His HEART

By skycharm24

47.4K 1.6K 559

Troy Adrian is a responsible and ideal son. Mabait na kapatid, mapagmahal na Uncle sa mga pamangkin. He's sma... More

His Heart
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 1

6.7K 177 44
By skycharm24

Troy Adrian

NAKAtingin ako sa figures ng pagkakautang ng isa sa mga Managers namin sa RGC Estates. Kailan ko lang nalaman ang tungkol sa problema, may ilang unit ng bahay na naibenta pero wala namang income na bumabalik and according to our legal team at mga Agent narin, iba sa mga unit na naibenta ay fully paid.

" Mark, ano na ang balita? Nahanap n'yo na ba si Mr. Gomez?" Mark is my assistant. He is also my Secretary and a good friend.

" Nasa bahay nila siya Troy and his asking to talk to you. Ayaw niyang makipagsettle kahit sa legal natin. He said, he only wants to talk to you." napapikit ako sa frustratrations. Matigas talaga ang ulo ng matandang yon, he used to be one of our best real estate agent. Malaki ang naitulong niya noong nagsisimula pa lang ang RGC Estates and Developers kaya nga siya na promote into higher position.

" Alright, tawagan mo siya and set a day. Pupuntahan ko siya sa kanila." I dismissed Mark at hinarap ang ilang reports mula sa Adrian Suites at Xhandrie Holiday Inns. I was the current President of RGC at ang may hawak ng RGC Estates and Developers at dalawang Hotel namin. Si Ate Chloe naman ang namamalakad sa Trisha Alexis Villa, Chloe's Haven at Isabelle Royal. Zhoe Grand ang kay Isha. Inaantay ni Dad na makatapos si Xhan bago magretire, he'll be joining the company too.

Hinilot hilot ko ang sintido ko. Maya maya naman ay naring ang cp ko. Nagflash ang "Mom" doon.

"Hello Mom?"

"Ian anak, pasensiya na kung naabala kita, busy ka ba anak?" naririnig ko sa background si Zion, bubbling something.

" Hindi naman po Mommy, what is it?" maybe Zion is playing with her phone. Sa bahay pansamantala ang dalawang bata, nasa Thailand si Ate Chloe at Kuya Z for an important business conference.

" Pwede bang ikaw na muna ang sumundo kay Maui? May lagnat kasi itong si Zion kaya hindi ko maiwan, yong driver naman natin, kasama ni Xhan, mamayang hapon pa ang balik." napangiti ako. Mahal na mahal ni Mom ang mga apo n'ya, palagi niyang sinasabi na parang kami parin ang inaalagaan niya.

Agad naman akong pumayag. Gaya ni Mom malapit din ako sa mga pamangkin ko. Maui is a very sweet child, kahit medyo mahiyain ay likas itong malambing. Nawawala ang pagod ko kapag nakakasama ko sila ng kapatid niya.

I told Mark na lalabas ako. Wala naman akong scheduled meeting for today.

I parked outside Maureen's school, Mom told me na alas onse ang labas nito. I checked the time at may 5 minutes pa naman. Lumabas ako at sumandal sa kotse ko. Agad naman akong pinagtinginan ng ilang kababaihan na naroon, may ilang marahil ay Mommies at karamihan ay Yaya ng ibang bata. Nginitian nila ako at may ilang kumaway. Ngumiti nalang din ako.

" Tito Iaaannnn!" tili ni Maui ng mamataan ako.

" Hi Baby Maui.." agad itong ngumuso. Kinuha ko ang bag niya.

" Tito, I'm not a baby.." pinagbuksan ko siya ng pinto sa backseat saka inalalayang pumasok at inayos ang seatbelt niya. " Bakit po ikaw ang sumundo sakin?"

" Alright Little Miss.." pinisil ko ang ilong niya. " Ayaw magpaiwan ng kapatid mo, his sick."

" Awww, kawawa naman po ang Baby brother ko. Wala pa naman si Mommy buti nalang we have MommyLa.." hinalikan ko siya sa noo ng masigurong maayos na siya.

Agad nitong tinuro ang drive thru ng makita ang masiyahing bubuyog.

" Maui pagagalitan ako ni MommyLa mo, fast-food isn't good for lunch." agad nitong pinalukot ang mukha and used her trick everytime na may gusto siyang ipabili sakin. I always fall for that look.

" Yehey!!!!" tili nito nang magdrive ako towards the fastfood chain. Kiddy meal ang inorder ko para sa kanya pati narin kay Zion. I know they only want the toys that comes with it..
" Thank you Tito Ian, I love you so much!" sabay palakpak pa nito. Sigurado akong masersermonan na naman ako ni Mommy.

Hindi pa kami tuluyang nakakalayo mula sa drive thru when I heard a loud crash at tila nayogyog ang sasakyan ko. Agad kong nilingon si Maui na nanlalaki ang mata.

" Baby, are you okay?" tumango naman ito.

Lumabas ako at tinignan ang nangyari. Another car hit the back of my car at nabasag and backlight ng kotse ko. Isang namumutlang babae ang nakatayo sa gilid ng kabilang kotse. Hindi lang basta babae, she's undeniably beautiful kahit tila nawalan ng kulay ang mukha niya. Worried marahil ito, I was driving a black Audi Q5 SUV, may kalumaang Toyota Corolla naman ang sasakyan niya.

Napalunok ito ng makita ako. Pero agad na nagsalubong ang kilay.

" Bakit ka kasi biglang ngpreno?" seryoso ba siya? Ako pa talaga ang may kasalanan?

" Miss, hindi ako biglang nagpreno, I wasn't moving, inaantay ko pang magclear ang mga sasakyan bago sana umusad." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

" Mukha namang kayang kaya mong ipaayos yang kotse mo." akmang tatalikod na ito.

" Hindi ka manlang ba magsosorry?" hindi makapaniwalang tanong ko?

" At bakit naman ako magsosorry sayo? Nasaktan ka ba?" mataray na sagot niya. Pero feeling ko nagtatapang tapangan lang siya.

" I'll let the officer handle this then.." tinuro ko sa kanya ang mga traffic inforcer na nasa may di kalayuan. " If you insist na kasalanan ko, may cctv naman ang foodchain." I pointed the Camera malapit samin.

Agad nanlaki ang mata niya at napailing. Nawala ang taray sa mukha niya.

" Sir please, wag na sana natin palakihin to. I'm sorry, medyo palyado kasi ang preno ng sasakyan ng Tiyuhin ko. Bumili lang ako ng pagkain para sa kapatid ko, birthday niya kasi." tinignan ko ang mukha niya, I'm trying to figure kung nagdadahilan lang siya.

" Tito Ian, what's wrong? I'm hungry." naibaba na ni Maui ang bintana ng kotse at ngayon ay nakatingin sa akin.

Ako naman ang sunod na nataranta, nakalimutan ko kasing kasama ko siya.

" Go back to your seat Baby, put your seat belt again." sumunod naman ito. Nakatingin din sa kanya ang babae.

" It's alright Miss. Sa susunod magiingat ka nalang." pumasok na ako sa loob ng kotse at nagdrive. Tinignan ko siya sa side mirror at tila nakatulala parin ito. " Shes really pretty." bulong ng isip ko.

Agad namang nagsumbong si Maui about sa nangyari kay Mommy. Kaya pala nagmamadali itong bumaba kasi tinignan ang likod ng kotse para may maereport sa MommyLa niya.

" Hindi ba kayo nasaktan Troy Adrian?" lumapit ako kay Mom at hinalikan siya sa pisngi.

" Mom, ayos lang kami, you have nothing to worry about." Inutusan nito si Yaya May na palitan ng damit si Maureen.

" Bakit kasi pinagbigyan mo na naman yang pamangkin mo. Ayan tuloy kamuntikan na kayong maasidente." Ibinigay ko kay Ate Juvy ang pagkain na binili namin.

" Alam n'yo naman pong ang hirap hindian nyang si Maui." natatawang sagot ko.

" Tumawag nga pala ang Lolo Alex mo, bisitahin mo naman daw sila ng Lola Sandra mo." napabuntonghininga ako.

" Mom, kukulitin lang nila ako about sa pagaasawa. Na kesyo hindi na ako bumabata." it all started mula ng ikasal ang kakambal ko.

" Pagpasensiyahan mo nalang sila Ian, take your time. Hindi mo kailangang magmadali dahil lang ikinasal na si Isha." Mommy will always understand me, sila ni Dad. " Pero manligaw kana kasi anak, kailan kapa ba huling nagkagirlfriend?" napailing nalang ako.

Mabuti nalang tinawag na kami nila Ate Juvy para magtanghalian. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa opisina para makaiwas sa mga tanong ni Mommy.

Habang nasa byahe ay naisip ko ang huling tanong ni Mom. Isang beses palang naman ako nagkakagirlfriend. Her name is Hannah. She was my first love. Pero nalaman ko nalang na kaya niya ako sinagot dahil sa isang dare nila ng mga kaibigan niya. In fact may ibang boyfriend pala ito all along. I was so stupid to believed her. Tanda ko pa ang mga sinabi niya sakin dati when I confronted her.

" Yes, it was all for a dare Ian, I will never like a nerd like you. You're not my type. Sorry not sorry." saka nila ako pinagtawanan ng mga kaibigan niya.

