fifty seven**

7.5K 168 1
                                    

(Winter POV)

"Andrei"

"Gyoul alam mo bang kanina pa ako halos mamatay kakahanap sayo. Nung makita ko yung video di ko na alam kung saan kita hahanapin. Bakit ba lagi ka na lang nasasaktan ha. Mag ingat ka naman." panenermon niya sakin. Feeling Close lang kelan pa kami naging close aber.

"Tumahimik ka na nga lang wala na ding matutulong yang pag ngangawa mo. Ayos na ko oh buhay na buhay tsaka pwede ba tama na ang yakap tsansing kana eh." pano ba naman kanina pa nakayakap. Sarap pektusan.

"Hehe sorry naman nag alala lang talaga ako sayo. Buti na lang talaga at ayos kana." sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Eh ano pa bang magagawa ko. Buti pa samahan mo na lang ako kailangan ko ng kausap." walang gana kong sabi sa kanya. Nakatingin lang siya sakin na para bang may malalim na iniisip.

"Ano bang nakita mo sa kanya. Gwapo din naman ako. Mayaman din ako. Sa akin di ka iiyak ng ganyan. Di kita hahayaang masaktan. Ikaw ang uunahin ko. Pero bakit siya pa. Alam mo Gyoul sa five years of my life sayo ang focus ko pero bakit siya pa din?" kahit di niya sabihin kung sino ang tinutukoy niya alam ko na. Siya na agad ang nasa utak ko.

"Hindi ko din alam Andrei." ang

tanging nasabi ko at nagsimula na namang pumatak ang pisting luha. Naalala ko na naman sila. Yung puso ko parang paulit ulit na sinasaksak.

"Ako alam ko kung bakit. Kasi Gyoul mahal mo siya. Aminin mo man o hindi alam kong mahal mo siya. Yung ngiti mo pag kasama mo siya. Yung sayang nararamdaman mo. At ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Yan ang mga patunay gyoul. Mahal mo siya. No hindi i think mahal na mahal mo na siya kahit di mo pansin. At di mo alam mahal mo na pala siya." his words hit me. Mahal ko na ba talaga si Raikoo?? Kaya ba masakit ang puso ko at hindi ang sugat ko. Kaya ba nahihirapan ako pag nakikita ko sila.

"Pero Gyoul bakit di mo pinaglaban. Bakit nagpatalo ka. Bakit hinayaan mong masaktan ka. Assassin ka malakas ang instinct mo pero nasugatan ka pa din. Humina na ba ang no. 1 assassin ng mundo ng dahil lang sa love." napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. A-alam niya?? Papano??

"A-alam mo. pano??"

"Sa araw araw ba naman na pagsunod ko sayo sa loob limang taon alam ko na ata ang halos lahat sayo. Pero ako may alam kaba tungkol sakin??" napatahimik naman ako sa sinabi niya. Totoo kasi sa maraming taon na pagsunod at pagsuyo niya sakin naging matigas ako. Di ko siya pinagbigyan. Pero bakit ngayon?? Bakit kay Raikoo lumambot ako.

"Sorry Andrei. We can start naman eh. Let's be friend. Hanggang doon lang ang mabibigay ko sayo sa kabila ng lahat." malumanay kong sabi. Andrei deserves it. Alam niya na ako si Poison pero di niya sinabi sa mga kalaban. Pinrotektahan niya ako kahit na paulit ulit ko siyang sinasaktan. Siya na ding lumambot ako i think he deserves to be treat well.

"Yeah friends. Lapitan mo lang ako kapag nasasaktan kana. Kapag di mo na kaya. Kapag kailangan mo ng iiyakan. I will always be there for you no matter what." napatawa na lang ako sa sinabi niya. Sobrang seryoso kasi ng mukha niya. Ano yun feeling body guard siya. Anytime anywhere. O baka naman feeling superman siya.

"Wag kang tumawa dyan seryoso ako. Di mo ba napapansin kung bakit Gyoul ang tawag ko sayo. Kasi hindi kita matawag na Winter. Bakit ba kasi nagpapanggap ka na si Autumn. Alam mo namang malaki ang pagkakaiba niyo. Pwede ka namang bumalik dito bilang ikaw mismo ah."

"Alam mo Andrei gusto ko lang makuha ang hustisya para sa kapatid ko. Pagkatapos nun babalik na din ako sa kung sino talaga ako. "

"Promise yan ha. Gusto ko ng makita ang maangas na Winter. Hindi yung mabait na Autumn. Di ko nga alam may side ka palang mabait. Wahaha." tingnan mo ito kanina seryoso kami tapos ngayon naman para ng baliw. Pwede ko na bang bawiin ang friendship na inofer ko kanina?? Ayaw kong magkaroon ng friend na bipolar.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now