A Night with The Frontman

By ilovemitchietorres

6K 259 99

I promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one n... More

Chapter 1: Intro
Chapter 2: Just Another Normal Day
Chapter 3: When The Lights Out
Chapter 5: Who Are You? Where Are You?
Chapter 6: Positive
Chapter 7: Unknown Number
Chapter 8: Disconnected
Chapter 9: Thinkin' About You
Chapter 10: Missed Calls
Chapter 11: Push Back
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Paper Bag
Chapter 14: Suitor
Chapter 15: Let Me
Chapter 16: Spill the Tea
Chapter 17: Dreamer
Chapter 18: How to strike the Clock Strikes?
Chapter 19: Cry Out
Chapter 20: It's Nothing
Chapter 21: Band Merchandise
Chapter 22: Stay with Me
Chapter 23: Cookies n Kisses
Chapter 24: Future Plan
Chapter 25: Road Trip
Chapter 26: Groupie
Chapter 27: Hanabi
Chapter 28: Lost Angel
Chapter 29: All Mine
Chapter 30 : Missing You
Chapter 31: So this is heartache?
ANWTF : One-Shot
Chapter 32: I was hers
Chapter 33: Things we never said
Chapter 34 : Gossip and Relationship
Chapter 35 : Fangirl Life (Jessie)
Chapter 36 : I'll stay for another year (Tristan)
Chapter 37 : Nonchalant Guitarist (Tristan x Jessie)
Chapter 38 : Right By Your Side
Chapter 39 : Oniichan
Chapter 40 : Companion and Confession
Chapter 41 : Champs and Wedding Bells

Chapter 4: He's The Band Front Man

216 8 10
By ilovemitchietorres

Hey guys hindi ako nakapagupdate 2 weeks ago I guess ang dami kasing ganap sa office at may appointment ako kaya di na ako nakatapos guawa ng draft para sa update. Ito na yung new updated chapter for this book sana magustuha niyo! Happy Sunday everyone! x


 A Night with The Front Man

Chapter 4: He's The Band Front Man

Song for this chapter: Clock Strikes by One Ok Rock

-----------------------------------

"Me ga eroine..."

"Kami ga kireidane..."

"Suki...daisuki..."

"Utsukushiii..."

"Kimochi ii..."

"Nureteru..."



"Girl."

"...."

"Oy..."

"..."

"Kris-Zel uy girl."

"..."

"Hellooooo...." May naramdaman akong nagyugyog sa balikat ko.

"H-ha?"

Tinignan ko yung taong nasa tabi ko.

"B-Bakit?"

"Ano bang iniisip mo girl? Kanina pa ako nagsasalita dito e mukhang di ka naman nakikinig."

"Ha?..."

Bumuntong hininga siya at pinakita yung mga papel na hawak niya sa akin.

Nilapag ni Jessie sa desk ko.

Tinignan ko ito.

"Di ka talaga nakikinig. Hay naku."

"Ano ba to?"

"Mga lectures natin. Nanghihingi na si Brenda ng bayad sa xerox."

Dali-dali kong kinuha yung coin purse ko at naglabas ng mga barya.

"Magkano ba?"

"Fourty five pesos."

Hindi ko magawang makapagfocus. Bumabalik sa isip ko yung ala-ala nung gabing iyon.

Nakikita ko yung sarili kong naglalakad.

Hindi ako nag-iisa.

Nadidinig ko ang sarili kong tumatawa kasabay ng boses ng lalakeng kasama ko sa paglalakad.

Inalalayan niya ako bago ako tuluyang mahulog.

Inakbayan niya ako.

May mga salitang binulong sa tenga ko.

"Girl? Helloooooo..."

Bumalik ako sa katinuan ng madinig ang pamilyar na boses ni Jessie.

Dali-dali kong iniabot yung papel na pera sa kanya na nakuha ko.

"Fourty five pesos lang. Wala ka bang barya?"

Tinignan ko ulit yung coin purse ko at naglabas ng dalawang twenty pesos at isang limang piso.

-----------------------

Ano bang ibig sabihin ng salitang iyon?

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko yung mga salitang iyon nitong mga nakaraang araw.

Korean?

Chinese?

Japanese?

Naghahanap ako ng wifi. Hindi ako makaconnect don kanina sa library ang dami kasing tao.

Buti nga nag-aya si Jessie na kumain sa labas ng campus at ngayon nakaconnect na ako sa wifi.

"Girl ako na lang oorder ano sayo?"

Sinulyapan ko saglit si Jessie.

"Uhh... Yung dati na lang na order natin."

"Okay, drinks?"

"Sprite na lang."

Iniabot ko na sa kanya yung bayad ko. Nagpresinta na siyang umorder kaya ako na lang ang naiwan dito sa table namin.

Tinype ko yung salitang "Google".

Sunod kong tinype yung salitang tumatak na sa isip ko nitong mga nakaraang araw.

"Utsukushii."

Ano nga bang ibig sabihin ng salitang yon?

Japanese word na ang ibig sabihin ay beautiful.

Naginit bigla ang pisngi ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ulit yung meaning nung salitang matagal ng gumugulo sa isip ko.

"Kris?"

Itinago ko agad yung cellphone ko sa bag ko sa gulat.

Tinignan ko yung lalakeng nakatayo malapit sa table na inuupuan ko.

"Michael..."

"Kanina ko pa kayo hinahanap ni Jessie."

"Uh Bakit?"

Oo nga pala di namin siya kaklase sa dalawang subject nitong umaga kasi natake na niya last year.

"Oy, girl!" May dalang tray si Jessie na sakto namang parating na.

Tinulungan agad ni Michael ang kaibigan ko na magbitbit.

Inilapag niya ito sa table.

"Thanks."

"Uy, maupo ka muna."

Magkatabi silang dalawa ni Jessie habang ako nasa kabilang upuan.

"Nakaorder na kami. Di ka naman nagsabi na kakain ka din."

"Hindi okay lang may mga kasama naman ako."

"Ah okay."

"Bakit mo nga pala kami hinahanap?" Tanong ko kay Michael.

Meron siyang nilabas na kapirasong papel.

"Ano yan?" Tanong naman ni Jessie na curious don sa hawak ni Michael.

"Ticket."

"Saan?'

"Sa music festival."

"Wow.... Teka may bayad ba yan?"

Nangiti agad si Michael.

"Wala tong bayad. Wag kayong magalala."

"Patingin nga ako girl."

Iniabot sa amin ni Michael yung hawak niya.

Music Festival 2019

OPEN FIELD NEAR CAPITOL VIEW

"Wow ano to mga rock bands?"

"Oo."

"Ang mahal din nito ha. Bakit free lang?"

"May kakilala kasi ako na staff don eh binigyan ako ng libreng ticket. Naisip ko na bigyan kayong dalawa... Baka may makita tayong magandang subject don."

Tumango agad si Jessie.

Nakuha naman non ang attention ko.

"Mahilig naman kayo sa music diba?"

"Medyo." Sagot ko.

"Super! May kpop group ba don?" Tanong naman ni Jessie at halata sa mukha niya yung pagkasabik.

"Sad to say wala. Rock band nga eh."

"Ay... Sayang naman."

"Kailan to?"

"Sa Friday na. Ano okay lang ba?"

"Ako okay lang. Ikaw girl?"

Nakatingin silang dalawa sa akin.

"Sige na girl once in a lifetime lang to oh tas Friday naman at libre pa!"

"Ano Kris g?"

Wala naman na akong magagawa dahil mukhang napagkasunduan na ng dalawang kateam ko na pumunta kaya go na.






✖➕✖➕✖➕✖➕✖➕✖➕

TAKA

Nakatanggap ng tawag si Tristan don sa isa sa mga event coordinator ang sabi kasama kami sa mga banda na magpeperform sa isang music festival na gaganapin sa bayan.

Nung una hindi kami naniniwala kasi baka ginogood time lang kami ni Tristan dahil napakatumal talaga nitong mga nakaraang Linggo.

Tawid gutom ang set-up namin tas bigla-bigla siyang babanat na may nagbook na sa amin.

Nasa sala kami nila Regie at Yuta nanunuod ng One Piece ng bigla na lang humarang si Tristan sa t.v.

"Tangina naman pre umalis ka nga diyan."

"Naunuod kami."

"Tabi dyan ano ba."

Pinaghahagis namin yung unan kay Tristan pero di siya natinag.

Pinatay niya yung t.v.

What the fuck?

"Makinig muna kayo sa akin."

"Ano ba kasi yun?"

"O sige wag na lang. Ayaw niyo naman ata makinig--"

"Pinatay-patay mo na yung t.v. pabitin ka pa."

"Ano nga?"

Seryoso na ang mukha ng loko.

Kailan ba siya di nagseryoso sa buhay?

"Hindi wag na lang."

"Nakakagago pre."

"Bilis na kasi. Ano ba yun?"

Katahimikan.

Walang umimik.

Ilang segundo na ang nakalipas pero di pa din nagsasalita si Tristan.

Tumayo na ako para buksan ulit yung t.v.

"May gig na tayo!"

"..."

"..."

"..."

"Wala man lang ba kayong sasabihin?"

"..."

"..."

"Weh?" Regie.

"Di nga?" Yuta.

Tinignan ko silang tatlo.

"Ginogood time mo na naman ba kami pre?"

"Nakakawalang gana na."

Bumalik na ako agad don sa inupuan ko kanina.

Si Tristan nakatayo pa rin habang nakatingin sa aming tatlo.

"Mukha ba akong nagjjoke?" Tanong niya sabay turo sa mukha niyang halatang naiinis.

"Totoo nga?"

Pinakita niya yung text sa cellphone niya at binasa naman namin.

Nadinig ko na lang ang hiyawan sa sobra tuwa at nagawa pa nilang magtatatalon na parang bata.

"MAY RAKET NA TAYO!!!"

"WOHHHH MAKAKAIN NA TAYO NG MASARAP TOL!"

Napangiti na lang ako sa naging reaksyon nila.

Nakakatuwa kahit mukha silang tanga.

"Teka, kailan natin magpractice kahit ilang pasada lang."

"Oo nga..."

"Ipaubaya niyo na sa akin yan." Sabi ko sa kanila dahil may kilala akong may rentahan ng studio kung san mura ang bayad sa upa at pwede kaming makapagpratice ng ilang oras.

"Yan ang gusto ko sayo Taka." Inakbayan ako ni Regie sabay gulo ng buhok ko.

Ang isa sa pinaka-ayaw ko pa naman eh yung pinapakealaman ang buhok ko.

"Yamenasai." (Tumigil ka.)

Nginitian lang ako ng loko

---------------

Nakakailang oras na kaming nagprapractice pero ni isa walang matinong resulta. May nagkakamali sa mga chords at minsan nagkakamali ako sa lyrics.

Hindi ko naman intensyon na magkalabu-labo yung mga salita sa utak ko.

Sadyang di lang ako makapagfocus.

Nadinig kong huminto ang pagtugtog.

Napatigil din ako sa pagkanta at binaba ang mic na hawak ko.

Nakatingin si Yuta sa akin.

Si Regie napailing na lang.

"Break muna." Mga salitang nadinig ko galing kay Tristan.

Napayuko na lang ako at binitawan yung mic.

Kinuha ko yung bote ng tubig ko at naupo sa gilid.

Oo na ako na ang may mali kaya kami hindi makausad.

Hindi ko madeliever ng maayos ang parte ko sa grupo.

Kaya ba mali-mali ang nabibigkas kong salita kasi matagal na kaming di nakapagpractice?

O dahil sa bagay na gumugulo ngayon sa isip ko?

Hindi ako pinatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw.

Parati kong napapanaginipan.

Yung babaeng kasama ko nung gabing yon...



Nakita ko siyang naglalakad.

Hindi ko maiwasan na pagmasdan siya ngayon na nasa harap ko.

Nauuna siya sa akin kaya kitang-kita ko kung paano sumabay ang galaw ng buhok niya sa suot niyang damit.

Sinundan ko siya.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya.

Binilisan ko ang lakad para mahabol siya.

Nakita ko kung paano na siya kamuntikang mabuwal sa paglalakad niya at di na ako nagdalawang isip na saluhin siya at alalayan.

Nadinig ko siyang tumawa.

Naamoy ko agad ang pabango niya ng humangin.

Inalalayan ko siyang makatayo ulit ng maayos hanggang sa maramdaman ko na lang ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

Nagawa niya pang hawiin ang buhok ko at bigyan ako ng matamis na ngiti.

Ngiting nagpabilis ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na yun lalo na ng ilapit niya ang katawan niya sa akin kasunod ng pagdapi ng labi niya sa bibig ko.



"Oy, pre."

Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig ng may kamay na humawak sa balikat ko.

Tinignan ko agad si Tristan.

"Ayos ka lang ba?"

Umiwas ako ng tingin at tumango.

Tinabihan niya ako.

Napainom ako ng tubig.

"May problema ba?"

Tinignan ko siya ulit.

Bakit pakiramdam ko nasa hot seat ako ngayon?

Interrogation ba to?

Nagtitigan lang kaming dalawa.

Tinaasan niya ako ng kilay.

Umiwas ako ulit ng tingin sabay inom ulit ng tubig.

"Taka... Pare... Kanina ka pa wala sa sarili mo." Puna niya sa akin.

"Kung ano man yang gumugulo ngayon sa isip mo... Pwede bang iwan mo muna kahit ilang oras lang?"

Pinangangaralan niya na naman ba ako?

"Hindi tayo makatapos ng maayos pre." Dagdag niya.

"Wala nga akong problema."

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Ang kulit mo."

Sa itsura ng mukha niya nabasa kong di siya naniniwala sa sinabi ko.

Tinapik niya ang balikat ko ng makailang beses.

"Alam mo namang pwede mo kong kausapin sa kahit anong bagay pa yan diba?"

"Don ka na nga..." Sabay tapik ko sa kamay niya palayo sa balikat ko.

Wala naman talaga akong problema.

Tumayo na siya.

Ngumiti sa akin.

"Balik ka don kapag ready ka na." Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa kunin ni Tristan yung gitara niya.

Napakagat ako sa labi ko ng bumalik na naman sa isip ko yung nangyare nung gabing yon.

Hanggang ngayon ramdam ko pa din yung labi niyang humalik sa akin.

Bakit ba hindi mo ko lubayan?

Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko?

Bakit ba ginugulo mo ko?





KRIS-ZEL

Pakiramdam ko ang lagkit ko na at amoy araw na ako. Hapon na pero grabe pa rin ang init. Tirik na tirik pa din ang araw.

Grabe na ang pawis ko.

Sumilong muna ako sa mga stalls sa gilid para makapagpahinga kahit papaano.

Kanina pa ako lakad ng lakad nagbabakasakaling makahanap ng magandang subject sa paligid.

Ito nga natuloy kaming magpunta ni Jessie sa music festival.

Wala naman kaming gagawin ngayong araw at isa pa free ang entrance naming dalawa.

Thanks kay Michael kasi sold out pala tong event na to.

Ang dami ring dumayo na tiga ibang bayan kaya ang daming tao ngayon. Nakakahilo silang tignan lahat lalo na't natatanaw ko mula rito yung kumpol-kumpol na grupo.

Mula sa teenagers hanggang sa adult andito lahat.

Sa pagkakadinig ko maganda kasi yung line up ng performers at 3 days pala tong event na to.

May mga artista na guest na nagperform na kami at may ilan-ilang banda na rin ang tumugtog.

Mostly local bands mamayang gabi pa daw yung mga mainstream.

For sure mas maraming tao non siguro doble pa ng capacity na andito na ngayon sa venue.

"Ate pabili nga po ako ng isang mineral water."

"Oy, ito na lang."

May nagabot sa akin ng isang bote ng tubig.

Si Michael.

"Free yan."

"Thanks."

"Si Jessie?"

"Naghiwalay kami e..." Sagot ko.

Nagdecide kaming maghiwalay muna para mas madami kaming makuhanan na subject hindi yung idle lang kami sa iisang pwesto.

Ang napagkasunduan magkikita kami after one hour malapit sa stage.

"Asan kaya siya? Ibibigay ko sana tong tubig sa kanya."

Tinignan niya yung mga tao sa paligid namin hinahanap ang kaibigan ko.

"Ang usapan kasi namim magkikita kami malapit sa stage."

"Ahh okay."

"Gusto mo puntahan na natin siya?"

"Tara."

Naglakad na kaming dalawa.

"Grabe ang init noh?" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh parang naligo na ako sa pawis."

May nakalagay na bimpo sa kanang balikat na.

Buti nga nakapagsuot ako ng sumbrero kahit papaano nakakabawas ng init at di ako gaanong nasisilaw sa sikat ng araw. Ang hassle kasi kapag nakapayong tas may bitbit pang camera.

Ito lang ang bitbit ko maliban sa cellphone at coin purse na nakasuksok sa bulsa ng pantalon ko ngayon.

"Maya-maya meryenda tayo."

"Sige. Treat mo ba?"

"O sige."

Napangiti na lang ako ng madinig kong pumayag siya agad.

Binibiro ko lang naman siya.

Ang gaan katrabaho nitong si Michael. Akala ko kasi dati maiilang kami sa kanya kasi nga diba mas ahead siya sa amin ng isang taon at di naman kami gaanong nakakapagusap gawa nga ng irregular student siya pero sobrang approachable niya pala.

Ang dami niyang ideas na nacontribute sa grupo naming tatlo and mostly input niya ang ginagawa namin.

Tumambay kami ni Michael malapit sa stage tulad nga ng napagusapan namin kanina ni Jessie.

Halos kalahati na yung laman ng bote ko.

Kahit papaano napawi na ang uhaw ko.

Mainit pa din.

"Ayan buti kumulimlim na."

Tama nga ang sinabi ng katabi ko bigla na lang kumulimlim. Kulay orange na rin ang kalangitan naghuhudyat na malapit ng gumabi.

"Hello guys!"

May nagsalita ulit sa stage nagbreaktime kasi kanina.

Magsisimula na ulit yung program.

Napatingin kaming dalawa ni Michael sa stage.

Ang lakas ng speaker malapit kasi kami sa sound system nakapwesto.

"Ready na ba kayong sundan yung last performer natin?"

Nagsigawan agad ang audience.

"I can't hear you guys. Ready na ba kayo?"

Malakas na sigawan at hiyawan ulit ang nadinig sa paligid.

"Alright... We will resume in exactly 5 minutes brace yourself for some rock sound. For now let's dance with DJ Yumi's upbeat music."

Nagpatugtog na ulit.

Nabuhayan na naman ang audience na nakikanta at sumabay sa tugtog.

"Girl!!!!"

Nakita ko agad ang familiar na mukha ng kaibigan ko na si Jessie.

"Uy..."

"Grabe lagatak ang pawis ko. Haggard na ako girl."

Natawa na lang si Michael sa tabi ko habang ibinigay yung bote ng tubig na hawak niya.

"Libre ba to?"

"Bente lang."

"Ang mahal sampu lang to ha."

"Joke lang free yan."

"Hmp, iba na talaga ang madaming connections." Sabi ni Jessie.

Nangiti lang ulit si Michael sa sinabi ni Jessie.

"Oh ano guys madami na ba kayong nakuha?"

"Medyo."

"Sakto lang."

"Wala pa akong matinong nakukuha."

"Hayaan mo marami pa naman tayong oras." Sabi ni Michael.

Totoo nga naman halos ngayon pa lang magsisimula yung mga tutugtog na banda na inaabangan ng lahat.

"Anong oras ba yung mga bands?" Curious na tanong ni Jessie. Excited siyang makiya yung favorite band niya na four of spades.

Sila yung kilalang banda ngayon na nakaline up bukod sa callalily, parokya ni edgar, kamikazee at marami pang iba.

"Susunod na sila."

"Talaga lang ha?"

"Oo sinabi nung M.C."

"Ayiee excited na akong makita si Unique."

"Ahh... Four of spades ba yan?"

"Oo." Halata sa boses ni Jessie ang kilig.

"Mas matanda ka don ha." Sabi ni Michael dahilan kung bakit sumama ang tingin ni Jessie sa kanya.

"So? Ano naman... Favorite ko kaya siya--"

"Joke lang." Sabay tawa ulit ni Michael.

Natanaw ko sa stage na may grupo ng lalakeng naglakad papunta sa gitna.

Nagsisimula na silang magset-up.

Sila na ata yung susunod na magpeperform.

Nakadinig ako ng tilian at hiyawan ng tao.

Mukhang kilala tong mga lalakeng to.

Suot nila halos nakaitim.

"Oh my gosh ayan na ata. Magsisimula na."

Iniwan namin yung bote kay Michael hinatak na ako ni Jessie palapit don sa stage kung saan madaming mga babae ang nagkumpulan.

"Girl dito muna ako sa kabilang side dyan ka naman. Okay?"

"Sige."

Hindi ko na siya mahagilap dahil ang bilis niyang nawala.

Naghanap na ako ng stable na pwesto kung saan kita ko yung mga taong nakatayo ngayon sa stage.

Niready ko na yung camera ko.

