His Wife Dark Past

By maejesty

131K 1.9K 73

Why do our Past always haunts Us? You Marry the Man who seeks justice for his late Sister. Ano ang gagaw... More

His Wife Dark Past
DARK PAST 1
DARK PAST 2
DARK PAST 3
DARK PAST 4
DARK PAST 5
DARK PAST 6
DARK PAST 7
DARK PAST 8
DARK PAST 9
DARK PAST 10
DARK PAST 11
DARK PAST 12
DARK PAST 13
DARK PAST 14
DARK PAST 15
DARK PAST 17
DARK PAST 19
Patalastas (⊙o⊙)
DARK PAST 20
DARK PAST 21
DARK PAST 22
DARK PAST 23
DARK PAST 24 (SPG)
DARK PAST 25
DARK PAST 26
DARK PAST 27
DARK PAST 28
SPECIAL D-PAST CHAPTER
DARK PAST 29
DARK PAST 30
DARK PAST 31
DARK PAST 32
DARK PAST 33
DARK PAST 34
DARK PAST 35
DARK PAST 36
DARK PAST 37
DARK PAST 38
DARK PAST 39
EPILOGUE
PAKIUSAP
SUPER SPECIAL CHAP

DARK PAST 16

2.1K 34 0
By maejesty

Part-2 Meet Thera Walker

Someone's POV

"Selena saan susunod na klase mo?" si Thera.

"Break ko pa ikaw ba?" Selena.

"Hindi ko pa din time, tara sa canteen?" aya nya.

"Ok sige." Selena.

Magkasama silang lumabas ng klassroom, ngunit nabigla sila paglabas ng makita ito. Ano na naman ang ginagawa nya? Gulo to.

"Hello Thera." sya.

"Anong ginagawa mo dito?" nilampasan sya ni Thera.

"Bakit ang snob mo ngayon ok naman tayo kanina ah?" sabi ni Wayne.

"Alam mo bang pumunta pa ang ex mo kanina sa klassroom namin para balaan akong layuan ka?" tumigil sya sa paglalakad para harapin ito.

"Just dont mind her." sabi ni Wayne.

"Hindi sa takot ako Wayne, dahil wala naman akong ginagawa sa kanila ang sa akin lang huwag nyo akong idamay sa gulo nyo. Please lang layuan mo ako." sabi Thera at hinigit na si Selena paalis.

Pero kung akala nyang titigil na si Wayne, nagkakamali sya dahil sumunod pa din ito sa kanila.

"How sweet hinahabol ng Boyfriend si Girlfriend" hinarang na sila ni Vianca at alalay nito.

"Vianca its not what you think, kasi...." si Thera.

"Tama miss Vianca si Wayne ipinagtabuyan na sya ni Thera pero sumunod pa din." sumabat na si Selena.

"And after all Vianca youre my ex anong karapatan mong magalit kung magkasama kami ni Thera?" si Wayne.

"wala akong paki alam basta ang gusto ko Thera, layuan mo si Wayne!" si Vianca.

"Pwede kayong dalawa!!!" di napigilang sigaw ni Thera.

First day of college life nya parang hell na. Dahil sa dalawang mag syota na to ang isa hinahabol sya ang isa binabantaan syang luyuan. Ugh! what a life.

Pero nagulat sya ng...

PAK!*

Sinalubong lang naman sya ng sampal ni Vianca. Hindi sya nakagalaw sa kinatatayuan.

"P-para saan yun?" parang tangang tanong nya.

"No one dares to shout at me!" sabi ni Vianca.

"Mag sorry ka!" sigaw naman ng alalay nya.

Halos maiyak naman ang Prinsesang si Thera, buong buhay nya noon lang nya naranasang masampal at masigawan sa harap ng maraming tao.

Oo mabait sya pero matigas ang ulo nya! Tinuruan sya ng magulang ng mabuting asal pero tinuruan din syang huwag mag paapi.

PAK!!!*

Mas malakas na ganting sampal nya kay Vianca.

Nagulat ang lahat sa ginawa ng baguhang si Thera, isang tulad nya ang nakagawa nun sa isang kinakatakutang personalidad sa University nila. Wala ngang alam ang inosenteng si Thera.

"Ang rude mo naman Vianca, alam mo matapang ka lang kasi napapaligiran ka ng alalay mo. Pero isa lang ang napansin ko, Duwag ka!" matapang na sabi ni Thera.

"Aba't alam mo ba ang ginagawa mo Thera? Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo." Vianca.

"Duh, ayan ka na naman sa pagbabanta mo e, bring it on duwag na Vianca. Kahit buong university nga kakampi mo takot ka kay Felize, isa lang ibig sabihin kumakapit ka lang sa mga alalay mo." lintanya ni Thera.

