fifty five**

7.1K 159 0
                                    

(Third Person POV)

Dumating ang shadow members sa mansion ng mga Jansen ngunit wala si Winter doon. Ang naabutan nila ay ang balisang si Nana na kanina pa hinihintay ang nawawalang alaga. Hindi na nagsayang pa ng oras ang shadow at naghiwahiwalay sila para na din mahanap si Winter ngunit ilang oras na silang naghahanap ay hindi pa din nila ito makita. Napagdesisyunan na lang nilang umuwi pero nagpaiwan pa din si Thunder para hanapin ang nawawalang kapatid.

Sa kabilang banda nagtatalo ang magkapatid sa kwarto ni Roo. Nagalit din si Roo kay Cassey dahil sa ginawa nito kay Winter. Alam ni Roo sa sarili niya na mahal pa din niya si Winter at kahit anong pigil niya patuloy pa din niyang minamahal ang dalaga.

"Ano ba talagang problema mo Cassey." nanggagalaiting sabi nito sa Kapatid.

"Wala akong problema. Ang totoo kuya masaya ako. Ikaw ata ang may problema eh." walang ganang sagot nito sa kapatid.

"Bakit ba sinasaktan mo si Winter. Wala namang ginagawa sayo yung tao. Nakita din kita kahapon sinampal mo siya. Tama na Cassey sumosobra kana eh." sabi sa kanya ni Roo. Napangisi na lang si Cassey dahil sa sinabi ng kapatid.

"Nagagalit ka kasi mahal mo siya. At mas gugustuhin mong kampihan siya kesa sakin na kapatid mo? Para ipaalala ko sayo kuya. Nauna ako kay Raikoo. Ako dapat ang mahal niya kung hindi lang sumingit yang Winter na yan sa eksena." sigaw sa kanya ni Cassey.

"Para din ipaalam ko sayo. Noong naaksidente lang si Raikoo kaya napunta sayo ang atensyon niya. Dahil mula pa noon kay Winter na talaga umiikot ang mundo niya." ganti naman nito sa kapatid.

"Edi sana nakieksena ka din noong hindi pa bumabalik ang alaala ni Raikoo. Hindi mo kasi pinairal ang utak mo. Kung sana kinuha mo na sa kanya si Winter bago pa bumalik ang alaala niya edi sana pareho tayong masaya. Pareho nating nakuha ang gusto natin. Pero hindi eh naki go with the flow ka lang. Nagpakamartir ka kuya para sa wala." Natahimik na lang si Roo dahil sa sinabi ng kapatid at walang sabi sabing iniwan ito. Tinamaan siya sa mga narinig sa kapatid. Dahil aminin man niya o hindi hanggang ngayon pinapanalangin pa din niya na sana mahalin din siya ng taong mahal niya. Pero alam niya kahit mahalin din siya nito wala ding magbabago. Mawawala din ito sa kanya pagdating ng panahon.

Nasa sala silang lahat maliban kay Cassey na nasa kwarto nito nang dumating ang shadow. Nanlulumo ang mga itsura nito at para bang mga nalugi.

"Hindi namin mahanap si Winter." walang ganang sabi ni Tim sabay punta sa kusina. Sinundan na lang siya ni Rina dahil alam nitong kailangan nito ngayon ng magkokomfort dito. Bukod kasi sa kapatid ni Winter, si Tim ang pinakamalapit dito.

Nagulat na lang ang lahat ng tumayo si Raikoo sabay sabing "Hahanapin ko siya."

end**

(Raikoo POV)

Sh*t nasaan kanaba Winter. Mapapatay mo na ako sa sobrang pag aalala ko sayo. Hindi ko akalain na magagawa sayo yun ni Cassey. Kung alam ko lang na may nangyari sayo ikaw agad ang lalapitan ko at hindi siya.

Nagpunta na ako kung saan saan pero walang bakas ni Winter. Walang Winter na nakita ang mga mata ko. Last chance. Ito na lang ang tanging lugar na alam kong pupuntahan niya.

Sa park kung saan kami unang nagkakilala 13 years ago.

Dali dali kong pinuntahan ang park na lagi namin dating pinupuntahan nila Winter at Autumn. Nagbabakasakali na baka nandoon siya.

Habang maglalakad ako sa park bumabalik sakin ang mga alaala namin dito na parang kahapon lang.

"Rin kanina pa kita hinahanap. Ang sabi ni Umma umalis ka daw." sabi noong bata na kamukha ni Autumn sa kanya.

"Nakipaglaro lang ako sa bestfriend ko. Rice(Riz)" nakangiting sabi niya dito.

"eh nasan ba ang bestfriend mo ha. Ano yun imaginary?" sabi ng batang dumating habang tumatawa. Doon ko napansin na mas maganda siya kay Autumn kapag tumatawa siya.

"Hindi multo kaibigan ko noh. Ayun siya oh." sabay turo sakin ni Autumn. Oo nga pala nasa itaas nga pala ako ng puno. At hindi ako makababa.

Napangiti na lang ako ng maalala ko yun. Kahit bata pa ako nagkaroon ako ng crush sa babaeng kamukha ng bestfriend ko kahit di ko naman siya kilala. Tanging pagkakaiba lang nila eh mas maikli ang buhok ni Autumn sa kanya kaya hindi ako nalito.

Tumingala sakin yung bata tsaka bigla na lang tumawa.

"huy bata anong ginagawa mo dyan. Nagpapraktic kabang maging unggoy. Astig kapit mo ha." sabi niya habang tawa ng tawa.

"hindi kasi ako makababa." nahihiya kong sabi sa kanya. Nagulat na lang ako ng umakyat din siya sa puno.

"halika tulungan kitang bumaba." sabi niya sakin habang nakangiti.

Doon ko siya unang nakita ng malapitan. Dahil nga bata pa ako hindi ko pinansin ang bilis ng tibok ng puso ko. Basta alam ko masaya ako. Masaya ako noong araw na yun.

"Hi ako nga pala si Winter Terrice Jansen. Kakambal ako ni Rin." sabi niya sakin pagkababa namin.

"Ako naman si Raikoo." nahihiya kong sabi. Narinig ko na lang na humagikgik si Autumn. Sigurado aasarin na naman ako nito.

"Nice meeting you Ikoo." sabi nito sabay yakap sakin.

Kahit na pulang pula na ang mukha ko pinilit ko pa ding sabihin na hindi Ikoo ang pangalan ko. "Hindi Ikoo. Raikoo ang pangalan ko."

"Ha Ikoo?"

"Raikoo nga."

"Oo nga sabi ko Ikoo."

"Hayst sige na nga Ikoo na lang itawag mo sakin." sabi ko kaya napangiti siya lalo. Narinig ko na lang na tumawa si Autumn. No doubt kambal nga sila.

Bumalik ako sa realidad ng makita kong malapit na pala ako sa may puno. May nakita akong anino doon at nakatungo ito. Kahit na hindi ko siya makita ramdam kong siya yun. Si Winter yun.

end**

(Winter POV)

Gusto ko munang magpahinga mula sa lahat ng problema. Kung saan walang makakahanap sakin. Dahil gusto kong ilabas lahat ng luha ko. Lahat ng damdaming matagal ko ng pinipigilan.

Pumunta ako sa park para mag unwind. Dito sigurado akong hindi ako mahahanap nila hyung. Dahil ayaw kong makita nila akong ganto.

Nakarinig na lang ako ng footsteps palapit sakin. Tumingala ako at nakita ko siyang hingal na hingal.

"Salamat at nakita na din kita. Alam mo bang pinag alala mo ako ng sobra. Kanina pa kita hinahap and thank god i found you." sabi niya sabay yakap sakin.

"i-ikaw?" mahinang sabi ko pero niyakap ko pa din siya at umiyak sa dibdib niya.

"salamat hina-nap mo ako." sabi ko sa kanya habang umiiyak.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon