Revenge of the Gangster's Twin

By ceikret

912K 17.6K 390

Winter is my name. Killing is my game. Known as Poison in Mafia and gangster world. Kinatatakutang assassin... More

Revenge of Gangster's Twin
one**
two**
three**
four**
five**
six**
seven**
eight**
nine**
ten**
eleven**
twelve**
thirteen **
fourteen **
fifteen**
sixteen **
seventeen**
eighteen **
nineteen **
twenty **
twenty one**
twenty two**
twenty three **
twenty four**
twenty five**
twenty six**
twenty seven**
twenty eight**
twenty nine**
thirty **
thirty one**
thirty two**
thirty three**
thirty four**
thirty five**
thirty six**
thirty seven**
thirty eight **
thirty nine**
fourty**
fourty one**
fourty two**
fourty three**
fourty four**
not an update**
fourty five**
fourty six**
fourty seven**
fourty eight**
fourty nine**
fifty**
annyeong!!
fifty one**
fifty two**
fifty three**
fifty four**
fifty five**
fifty six**
fifty seven**
fifty eight**
fifty nine** Part 1
fifty nine** Part 2
annyeong!!^___^
sixty**
sixty one**
sixty two**
Ceikret's note..
sixty three**
What If God's Like One of Us**
last chapter** part one
last chapter** part two
EPILOGUE **part one
EPILOGUE **part two
EPILOGUE **last part
When a Gangster Fall**
Yiiieeeey
an::
special chapter 1.1**
special chapter 1.2**
special chapter request **
notice**
Special Chapter 1
Book two^___^
happy anniversary **
My Almost Happy Ending

sixty four**

8K 167 2
By ceikret

(Third Person POV)

Matapos ang ilang minutong pag iisip mabilis na pinatamaan ni Sean ng dragger ang censore ng laser. Mabilis na kumilos ang shadow para makawala sa laser bago ito bumalik.

"Mukhang minaliit ko ang shadow. Well not bad. Kaya lang sana di na lang kayo umalis doon. Edi sana hindi kayo masasaktan." sabi ng babae sa kanila.

"Sino kaba talaga ha?"- Sian

"Easy Blaze. Tatanda ka agad niyan sige ka. Well ako lang naman si Dark Ivy. Tandaan niyo ang pangalan na yan dahil yan ang pangalan ng magpapabagsak sa one and only mighty Shadow. Kawawa naman kayo iniwan kayo ng Leader niyo sa ere."

Lalong nanggigil ang Shadow dahil sa sinabi nito. Sumugod agad si Leo hawak hawak ang mga assassin tools niya pero may mga naglabasang assassin mula kung saan. Agad na pinigilan ng mga ito ang mga hawak na tools ni Leo kaya wala na din siyang nagawa dahil hindi naman ganun kalakas ang katawan niya. Sinubukan niyang tumayo at pinulot niya ang latigo niyang bakal na may talim sa dulo(sorry di ko alam ang name nun haha). Napabagsak niya ang mga kalaban niya pero may isang sumugod mula sa likod niya. Sinaksak siya ng dagger na may lason at agad na tinuhod ang sikmura niya. Kahit na nanghihina pinilit na tumayo ni Leo pero patuloy pa din siyang pinag sisipa ng mga kalaban.

Nakita ni Elise ang nangyari kay Leo kaya wala na siyang ibang ginawa kundi umiyak kakatawag sa pangalan nito. Gayun na lamang ang pagkabigla niya ng sumuka ng dugo si Leo at humarap sa kanya sabay taas ng kamay na para bang inaabot siya.

"Elise. Ililigtas kita" nanghihinang sabi ni Leo habang pinipilit na tumayo.

Si Thunder naman ay nag umpisa na ding makipaglaban. Gamit niya ang samurai niya na may lason. Napatigil lang siya sa paglaban ng makita niya si Leo na nanghihina. Pinuntahan niya agad ito para sana lunasan pero may bigla na lang bumaril sa braso niya. Bigla na lang namanhid ang braso niya at hirap na siyang gamutin si Leo. Pinilit niyang maitabi si Leo at mailayo sa mga kasamahan na naglalaban.