Galit na galit ang itsura ni Vianca, wala pang nakakagawa sa kanya noon sisiguradohin nyang magbabayad ito.

"Ang tapang nitong napili mo Wayne siguradong mahihirapan ka dito."nakangising baling nito kay Wayne.

"Pero baka hindi kayo magtagal kasi papunta na sya sa hell." sabi nung alalay at nagtawanan sila.

"She's right Vianca duwag ka naman talaga, nagtatago ka lang sa pangalan ng Fraternity mo." at ngumisi din si Wayne dito.

Namula na sa galit si Vianca.

Dahil there's no way out na si Thera, hinawakan nya ang kamay ni Wayne, at mas lalong uminit ang ulo ni Vianca sa sunod na sinabi ni Thera.

"Lets go future Boyfriend." nginitian nya si Vianca at HHWW nilang nilampasan ni Wayne ito.

Sa kabilang banda...

Aliw na aliw naman sa panonood sa eksena ni Thera at Vianca si Felize. Na nooy relax na relax na umiinom ng juice at kumakain.

"What can you say Felize?" tanong ng kasamang si Naiza.

"Ang tapang nung Thera kayang-kaya nyang inisin si Vianca." natatawang sabi ni Felize.

"Gusto ko sya sa grupo." si Carrie.

Biglang nag iba ang mood ni Felize ang kaninang tuwang- tuwa naging seryoso.

"She's so innocent and Fragile." Felize.

"Tama si Felize girls magulo ang kalakalan sa frat world." sabi ni Anne.

"Im just worried sa gagawing ganti ni Vianca sa kanya." Naiza.

"Anong gagawin natin Felize?" Anne.

"Lets just wait, see and enjoy." sabi ni Felize.

At nag apir silang magbabarkada, si Felize ang Lider ng Black Majus Manila Chapter. Hindi sya pwedeng mag recruit ng new member, dadaan muna ang lahat ng sasali sa grupo sa Initiation ng pinaka pinuno.

Sa Canteen...

"Anong gusto mong kainin future Girlfriend ko?" sabi ni Wayne.

"Shut up Wayne!" saway ni Thera

Tawa ng tawa naman si Selena at Wayne. Napagkasunduan nila ni Thera na maging magkaibigan. Mabait si Wayne may sayad lang ang Vianca na yun.

"Grabi ang tapang mo kanina Thera, gusto mong sumali sa Fraternity namin?" sabi ni Wayne.

"Abnoy ka ba? tingin nyo ang cool nyong tignan? nagmumukha kayong duwag kasi nagtatapang tapangan umaasa naman pala sa kasama." sabi ni Thera.

"Oy, grabi ka naman brotherhood lang yun." depensa ni Wayne.

"Brotherhood? kaya pala may hazing at namamatay pa minsan." sarkastikong sabi ni Thera.

"okay enough may ganun ngang fraternity." sabi ni Wayne na nakataas pa ang dalawang kamay, yung parang hinoldap?

"Nakakatawa kayo ang sweet nyo lang." sabat ni Selena.

"Kaya maiba tayo, may boyfriend ka na ba Thera?" tanong ni Wayne sinamaan lang sya ni Thera ng tingin.

"Grabi nagtanong lang si Wayne." Selena.

"Alam nyo naalala ko sabi ng kuya ko sha-shot gun nya daw pag may nakita syang lalaking aaligid sakin." sabi ni Thera.

"Dito din ba pumapasok si kuya?" tanong ni Wayne.

"Aba hanep maka kuya, wayne ah." Selena.

"Alam ko na yang mga plano mo Wayne kaya back off, friend tayo. Okay?" sabi ni Thera.

"Huh, walang imposible sa taong nagmamahal." sabi ni Wayne at nag high five sila ni Selena.

Napalingo-lingo naman si Thera. Pursigido si Wayne kay Thera kakaiba ito kayang-kayang ipag tanggol ang sarili at mabait. Katangiang wala ang kanyang ex girlfriend.

"Sarap nyong pagbuhulin ni Selena. Tara na nga at time na." sabi ni Thera.

Masaya silang nag-uusap ni Selena pabalik sa next class nila. Naiwan si Wayne sa canteen sumama ito sa mga kaibigan nito.

Nagulat pa sila ni Selena ng biglang umulan!

Sa init ng panahon kanina, bigla nalang umulan?

"Grabi lang sa init tapos biglang umulan ng malakas? Pambihira!" naiinis na sabi ni Thera.

Basang-basa na sila ni Selena. Pag minamalas ka nga naman.

