Witchcraft

By LazyMissy13

2.3M 85.4K 17.2K

Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang... More

Tale 1
Tale 2
Tale 3
Tale 4
Tale 5
Tale 6
Tale 7
Tale 8
Tale 9
Tale 10
Tale 11
Tale 12
Tale 13
Tale 14
Tale 15
Tale 16
Tale 17
Tale 18
Tale 19
Tale 20
Tale 21
Tale 22
Tale 23
Tale 24
Tale 25
Tale 26
Tale 27
Tale 28
Tale 29
Tale 30
Tale 31
Tale 32
Tale 33
Tale 34
Tale 35
Tale 36
Tale 37
Tale 38
Tale 39
Not an Update
Tale 40
Tale 41
Tale 42
Tale 43
Tale 44
Tale 45
Tale 46
Tale 47
Tale 48
Tale 49
Tale 51
Tale 52
Tale 53
Tale 54
Tale 55
Tale 56
Tale 57
Tale 58
Tale 59
Tale 60
Tale 61
Tale 62
Tale 63
Tale 64
Tale 65
Tale 66
Tale 67
Special Chapter
Tale 68
Tale 69
Special Chapter II
Tale 70
Tale 71
Tale 72
Tale 73
Tale 74
Tale 75
Epilogue
The Second Generation
Author's Note
Special Chapter III
Special Chapter IV
Announcement!

Tale 50

24.3K 939 152
By LazyMissy13

A/N: Maikli pero maagap. Haha peace!

Tale 50
Awakening

To my beloved Rima,
I received news of your travels, I hope you and your sisters are safe. Just a few days ago, the Elven Illness have struck my country. Our doctors have tried to find a cure but only failed in the end. We also heard of news from  other lands and found out that they were struggling with the same situation. Everyone who caught the Elven Illness have already perished, except for me. Every doctors, alchemists and experts in my country have tried everything to preserve my life. But I'am at death's door now.
Before I go, I want to bid you farewell. I know that you are soon to be married to one of the princes of your country, but still, I can never let go of my selfish feelings. I don’t want you to be sad, please remember that I’m thankful for all the memories. I will always watch over you in the afterlife. I will forever keep you in my heart, even in my next life. I love you.
-Sebastian
-The Secret Letter of the CrownPrince of Ventus to Pharaoh Rima of Udarra

Kulay dugo ang kalangitan.

Maririnig ang pagtangis na mga tao.

Puno ng kalungkutan.

Bawat sulok ng limang kaharian ay naghihinagpis.

Makikita ang mga inang humahagulhol hawak ang walang buhay nilang mga anak.

Mga anak na umiiyak habang tinatawag ang pangalan ng mga pumanaw nilang magulang.

Puno ng kaguluhan.

Tila katapusan na ng mundo.

Ang gabi na lumipol sa malaking populasyon ng Aralon.

Ang gabi na naging bangungot sa lahat.

Ito ang gabi na kinilala bilang The Night of Ur.

Makikita ang isang batang babae sa balkonahe ng isang mansion. Nakatingala sya sa kambal na buwan sa langit. Nakasuot sya ng isang puting bestida na isinasayaw ng hangin. Ang kanyang itim na buhok ay tila mga hibla na hinabi sa kulay ng isang madilim na gabi. Ang kanyang asul na mga mata ay puno ng luha. Nananalangin sya. At Hindi nagtagal ay nagbalik sa normal ang kulay ng kambal na buwan na tila nakikiramay sa paghihinagpis ng batang babae.

“Please don't let him die.” Mahina nyang bulong sa hangin..

***

Samantala sa isang lugar na hindi maaabot ng mga mortal, isang babae ang nakatayo sa harap ng isang trono. Itim ang kulay ng buhok ng babae, asul ang kanyang mga mata. At isang ngiti ang nakaguhit sa kanyang labi.

“You shouldn’t be here Princess, or should I say, Queen?” saad ng isang napakalamig na tinig, sino man ang makakarinig dito ay pusibleng mabaliw sa takot.

“Nice to meet you too, Queen of the Underworld.” Nakangiting bati ng babae, si Cassiopeia.

Hindi tumugon ang kausap nya. Nanatili itong nakatitig sa kanya. Wala itong permanenteng anyo, babae, lalaki, bata o matanda. Pabago-bago. Si Ur, ang dyosa ng Underworld.

“Ahm could you please stop staring? It gives me the creeps.” Reklamo ni Cassiopeia at umarte syang kinikilabutan

“Hmmp. Your valiance is truly remarkable. Tell me, what brought you here to my domain?” Tanong ni Ur sa babae

“I’m here to bring back someone. A kid named Arren Gavriil Lockser.” Nakangiting tugon ni Cassiopeia

“You know that every soul who enters my kingdom is already my property, what can you offer to bargain for a soul?” interesadong tanong ni Ur

“Hmmm? You know I have nothing in particular that may interest you. Will you be interested to bargain the future?” Tanong ni Cassiopeia

“The future huh?” napapaisip na saad ni Ur..

“You know it too, right? The future.” Nakangiting tanong ni Cassipeia

“Of course, who do you think I’am.” Tugon ni Ur

“Then let's make a bet.” Hamon ni Cassiopeia

“What's at stake?” tanong ni Ur

“Once they arrive, Gavriil will be one to take them down. I will not meddle with his fight.” Saad ni Cassiopeia

“You seem too confident in this child. He's just a mortal, how will he accomplish such a task?” tanong ni Ur, naging interesadong sya sa sinabi ni Cassiopeia

Ngumiti lang ng misteryoso si Cassiopeia.

Nagsukatan sila ng tingin. Kung may ibang makakadiskubre ng nangyayari ngayon ay pusibleng mabaliw sila sa kanilang natutunghayan. Cassiopeia is staring eye to eye with Death.

“And if he fails??” Tanong ni Ur pagkaraan ng ilang sandali

“Then you can have him back.” Casual na sagot ni Cassiopeia

Naramdaman nya ang nakamamatay na tingin ni Ur.

“I don’t see any benefit in giving you his soul.” Saad ni Ur

“Then you can have my soul if he fails.”seryosong saad ni Cassiopeia

“Ohh? You're willing to become my servant just to resurrect this kid?” tanong ni Ur

“Correction. I will serve under your banner but only ‘after I die'..” tugon ni Cassiopeia at inemphasize nya pa yung condition nya

“For how long? I'm sure that a prideful dragon like you won't do it for all eternity.” Saad ni Ur

“A hundred years.” Sagot ni Cassiopeia

“A hundred years it is.” sang-ayon ni Ur

“It's a deal then.” Saad ni Cassiopeia

“Okay. But one more thing.” Sabat ni Ur

“Hmm??”

“You must not meddle with his battle. Go back to your hibernation when the time is about to come. You can only awaken after he dies.” Saad ni Ur

“You're too suspicious. Don't you trust me?” mapaglarong tanong ni Cassiopeia

“I don't.” sagot ni Ur

Tumawa lamang si Cassiopeia.

“And don't try to play tricks with me. You must not meddle with his battle. You can only awaken after the battle or….. when he dies.” Paalala ni Ur

“No problem. But you can’t meddle with it either.” sagot ni Cassipeia

“Deal.” Ikinumpas ni Ur ang kanyang kamay at lumitaw ang isang kristal. Sa loob nito nahihimlay ang isang bata.

Ang kaluluwa ni Arren Gavriil Lockser.

“It is a pleasure dealing with you. Until we meet again.” Nakangiting saad ni Cassiopeia

Hindi tumugon si Ur.. Pinagmamasdan nito ang bata. Ano ang espesyal sa isang ito?

“If he succeed, then he is free. If he fails, you can have me.” Saad muli ni Cassiopeia

“Tita Cassiopeia!!” Sumisinghot na tawag ni Arren noong makalaya ito sa crystal

Isang realisasyon ang dumaan sa mga mata ni Ur.. Ngumiti sya.. “Now I see, no wonder you are so confident. But can you really suppress it? Even if you seal it away with a dragon guarding the seals, the monster within him will still manifest someday. Hmmm.. But he is truly an interesting child.”

“We’ll you already agreed so you can't take him back now.” Nakangiting saad ni Cassiopeia at saka naglaho kasama ang bata.

Naiwan si Ur sa kanyang trono. Mag-isa.

“The future huh.” Usal nya

***

Isang batang babae ang makikita sa balkonahe ng mansion ng duke ng Aureus. Maliwanag ang kambal na buwan sa kalangitan. Nakahalumbaba at nakatingin sya sa bayan na nasasakupan ng kanyang lolo, ang Duke. Nakatanaw sya sa nangyayaring gulo sa bayan. Nababalot ng pighati ang hangin. Kaylamig ng gabi. Nababalot ito ng presensya ng kamatayan.

