Collide

By taleswithelle

9.9K 476 117

Caitlyn Lim thinks that as long as her feelings for Kade Montes, her boss, is under wraps, everything is goin... More

Foreword.
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15.
Chapter 16.

Chapter 6.

611 40 9
By taleswithelle

Hi! Follow me on my socials!

Instagram.com/taleswithelle

Facebook.com/taleswithelle


-


Hindi ako makagalaw. Tumayo si Theo at lumapit kay Kade. Kita ko na nakipag kamay si Theo kay Kade at atubili na tinanggap iyon ni Kade. The two of them looks like they fit to be in one place dahil pareho ang level nila at aura. Mula sa expensive and tailored suits to their looks and background.

"It's nice meeting you here. I am actually with Cait." Itinuro ako ni Theo.

Napatayo ako ng wala sa oras at humarap sa kanila. I saw how Kade's relaxed face became real serious habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

Well, maybe because we are technically Theo's client? Hindi pa man formal na nagkaka pirmahan pero one of these days ay magiging client na ang Montes Emperium ng Cyan Security Tech na ang papa ni Theo ang CEO. I don't know how involved Theo is in their business since mukhang may mga sariling side businesses rin sya but he's still a Lau.

God. Oo nga. May morality clause sa contract namin, but from what I remember ay solicitation naman iyon. Like, using physical contact or the likes in exchange for a favor, or suhol. And I am not doing either with Theo!

Lumapit ako sa kanila. "Good Evening, Sir." Magalang na bati ko sa kanya. Hindi ako makatingin ng straight dahil nahihiya ako. Baka pagalitan nya ako for being with Theo. Kahit mangatwiran man ako na alam ko na may 'physical' connection rin naman sila ni Laurie na assistant ni Mr. Lau ay sa akin pa rin ang mali.

He owns the company. He can do whatever he wants.

I am just an employee and I work directly under him.

"Kade, who are they?"

Sabay kaming tatlo na lumingon sa babae na kanina pa pala sa amin nakatingin. She's with Kade. Hindi pamilyar ang mukha nya pero hindi na ako nagtaka. He's Kade Montes. He can have any women he wants, at ganoon naman talaga ang nangyari. Kailangan kong itago ang disappointment ko na hindi ko mapigilan maramdaman tuwing nakikita o nalalaman ko na may bago syang dini-date.

Lumapit ang babae kay Kade at agad na ipinulupot ang mga braso nya sa braso ni Kade. Medyo revealing ang bodycon na suot ng babae. It looks elegant but too revealing for my taste. Mahaba at alon alon ang buhok ng babae. He's bare faced pero mukhang may make up sa kinis at puti. Kahit lipstick ay wala sya. Probably just a lip balm.

"This is Mr. Lau, I am doing business with his father. And this.." Kade paused nang bumaling na sya sa akin. "This is Ms. Lim. He's one of my assistant." Matigas ang tono ng pagsasalita nya nang ipakilala nya ako.

Inilahad ng babae ang kamay nya kay Theo. "Nice meeting you, Mr. Lau. I'm Sunday, Kade's date." She's giggling while saying so.

Nakipag kamay rin si Theo. "Call me Theo. Nice meeting you too, Sunday. I hope you two would enjoy it here."

"I heard this place kaya sinabi ko kay Kade na dito na lang kami. Ngayon lang sya nagka free time from his schedule. Magtatampo na nga ako." Ngumuso ang babae habang nakatingin kay Kade na matigas pa rin ang expression.

"I see. We'll leave you two. Enjoy!" Sabi na lang ni Theo tapos inakay nya na ako pabalik sa table namin.

I was really thankful na ang pwesto ko ay patalikod sa kanila. We continued eating. Natense ako kaya medyo nawala na ang appetite ko kahit na masarap ang pagkain pero nakakahiya kay Theo. Idinaan ko na lang sa kwento. Theo can be funny, kaya kahit papaano ay nabawasan ang pagka tense ko. Pigil ko ang paglingon kahit sobrang curious ko.

I can hear the woman's occasional loud giggles pero dahil medyo malayo ang agwat ng mga tables ay wala na akong narinig. So ganoon rin siguro sa amin sa kanila.

"I know it's late, but can I ask at least two more hours of your time?" Maya-maya ay tanong ni Theo.

Napakurap ako. By this time ay nawala na sa isip ko na nasa kabilang table lang si Kade at may ka date. Theo can be a good distraction, and I actually like him.

"Do you have another surprise?" Nakangiti na tanong ko.

"Well, I think you will be surprised.. If you can still spare me at least two more hours of your time." He then grinned at me.

Na-excite ako bigla. I am now looking forward to whatever it is that Theo wants me to see. We just stood up. Nang hindi nya na hiningi ang bill ay tsaka ko lang naalala na isa nga pala si Theo sa mga may-ari nito. I secretly giggled at the thought.

I reminded myself not to look or even take a glance at the next table. Inalalayan ako ni Theo hanggang sa makalabas na kami doon. He asked the woman at the front desk to call the valet to get his car kaya nang bumaba na kami ay sandal lang kaming naghintay.

He gave a tip to the valet and off we go.

"Thank you for taking me to your resto. The food is great and the ambiance was amazing. Lalo na 'yung aquarium floor! I can't believe I just dined like I'm in the middle of the ocean pero cozy ang lugar."

"I am glad you liked it. The next place we'll go to is a bit different but I also hope na magustuhan mo pa rin."

"Medyo mataas na ang approval rating mo based on the first place. I think magugustuhan ko rin 'yung next place." Confident na sabi ko.

The last place na alam ko mula sa dinaanan namin ay ang Sm Megamall. I don't know exactly know kung saan kami pupunta. The thrill is keeping me off the edge. Ngayon na lang ako nakaramdam ng ganito. Walang trabahong iniisip, relaxed tapos may good company.

Nakita ko na lang bigla na ang mga jeep na kasabay namin sa daan ay may ruta na Antipolo.

"We're going to Antipolo?" Takang tanong ko.

Ngumiti lang sya sa akin.

I laughed. "Wow, pa mysterious ka pa rin, ha?"

He continued driving. Medyo winding na 'yung road na dinadaanan namin tapos namangha ako sa view kasi kitang kita ko na nasa mataas na lugar kami kasi maliliit 'yung mga bahay at mga ilaw na nasa baba. Busy ako sa pagtingin ng view nang maramdaman ko na lumiko si Theo sa isang bakanteng lote na katabi ng isang bar na may mga kubo.

Nang makapasok na sa lote ang sasakyan nya ay ipinarada nya iyon patagilid malapit sa rails ng cliff. Sabay kaming bumaba tapos binuksan ni Theo ang likod ng sasakyan nya. Ramdam ko ang lamig ng hangin nang dumampi iyon sa balat ko. Nang lingunin ko si Theo ay napansin ko na may inilalabas sya mula sa likod ng kotse nya.

Natawa ako. Naglabas sya ng portable chairs and small table. Tapos kita kong may cooler sa likod ng sasakyan nya, he opened it at may mga inumin doon nan aka submerge sa yelo!

"Woah. What is this?" Natatawa na tanong ko.

"Well, instead of bringing you to a bar or club where we can't really talk, I hope you don't find this place too shady. This is one of my favorite places when I am in the Philippines. Medyo maingay nga lang 'yung katabing bar, but, hey, there's a lot of people so maraming witness if you think I'd do something bad." Malapad ang ngiti na sabi nya.

Ang lakas ng tawa ko. "Grabe! Lahat ba ng sinasama mo dito ganoon ang reaction?"

Umiling sya. "You're the first person I brought here. Even my friends don't know this place. Lupa ito ng pinsan ko. And he didn't know I go here when I want to be alone."

Parang nalaglag ang puso ko nang marealize ko na dinala ako ni Theo sa lugar na espesyal sa kanya. Sa lugar na wala pa syang ibang sinasama.

"Oh, I.. I don't know what to say." Ang sabi ko na lang.

Nagkamot sya ng ulo na parang nahihiya. "If you think that it's okay for us to have a few beers here.."

"Of course!" Mabilis na sagot ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at kumuha ng isang bote ng flavored beer. May nakasabit na bottle opener sa gilid ng cooler at ako na mismo ang nagbukas. Ganoon rin ang ginawa nya tapos umupo kami sa mga portable chairs na dala nya.

"I'm sorry, ha? When we first met in Macau, I thought you'd be the usual rich and 'I have it all' type of guy. Ang swabe mo kasi. Alam mo 'yun? You seemed so confident. But when we talked after that, I knew I was wrong." I took a gulp at the bottle. Nakaharap kaming dalawa sa city lights beneath us and it feels so damn relaxing.

"Thank you for being honest. The truth is, hindi ka naman nag-iisa. You share the first impression with other people. Most people don't know that we've been raised different. Kami ng mga kapatid ko. Tatlo kami, pangalawa ako. Our parents provided us just enough luxury growing up. They don't throw money at us, contrary to what most people believe. When we grauated, kanya kanya kami ng trabaho. Sure, pinahiram kami nila Mommy at Daddy ng capital for our businesses when they thought na ready na kami after getting experiences on the field pero kung nasaan man kami ngayon, it's all of our hardwork."

"Trust fund baby ka ba? I'm curious about it."

Malakas na tumawa si Theo. "Oo. Kami ng mga kapatid ko. We have a few millions in the bank pero we can only access it when we turned thirty five with the condition that our net worth should be worth at least three million or bigger."