Itinapat ang lens don sa subject na nakita ko.

Maya-maya nahagip ng lens bg camera ko yung lalaking may blue green na buhok na naglakad papunta sa gitna.

Malakas na tili at hiyawan sa audience ang nadinig ko.

Bigla na lang tumigil ang mundo ko ng makita ang mukha ng lalakeng to na may hawak ng mic.

Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

Nilamig ako bigla na para bang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig.

Nadidinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasabay ng malakas na tugtog ngayon.

Hanggang sa madinig ko ulit ang familiar na boses.

Boses ng lalakeng kasama ko nung gabing iyon.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi ko na magawang maalis ang tingin ko sa lalakeng nakatayo sa stage ngayon.

Lalakeng may hawak ng kulay pulang mic.

Para bang nabaon ang mga paa ko sa lupa at umurong ang dila ko habang pinapanuod siya sa stage.

Kasabay ng pagkanta niya ang hiyawan ng mga tao na karamihan puro babae. Mga babaeng malapit sa stage kung saan siya nagpeperform at ang mga kasamahan niya.

Kitang-kita ko mula rito yung command niya bilang vocalist ng banda.

Halos lahat ng mga mata ngayon nasa kanya. Nakuha niya agad ang buong attention ng mga taong andito ngayon sa venue.

Sino siya?

Sino nga ba siya?

Sino nga ba yung lalakeng kulay itim ang suot na damit, may blue green na buhok at kumakanta ngayon kasama ang banda?







✖➕✖➕✖➕✖➕✖➕✖➕

TAKA

Ito ang isa sa pinakaaantay namin ang makapagperform kasama ng iba pang mga banda sa event na tulad nito. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kabilang kami sa mga nakaline-up na artist sa music festival.

Suntok sa buwan ang mapabilang sa mga kilalang banda sa buong Pilipinas.

Sobrang saya.

Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan kasi first time namin na makakatugtog sa mahigit isang libong tao ngayon na andito sa venue na dati kundi sa mga bar o sa mga pailan-ilang gig na ilan lang ang nanunuod at nakikinig.

Napakalaking achievement na ng grupo ang makasali dito.

Proud akong sa grupo na to.

Ipapakita namin ang passion namin sa larangan ng musika na sana magustuhan nila.

Kanina pa ako walang imik.

Hinahanda ko ang boses ko sa pagkanta.

Pinapagalitan ako ni Tristan kapag nagsasalita ako kaya di na ako dumaldal pa kasi naririndi na ako sa boses niya na panay ang sabing "Magvocal rest ka!"

Puro senyas lang ang ginagawa ko habang sila kanina pa nagkkwentuhan habang excited sa pagsalang namin sa stage mamaya.

Naupo ako sa gilid bitbit yung mineral bottle.

Sinaksak ko na lang sa tenga ko yung earphone at pinakinggan yung tutugtugin namin.

Kabisado ko naman na yung lyrics pero gusto ko lang pakalmahin ang sarili ko at ito ang paraan na alam ko.

Habang nakapikit ako pinapakinggan ko yung kanta.

Sinasabayan ko ng paghhumming sound.




Ang lambot ng labi niya.

Halos huminto literal ang oras ng pumasok sa utak ko ang ginawa niya.

Hinahalikan niya ako ngayon at wala akong nagawa kundi tumayo na parang tuod.

Hindi ko mamamalayang humiwalay na siya sa akin kundi lang siya humakbang paatras.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya habang hawak niya ang bibig niya.

Nanlalaking matang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Fuck.

Sa puntong yun na mental block ako.

Napaiwas ako ng tingin at napahawak sa buhok ko.

"Kailan ko ng umuwi..."

Napatingin ako ulit sa kanya ng marinig ko siyang magsalita.

Bigla na lang siyang naglakad ulit na para bang walang nangyare.

Sinundan ko siya agad.

Sa di kalayuan may makakasalubong siyang grupo ng mga lalake at kitang-kita ko kung paano nila tignan siya.

Binilisan ko agad ang lakad at hinablot ang kamay niya palayo sa mga tao.

"Saan tayo pupunta?..."

Hinila ko siya.

Hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"... Kailangan ko ng umuwi..."

Nilingon ko siya saglit bago maglakad ulit.

"... Hinahanap na ako ni ate... Ni... Ate Gigi."