Nakasuot ng putting bestida ang bata na isinasayaw ng hangin. Mula sa mataas na balkonahe ay muka syang isang anghel na tumutunghay sa nangyayaring kaguluhan sa mundo ng mga mortal. Ngunit hindi sya nag-iisa. May isang anino sa likod ng pinto.

Lumalalim na ang gabi. Subalit walang sino man ang nais magpahinga. Gising ang diwa ng lahat, maliban na lamang sa mga taong nilisan na ang mundo at nagtungo na sa kaharian ni Ur.

Isang sakit na walang lunas ang kumalat na parang virus. Isang sakit na kayang kumitil ng buhay ng mga mage. Ang Elven Illness.

Kasabay ng paggalaw ng anino sa likod ng nakakawang na pinto ay ang paglingon ng batang babae sa direksyon nito.

“S-sino yan??” tawag ng batang babae

Isang munting pigura ang iniluwa ng pinto.

Agad na kilala ng batang babae ang munting pigura.

“Arren!” masiglang bati ng batang babae, si Charmaine

“Artemis.” Tugon ng batang si Arren

“Mabuti at gising ka na!” masiglang saad ni Charmaine at agad sinalubong ang batang lalaki

“Bakit mapula ang mga mata mo? Umiyak ka ba??” tanong ng batang si Arren

Namula ang pisngi ng batang babae.. “H-hindi! Bakit naman ako iiyak?? Akala ko ay kukunin ka na sakin ni Ur, pero hindi ako umiyak. K-kasi nagpromise ka sakin na hindi ka sasama sa kanya.” Bata pa lang pero indenial na.

“Nakita ko si Ur. Hindi sya nakakatakot tulad ng akala natin. Maganda sya at mabait. Sabi nya kailangan ko nang sumama sa kanya. Pero naalala kita kaya ayokong sumama sa kaharian nya. Nagalit sya sakin. Mabuti na lang at dumating si Tita Cassiopeia at isinama nya ko pabalik.” Sagot ng batang si Arren

“Ang galing talaga ni Mama! Nagpromise sya sakin na ililigtas ka nya mula sa Elven Illness para hindi ka makuha ni Ur. Ang galing galing ng Mama ko!” proud na saad ng batang si Charm

Ngumiti si Arren matapos makita ang tuwa sa mga mata ni Charmaine. Nais nyang makita ang mga ngiti nito araw-araw, hindi nya pa naiunawaan kung bakit.

“Arren bakit kakaiba ang kulay ng mga mata m--" nabitin ang mga sasabihin ng batang si Charmaine noong bigla syang tumilapon palayo noong sinubukan nyang hawakan ang pisngi ni Arren. Tumama ang likod nya sa railings ng balkonahe.

“Artemis!” puno ng pag-aalala ang batang si Arren, Hindi nya naintindihan ang nangyari. Sya ba ang may kagagawan nun? Nasaktan nya ba si Artemis?

“Gavriil! Wag mo syang lalapitan!” saway ng isang tinig

Si Cassiopeia.

Bigla syang naglanding mula sa himpapawid.

“Tita..” naiiyak na usal ni Arren

“Huminahon ka lang. Magiging maayos din sya. Ako na ang bahala kay Charmaine.” Alo ni Cassiopeia sa batang si Arren

“Gavriil pakakatandaan mo ito, hindi kayo maaaring magkalapit dalawa. Lalo na kapag gising ang dragon sa loob mo.” Saad ni Cassiopeia

“D-dragon??” tanong ni Arren

Tumango si Cassiopeia. “Para iligtas ka mula sa tiyak na kamatayan, isinalin ko sayo ang kapangyarihan ni Charmaine. Ikaw ang seal na magsisilbing balakid upang magising ang dugo ng dragon na nananalaytay sa kanyang ugat.”