"Wow. Your parents are really good at motivating you and your siblings." Natatawa na sabi ko.

"They may look cold pero they really love us. Gusto nila matuto kami sa sarili namin at hindi umasa sa kanila. I'm twenty eight right now, I still have a few years to access my trust fund but it's my goal na malampasan ko ang worth ng trust fund ko using my own ability. I still have a few years."

"Tingin ko naman kayang kaya mo."

"Thank you. But enough about me, I want to know things about you."

Nagkamot ako ng ulo. "Uhm ano ba gusto mo malaman?"

"Your family, what are the things you like, stuff like that."

"Panganay ako sa magkakapatid. Apat kami. My parents and other siblings are in the province. Ako lang ang naglakas loob na magtrabaho sa Manila. I was lucky na nakapasok ako sa Montes Emeprium. I really like it there."

"Seems like it. But for sure, medyo hectic ang trabaho."

"Oo. Pero if you like what you're doing, it won't really feel like you're working eh. That's how I see it." It feels nice na may nakakausap ako tungkol sa ganito.

"True. It seems that way to me, too."

"On my things that I like.. whew. First time may magtanong sa akin ng ganito."

Sabay kaming natawa.

"C'mon, tell me. I'd like to know the things you like, what you don't like. I am super interested."

"I like being in the beach, pero between the sea and pools, mas gusto ko mag swimming o maligo sa pool. Pakiramdam ko may hihila sa akin sa ilalim kahit marunong ako lumangoy. Tapos gusto ko rin ng mga sweets. Hindi naman palagi, pero may mga times na kapag nag crave ako ng matamis, literal na marami ako kumain ng chocolates, candies or mga cakes and pastries."

"We can go to a dessert buffet next time. I know one."

"One time pa lang ako nakapunta sa isang dessert buffet and I like it!" Bulalas ko.

Nag thumbs up sya sa akin. "Okay, dessert buffet, added to our next date's intenirary."

"You really are a confident person."

"Pakiramdam ko lang masusundan pa itong date natin.." He said, grinning.

"Ikaw? Do you just like eating the fancy things?"

"Of course not! I already tried eating a few street foods and I kind of liked it. I just don't really see many place na sanitary enough selling them." Medyo defensive na sabi nya.

"Some restaurants sell them, you know? But the thing is, bawas na 'yung authenticity kasi they are called streetfoods because they are street foods!"

In the end ay pasado alas dose na kami nagkaayan umuwi. Halos tatlong oras kaming nandoon. May mga snacks rin kasi sa sasakyan ni Theo at inasar ko pa nga sya na bahay nya na 'yata ang sasakyan nya. Dahil wala naman traffic ay bago mag alas dos, naka akyat na ako sa condo.






Tuesday ng before lunch ay itinapon ko na ang mga bulaklak. Monday pa lang ay medyo lanta na sila pero pinilit ko pa rin na kahit Tuesday ay naka display pa rin sila. Gusto kong matawa kasi ayoko pa sila itapon pero hanggang doon na lang sila, eh. I don't know when I'll have flower displays in my office.

Madali lang bumili pero mas maganda kung bigay.

May team meeting kami that afternoon. The whole time ay medyo on edge ang lahat dahil parang bad mood si Kade. Kahapon pa lang ay mukhang bad mood na sya. He's not the cheerful type pero alam naming lahat kung dapat ba kaming mag extra careful kapag nagsusungit sya.

"Ms. Alonzo, the report you sent me has double page four and no page five. I hope you will double check before sending them to me. Send me page five before the day ends." Lahat kami ay nasa harap nya pero sa laptop nya sya nakaharap na parang may iba syang ginagawa.

"Y-Yes, Sir." Mukhang ninenerbyos na sagot ni Elaine. Nagkatinginan din kaming lahat.

"Mr. Reyes, I haven't heard anything from the legal team regarding the clause I wanted to add at the contract for the employees in the port. It's been a week." Sunod na sabi nya.

"Ah, S-Sir, Attorney Lucian said that he will give me an update this week."

"I already heard that last week. Ganoon pa rin this week? Do I need to go to the legal team's office personally myself para may malaman na update?" He sounded angry now. Inangat nya ang mukha nya at tiningnan kami isa isa.

I saw Emil swallowed. "N-No, Sir! I'll personally go to their office para magtanong ng update." Mabilis at halatang kinakabahan na sabi nya.

"I want an update before the day ends." Matigas na sagot ni Kade.

"Yes, Sir!"

"That's it for now." Nang sabihin nya iyon ay mabilis kaming kumilos para lumabas na. "Ms. Lim, stay. We have to talk."

Napatigil ang lahat nang magsalita ulit si Kade. Napakurap ako sa gulat.

"A-Ako?" Confused na tanong ko at itinuro ang sarili ko.

Tiningnan ako ng masama ni Kade. "Is there another Ms. Lim here that I don't know of?" Masungit pa rin na tanong nya.

I swallowed. Ako nga.

"Everyone can go now."

Mabibilis silang kumilos at lumabas na. I stayed there standing, not knowing what to do. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hindi ako sa harap ng iba mapapagalitan and I feel kind of special pero hindi rin mawala sa isip ko nab aka sobrang laki pala ng nagawa kong mali kaya kailangan na mag-isa nya lang ako kausapin.

I stood there waiting for him to talk to me. Busy pa sya sa kung anong ginagawa nya sa laptop nya. The silence is swallowing us both at tanging tunog ng pagtipa nya sa keyboard ng laptop nya lang ang naririnig namin sa loob ng malaking kwarto na iyon.

"Sir?" Kinakabahan na untag ko sa kanya. Hindi na ako mapakali. Knowing that I am breathing the same air as Kade Montes in the same room makes me feel really anxious. Nagwawala na naman ang mga internal organs ko. I am trying to keep it under wraps as I can.

Idagdag pa na kinakabahan ako sa kung ano man ang dahilan kung bakit nya ako pinaiwan.

Unti-unti nyang inangat ang mukha nya at nagtama ang mga mata namin. Parang may lazer na tumama sa mga mata ko at para akong nasilaw. Isinara nya ang laptop nya at umayos ng tayo sa harap ko.

"I need you to cancel any appointments you have this weekend. You need to come with me to Puerto Galera and assist me in looking and visiting the potential properties I would buy for the travel and tours company we would be launching next year." He looked so serious. Sanay naman ako na ganito sya kahit noon pa. Isa nga iyon sa ikinatuwa ko kasi ang pagiging medyo seryoso at masungit nya ang isa sa mga reason kung bakit nagagawa ko pang maging professional kapag kaharap sya.

But when I saw his vulnerable side when he was sick, tapos binigyan nya pa ako ng bulaklak bilang pasasalamat, I somehow saw him as a normal person. Na parang naabot ko sya kahit sandali lang. He's too far from me to reach yet somehow, I was able to catch up at that moment.

And now that he's back to being cold and unreachable, nalito na ako. Sandaling nawala sa isip ko na ito ang normal.

"B-Bakit.. ako po, Sir? I mean.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita kong tumaas na ang kilay nya. I was about to say na si Ninang Angelou ang dapat na isama nya dahil sya naman talaga ang dapat na kasama sa mga ganyang appointments.

I am the youngest and I mostly do office errands, assisting Ninang Angelou and accompany Kade on other rather small scale business meetings and transactions. The one he was talking about is a big scale business stuff.

"Bakit hindi ikaw, Ms. Lim?" He tilted his head a little to his left, waiting for me to answer.

Napalunok na naman ako. Pakiramdam ko ay nasa hotseat ako. "S-Sorry, Sir. Go on.." Shit. This is the last thing I need to do right now. Wala akong balak na mapatalsik sa trabaho ko kaya kailangan ko iisang tabi ang personal na issue ko ngayon.

"We will leave this Friday and we'll be there until Monday. Book us a hotel. I'll send you all of the details in the email." May finality na sabi nya.

Tumango ako kahit na sobrang labag sa loob ko. Constant fear ko kasi na hindi ko alam kung kailan ako papalya tuwing ako ang kasama ni Kade sa mga official na lakad nya. True, I've done it well in the last two years but that's because bihirang bihira na ako ang isama nya or hindi kami usually solo lang like the last time in Macau.

Tapos ngayon sa Puerto Gallera.

"Alright, Sir." Siniglahan ko ang boses ko.

"Good. You may go."

Nang marinig ko ang magic words ay parang may humahabol na kung ano sa akin na mabilis akong lumabas mula sa conference room na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

54.6K 2.8K 50
The Rajputs well known as the most powerful and devil's for the people who tries to messed up with them people got goosebumps just by listening to th...
89.4K 3.8K 24
Book #1 of DESTINY'S ALIGNMENT SERIES *ο½₯゚゚ο½₯*:.q..q.:*゚:*:βœΌβœΏγ€€γ€€πŸͺ„ "Shut up" "Your lips please ma'am" "What do you want? " "You, your love " "What...
Cecilia By Anastasia

General Fiction

27.2K 639 26
Cecilia's father, a well-known and successful lawyer, was tired of her problems. Tired of the issues she had been causing for the family and it's nam...
Sarkaar By eira

General Fiction

89K 6.7K 38
The book contain painful and horrifying visual in book read at your risk This my first time story based on india in 1970s. This story deal with the...