at tinapik ang balikat ni Alex.

Tumango ito. "Thanks, Miah."

"Ang daya naman ni Danica. Hindi man lang nagsabi." Halata ang pagtatampo sa boses ni Ian.

"Bakit daw biglaan?" tanong ni Mikay.

"I don't know." Sagot ni Alex na nanlulumo saka inihilamos ang dalawang kamay sa mukha dala ng frustrations.

"Call na lang natin siya siguro. Malamang nasa flight pa iyon. Baka naman bukas ay may sagot na tayo." Ani Dylan.

Si Alex na naging tahimik na lamang sa isang tabi at di na nila masyadong makausap. Kapag may tawanan namang nangyayari ay ngumingiti lang ito pero mayamaya rin ay bigla itong malulungkot. Sa lahat kasi ay ito ang malapit kay Danica.

Ngunit lumipas ang isang lingo ay wala pa rin silang naging balita kay Danica...

Kaya ganito na lang ang panglulumo ng kaibigan nilang si Alex. Halatang nagdadamdam talaga ito. Minsan sinasadya na ng buong barkada kung saan-saan pumunta para malibang ito. Minsan pinapakita ni Alex na okay ito pero kapag mag-isa ito ay halata na naman ang kalungkutan nito.

Aware si Miah sa nililihim na pagtingin ni Alex para kay Danica. Noon pa man ay saksi siya kung gaano alagaan ni Alex si Danica na animo'y kasintahan. Hindi lang niya alam kung napapansin ba iyon ni Danica dahil ganoon din naman ang treatment ni Ian kay Danica dati. Gusto na nga sana niyang mangialam gaya ng ginawa niya sa kapatid niya at kay Ian kaso sa Maynila naman nag aaral ang mga ito.

Napabuntong hininga na lamang si Miah.

"Mahal..." tawag niya kay Red habang nag aayos ito ng mga mugs at platito. Iyon ang tawagan nila nang maging sila.

"Oh?" sagot ni Red at lumapit ito sa kanya. "'Something wrong?"

"Wala naman. Pero... 'wag kang aalis, ah?" aniya sa seryosong tinig.

Lumambot ang mukha ni Red. Niyakap siya nito at hinagkan siya sa noo. "Hinding-hindi ko gagawin iyon. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kaya kita." Masuyo nitong hinagpos ang pisngi niya.

"Paano kung mawala na ang pagmamahal mo sa akin? Posible 'yon."

"Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo pangako iyan."

Tumango si Miah at gumanti na nang yakap kay Red.

"Oy lovebirds! Una na kami!" sigaw ni Kyle sa kanilang dalawa.

Noong araw na inanunsyo nilang dalawa ang relasyon nila ni Red sa buong barkada ay katakut-takot na pang aasar ang tinamo nila. Lalo na si Red. Pero tumawa lamang ito.

Si Red ang kauna-unahan niyang naging boyfriend. Naalala niya noong highscool na marami namang nanliligaw sa kanya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang sinagot. May ilan naman na matino pero ewan ba niya kung bakit nahulog siya kay Red.

Kakaiba kasi si Red sa lahat nang lalaking nakilala niya. Si Red ang tipo na hindi aasa sa iba at kung alam niyang kaya niya ay gagawin niya. Matyaga at masipag din ito. Lahat ng bagay pinapahalagahan. Mapagmahal din ito sa magulang at higit sa lahat ay maaalahanin. Never siya nitong pinabayaan. Simula nang makilala niya ito at ngayong kasintahan na niya ay hindi pa rin ito nagbabago.

He never fail to make her smile every day.

Masaya siya sa piling ni Red. Hinding hindi siya nagsisisi na maging nobyo ito.

"What are you thinking? Parang ang lalim. We're about to close. Mag ready ka na." pukaw nito sa pagmumuni-muni niya.

"Okay."

Pero bago umuwi ay dumaan muna sila sa Jollibee para mag miryenda.