"Hindi ka talaga mag-eexpect na bigla nalang umulan pwera nalang pag naka bangga mo na si Vianca, para syang Pilipinas got talent expect the unexpected." dinig nyang sabi ni Selena.

"Anong ibig mong sabihin?." tanong ni Thera. Habang kinukosot ang mga mata dahil hindi na sya makakita sa lakas ng ulan.

"Subukan mong tumingin sa paligid." si Selena.

Sinubukang lumingon ni Thera sa paligid. Mga estudyanteng naglalakad sa field nakatingin sa kanila ni Selena at teka walang ulan sa kanila?

"Oo tama ka Thera sa kinatatayuan lang natin umuulan." sabi ni Selena.

Maya-maya nawala na ang ulan na bigay ng demonyong si Vianca.

"Hahaha! wooh! grabi ang saya nito wooh.." si Thera habang tumatakbo-takbo at tumatawa pa.

Kahit si Selena ay takang-taka sa reaksyon ni Thera parang baliw lang.

"Hoy Thera baliw kana ba? Napagtripan na tayo ni Vianca ang saya-saya mo pa. Paano na tayo first day of school di tayo agad papasok?!" si Selena.

"I guess kulang pa to kasi mukhang tuwang-tuwa ka Thera." nasa harap na pala nila si Vianca.

"Hahaha...kawawa ka naman Vianca dahil sa lalaki nagkaka ganyan ka? Mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason para mas inisin ka." si Thera na nakangisi pa.

"Anong sinabi mo?" sabi ni Vianca.

"Si Wayne parang ayaw ko na syang pakawalan at ibalik sayo. Angel na gaya nya hindi match sa demonyong tulad mo." Si Thera.

"Gusto mong sampulan kita kung gaano ako ka demonyo?" nakangising sabi ni Vianca.

"Nagsisimula ka na ba?" mapang-asar na sabi ni Thera.

"Hindi mo ramdam?" nawala na ang ngiti ni Vianca.

"tsk.tsk.tsk ang weak ng start mo." patuloy lang si Thera.

" Sige maghanda ka sa susunod." namumula na si Vianca halatang inis na inis na.

"Hindi ako maghahanda baka mag expect ako at fail na naman pala ang inihanda mo." asar ni Thera.

"Talaga lang huh?" tiim bagang sabi ni Vianca.

Tumitig lang si Thera sa kanya inilapit ni Thera ang mukha kay Vianca at ngumisi.

"Talaga." sabi ni Thera at tinalikuran na si Vianca.

***

Nextday pagpasok ni Thera sa school.

"Late na ba ako? bakit ang tahimik yata?" kausap ni Thera sa sarili habang naglalakad papasok sa school.

Napalingon sya sa paligid dahil sa tunog ng motorsiklo at parang nasa paligid lang.

Hindi nga sya nagkamali may paparating na motor ang bilis ng andar nito at papunta sa direksyon nya.

"Hey, wait....aahh!!!..." kung nasaan nakatayo si Thera doon mismo dumaan ang motor.

Umiwas si Thera pero huli na tumilapon sya sa gilid ang mas masakit tumama ang likod nya sa may sementong bench.

"aaahh...aray...aray..." daing ni Thera habang pilit gumagalaw.

Sobrang sakit ng likod nya, dumudugo din ang siko at tuhod nya ramdam na ramdam ang hapdi sa mga sugat. Naiiyak na si Thera sa sakit na naramdaman.

"Thera? are you okay?" buti nalang late ding pumasok itong si Wayne.

"H-help me..." hirap na sabi ni Thera.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Wayne.

"Binangga ako ng motor." sabi ni Thera.

"Binangga? bulag ba sya at di ka nakita?" sabi ni Wayne na tinulungan syang tumayo.

"Kung inutusan ka ni Vianca siguradong kahit maglagay pa ako ng banner hindi ako papansinin nung bumangga sakin." sabi ni Thera habang pinapahid ng panyo ang sugat.

Nagkakamali ka Vianca kung sa dito mo lang ako mapapasuko. Hawak ko ang bagay na gusto mong makuha. Tinignan nya si Wayne na tumulong magpahid ng sugat nya sa tuhod.

Kung tingin mo mapapasunod mo ako sa laro mo. Nagkakamali ka dahil ikaw ang susunod sa laro ko. At hindi ko kailangan ng mga alipores.

Duwag na Vianca.

End of Part 2 Meet Thera Walker

♕MAEJIE♕

Continue Reading

You'll Also Like

212K 15.7K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
414K 30.1K 41
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
436K 15.9K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
575K 26.6K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...