last chapter** part two

8.5K 168 1
                                    

(Winter POV)

Bago pa lang ako pumunta dito buo na ang loob ko. Kung ang buhay ng mga taong mahal ko ang kapalit ng buhay ko hindi na masama diba? I mean madami sila iisa lang ako. Kung maliligtas ko silang lahat hindi malulungkot mga pamilya nila. Hindi mararanasan ng mga mahal nila sa buhay ang burden na naranasan ko sa loob ng dalawang taon.

Ito na marahil ang karma ko sa dami ng mga taong napatay ko. Sigurado naman ako na tutulungan sila nila Jimei at Andrei and by that time bumalik na ang lakas ng shadow. 30 seconds na lang ang kailangan kong tiisin. Pero 10 minutes na lang ang nalalabi sa buhay ko. Kung makaligtas man ako dito wala pa ding kasiguraduhan ang buhay ko.

"Winter 20 seconds na lang." ang sabi sakin ni Jimei sa intercom.

Nag umpisa na silang sumugod. Nakatayo lang ako at nakatingin sa paa ko. Hindi ko magawang tingnan sila hyung dahil alam kong kapag tiningnan ko sila pipigilan nila ako sa balak ko. Hindi ko magawang tingnan si Raikoo dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan ang taong minahal at mahal na mahal ko hanggang ngayon. Sana lang makahanap siya ng babaeng kaya siyang mahalin at pahalagahan hindi gaya ng ginawa ko sa kanya. Puro sakit at hirap ang naranasan niya sakin nararapat lang na sumaya siya.

Hindi ko matingnan si Iki dahil alam kong masasaktan lang siya. Tinuring ko siyang kakambal ko. Mahalaga siya sa akin at ayaw kong makita ang mukha niya na puno ng luha. Gusto kong maala ala sa pagkawala ko yung mukha niya na puno ng saya at kabaliwan.

Sa tuwing naiisip ko na hindi ko na sila ulit makikitang masaya kapag nawala ako lalong kumakawala ng mga luhang pinipilit kong pigilan. Ayaw kong makita nila akong nasasaktan. Ayaw kong nakikita nila akong umiiyak. Ayaw kong sisihin nila ang sarili nila sa pagkawala ko.

Sunod sunod na tama ng daggers ang naramdaman kong tumatama sa katawan ko. Nakaramdam din ako ng hiwa ng katana sa iba't ibang parte ng katawan ko. Pero wala akong nararamdamang sakit na pisikal. Ang sakit na nararamdaman ng katawan ko ngayon ay dala ng sakit sa puso ko. Ang sakit na hindi ko man lang naiparamdam sa mga taong mahal ko kung gaano ko sila kamahal. Kung gaano sila kahalaga sa buhay ko.

"Nagstop na ang bomba Winter. Naclose ko na din system nila. Pupuntahan na kita pagkatapos kong hanapin si Andrei."- sabi ni Jimei sa Intercom.

"Sige Jimei kayo na ang bahala sa kanila." bulong ko sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin yun bumagsak na ang natitirang assassins ng clan nila. Si Cassey na lang ang tinira ko. Hindi man lang nila nahalata na sa bawat paggalaw ko nagtatanim na ako ng lason sa mga katawan nila.

"Anong nangyari bakit bumagsak sila." nanggagalaiting tanong sakin ni Cassey.

"Tinaniman ko ng lason ang mga katawan nila. Kinain ng lason ang katawan nila bago pa nila nalaman ang ginawa ko." nanghihina kong sagot sa kanya. Marahil ay dahil sa malapit na akong maubusan ng dugo.

"Paanong... Arrrghh hindi ka sumunod sa usapan natin. Papasabugin ko na lang ang mga mahal mong kaibigan." sigaw niya sakin kaya napasmirk na lang ako. Wala talaga siyang alam sa mga plano ko.

"Kung ako sa iyo wag mo ng ituloy. Patay na ang system niyo. Wala ka ng aasahan sa mga tinanim mong bomba dahil deactivated na lahat ng ito."-ako

"Kung ganon bakit hindi mo pa ako dinamay."- Cassey.

"Dahil malaki ang utang ng loob ko sa Papa mo. Dahil siya ang tumulong sa kapatid ko."

"Pero pinatay mo siya." galit na sigaw niya sakin.

"Hindi ako ang pumatay sa kanya. Kung ikaw nga di ko pinatay yung Papa mo pa kaya na malaki ang utang ng loob ko. Mag isip ka Cassey ginagamit ka lang nila at nagpapagamit ka naman sa mga taong tunay na pumatay sa Papa mo. Pagdating ko sa hideout noong araw na pinatay ang kapatid ko naabutan ko ng patay ang Papa mo dun. Sinisi lang nila sakin para ikaw mismo ang gumawa ng paraan para mawala ako sa landas nila." nanghihina kong sabi pero tila ba hindi pa din siya nanininiwala.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon