sixty one**

7.8K 154 11
                                    

(Winter POV)

Tulad ng inaasahan ko nasunod ang plano. May kumuha kahapon kay Glen hyung a.k.a. Ghie. May device na din na nakatago sa buhok ni hyung. Walang kaalam alam ang mga kalaban na may track na kami sa kanila. Ang ipinagtataka ko nga lang ay somewhere in palawan siya pero wala ito sa mapa ng Pilipinas. Papano magkakaroon ng isang tagong island sa palawan na wala sa mapa.

Pumunta din ako sa bahay ni Rhon hyung kahapon dahil na din sa kailangan yun sa acting namin. Lahat kami mukhang worried pero pag nakatalikod na sila wala na. Wala pa din ang shadow sa uni ngayon. Nagtatraining pa din sila gaya ng sinabi ko sa kanila. Pinapalabas namin ngayon na hinahanap nila si Ghie kaya wala sila dito.

Papunta na sana ako sa room ng mapadaan ako sa isang park ng school. Oh great ganda ng view. Taena ano nakita ko?? Si Raikoo lang naman at ang malanding pugita na naghahalikan. Nanood lang ako ganda eh romatic movie. Isang prince na nainlove sa pusit.

Noong matapos sila sa nakakadiring ginawa nila nakita ko pang ngumisi sakin si Pugita, so alam niya na nandito ako. Lumingon naman sa direksyon ko si Raikoo at nanlaki ang mata niya. Lalapitan sana niya ako pero hinawakan yung kamay niya ng malanding pugita.

Umalis na lang ako at pumunta sa rooftop ang sakit sa mata eh. Ang sakit sa mata ng mga nakikita ko. Naluluha tuloy mata ko.

"Ano ba piste tumigil ka na nga sa kakatulo." sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga pisteng luha. Bakit ba ako umiiyak?? Tsaka bakit masakit ang puso ko??

"Ahhhhhh f*ck. Bakit ba ako nasasaktan??"

"Kasi mahal mo. Nag seselos ka kaya masakit." napalingon ako at nakita si Andrei na nakaupo pala sa tabi ko. Bakit di ko napansin na nandito pala tong mokong nato?

"Hindi ako nagseselos okay." sigaw ko sa kanya.

"Bakit ba kasi ayaw mong aminin na mahal mo yung gago na yun. Nasasaktan ka kasi may kasama siyang iba. Nasasaktan ka kasi mahal mo siya. Nasasaktan ka kasi gusto mo ikaw sana ang nasa katayuan noong babae na yun. Na sana ikaw ang hinalikan niya."

Napatigil ako sa sinabi ni Andrei. Sapul eh. Natumbok niya nararamdaman ko. Bakit ba kasi kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko ayaw paawat. Bakit ba kasi kahit anong deny ko sa nararamdaman ko nasasaktan pa din ako. Ito na ba yung kahinaan ko bilang assassin. Kahinaan ko na ba ang magmahal. Oo na aaminin ko na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Raikoo. Kaya kahit na hindi na kami nakatira sa isang bubong lagi ko pa din siyang binabantayan. Tanga na kung tanga ano bang magagawa ko? Diba kapag nagmamahal ka nagpapakatanga ka.

At isa ako doon sa nagpapakatanga na yun. Dahil kahit na may sama ako ng loob sa kanya araw araw tinitingnan ko pa din ang lagay niya. Sinisiguro ko pa din ang safety niya.Ito na siguro ang karma ko sa dami ng taong napatay ko. Ito na siguro ang kabayaran sa lahat ng mga naging kasalanan ko. Ang magmahal pero masaktan. Mas masakit kasi yung emosyonal kesa pisikal. Pag nasugatan ako kaya kong gamutin pero itong sugat sa puso ko hindi ko magamot.

"Natahimik ka kasi totoo?"

"Kelan ka pa naging love guru? Thanks Andrei kasi ikaw lang at si Thunder hyung ang naglakas loob na magsabi sakin nyan. Oo aaminin ko mahal ko siya. Mahal na mahal." yung kaninang masakit na nararamdaman ko napalitan ng magaan na pakiramdam. Ganto pala kapag nasabi mo ang matagal mo ng kinikimkim.

end**

(Raikoo POV)

*earlier

Kasama ko si Cassey ngayon sa park ng school. Wala ang prof namin kaya nagpasama siya sakin dito dahil may sasabihin daw siya sa akin.

"Raikoo alam mo naman na may sakit ako diba?" sabi niya. Oo may sakit siya sa puso at kailangan na niya ng heart transplant para mabuhay siya.

"Oo nakapagdecide kanaba kung mag papaopera kana?"

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now