Wala siyang narinig sakin but Isabelle slapped her hard. She's my twin and no one messed with me na pinapalagpas niya kahit pa noong mga bata kami. Isha is handful and could be anyone's nightmare kapag ginusto niya. Goodluck nalang sa asawa niya.

Nagulat ako sa naabutan kong tao sa loob ng opisina ko. Mark warned me na may bisita nga raw ako pero hindi ko akalain na magkikita kaming muli.

" Ian.."

" Miss Hannah Tuazon. What are you doing in my office?" maganda parin ito gaya ng dati. Ang kulot nitong buhok dati ay tuwid na ngayon, itim din ang kulay nito noon, brown na ngayon. Nagflash ang mukha ng babaeng kanina ay bumangga sa sasakyan ko. Mas maganda naman ang isang yon kahit simple lang.

" Done checking me out Ian?" nagbalik ang diwa ko ng magsalita siya.

" I see, some things never change Miss Tuazon. " grabe padin ang bilib niya sa sarili. " What can I do for you?"

" I'm here for business Ian and maybe to rekindle what we have before.." what is she talking about?

" I don't mind the business part Miss Tuazon but rekindle the what? May I remind you, there's no "We" before at ikaw mismo ang nagsabi sa'kin, na it was all for a dare, remember?" how dare this woman. Nabagok ba ang ulo niya?

" But Ian, matagal na yon, I was young back then, naive! Forgive me. Pwede bang magsimula tayong muli?" napaisip ako kung ano ba talaga ang kailangan niya. It's been what, 6 years? Why now?

" Make a proposal and send it to my assistant. I'll see what business could you offer to us. If you will excuse me, I have a lot of work to do." taboy ko sa kanya. Bilib din ako sa lakas ng loob niyang magpakita sakin.

" But .." protesta niya.

I called Mark para samahan siya palabas ng office ko.

" Umalis na ba?" tanong ko kay Mark.

" Ibang klase din ang ex mong iyon." Mark and I are college buddies at alam niya ang tungkol kay Hannah.

" Do a background check sa babaeng yon Mark. I want to know kung bakit all of a sudden ay nagpakita siya sakin."

" Bakit Pare, wala na bang spark? Malay mo naman, si Hannah talaga ang destiny mo.." sakit lang sa ulo ang babaeng yon.

" Magtrabaho ka nga lang Natividad! Yong meeting with Mr. Gomez." paalala ko sa kanya.

Natatawang lumabas ito ng office ko. He knows, I'm not into Hannah anymore. Pagkatapos ng panlolokong ginawa niya.

The next day bumyahe ako papunta sa bahay ni Mr. Gomez. He refused to settle things and he's insisting to talk to me. Pagbibigyan ko siya, para lang matapos na ang lahat ng ito. Ipinagtanong ko nalang kung nasaan ang bahay niya pagdating ko sa lugar nila. Nasa may looban pa daw ang bahay nila at hindi pwedeng makapasok ang sasakyan. Iniwan ko ang sasakyan ko at pinakiusapan ang dalawang binatilyo na naroon at nakatambay na bantayan iyon, inalok ko sila na babayaran pagbalik ko. Pumayag naman ang mga ito.

Napatingin ako sa mga bahay sa paligid, ang karamihan ay gawa sa pinagtagpi tagping kahoy, yero, plywood at trapal. Muli kong ipinagtanong ang bahay ni Mr. Gomez. Madali ko lang itong mahahanap ayon sa napagtanongan ko dahil ito lang daw ang pinakamaayos na bahay na naroon at may gate.

May dalawang lalaking lumabas mula sa gate nila Mr. Gomez. Tila nagmamadali ang mga ito, I have this bad feeling about them. Nakabukas ang gate nila at makikitang pati ang pintuan ay ganoon din, mas lalo akong kinutuban ng masama ng makita ko ang mga patak ng sa tingin ko ay dugo. I called Mark right away sensing danger asking him to send the Police dito kina Mr. Gomez. I was right he's lying near the stairs covered in blood.

" Mr. Gomez.." he groaned. I dialled Mark's number again asking for ambulance this time.

" Sir Ian.." tawag sakin ni Mr. Gomez. He recognized me.

" Wag na po muna kayong magsalita, help is on its way." umiling ito at senenyasan akong lumapit.

" Nanganganib ang buhay ng pamangkin ko. Tulungan mo si Claire, mangako kang hindi mo siya pababayaan. " may itinuro itong picture na naroon sa itaas. He hold on the collar of my shirt. " Mangako ka Sir Ian." may dugong lumabas sa bibig nito.

" Pangako po, I'll keep her safe." ngumiti siya sa akin saka pinikit ang mga mata.

He's dead.

When the Police came, kinunan nila ako ng statement at sinabi ko ang mga naabutan ko. Nakiusap rin sila kung pwedeng dumaan ako ng istasyon nila, I told them I'll go later. Inantay ko na dumating ang pamangkin ni Mr. Gomez. Kargo ng konsensiya ko kapag may mangyari sa pamangkin niya. Kinakailangan nilang dalhin ang katawan ni Mr. Gomez for autopsy.

" Nasaan si Tiyo? Anong nangyari sa kanya?" dumating ang isang umiiyak na babae na may buhat na batang lalaki. Siya marahil ang pamangkin ni Mr. Gomez.

" He's gone." napatingin sila sa akin.

" Ikaw!" halos magkasabay na sabi namin. Siya yong babaeng bumangga sa akin kahapon.

" Sino ka at anong ginawa mo sa Tiyong ko?" natakot marahil ang batang kalong niya, itinago nito ang mukha sa leeg niya.

" What are you talking about? Nagpunta ako dito para sana kausapin siya, my assistant called him yesterday at ngayon niya ako pinapunta. I'm Troy Adrian Rosales, ang Boss niya."

" Ikaw si Ian?" He knows me? Tumango ako.

" May dalawang kahinahinalang lalaking galing sa loob bahay n'yo, nakakita din ako ng mga patak ng dugo leading inside and when I entered, sugatan si Mr. Gomez. I called the ambulance pero hindi na sila umabot." muntik na itong mabuwal pagkarinig sa mga sinabi ko, mabuti nalang mabilis ang reflex ko. I hold her on her shoulders. She leaned on me for support. Tiningala ako ng bata saka nginitian, it warms my heart. Napakainosente ng mukha niya. Wala itong kaalam alam sa nangyayari.

" Paano na tayo ngayon Nate?" narinig kong sabi niya sa bata.

" Nanganganib daw ang buhay mo, Mr. Gomez make me promised to keep you safe. It was his dying wish." bahagya itong nagulat sa sinabi ko. I let her stand on her own.

" Bakit mo naman kami tutulungan? Hindi mo naman kami kaano ano." she said while glaring at me.

" Look Miss, I'm a man of honor and I'm true to my words, lalo na sa huling kahilingan ng isang taong naging mabuting empleyado ng kompanya namin. I know I'm a stranger pero ang mahalaga ngayon ay maging ligtas kayo lalo na at baka nasa paligid lang ang mga taong pumatay sa Tiyuhin mo. You won't risk your son's life, right?" nanlaki ang mata nito sa sinabi ko, maybe realizing na nasa panganib ang buhay ng anak niya.

Hindi na ito tumutol na sumama sa akin. Kumuha rin ito ng mga gamit nila. Dinala ko sila sa condo ko. It's the safest place I could think about. Mahigpit ang security at may mga Cctv sa paligid.

" Dito muna kayo, kailangan ko pang bumalik ng Police station and I need to buy some stock para may pagkain kayo." I was about to leave..

" Wala bang mas maliit dito? Masyadong sosyal ang lugar na ito, wala akong ibabayad sayo." I sighed.

" I owned this place. Wala kang dapat ipagalala." nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

" Babayaran kita, kapag nakahanap na ako ng pera." umiling ako.

" Look Miss.."

" C-claire ang pangalan ko." tumingin ito sa bata na nawiwili sa kakatingin sa paligid. " Siya naman si Nathan, Mister Rosales." napangiwi ako.

" Troy Adrian or Ian nalang, wag mo na munang isipin sa ngayon ang tungkol sa pagtira n'yo dito, wala namang gumagamit nito kaya wala kang dapat ipagalala. I'll go ahead, babalik din ako kaagad." nakita kong nakatingin ang bata sa Toycar na nakadisplay sa may Tv. Kinuha ko iyon at ibinigay sa kanya, agad naman siyang ngumiti kaya ginulo ko ang buhok niya.

" I- Ian.."

" Hmmm.." baling ko sa kanya. Bumuntonghininga ito.

" Si Tiyo nga pala.." tila maiiyak na naman ito.

" I'll take care of him too, don't worry." tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. " May mga pagkain sa kitchen, pakicheck nalang ang date baka expired na ang iba. You can cook if you want." tumango ito. Naglakad na ako papunta sa pinto.

" Ian.." ayaw niya yata akong paalisin." Salamat."

I smiled and left. She's really pretty. Then I remind myself, she has a son, baka may asawa na ito. All I need to do is help them sa ngayon.

Itutuloy....



Hi guys, I know it's been a while, nagpahinga muna talaga ako sa pagsusulat. Writers block striked. But I'm trying to get back haha. Sorry. Here you go, Ian's story.

Skycharm24♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...