“Hindi ko po kayo maintindihan. Anong dragon tita??” puno ng pagtataka na tanong ni Arren

“Mauunawaan mo ko balang araw. Ang importante, mailayo ko sayo si Charmaine. Ikaw ang seal ng kanyang magic. At sya ang seal sa halimaw sa loob mo. Hindi ko gustong gawin ito sa inyong dalawa. Pero wala nang ibang paraan. Kailangan kong iligtas ka. At alam ko na hindi mo kayang saktan ang anak ko. At ganun din sya sayo.” Tugon ni Mama

“H-hindi ko po sasaktan si Artemis kahit kailan.” Saad ni Arren

“Alam ko. Kaya panatag ang kalooban ko na nasayo ang kapangyarihan nya. Hindi ka nya magagawang saktan.” Saad ni Cassiopeia

“Bakit nya po ako sasaktan??” tanong ni Arren

Napuno ng lungkot ang mga mata ni Cassiopeia. Hindi nya gustong saktan ang mga bata. Subalit tadhana na ang kalaban nila.

“Kung gusto nyang bawiin ang kanyang kapangyarihan, kailangan nyang wakasan ang buhay mo. At alam kong hindi nya yun magagawa kailan man.” Mahinahon subalit puno ng lungkot na tugon ni Cassiopeia

Makikita na may malay pa ang batang si Charmaine. Nakatulala sya sa mga mata ni Arren.

Ang mga mata ni Arren na ang isa ay kulay silver, ang isa ay gold.

“Patawad Charmaine. Ito lang ang tanging paraan para hindi nila kayo magamit sa kasamaan.” Saad ni Cassiopeia bago nawalan ng malay si Charm

***

Sa kasalukuyang panahon isang babae ang makikitang nakaluhod sa kulay itim na nyebe. Madilim ang kapaligiran na Hindi nasisikatan ng araw. Ang dark continent.

Ang babae ay may mahabang itim na buhok, ang kanyang mga asul na mata ay puno ng luha.

“Arren.” Bulong nya sa hangin habang patuloy na umaagos ang kanyang luha

Nakatulala ang babae sa malawak na kapaligiran. Tila walang katapusang itim na nyebe. Sa di kalayuan ay makikita ang isang abandonadong templo.

“Iligtas natin si Arren.” Saad ng babae habang bumabaha ang kanyang luha sa itim na nyebe

Isang kulay itim na dragon ang nakatayo sa tabi ng talaga, si Heian. Pinipigilan nito ang dalaga na makalapit sa templo. Hindi ito nagsasalita. Nauunawaan nya ang dalaga. Losing her connection with the dragon inside Arren could only mean one thing.

“Please.. Iligtas natin si Arren. Pakiusap.. Iligtas natin sya.. H-hindi sya pwedeng mawala..” Pagmamakaawa ni Charmaine subalit kahit sina Regis at Euphie ay pinipigilan sya.

“Huli na ang lahat mahal na prinsesa.” Mahinahong saad ni Regis

Tinanaw ng dragon na si Heian ang direksyon ng templo.

Narito sa dark continent ang templo ni Elda, ang pinakamakapangyarihang diyosa. She is the conqueror of the gods.

She's the first god to ever experience death.

But she's the most powerful goddess.

And she's the only goddess capable of easily killing a dragon.

***

Sa isang mansion sa liblib na kakahuyan sa Earth, isang tigre ang makikitang mahimbing na natutulog sa harap ng isang pinto na gawa sa isang espesyal na kahoy.

Gumalaw ang tenga ng tigre at marahan nitong idinilat ang kanyang mga mata.

Makikita ang pag bukas ng kahoy na pinto.

Isang babae ang iniluwa ng pinto. Itim ang kanyang buhok, asul ang kanyang mga mata. Naglakad sya patungo sa kusina at pinanood naman sya ng puting tigre.

“It’s been a while.” Saad ng babae habang umiinom ng orange juice

Lumapit ang puting tigre at malambing na ikinuskos ang kanyang sarili sa babae.

“I’m also glad to see you. But this is too soon, Snow. This is bad.” Nag-aalalang saad ng babae

Lumingon sya sa labas ng bintana na tila ba natatanaw nya ang Aralon mula dito.

Cassiopeia Clifford.

The last pureblooded dragon.

Her awakening could only mean one thing.

Arren Gavriil Lockser is dead.

~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
354K 14.6K 36
Shanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought sh...
166K 7.4K 98
'WE NEED BACKUP HERE IN THE 4TH STREET! THERE'S TOO MANY OF THEM WE'RE GETTING HEAVY CASUALTIES' 'This is HQ. Hold your position for 50 mins. Help is...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...