sixty three**

7.8K 161 0
                                    

(Winter POV)

Pagkaalis nila hyung umalis din si Jimei. May kukunin lang daw siya sa dating apartment ni Autumn. Pinagpahinga na muna niya ako kahit na wala na akong sakit na nararamdaman. Well i think kailangan ko ngang magpahinga muna. Masyado ng madaming nangyayari nitong mga nakaraang mga araw. Minamadali na ng kalaban ang pagtapos sakin pero sorry na lang sila masamang damo matagal mamatay.

Hindi pa man ako nakakahiga sa kama binulabog na naman ako nila hyung. Akala ko ba nakaalis na tong mga to? Ano na naman ba ang nahithit nilang brand ng catol at di sila mapirmi.

"Winter nawawala sila." bungad sakin ng humahangos at maiyak iyak na si Tim hyung.

"Sino hyung?" tanong ko sa kanya sabay abot ng tubig.

"Sila Ren, Roo, Ralph, Raikoo, Rina at Cassey kinuha din sila ng black hawk clan. Kung gusto pa daw natin silang mabawi naghahamon sila ng dwelo."- Thunder hyung.

"eh ano naman ngayon?" pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa galit ko.

"Taena Winter nasa bingit na ang buhay nilang lahat. Bakit parang di ka man lang nag aalala." pasigaw na sabi sakin ni Kevin hyung.

"Oh?? Sige ipagpapray ko sila." walang gana ko pa ding sabi.

Bigla na lang binalibag si Sky hyung yung mga gamit sa divider.

"May magagawa tayo Winter. Maliligtas natin silang lahat pero bakit di mo pa din kami pinapakilos." galit na sabi nito.

"Natapos na ba ninyo ang training niyo. Diba ang sabi ko dalawang linggo ang ibigay niyo sakin." pagalit na din na sabi ko. Bakit ba hindi nila maintindihan na buhay ng lahat ang pinoprotektahan ko. Ito na nga ba ayaw ko sa kanila. Masyado nilang pinapairal ang puso nila.

"Putang i** na training na yan. Wala man lang kaming napala. Kung sumugod na tayo doon noon pa kasama na natin sila ngayon."- Leo hyung.

"Edi sige pumunta na kayo. Go. Walang pipigil sa inyo. Ilagay niyo mga buhay niyo sa alanganin." galit kong sabi sa kanila.

"Ganyan na ba talaga kabato ang puso mo Winter. Talaga bang hahayaan mo na lang silang lahat na mamatay. Para ano para magaya kami sayo? Para maramdaman din namin ang mawalan. Taena Winter hindi ko alam na hanggang ngayon ganyan pa din kakitid ang utak mo. Sabihin mo nga sakin ang totoo tinuring mo ba silang kaibigan?? Tinuring mo ba kaming mga kaibigan mo? Kahit minsan sa tanang buhay mo Winter. Kaibigan ba itinuring mo samin?"- Ryuu.

"Hindi." maikli kong sabi. Wala na akong magagawa buo na ang mga loob nila. Magpapakamatay na sila para lang mailigtas ang mga ito.

"Eh ano kami para sayo?" nanghihinang sabi ni Kai hyung. Nakita ko ang mga malulungkot nilang mukha. Halatang nagpipigil sila ng mga luha.

"Gamit. Kailangan ko kayo sa laro ko. Kailangan ko ng mga players sa game na ginagawa ko. Kinokontrol ko mga buhay niyo para maipaghiganti ang kakambal ko. Si Autumn siya lang ang nag iisang taong importante sakin. Kaya kahit gamitin ko pa kayong lahat gagawin ko maipaghiganti ko lang siya." nabigla na lang ako ng sampalin ako ni Thunder hyung. Napaiyak na din ako. Oo nagsisinungaling ako importante silang lahat sakin at kung hindi ko gagawin ito lahat sila mawawala sa akin. Lahat sila mapapatay ng kalaban. At ayaw ko yung mangyari. Kung magtatraining lang sana sila ng isang linggo pa pero bakit nagpapadala sila sa mga galit nila.

"Akala ko pa naman Winter nagbago kana. Akala ko minahal mo kaming lahat pero mali pala ako. Sige aalis kami kahit wala ka. Ililigtas namin sila kahit di mo kami tulungan. Hindi ka namin kailangan." sabi ni Hyung matapos niya akong sampalin. Yeah i deserve that slap. Tuluyan na silang umalis sa bahay ni Jimei.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon