Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.4M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 57

326K 12.8K 15.2K
By justcallmecai

Chapter 57

Santiago

My eyes are getting wattery once again. I took a deep breath.

"One day, you'll be someone else's best." I said to Lance. I tried my best not to buckle.

He is so special and he deserve so much.

Ngumiti siya. "Sana." he said in a soft tone.

"You will and I know it. You deserve it, Lance." dagdag ko pa.

Nginitian niya akong muli tapos ay tumayo na. "Sige, mauna na ako, ah. May gagawin pa pala ako..."

"H-ha? Pero paano 'yung pagkain mo? Hindi mo pa nagagalaw."

"Dadalin ko na lang." aniya at sinarado iyong styro ng pagkain tapos ay binitbit na iyon. "Salamat. Mag-iingat ka lagi. At kung sakaling kailanganin mo ako, 'wag kang mahihiyang lapitan ako. Kasi nandito pa rin ako para sa'yo."

Tinanguan ko siya at nginitian pabalik. My heart hurts so good. I know that I got a good friend in him. He's a treasure.

Medyo nawala ang gutom ko, pero sayang naman kung hindi ko kakainin itong binili ko. Marami pa naman.

Susubo na sana ako nang bigla kong nakita si Stephanie sa harapan ko. She is on her usual bitch mode look, but softer this time.

Malalim siyang huminga. "About earlier, thanks for that."

Medyo napaisip pa ako roon tapos ay bigla kong naalala iyong kanina. Baka tungkol ito roon sa dalawang babaeng pinagsabihan ko kanina.

"Wala 'yun. Ginawa ko lang 'yung tama." sabi ko naman sa kanya.

I'm still a bit in shock by her gesture.

"Just so you know, I'm sincere. Hindi lang siguro halata." she said and fixed her shiny black hair.

I smiled awkwardly.

Hindi talaga ako sanay. Kapag magkaharap kasi kami, lagi lang away at gulo.

"Pinapaubaya ko na sa'yo si Kairon. I get it, okay. Ikaw talaga ang gusto niya, eh. Wala naman akong magagawa. Susuportahan ko na lang siya." aniya. She looks so pretty confident. "To be honest, I got mad at you no'ng nakaya mong ipakulong siya. I mean, paano mo 'yun nagawa?"

Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa harapan ko tapos ay masungit akong tinignan.

"Anyway, don't you ever try to hurt him again or I'll swear, aagawin ko siya sa'yo... Char!" natatawa siyang tumayo. "Sige, bye bye."

Natulala ako sa kanya. She is such a crazy girl. Pero I found myself at ease. Though she still has the attitude, it feels lighter. Alam mong iba na, eh. Sana ay ganyan na lang siya lagi.

"Pie!"

Agad akong napalingon dahil dalawang boses ang narinig kong tumawag sa akin.

Halos nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kairon at Jaxith sa magkabilang bahagi ng canteen. Oh shoot!

"Ummm, sige. May kasabay ka na pala. Do'n muna 'ko." ani Jax tapos ay tumalikod na kaagad.

Tatawagin ko pa sana si Jaxith dahil ako naman ang nagtext sa kanya na sabay kaming maglunch. Kaya lang masyado siyang mabilis maglakad kaya naman hindi ko na iyon nagawa.

Nakakunot naman ang noo ni Kairon habang naglalakad palapit sa akin.

"Ka-i-bi-gan." I said. Talagang inemphasize ko!

Tumango-tango siya at inakbayan ako. "Kumakain ka na?"

"Yep. Actually, hindi pa ako nakakapagsimula." I told him. Tapos ay umupo na kaming dalawa. "Tara kain tayo. Marami naman 'to."

Masaya akong inaayos ang pagkain.

"I'm really hungry." he said and started to dig in.

Nakangiti lang akong tinitignan siya habang kumakain. He looks so adorable.

Napapasaya niya ako kahit sa simpleng presensya niya.

You know you've made the right choice when the decision has been painful and hard, but your heart is at peace.

By looking at him now, I know that I truly made the right choice. And it's him.

I touched his arm. "Thank you."

Nagulat siya at dahan-dahang nilunok iyong isinubong pagkain. "For what?" he said.

"For loving me."

His thick brows furrowed a bit and then turn back to its usual. "You know, you don't need to thank me... Because I'll be doing that until my last breath."

Natigil ako at pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko ngayon!

"Mapapagod ka lang kaka tenchu." malambing niyang sabi at ginulo ng kaunti ang aking buhok.

"Hindi ako mapapagod sa'yo." I said.

Wow, Beatriz Paige. Smooth!

"Mas hindi ako mapapagod sa'yo." he said and raised his brows. Smoother!

"Mas mas hindi ako mapapagod sa'yo!" giit ko at nilabas ang dila.

"Mas mas mas mas mas mas hindi ako mapapagod sa'yo. Bleh! Bleh!" aniya at nagpagpag pa ng balikat. Loko-lokong 'to!

Magsasalita pa sana ako nang biglang may humatak sa akin palayo. Gulat na gulat ako nang makita si Kuya Beau. His eyes are blazing mad and it's scary!

Inilagay niya ako sa kanyang likuran.

"Layuan mo ang kapatid ko, Gonzalez." madiin na sabi ni Kuya. "Binabalaan kita."

"Kuya!" sita ko naman sa kanya

It immediately made a commotion in the canteen.

"Beau, I have nothing but respect to you. Kasi kapatid ka ni Beatriz. Pero hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo. Pasensya na." ani Kairon.

I know. I know that Kairon is trying his best to made it up to my Brother. I can see his sincerity. Hindi ko alam kung bakit hindi iyon nakikita ni Kuya Beau.

Kuya laughed sarcastically. "Hindi kita gusto para sa kapatid ko. Hindi ka gusto ng pamilya namin. At hindi namin gusto ang pamilya mo. Kaya ngayon pa lang, lumayo ka na. 'Wag mo akong sinasagad. Kilala mo 'ko."

"Ano bang pinagsasabi mo, Ku-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang muling magsalita si Kai. "I am very much willing to prove myself to you and to your whole family. All I am asking for is a chance."

Mabilis na umiling si Kuya. Kitang-kita ko ang paninibugho sa kanyang mga mata na hindi ko lubos maintindihan kung bakit. "As the Student Body President before you... As your Senior Commander, Kairon Gonzalez, I command you to get the fuck away from my sister."

Umawang ang bibig ko. Ni hindi ako makapagsalita. Parang natuyuan ako ng laway at walang salita ang gustong lumabas sa sariling bibig.

Kitang-kita ko rin ang gulat sa ekspresyon ni Kairon.

Napayuko siya. "But as the present Student Body President. As the current Commander... Beau hayaan mo na kami ni Paige. That's not a command. That's a plea."

Gustong-gusto kong yakapin si Kairon ngayon. It hurts me hearing his voice like that... Hearing him say words he is not use to say.

Namumuo na ang luha sa aking mga mata. Pilit ko iyong pinipigilan dahil sa napakaraming tao na nandito sa canteen ngayon.

Nagulat ako nang biglang kinwelyuhan ni Kuya si Kairon.

"Kuya, ano ba?!" pigil ko pero masyadong matangkad at malakas si Kuya.

Buti na lang at agad na dumating si Kuya Mac at pinigilan si Kuya Beau. Mabilis na nailayo ni Kuya Mac si Kuya Beau kay Kairon.

"Wala akong laban sa'yo. Kapatid ka. Sino ba naman ako? That's why I am asking you... Ibigay mo na sa'min 'to. Please lang." Kairon's voice is so gentle. I can't take it. I just can't.

"Fuck you!" utas ni Kuya at halos natulala na lang ako nang makawala siya kay Kuya Mac at isang segundo lang ay nasuntok na si Kairon.

Kairon is immediately on the floor. Tatakbo na ako papalapit sa kanya nang bigla akong pigilan ni Kuya.

Hinagit niya ako na parang bata na inilalayo sa tindahan ng mga laruan.

"Kuya, ano ba? Binatawan mo nga ako!" piglas ko pero masyadong malakas si Kuya kaya wala akong nagawa hanggang sa madala niya ako sa Flamma Building ng gano'n gano'n na lang.

Nang makarating sa Building ay binitawan niya ako tapos ay umalis na siya. Batid kong pupunta na siya sa sariling kwarto. Sa inis ko ay talagang sinundan ko siya.

"Kuya ano bang pinaggagagawa mo? How could you be so cruel?!" sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na mapigilan ang galit sa dibdib ko.

"Mabait na tao si Kairon, Kuya! Sa totoo nga, tayo ang may atraso sa kanya, eh! Pinakulong natin siya kahit wala namang siyang kasalanan!"

Pumasok na si Kuya Beau sa kwarto niya kaya naman pinilit ko ang sarili kong makapasok doon.

Hindi siya nagsasalita kaya mas lalong nakakapanginig.

"Hayaan mo na kami, Kuya." I told him. "A-ano ba ang problema mo sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama para magalit ka!"

Kuya Beau removed his jacket like he is not hearing anything at all.

Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Mabait siyang tao, Kuya. At alam kong ganoon din ang Pamilya niya."

Galit akong hinarap ni Kuya Beau. "How can you be so sure, huh?! Layuan mo 'yang Gonzalez na 'yan. He may cause you harm, do you understand?"

Mabilis akong umiling sa kapatid. "No! I don't understand! Ano bang harm harm ang pinagsasabi mo, Kuya? Isn't the case an enough proof para masabing hindi siya masamang tao?"

"Enough proof my ass, Beatriz. Oo. Napawalang sala siya pero ano? Hindi pa rin natutukoy kung sino ang nagpadala sa mga hayop na 'yon! Ni hindi pa nga alam kung sino ang mga suspect sa mga naging ambush, kidnapping at pagpatay, pero ito ka, lahat ng tao pinagkakatiwalaan mo!"

"We can trust, Kairon!" Iyon na lang ang aking nasabi.

I made a huge mistake when I didn't trust him before... It lead us to this day. Hinding-hindi na iyon mauulit. Dahil ngayon, I trust him. I trust him with all my heart.

"You can't be so sure. You don't know him enough. You don't know his family either. I will say this one more time, keep away with that Gonzalez. This is only for your safety." aniya.

Marahas akong umiling. "Hindi ko gagawin, Kuya! Naging masunurin ako sa'yo. Lahat ng utos mo, sinunod ko. Lahat ng sinabi mo, pinakinggan ko. Pero hindi sa bagay na 'to. Hindi ito! Hindi ko kaya, Kuya."

I almost break down to tears.

"Ah... Kaya pala. Kaya pala tuwing hindi ka nakikinig sa'kin, napapahamak ka! Sige! Huwag ka makinig!" I can hear madness in Kuya's voice.

Hindi ko alam kung saan siya nangagaling. Kung bakit galit na galit siya sa bagay na ito. Hindi ko maintindihan.

"Hindi kita maintindihan, Kuya. Bakit ba galit na galit ka sa kung anong meron kami ni Kairon? Saan ba 'yan nanggagaling ha?!"

"Wala kang alam." matigas niyang sabi.

"Ayun na nga! Wala akong alam! Kaya nga tinatanong kita. Kasi gusto kong maintindihan ka... Kasi kapatid kita." my tears are starting to falling down my cheeks and it's crazy.

"Gusto mo talagang malaman, huh? Gusto mo?!" amok niya.

"Oo, Kuya! Oo!"

He shook his head with so much frustration. Napaupo siya sa kama niya at yumuko. Natahimik siya roon ng matagal.

Parang ang bigat-bigat ng dala niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. And I saw his bloodshot eyes.

"Remember that dreadful day when we saw Mom and Dad fighting?" aniya, ngayon ay sa malambot na tono.

Mg heart is crazily pounding.

Unti-unti akong tumango kay Kuya Beau. Tandang-tanda ko ang araw na iyon. Maaaring bata pa ako at hindi ko masyadong maintindihan ang mga bagay bagay pero tanda ko kung paano namin nakitang magsigawan sina Mommy at Daddy.

Naikwento ko rin ang bagay na ito kay Kairon. The worst day of my life is indeed that dreadful day my Mom died.

"Tanda mo kung paano ako lumabas sa pinagtataguan natin? Sinundan mo pa ako kaya nakita tayo pareho nila Mommy. Gulat na gulat silang makita tayo." ani Kuya.

Ikinikwento niya sa akin ang bagay na siyang tandang-tanda ko rin.

"Tanda mo rin ba na galit na galit ako kay Mommy?" Kuya asked and I simply nodded.

Alam ko rin iyon. Pero hindi ko alam kung bakit siya galit. Hindi ko rin maintidihan iyong mga sigawan nina Mommy at Daddy noon dahil bata pa ako.

"Alam mo ba kung bakit galit na galit ako?" tanong pa niya.

Umiling lamang ako.

"Because I heard and I understand it all." ani Kuya. I can feel his voice shaking. "Paige, hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Kasi hanggang ngayon, galit pa rin ako. Hindi lang kay Mommy, hindi lang sa sarili ko, kung hindi sa maraming dahilan."

Panay punas ako sa aking mga luha. Ni hindi ako makapagsalita kahit na gusto kong i-encourage si Kuya Beau na sabihin at ipaintindi ang lahat sa akin.

"Paige..." ani Kuya at tila sinusubukan pang pinipigilan ang sarili. "Our Mom killed someone."

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Killed. That's the word my Kuya said.

Umiling-iling ako. "K-kuya, ano bang sinasabi mo? Kuya this is a serious matter.  Stop joking around!"

Tumayo si Kuya at nilapitan ako.

"It is not her intention, but she is the accessory to the crime. Dahil sinira niya iyong break no'ng kotse ng tao na iyon." Kuya explained.

Hindi ako makapaniwala. Hindi iyon magagawa ni Mommy!

The Great Bernice Santiago will never do anything like that. She is the kindest woman I know.

"Hindi, Kuya..." iyon lang ang aking nasabi.

Halos madurog ako nang tumango si Kuya. "Sadly, she could. And she did. Narinig ko ang lahat. I heard it all from her... May utang na loob siya sa malapit niyang kaibigan. So when that friend asked her for a favor, she agreed even if she has a lot of hesitations. Mom is good in automobile engineering back in her days. Her friend knows that. So she was asked to manipulate someone's car break."

Nakaawang ang aking bibig at hindi tinatanggap ang mga salitang sinasabi ni Kuya.

"She agreed because she was told that nothing will happen because everything was carefully planned and calculated." saad ni Kuya. "But something happened... The said person took a different route. A short cut which they never expected."

"And?" I asked with a brave heart. I wanted to know even if it will surely break me.

"Two people inside that car got into an accident. One has been in a coma and one... Died. And do you know who are those people?" Kuya Beau's voice is in agony.

Kumunot ang aking noo. Wala akong alam. Wala.

Umiling lamang ako kay Kuya Beau.

"I found out that the person who has been in coma is Christan Apxfel Gonzalez. Kairon's dad." he said that shocked my whole system.

Umiling-iling ako. It's impossible! Maybe it's all a mistake! No way!

"Hindi..." Iyon na lamang ang lumabas na salita sa aking bibig.

Pulang-pula ang mga mata ni Kuya. "And do you have any idea to the person who died? Calix Pereira. Jaxith's uncle."

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
16K 725 15
Vanessa, a senior-high student, loses her cherished notebook, only to find it in the hands of Mark Tristan Santiago, a popular varsity player. Intrig...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...