"Leo. Leo huwag kang matutulog. Idilat mo mga mata mo. Please Leo. Sorry di kita agad natulungan. Please Leo wag kang sumuko." nag aalalang sabi ni Thunder. Kasunod nito ang pagdilat ni Leo.

"Hyung si Sean hyung tulungan mo. Napuruhan na din siya." pautal utal na sabi nito kaya agad namang lumingon si Thunder kay Sean.

Madami dami na ding napatay si Sean gamit ang katana niya pero bigla na lang siyang nakaramdam ng tusok ng karayom sa mga kamay niya. Nabitawan niya ang katana niya dahil sa namanhid ang mga kamay niya at hindi na niya mahawakan pa ang katana niya. Sinubukan pa din niyang lumaban gamit ang paa niya. Sinisipa niya ang mga kalaban minsan namin ay backflip siya sabay landing sa batok ng kalaban kaya agad itong binabawian ng buhay. Napagod na ang paa niya sa kakalaban ngunit tila hindi nauubos ang kalaban. Nanghihina na din ang mga paa niya at namamanhid pa din ang mga kamay niya. Sinipa niya ulit ang isa niyang kalaban ngunit dahil na din sa pagod na siya nasapo ng kalaban ang paa niya at naibalibag siya nito sa pader. Tumama ang likod niya sa pader kaya ininda niya ang sakit ng balakang niya. Naramdaman na lang niya na pati ang katawan niya namamanhid na kaya hindi na siya nakalaban pa.

Nilapitan agad ni Thunder si Sean at tinabi kay Leo. Tinurukan niya ito ng panlaban sa lason para na din mawala ang epekto ng lason na siyang magpamanhid sa katawan nito.

Kasalukuyan naman nakikipaglaban si Sian sa mga assassin ng BHC. Dahil na din sa liksi nito nahihirapan ang mga kalaban niya na matamaan siya. Suntok, Sipa at hampas ng katana ang natatamo ng mga kalaban sa kanya kaya agad na binabawian ng buhay ang mga ito. Tila ba hindi siya napapagod sa pakikipaglaban pero napahinto siya ng makita ang kakambal na katabi ni Leo. Pinangtatanggol sila ni Thunder sa mga gustong umatake sa dalawa. Hindi niya namalayan na may papalapit na pala sa kanyang kalaban na may hawak ding katana. Nakailag naman siya pero nasugatan pa din siya.

Kahit na iniinda na niya ang sakit ay patuloy pa din siyang nakipaglaban kasama ng mga shadow. Madami dami na sila napatay pero patuloy pa din sa pagdami ang mga kalaban nila. Bigla na lang nakaramdam ng panghihina si Sian dahil na din sa epekto ng lason na nakuha niya kanina mula sa katana. Hindi din tumitigil ang pagdugo ng sugat niya. Naging matipid na din ang paggalaw niya at bumabagal na ang pag iwas niya sa mga daggers at bala ng baril na galing sa kalaban.

Nakita ni Ryuu ang panghihina ni Sian kaya mabilis niya itong nilapitan para tulungan. Nilabas na niya ang sinulid niya at mabilis itong nilagyan ng tubig kaya naging matalas ang bawat hibla nito. Ginawa niya itong parang latigo na siyang naghiwa sa mga katawan ng kalaban ni Sian.

"Thanks Ryuu." tanging nasabi ni Sian bago mapaupo dahil sa labis na panghihina dala ng pagkaubos ng dugo at dahil na din sa lason.

Dinala ni Ryuu si Sian kina Thunder at Tinulungan si Thunder sa pagprotekta sa kanila. Habang ginagamot ni Thunder ang tatlo si Ryuu ang pumipigil sa mga kalaban para hindi makalapit dito. Nagulat na lang si Ryuu ng maputol ang sinulid niya at napalingon siya sa nagputol nito. Si Dark Ivy na may hawak ng Isang uri ng asido na kayang tunawin ang chemical na pinanggawa ng sinulid niya.

"Sh*t pano siya nagkaganon. Ang alam ko hindi na nag eexist ang ganyang uri ng asido." bulong ni Ryuu pero narinig parin ito ni Dark Ivy.

"Alam ko lahat ng kahinaan niyo. Kaya kung ako sa inyo isuko niyo na lang ang buhay niyo. Kesa lumaban ng walang laban. Nakakaawa naman ang Shadow. Nalaos na ba kayo?" tatawa tawang sabi ni Dark Ivy kaya sinugod siya agad ni Ryuu gamit ang panibagong sinulid ngunit mabilis itong nabuhusan ng asido.

Hindi alam ni Ryuu na may mga assassin na nakaabang sa pagsugod niya kaya noong sumugod siya ginamit nila itong hudyat para atakihin siya. Nakuha ng mga ito ang mga sinulid niya at mabilis siyang sinaksak ng katana sa tyan.

"AHHHHH" sigaw na Ryuu na siyang nakakuha ng atensyon ng lahat ng Shadow pati na din ang mga bihag.

"RYUU" sabay sabay na sigaw ng mga ito.

Pinuntahan agad ni Kevin si Ryuu at pinatay ang mga assassin na nakapaligid nito. Pinaulanan ni Kevin ng dagger ang nakapaligid sa kanila ni Ryuu kaya isa isang nagsipagbagsakan ang mga kalaban.

"Ayos ka lang ba Ryuu?? P*ta naman sugod kasi ng sugod eh." sabi ni Kevin habang buhat buhat si Ryuu papunta kay Thunder.

"Nakita mo ng nasaksak tatanong mo pa kung ayos lang. Try mo kayang masaksak tapos tatanong ko kung okay ka lang." singit ni Kai na nakalapit na din pala sa kanila.

"Eh kung lumaban ka na lang p*ta. Hihirit ka pa dito eh. Ikaw saksakin ko dyan eh." banas na sabi ni Kevin.

Lumipas ang isang oras ng laban at napuruhan na ang lahat ng Shadow. Si Glen naman ay nagsusumikap na makawala sa kadena na nakatali sa mga kamay at paa niya. Nawawalan na ng pag asa ang lahat. Tila ba ito na ang katapusan nila. Pinakamalubha ang kalagayan ni Ryuu pero ginagamot naman siya ni Thunder para hindi ito tuluyang mawalan ng buhay.

Sa kabilang banda iisa lang ang dasal ng mga bihag. Na sana dumating si Winter. Dahil ito na lang ang tanging pag asa. Kahit na alam nilang imposible na matalo nito lahat ng malalakas na kalaban. Umaasa pa din sila.

Nagkalat na sa lugar ang mga bangkay ng mga assassin na napatay ng Shadow. Pero tila ba hindi maubos ubos ang mga kalaban at patuloy pa din sila sa pagdami. Hindi lang yun dahil palakas ng palakas ang mga kalaban na dumadating. Wala ng lakas ang mga Shadow para matalo pa ang mga ito. Nanghihina sila sa lason na natamo nila kaya ang tanging nagagawa na lang nila ay ang protektahan ang isa't isa.

"Tandaan niyo ito. Isa para sa lahat. Lahat para sa isa kung dito man magtatapos ang buhay natin masaya pa din ako kasi kayo ang kasama ko kahit sa huling sandali natin sa mundo." ang sabi sa kanila ni Thunder na siyang nagpalakas kahit paano sa mga loob nila.

"Mukhang hindi na talaga dadating ang dahilan kung bakit nandito kayong lahat. Pero sige bago ko kayo patayin isa isa magpapakilala muna ako. It's my honor to kill 12 members of Shadow with my bare hands."nakangising sabi ng babae.

"Sino kaba talaga ? Bakit mo ginagawa samin to?"- nanghihinang sabi ni Tim.

Nagulat sila ng biglang tinanggal ng babae ang maskara niya. Tumambad sa kanila ang mukha ni Cassey kaya naman kulang na lang malaglag na ang mga mata nila sa lupa.

"I'm Dark Ivy. No. 1 assassin ng Black hawk Clan. Empress ng Pheonix. And it's my pleasure to kill all of you Pero syempre hindi lang ako ,may kanang kamay ako sa lahat ng ito. Pumunta kana dito sa tabi ko."- Cassey.

Nagulat ang lahat ng biglang tumayo si Roo at nakakalag pala ang mga kadena nito.

"Roo ikaw ang Spy?"- Gulat na tanong ni Rhon."Imposible. Diba't si Ralph ang Spy."

"Well mukhang nadala kayo sa acting ng kapatid ko. Siya nga at wala ng iba. Sinet up namin si Ralph para patayin niyo siya pero di niyo ginawa kaya I'm very disappointed. Ang gusto ko pa naman magpatayan kayo pero okay lang ako na lang papatay sa inyong lahat." nakangiting sabi ni Cassey habang si Roo ay tahimik lang sa isang sulok.

"Roo akala ko ba best friend kita bakit mo ginawa sakin to. Bakit mo ginawa samin to." pagalit na sabi ni Ralph at tangkang susugurin na si Roo pero dahil nakakadena ito ay wala din siyang nagawa.

"Kinaibigan ka lang niya para patayin. Anak ka ng kalaban at lahat ng kalaban dapat pinapatay." sigaw ni Cassey sa kanya.

Naiyak na lang sa sama ng loob si Ralph. Ang nag iisang taong pinagkatiwalaan niya ng lubos ay siya palang dahilan ng lahat.

Pati ang shadow hindi makapaniwala sa mga nalaman. Si Roo ang matagal ng spy ng HBC.

Sa kabilang banda nag aayos na si Winter para sumabak sa laban. Kasama niya si Jimei at Andrei. Nagpumilit ang dalawa na sumama kay Winter kahit na ayaw nito. Wala na ding nagawa si Winter ng makita na handa na ang dalawa at siya na lang ang hinihintay.

Pumunta sila sa Marines para kumuha ng sub marine na gagamitin nila sa pagpunta sa kuta ng kalaban. Gusto ni Winter surpresahin ang mga kalaban kaya ito ang naisip niya na plano. Pagdating nila doon agad silang hinarang ng mga sundalo pero hindi sila nagpaawat sa mga ito.

"Ma'am Sir hindi nga po kayo pwedeng pumasok sa area na yan. For marines lang po ito." paulit ulit na sabi ng mga nagpipigil sa kanila.

"Hindi mo ba ako kilala?" malamig na sabi ni Winter dito.

"Ma'am hindi po. Kaya pwede po ba lumabas na po kayo."- sabi ulit ng humaharang sa kanila.

"Kung ganun magpapakilala ako sayo. Ako lang naman si Poison. At isa pang salita na lumabas dyan sa bibig mo titirikan kana ng kandila dito." malamig na sabi ni Winter kaya naman tila natulos sa kinatatayuan niya ang sundalo.

Pagdating nila sa office ng Chief sinipa na lang basta ni Winter ang pinto at pumasok dito na para bang walang nangyari.

"Winter kapag tayo kinulong dito dahil sa mga ginagawa mo naku." sita sa kanya ni Jimei.

"OA naman Jimei. Takot kang makulong pero pumapatay ka. Ayos ka din eh noh." Andrei

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya pwede wag kang sumabat. Tahiin ko bibig mo eh."- Jimei.

"Sabi ko nga titigil na lakas ng loob palibhasa no. 1 assassin ng Scorpion. Balang araw lalamangan din kita noh. Maghintay ka lang bibig mo tatahiin ko. Di porke maganda ka matatakot na ako sayo."- Andrei.

"Aba't may gana ka pang sumagot.--" naputol ang sasabihin ni Jimei ng bigla na lang hampasin ni Winter ang mesa ng Chief.

"Here's 100 million pesos. Give me that damn submarine key will yah." sigaw ni Winter kaya naman napatameme na lang ang dalawa.

"Hindi ko pinangarap na humimas ng rehas." bulong ni Jimei.

"Kulungan nga ata bagsak namin nito. Winter chill lang kasi." bulong naman ni Andrei.

Pagkatapos ng makapigil hiningang eksena sa office ng chief, nakasakay din ang tatlo sa sub marine at tinungo ang daan papuntang isla.

(Winter POV)

Habang nasa submarine nilabas ko ulit yung notebook ni Autumn. Madami pa akong gustong malaman. Kailangan ko ng impormasyon bago ako sumabak sa gyera.

#7

Kinausap ako ng isa sa mga Elders yung tatay nila Roo. Ang sabi niya sakin ay magtago na daw ako dahil na din sa nalaman nila na ako daw pala ang tumulong kay Sheena. Nagtataka ako noong una pero sinunod ko pa din ang elder. Ang sabi niya sakin ayaw daw niya sa plano na iyon ng mga kasama. Ayaw niyang pumatay ng bata dahil lang sa away ng Clan nila. Hindi daw ito tamang paglaban. Pang duwag lang daw ang ganung klaseng laban. Hindi ko muna sinabihan si Winter tungkol dito dahil ayaw ko siyang mag alala sakin. Alam kong madami ding ginagawa ang kapatid ko sa Korea. Ayaw kong maging isa pa sa pasanin niya. Hanggat kaya ko ako mismo ang lalaban para sa sarili ko.

end**

Tang** naman Autumn. Kung sana noong una palang sinabi mo na sakin edi sana hanggang ngayon buhay ka pa. Sana kasama ka pa din namin. Pero anong ginawa mo sinarili mo. Bakit ba kasi kami ang laging iniisip mo dapat sarili mo muna inisip mo eh.

#8

Nandito ako ngayon sa apartment ni Jimei. Si Jimei at si Raikoo lang ang nakakaalam kay Winter. Si Jimei hindi yan Gangster tulad ko pero Assassin siya ng Scorpion Clan. Nasabi ko na din sa kanya ang problema ko at ang sabi niya safe daw ako dito sa apartment niya as long as walang makakaalam na nandito ako. Gustuhin man niya akong samahan kaya lang mawawala siya ng dalawang taon. Binigyan kasi siya ng mission ng Leader nila na siya na ang magiging look out ni Sheena para masiguro ang kaligtasan nito. Kaya ayun iiwan na niya ako dito bukas.

end**

#9

Tinawagan ako ni Raikoo at ang sabi niya makikipag usap siya sa mga elders kasama na din nung elder na tumulong sakin para na din daw hindi ako mapahamak. Ang sabi niya hanggat makakaya niya poprotektahan niya ako. Kaya gusto niyang makipagdeal sa elders kapalit ng kaligtasan at kalayaan ko.

end**

Sinara ko na ang notebook ni Autumn. Para bang hindi ko na kaya pang basahin ang mga laman noon. All this time pala nasa notebook na yun ang mga sagot sa mga tanong na hindi mabigyang kasagutan sa utak ko. Thanks Autumn. Kahit wala kana ginagabayan mo pa din ako.

end**

(third person POV)

Mabilis na nakarating sila Winter sa isla. Ginamitan ng bazooka ni Andrei ang mga assassin na nasa harap ng isla kaya nagkagulo ang mga ito. Si Andrei kasi ang specialty niya ay Bazooka at missiles. Si Jimei naman ay nagmanman na din sa paligid ng hideout. Mag isang sumugod sa loob si Winter at tahimik na pinatumba ang mga assassin na nagbabantay.

Sa loob naman wala pa ding magawa ang Shadow para maipanalo ang laban. Lahat sila nanghihina na at hindi na kaya pang lumaban.

"Ano suko na kayo? Siguro mas mabuti kung uunahin ko na ang mga babaeng mahal niyo. Diba masaya na makitang mamatay ang mga mahal niyo sa harap niyo mismo at wala kayong magawa para mapigilan ito." ngiting demonyong sabi ni Cassey.

Nilapitan niya si Mikaella at tinutukan ng baril.

"I think mas maganda kung siya na ang uunahin ko diba heal? Matagal tagal na din siyang nagdudusa sa mga kamay ko. I think kailangan na niyang magpahinga." sabi ni Cassey. Ngunit bago pa niya maiputok ang baril may dagger na tumama dito kaya nabitawan niya ito.

"Subukan mo siyang galawin at titirikan ka ng kandila dyan sa kinatatayuan mo." isang malamig na boses ang umalingawngaw sa buong hide out.

_____________________________________

Ceikret

**edited**

ai wo

Continue Reading

You'll Also Like

207K 3.8K 54
9 Story of Assassins. Different story of each one. How they survive and fight for their own life and love. When the Coldest Get Warm Story of Keen Te...
10.1K 111 5
MONTREAL SERIES #1 What if a Notorious Assassin Suddenly became a Normal Student and encountered a Very popular young 4 men who called "4 kings" in...
425K 6.1K 24
Dice and Madisson
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...