"Hanap ka na ng table natin ako na bahala mag order." Suhestiyon ni Red nang nakapila na sila sa counter.

"Okay. Basta gusto ko ng float at large fries." Bilin niya.

"Yes, babe." Hinagkan siya nito sa noo bago niya ito iniwan sa counter.

Umakyat siya sa second floor at doon nakahanap ng bakanteng table na para sa kanila ni Red. Ilang sandali lang din ay narito na ito dala ang order nila. Agad nilantakan ni Miah ang pagkain.

Si Red naman ay pinagmasdan lamang siya habang kumakain. Naramdaman niyang pinag mamasdan siya nito kaya napatingin na rin siya ito.

"Why?" tanong niya.

"Ha?"

"Bakit mo ako tinititigan?" pagtataray niya.

"I just can't believe na sa dami-daming lalaking nagpapapansin sa 'yo pero ako ang nanalo. Napaka swerte ko talaga." Seryosong sagot ni Red.

Siya naman ay napaubo. "Kumain ka na nga lang." But deep inside of her, sasabog na ata siya sa kilig.

"I love you." Anito at seryoso pa rin na nakatitig sa kanya.

"I know you love me." Aniya.

"I'm so lucky. Thank you for choosing me. Kahit na hindi ako mayaman. Na kahit ganito pa lang ang trabaho ko. But I'll promise you, Miah. As soon as naka graduate na tayo, I'll find a good job and I'll work hard for us. Hindi kita papabayaan. Pangako iyan."

Madalas naman silang magkaroon ng serious talk pero iba itong ngayon.

"Red, mahal kita kung ano ka ngayon at kung ano ka sa susunod na araw. At... maswerte din naman ako sa 'yo kasi napapagtyagaan mo ang ugali ko." Aniya. Wala naman siyang pakialam kung ano ang financial status ni Red. Dahil nakikita niya na magiging successful ito someday dahil napaka tyaga at napaka madiskarte nito.

"Lahat naman tayo may ugali. Pero minahal kasi kita sa personality mo, eh. Or kahit magbago ang ugali mo mamahalin at mamahalin pa rin naman kita."

"Bakit ba ang seryoso natin?" sabay tawa ni Miah.

"I don't know. Basta ang alam ko pag nakikita kita nagiging seryoso ako." Ani Red.

Nagtaka si Miah. Banat ba iyon? "Aba dapat lang 'no." sabay subo niya ng fries.

"Can we go to the church after natin kumain?" yaya ni Red.

"May misa ba?"

"Wala. Pero gusto ko lang magpasalamat sa Diyos dahil binigay ka niya sa akin."

Kinilig d'on si Miah at napangiti ng lihim.

"At kung bibigyan ako ng pagkakataon na pakasalan ka I really want to marry you right now." anito.

At doon na napatulala si Miah.


NASA loob na ng simbahan sina Miah at Red. Si Red ay mataimtim lang na nagdadasal habang nakaluhod at ganoon din siya. Nang matapos silang magdasal at nakaupo na lamang nang may tumawag ng atensyon ni Red.

"Red!"

Sabay silang napangilon sa tumawag.

"Gerry!" tawag din ni Red sa lalaking tumawag sa kanya.

"You know him?" tanong ni Miah.

"Yes. Classmate ko noong elementary at third year. Kaso sa ibang school na siya nag fourth year." Sagot ni Red.

"Ah, okay."

Nakalapit na sa kanila ang lalaking nag ngangalang Gerry.

"Kumusta, Pare? Balita ko magiging Pari ka na, ah." Bati ni Red sa kaibigan at nag tapikan pa ang mga ito ng balikat. Halata ang pagkagiliw nang makita ang isa't isa.

"You're right pero matagal pa."

"Oh, I want you to meet my girlfriend. This is Miah─."

"Miah Serano." Putol ni Gerry sa pagpapakilala ni Red sa kanya.

"You know her?" takang tanong ni Red.

"Of course. Sinong 'di makakakilala sa isa sa pinaka maganda sa school sa TWA ng batch natin." Bola ni Gerry sa kanya at inilahad naman nito ang palad sa kanya. "I'm Gerry Gallion."

"Nice to meet you." Aniya at napatango na lang nang mapag alaman na kilala siya nito. Hindi naman siya aware na marami palang nakakakilala sa kanya dati.

"This is really amazing. I don't know kung paano mo napasagot si Miah but congratulations, Pare." Anito kay Red at ngumiti lang ang boyfriend niya nang bumaling naman ito sa kanya. "I know Red very well. We're really close noong elementary until high school. Hindi ka magsisisi sa kanya." Anito sa kanya at kinindatan pa siya.

"By the way napasyal ka pala dito sa Candelaria, Pare?" tanong ni Red kapagkuwan.

"Ah. I'm just visiting my uncle. Si Father Simon Gallion."

Napataas ang dalawang kilay nilang dalawa ni Red nang mapag alaman na tito pala nito ang kasalukuyang pari ng simbahan ng bayan ng Candelaria.

"Oh, 'di ko napansin na magkamag anak pala kayo ni Father." Ani Red habang amuse pa rin.

"Now you know." Sabay tawa ni Gerry. "Ah, wait. Let me ask you, Red. Are you willing to marry your girl right now?"

Napasamid si Miah sa sinabi ni Gerry. Seryoso naman ang tanong nito. Binalingan niya ng tingin si Red.

"Of course. Sinabihan ko na nga siya kanina regarding diyan actually, eh."

Bumaling si Gerry sa kanya. "How about you, Miah. Are you willing to marry him right now?"

"O-oo naman!" biruan lang naman ito pero iyon ang lumabas sa bibig ni Miah.

"Then let's begin the wedding ceremony!" May pag palakpak pa ng isa sa ere si Gerry. "Wait me here and I'm just gonna call my Uncle. Medyo di ko pa saulo ang mass wedding and I need his help."

"W-wait! We don't have rings." Natatawang biro ni Red. Lakas din makasakay sa kalokohan ni Gerry.

"Don't mind about it." At umalis na sa harap nila si Gerry.

"Okay. That's really crazy." Ani Miah sabay napatawa. "He is going to be a crazy priest for sure."

Nag kibit balikat si Red. "I don't think so. Hayaan mo na. Baka gusto lang niya mag practice sa pagiging pari niya. Let's just help my friend and besides... joke lang naman itong kasal. Kahit na seryoso ako na gusto talaga kitang pakasalan someday."

Ilang sandali pa't kasama na nga ni Gerry ang uncle nitong pari. Tinawag sila nito at nag umpisa na ang kasal-kasalan...


"NAKAKATAWA talaga. Tingnan mo't may sing-sing tayo!" Natatawa si Miah habang pinag mamasdan ang magkasalikop nilang kamay na may sing-sing. Kasalukuyan na silang nasa bahay ng mga Serano at nagpapahinga sa couch.

"Let's keep this. First ever wedding ring natin 'to. Puro kasi kalokohan iyong si Gerry."

Pinakatitigan ulit ni Miah ang sing-sing. It's just a simple silver ring and not really looks expensive pero bakit pakiramdam niya ay parang magiging malaking parte iyon ng buhay niya?

"Natatawa pa ako at pinasulat pa talaga sa atin ang pangalan natin d'on sa papel." Sabay halakhak ni Miah.

"And I kissed the bride also." Biglang tumahimik si Red at sumeryoso. "So, Mrs. Cornejo ka na ngayon."

"Miah Serano Cornejo..." bigkas niya sa bago niyang pangalan ngayon.

"Bagay na bagay." Ani Red. "Let's celebrate it."


A/N: May reader pa ba ako? Kapag may 5 comments from different user may update agad. Hahahahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

362K 17.6K 53
[ Iskwala Series #1 ]
100K 4.3K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
74.8K 5.7K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
1.3M 38.5K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...