"Ihahatid kita."



Napainom ako agad ng tubig.

Unti-unti na namang bumabalik yung ala-ala nung gabing iyon. Madalas kundi ko napapanaginipan bigla na lang nagfflashback sa utak ko.

Hindi ako mapatahimik nito nung nakaraang Linggo pa.

Bakit?

Iniwan lang naman ako nung babaeng yon sa kotse na mag-isa na nakahubad at tirik na tirik ang araw.

Araw na hinding-hindi ko makakalimutan.

Araw na halos wala na akong natirang kahihiyan sa katawan ko.

May tumapik sa balikat ko.

Tinanggal ko agad yung isang earphone sa tenga ko at tinignan ang taong nakatayo sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba?"

Si Tristan na naman.

Nagsignal akong okay.

Ngumiti siya sa akin.

"Tara na tayo na daw susunod."

Napataas ang kilay ko.

Ang bilis ha kami na agad akala ko tatlong banda pa bago kami sumalang.

"Magready na tayo."

Naglakad na kami papunta sa backstage. Ibinigay na din sa akin yung mic na pinaikutan ko ng pulang tape na binaon ko pa. Nakasanayan ko ng pula yung kulay ng mic ko. Tradition na ng grupo. Habang si Regie naman nagtotono ng gagamitin nilang gitara, si Yuta hawak na yung drum stick at si Tristan kausap naman yung isang staff.

Nalaman naming wala pa sa venue yung dapat mauuna sa aming banda at may ilang technical issues kaya kami agad ang tinawag.

Sumenyas na yung staff na magsisimula na in 5 minutes.

Bumuo kami ng bilog.

Isa sa nakasanayang gawin yung maghawak kamay sa gitna at sabay-sabay na sumigaw. Pampawala ng nerbyos at pangpalakas na rin ng loob.

Halatang kabado na pero naniniwala naman akong mararaos namin to ng matiwasay.

Naniniwala ako sa kakayanan ng grupo namin na to.

Nauna ng umakyat si Yuta ag sumunod si Regie.

Nilingon ako ni Tristan.

"Relax ka lang pre."

Nangiti na lang ako ng madinig ang salitang yon sa kanya.

Sumunod na din siyang umakyat.

Dinig ko na yung hiyawan ng mga tao.

Inhale.

Exhale.

Kaya ko to.

Kaya naming apat to.

Umakyat na ako sa hagdan at naglakad papunta sa gitna nga stage.

Tumambad sa akin ang napakagandang view mula sa kinatatayuan ko.

Ang lawak ng venue at puno ng mga tao. Ramdam ko agad ang energy ng audience at sa oras na yun alam kong tama ang naging desisyon ko sa buhay at hindi sinukuan ang pangarap ko.





KRIS-ZEL

Starstruck.

Ito siguro ang salita na tamang makakapagdescribe sa akin ngayon.

Malakas na hiyawan at palakpakan amg nadinig ko habang nakita ang vocalist na ngumiti at kumaway sa mga audience.

Hindi nagtagal umalis na sila at bumaba na ng stage.

Pakiramdam ko anytime mabubuwal ako sa kinatatayuan ko.

Nanghihina ang tuhod ko.

"GIRLLLL!!!"

Kailangan ko siguro munang uminom ng tubig at maupo.

Oo yun ang gagawin ko.

"Girl..."

"...."

"Kris? Girl... Uy."

Napatingin ako sa taong nagsasalita.

Jessie.

"Oh... Namumutla ka girl. Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita.

"Hala... Tara nga muna." Hinatak niya ako palayo sa madaming tao. Bumalik kami sa pwesto namin kanina sa gilid malapit sa stage.

Pinaupo niya ako agad.

"Gosh... Girl wait lang ha! Kukuha akong tubig."

Nakatulala lang ako sa kawalan.

Alam kong gumagalaw ang mga tao sa paligid ko pero parang hindi ko sila maintindihan ng maayos.

"Ito Kris inumin mo."

Habang umiinom ako pinapaypayan ako ni Jessie.

Unti-unti na akong kumalma.

Nakatitig siya sa akin.

Pinapakiramdaman ako.

"Ayan... Nagkakakulay na ang labi mo. Jusko girl pinakaba mo ko. Ano bang nangyare at parang hihimatayin ka don? Kaloka ka."

Nakita ko lang naman yung lalakeng...

Hindi talaga ako pwedeng magkamali.

Alam kong siya yun.

"Uy Kris magsalita ka naman."

"Uhmm... Ahh.. Mainit lang siguro kasi--"

"Dapat nagsabi ka agad o di kaya ikaw na mismo ang humanap ng mas preskong lugar."

"Sorry--"

"It's okay girl... Sorry din... Pinakaba mo kasi ako e."

Napakagat na lang ako sa labi ko.

"Oh ano okay ka na ba?"

Tumango ako.

"Sure ka?"

Nginitian ko siya paraan na naisip ko para hindi na siya magalala sa akin.

"Okay na ako Jess. Thank you."

Nagstay na muna kaming dalawa sa pwesto namin para magpahangin. May banda na naman na tumutugtog ngayon at ang mga audience nasiyahan ulit sa napapakinggan at napapanuod nila sa stage.

"Girl... Tignan mo yun oh!" Sabay turo ni Jessie.

Kitang-kita ko na kinikilig siya habang tinitignan kung sino man ang dumaan.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nakita yung grupo ng lalakeng naglalakad.

Nakatalikod na sila pero nakilala ko agad yung lalake sa gitna na may kulay blue green na buhok.

Umiwas ako agad ng tingin at napahawak sa dibdib ko sa kaba.

"Ohmyghad, sila yung nagperform kanina diba?"

Gusto ko ng umalis dito.

Gusto ko ng tumakbo.

"Girl, tignan mo... Ang gwapo nila... Lalo na yung guitarist nila... Ang tangkad pa."

Nakarinig na ako ng mga tilian.

"Kris... Tignan mo... Mukhang may lahing japanese yung vocalist nila."

Gusto kong sabihan si Jessie na wag ng maingay at baka mapansin kami dito.

"In fairness gwapo din ha."

"Jess, tara na."

"Ha?"

"Alis na tayo."

"Wait lang."

Nakita kong finocus niya yung lens ng camera niya don sa grupo na yun.

"Jessie--"

"Pi-picturan ko lang sila para may souvenier... Ay ano ba yan umalis na."

Napatingin ako agad kung saan ko sila huling nakita. Tama nga si Jessie wala na sila don umalis na.

Nakahinga na ako ng maluwag.

"Sayang naman."

"Tara na kasi."

Makaka-alis na din sana kami ni Jessie ng dumating si Michael.

"May gusto ba kayong banda na gustong makuhanan ng autograph o picture?"

"Four of Spades!" Sigaw ni Jessie agad.

"Sige subukan natin na makisuyo sa staff."

"Malakas ka naman dun e."

Nangiti lang si Michael.

"Ikaw Kris meron ka bang gusto na banda--"

"Girl, sino yung guitarist nung band na nagperform bago to na nasa stage ngayon?"

Nag-isip saglit si Michael.

"Sino ba don?"

"Yung blonde na matangkad... Yung naka-itim."

"Sino don? Eh lahat sila nakasuot ng itim."

"Yung ano nga yung lalakeng may puting gitara tas may x na mark..."

"Ahhh... Si Tristan ba o si Regie?"

"Oh kilala mo?... Yung banda na may vocalist na malablue green ang buhok na merong red na mic?"

"Si Taka yung sinasabi mo na lead vocalist."

Taka....

Siya pala si Taka.

"Ohmyghad... Bet ko sila."

Natawa lang si Michael sa sinabi ni Jessie.

"Gusto mo rin ba magpautograph?"

"Pwede ba?... Kaso umalis na ata sila kadaraan lang nila ditto kanina... teka anong pangalan ng banda nila?"

"Clock Strikes."

Si Taka ang lead vocalist ng banda.

Si Taka ang front man ng Clock Strikes.

Si Taka ang kasama ko nung gabing yun na nakaone-night stand ko.


Meet the Character:

Michael - irregular student at isa sa kateam nila Kris-Zel at Jessie.



To be continued....

Chapter 5: That Thing Called "V Card"

-Soon-

Continue Reading

You'll Also Like

35.5K 2.2K 25
Ace Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lah...
49K 967 53
"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lo...
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
424K 11.6K 56
Itinuloy pa rin ni Natalie Herrera ang pakikipag-relasyon kay Tristan Montenegro kahit na alam niyang pinagkasundo na ito sa ibang babae. She can't d...