thirty eight **

9.3K 199 3
                                    

(Tim POV)

After two weeks natapos ko din yung binigay na mission ni pinuno. Taena kasi yung minister pala ng palasyo ang gustong magpapatay sa hari pero sorry na lang siya at naunahan ko siya. Mabuti na lang at pinasunod ni pinuno si Sean at Sian hyung. Sila ang nagliligaw sa mga bantay para makakilos ako ng maayos. Putek naman kasi ang daming kawal dito no doubt hindi si Poison ang pinadala dito kundi baka patay na lahat ng kawal dito pag alis niya.

Nandito na pala ako sa incheon airport di na ako nagpahatid sa private jet dahil gusto ko namang ma experience ang pagsakay sa isang normal plane.

After hours ng byahe nagpasundo ako sa shadow dahil ayaw kong mag cab. Dumating naman sila at agaw eksena ang mga putek.

Silang labing isa lang naman ang sumundo sakin. Wala si Winter dahil malamang tulog pa yun pero taena naman. Ganun ba ako kalaki para lahat sila ay sumundo sakin. Tapos yung limousine na black pa ang gamit nila kaya ang entrada lahat nakatingin sa kanila.

"DONGSAENGGGGGGGG!!!!"- Sean

"WAAAHHH DONGSAENGGGG DITO !!"- Thunder

"Tangn* brad namiss kita"- Kevin

"Yuck so gay Hyung"- Kai

"Yung pasalubong ko dala mo?"- Rhon

"Nag uwi kaba ng pagkain ha ha ha."- Leo

"dongsaeng nahiyang sa korea ah."- Glen

"Its good na bumalik kana. Ang hirap pag ikaw pinakabata. Ikaw utusan at ngayong nandito kana ikaw na uutusan wahahaha."- Sky

Lahat ng tao nakatingin samin like seriously agaw eksena talaga kami dito. Ako ang nahihiya sa pinanggagawa nila eh.

"Ahm hindi ko po sila kilala hehe."- sabi ko sa mga tao sabay alis sa harap nila. Pero taena binuhat ako at ang matindi pa ay ang way ng pagbuhat sakin. May hawak sa kamay at paa dinaig pa nila ang magbuhat ng bagahe sa lagay na ito tapos padabog pa akong hinagis sa loob ng limo.

"Di pala kilala huh tss."- Sian

"Hehe sorry mga hyung kasi naman agaw eksena kayo. Ganun niyo ba ako kamiss at lahat kayo sumama sa pagsundo."

"Hindi noh. Alam namin na malaki kickback mo sa mission kaya magpapalibre kami. Tsaka yung luto mo namimiss namin."- Ryuu

Waahhhhh bakit ang harsh nila sakin?? Ganto ba talaga pag pinakabata lagi na lang nilang hinaharas. Buti pa si Winter ako daw favorite hyung niya.

Matapos ang walang katapusang shopping nila umuwi na din kami. Dumiretso ako sa kwarto ko sa bahay ni Thunder hyung at naligo. Wala naman akong jetlag kasi sanay na ako.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng banyo ng walang damit pantaas. Ganun naman kasi dito sanay na kami.

Nagulat na lang ako ng may sumigaw.

"KYAAAAAAAAAAAAHHHHH" teka may babae dito?? Sino siya??

Agad akong nagsuot ng damit at sinundan siya. Agad kasi siyang lumabas ng kwarto pagkakita niya sakin.

end**

(Rina POV)

Kakatapos ko lang maglinis sa kusina. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako tutulong sa mga gawain dito. Bukod sa niligtas nila ako sila din ang tumulong samin. Wala ang parents namin ni Kuya Ren at di nila alam ang nangyayari samin dito sa Pilipinas. Kaya wala silang kaalam alam na nasa panganib kami.

Pinoprotektahan kami ng Shadow pati na din ng Clan nila. Si Winter unnie ay tinanggap kami kahit na may nangyari sa kapatid niya at sangkot sila Kuya doon. Bukod doon ginawan na din nila ng paraan para makapag aral ako. At dito sa kanila ramdam ko ang isang pamilya. Tanggap nila kami at masaya silang kasama.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon